Sa loob ng restawran, namumula ang kompleksyon at bumibilis ang paghinga ni Fiona Lewis sa sobrang galit. Hindi siya kukutyain at mamaliitin sa nagdaang limang taon kung hindi dahil kay Fane Woods. Kasalanan itong lahat ni Fane Woods. Nangyari ang lahat ng ito ng dahil sa kanyang walang kwentang manugang. Sa isang iglap, naging napakabigat ng tensyon! Naisip ni Fiona sina Young Master Clark at Young Master Wilson, mga young master ng mga mayayamang second-class na pamilya na mas mayaman pa kaysa sa pamilyang Taylor. Habang naiisip niya ang 50 milyon na handang ibigay ni Young Master Wilson bilang dote, ang tanging hinihiling niya ngayon ay ang palayasin ang pesteng dating sundalo na nasa kanyang harapan. Hindi niya nagustuhan kung paanong pinagsamantalahan ng pesteng lalaking ito ang kanyang lasing na anak sa gabi ng kanilang kasal at hindi niya ito kailanman mapapatawad. Sa dami ng nakatingin sa kanya ngayon, gusto niyang makita kung paano tatapusin ni Fane ang bagay na it
"Grabe, busog na busog ako. Napakasarap ng mga ito. Ang tagal ko nang hindi nakakakain ng ganito kasasarap na pagkain!" Kumain ng marami si Fiona. Labis siyang nagdusa nitong nagdaang limang taon. Ang lahat ng iyon ay dahil sa bastardong si Fane Woods. Hindi lang sa siya ang dahilan sa pagpapalayas kay Selena sa pamilyang Taylor, kahit na silang matatanda ay magkasamang nagdusa. Limang taon na ang nakalipas, hindi siya nakakain ng engrandeng hapunan kagaya nito sa loob ng limang taon! Wala siyang pakialam kung mayroon o walang pambayad ng bill si Fane. Hindi naman siya ang mapapahiya. At saka, wala namang nagsabi kay Fane na umarteng mayaman at manlibre. "Wow, nakakainggit! Hula ko ay nasa 200 libo ang bill ng table na iyon! Iyon ang pinakamahal na red wine na maaaring bilhin dito!" Karamihan sa mga tao sa mga mesa na nakapaligid sa kanila ay hindi pa umaalis, maraming tao ang nakatingin sa masasarap na putahe na nasa mesa at inggit na inggit. "Napakarami talaga nito. Lalo
"Magaling, Fane Woods. Hindi ba ang yabang mo kanina at sabi mo kaya mong bayaran ang bill? Hindi ba ikaw ang nagsabi na umorder ako ng kahit na anong gusto ko? Inaamin mo na ngayon na wala ka talagang pera, hindi ba?" "Kung wala kang pera, bakit ka nagyabang nang mas mataas sa iyong kakayahan para lang pamanghain kami? Selena, tignan mo ito. Ito ba ang taong talagang nararapat na ikasal sa iyo?" Galit na galit si Fiona sa mga sandaling iyon. Hinila niya si Andrew Taylor at nagsabing, "Tara na, umalis na tayo. Iwanan na natin siya dito at tignan kung paano niya aayusin ang bagay na ito. Dapat lang sa kanya iyan kahit na mamatay pa siya. Bakit ka aarteng mayaman kung wala ka namang pera?" "Fane, talagang dinismaya mo kami!" Galit na galit rin si Andrew. "Sabihin mo na lang ang totoo na wala ka talagang pera. Hindi sana kami mapapahiya. Sinabi mo na may pera ka pero wala naman at ginusto mo pa kaming ilibre ng hapunan. Paano namin ibibigay ang aming anak sa isang taong kagaya mo?
"Patingin, patingin ako…" Kinuha rin ni Andrew ang menu at tinitigan ito nang maingat. Nandilim ang kanyang mukha pagkatapos niya itong tignan. "Kanina ay apat na zero lang ito. Bakit limang zero na ito ngayon?" "Haha, malabo na ba ang mga mata niyo? Matagal na itong limang zero, baka mali lang kayo ng nakita!" Sabi ng matabang manager habang nakangiti, "Kahit na anong mangyari, kailangan niyong magbayad ngayon na umorder kayo!" Kumislap ang mga mata ni Fiona at nagsalitang muli pagkatapos niyang mag-isip, "Labas na kami dito. Si Fane Woods, siya ang nanlibre sa amin ng hapunan. Maaari na kaming umalis, hindi ba? Siya na lang ang habulin niyo!" Pagkatapos niyang magsalita, kinumpasan niya sina Selena at ang iba pa na umalis na. Para naman kay Fane? Ginusto niya ito. Ito ay higit sa apat na milyon at maiintindihan talaga na hindi ito mababayaran ni Fane. Kahit na hindi pa ito umabot sa apat na milyon, posible na wala ring pera si Fane na pambayad ng mga nasa apat na raang li
Sa huli, mayroon pa ring impluwensya ang Taylor family. Siguro ay may mangyayari kung gagamitin niya ang pangalan ng Taylor family. Sa sandaling marinig ito ng manager, kaagad siyang kumumpas para tigilan ang lahat at nakangiting nagsabi, "Mula sa Taylor family? Ikaw siguro si Selena Taylor. Kung ganoon, maaari kang makiusap sa aming boss at tignan natin kung maaayos natin ang isyung ito!" "Sino ang boss niyo?" Kaagad na kumunot ang noo ni Fane nang marinig niya ito at nakaramdam siya ng kaunting pagdududa. Isang tingin sa sitwasyon na ito, mukhang alam ng kabilang partido na naririto si Selena at ito ay sadya nilang ginawa para manggulo kina Fane at sa iba pa nilang kasama. "Haha, lalaki, wala kang karapatan na malaman kung sino ang aming boss!" Tumawang muli ang matabang manager bago muling magsabi, "Miss Taylor, nasa loob ang boss namin. Kausapin mo siya. Naniniwala ako na baka hahayaan niya na lang ang sitwasyong ito para sa iyo!" "Oh… Sige!" Kumunot ang noo ni Selena
Habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng pribadong kwarto, medyo nag-aalinlangan si Selena Taylor. May kutob siya na ang bagay na ito ay planado. Nakita niya ang menu, ang pinakamamahaling red wine ay dalawampung libo isang bote, paano ito naging dalawandaang libo? Higit pa riyan, pamilyar ang taong nasa loob ng pribadong kwarto na ito. Lalo siyang nabahala dahil dito. Kung ang taong ito ay isang pamilyar na tao, bakit nila.ito kinausap sa ganitong paraan? Subalit, kung hindi siya papasok sa silid, anong mangyayari kay Kylie kapag hindi sila makaalis sa lugar na ito? Si Fane ay nasa militar aa loob ng ilang taon at tila ba ganadong makipaglaban. Hindi problema sa kanya ang magpatumba ng dalawa o tatlong tao. Subalit, ang kabilang panig ay maraming tao, isang dosena. Hindi sila mukhang pangkaraniwang gangster na makikita mo sa kanto. Kahit gaano pa kagaling si Fane, mahirap na lumaban nang lugi sa bilang ng tao. Ayon sa timpi ni Fane, mas malaking problema kung lalabanan niy
Subalit, hindi siya kailanman sinagot at binigyan ng pag-asa ni Selena. Sinong mag-aakala na ang taong ito ay mandadaya para lamang makita siya nang isang beses sa pagkakataong ito. "Sige, nasabi ko na ang mga dapat kong sabihin. Hinihintay pa ako ng mga magulang ko sa baba! Ang wine ay dapat pa ring maghalagang dalawampung libo isang bote at ang kabuoan ay dapat nagkakajalagang apat na daan at walompung libo. Kukunin namin ang natitirang labinwalong bote na hindi pa namin nabubuksan!" Sinabi ni Selena ang huli niyang mga salita, tumalikod, binuksan ang pinto at naghandang lumabas. "Sandali!" Kung kailan bubuksan na niya ang pinto, tumayo si Michael. "Selena, tingin mo ba na ang walang kwentang bata na iyon ay may sapat na pera para makapagbigay ng apat na daan at walumpung libo? "Naniniwala ako na makakakuha siya ng pera. Kahit na hindi siya kasingyaman mo, hindi siya magsisinungaling sa akin!" Galit na sinabi ni Selena. "Hahaha, Selena, pasensya ka na. Sa tingin mo nagb
Nang maamoy ang masarap na amoy mula sa katawan ni Selena, nagalak si Michael. Gustong-gusto niyang itulak sa sahig si Selena. Naamoy ni Selena si Michael na balot na balot ng amoy ng alak at nakaramdam ng bugso ng pandidiri. Kaagad niya itong itinulak palayo, "Michael, sinasabi ko sayo, sumosobra ka na!" Matapos matulak si Michael, hindi pa siya nakuntento. Sa loob ng maraming taon, inaying niya ang babaeng ito, nang napakatagal. Sayang at hindi niya man lang nahawakan ang kamay nito. Kanina lang, talagang nahawakan niya ang baywang nito. Pakiramdam niya siya ay nasa isang panaginip at ayaw na niyang magising. "Hehe, sumosobra na ba ako?" Ngumiti si Wilson at iniunat ang kanyang kanyang mga kamay, "Syempre, sa kabila ng lahat, ikaw ang babaeng gusto ko at iginagalang kita nang lubos. Kaya, kailangan mo lamang bayaran ang apat na raan at walong milyon sa akin para sa pagkain at kaagad kitang palalayain. Subalit, kung di ka makakapagbigay ng pera, di mo talaga ako masisisi