Share

Kabanata 11

"Bagay sayo yung mga damit, honey. Nagustuhan mo ba? Bibilhin natin yan kung nagustuhan mo!"

Hindi na nangahas pa ang dalawang saleswoman na maliitin si Fane. Tumayo na lamang sila sa isang tabi at nanahimik.

Namula ang mukha ni Selena nung marinig niya ang sinabi ni Fane. Hindi pa rin siya sanay sa tawag na 'Honey'.

"Namamahalan pa rin ako sa presyo niyan!"

Sa oras na yun, nakapagbihis na uli ng damit si Selena. Tiningnan niya ang tatlong damit at nakangiting nagsalita. "It's the thought that counts. Okay na yung isang damit lang, hindi ko na kailangan ng marami!"

"Hehe, aminin niyo na lang na mahirap kayo at tigilan niyo na yung pagpapanggap. Huwag niyong isipin na makakaalis pa kayo sa store na to kapag hindi kayo nakapagbayad!" Ngumisi sa kanila ang mayamang si Sister Karen.

Natuwa ang mga saleswoman nung marinig nila ang sinabi ni Sister Karen. 'Napakayabang ng mga pulubi na to. Tingnan natin kung anong gagawin niyo ngayon.'

Ngunit, sa hindi inaasahan, inabot ni Fane ang tatlong damit sa saleswoman na sinampal niya kanina. "Pakibalot na tong mga to!"

"Bibilhin niyo talaga to? Halos two hundred thousand yung total nito…" Ang natanong ng saleswoman dahil sa kanyang pagkabigla, pagkatapos ay ginabayan niya si Fane, at sinabing, "Sir, dito po tayo!"

Sinundan ni Fane ang saleswoman at inilabas ang isang gold card. Puro walo ang numero na nakasulat sa card.

"Ano to? Gumagana ba to?" Sumimangot ang saleswoman at hindi niya napigilang magsalita.

Ito ang unang beses na may nakita siyang ganitong card.

"Bakit ba tanong ka ng tanong? Password-free yan para sa mga payment na mababa sa ten billion!"

Naiinip na tumingin sa saleswoman si Fane, pagkatapos kumaway siya kay Selena na naghihintay sa kanya.

Hngh!

Huminga ng malalim ang saleswoman. Iniisip pa rin niya na nagsisinungaling si Fane. Kahit na ang pinakamataas na black card ay alam niya ay limitado sa mga password-free transaction na mababa sa sampung milyon.

Habang ang taong to naman, sinasabi na pwede sa mga password-free na transaction na mababa sa sampung bilyon ang card niya? Paano siya makakasiguro na hindi nagsisinungaling si Fane?

Pero, pinilit na lang niyang ngumiti at pinadaan ang card sa reader.

Sa hindi inaasahan, agad na pumasok ang transaction!

"Oh my god, totoo yung sinasabi niya?"

Napalunok na lang ang magandang saleswoman. Kahit na nagsisinungaling siya, may kakayahan pa rin yung card niya na magproseso ng mga password-free transaction na may ganun kalaking halaga. Siguradong pambihira ang taong to.

Higit pa dito, siguradong maituturing na mas importante pa sa mga VIP sa mga banko ang ganitong klaseng customer.

"Sir, heto na po. Balik po kayo!"

Bihira silang makakilala ng ganito kayaman na customer. Magalang na ibinalik ng saleswoman ang card kay Fane at yumuko.

"Anong problema? Kanina lang minamaliit niyo kami dahil sa mahirap kami di ba? Ngayon gusto mong bumalik kami?" Ngumiti lang si Fane habang kinukuha ang card niya.

"Isa lang yung di pagkakaintindihan. Hindi ko inasahan na low profile lang talaga kayo!"

Ang nakangiting sagot ng saleswoman at dagdag pa nito, "Kung araw-araw kayong bibili dito, ayos lang kahit sampalin mo ako uli!"

Kung sabagay, malaki ang komisyon na nakuha nila sa tatlong damit na yun. Lalong-lalo na dun sa damit na may presyong higit pa sa isang daang libo. Kaunti lang ang may kakayahang bilhin ang damit na yun.

Hindi na nagpaabala pa sa kanya si Fane. Pagkatapos nito, lumapit si Fane kay Selena at Joan. "Tara na. Ma, hahanap tayo ng babagay sayo sa ibang store!"

"Seryoso ka ba? Nakapagbayad ka talaga?"

Naghihintay si Sister Karen sa may tapat ng pinto. Naguluhan siya nung makita niya na masayang inihatid ng saleswoman si Fane palabas ng store.

Kahit na mayaman siya, manghihinayang pa rin siya na gumastos ng dalawang daang libo sa isang bagsakan.

Bukod pa dun, marami siyang sinabi na masasakit na salita.

"Hindi humaharang sa daan ang mabuting aso! Tabi!" Ang sabi ni Fane sa mga bodyguard ni Sister Karen nung makarating siya sa tapat ng pinto.

"Napakahambog mo bata!"

Nagalit ang pinuno ng mga bodyguard. Sinubukan niyang suntukin sa mukha si Fane.

Bang!

Subalit, tumilapon siya agad at bumagsak sa sahig.

"Ano to?"

Nagulat ang iba pang mga bodyguard. Nakita nila kung gaano siya kalakas.

"Anong tinatanga-tanga niyo diyan? Sugurin niyo siya! Bwisit, ang lakas ng loob niya na saktan ang mga tauhan ko. Isa yung kawalan ng galang sakin, si Sister Karen!" Sumenyas si Sister Karen sa kanyang mga bodyguard. Nanggalaiti siya matapos niyang makita ang ginawa ni Fane.

Bang, bang, bang!

Hindi niya inasahan ang mga sumunod na pangyayari. Bumulagta sa lapag ang lahat ng mga bodyguard niya na dumaan sa espesyal na pagsasanay. Hindi man lang nila nadungisan ang damit ni Fane.

"Gusto mo bang subukan Sister Karen?"

Tumingin ng masama si Fane kay Sister Karen habang inaanyayahan itong lumapit.

"Hindi lang tayo nagkaintindihan. Sa tingin ko napakalakas mo. Gusto mo bang maging bodyguard ko? Babayaran kita!"

Ngumiti si Sister Karen. Kung yung mga bodyguard niya walang laban kay Fane, paano pa siya? Siguradong patay siya sa isang sipa lang.

"Maging bodyguard mo? Hehe, masyadong mataas tingin mo sa sarili mo!"

Para kaya Fane, isang malaking kalokohan ang inalok sa kanya ni Sister Karen. Siya, ang Supreme Warrior, ang master ng Nine Gods of War, at ang hindi mabilang na kontribusyon niya sa digmaan, ay magiging bodyguard lang ng kung sino?

"Anak, tara na!"

Takot na takot si Joan. Ngayon lang siya nakakita ng ganito.

Subalit, talagang kamangha-mangha ang lakas ng kanyang anak. Walang laban sa kanya ang mga bodyguard na yun.

"Tara na. Babagay sayo yung mga damit sa store na yun ma…"

"Huwag na. Malaki na nagastos mo. Huwag mong ubusin yung pera mo!"

"Ayos lang yan Ma. Gusto kang bilhan ng damit ng anak mo. Hindi ba't tama naman yun?"

Makalipas ang ilang sandali, may natanggap na tawag si Selena.

Sumama ang itsura ni Selena pagkatapos niyang sagutin ang tawag.

"Anong problema honey?!" Agad na nagtanong si Fane nung makita niya ang reaksyon ni Selena.

"Binugbog mo ba si Ivan Taylor?"

Masama ang loob ni Selena. Bago pa man makapag paliwanag si Fane, pinagalitan siya ni Selena. "Bakit ba ang hilig mong makipag-away? Oo, magaling ka. Napakalakas mo na ngayon pagkatapos mong maging sundalo ng ilang taon, di ba? Bubugbugin mo kahit sinong gumawa ng masama sayo, di ba?"

"Hayy, Tingnan mo nga sarili mo Fane. Hindi natin kayang kalabanin si Ivan. Napakakitid ng pag-iisip nun. Ngayong may ginawa kang masama sa kanya, hindi niya tayo patatahimikin!"

Bumuntong hininga si Joan. "Si Ivan ang dahilan kung bakit hindi makahanap ng trabaho si Selena. Siya ang direktor ng Taylor Group. Sa isang salita niya lang, sinong magtatangkang bigyan ng trabaho si Selena?"

"Pero dapat lang sa kanya yun. Kung lang dahil sa miyembro siya ng Taylor family at pinsan siya ni Selena, baka pinatay ko na siya!"

Naging seryoso si Fane at sinabing, "Yung bwisit na yun. Nung pagbalik ko, hindi ko alam na pinalayas ka sa Taylor Family. Nakita ko si Ivan at sinubukan niyang ipakain kay Kylie yung mga tinapay na tinapaktapakan niya. Paano ko mapapalampas yun!?“

"Ano?!"

Nagulat si Selena nung marinig niya yun. "Yung bwisit na yun. Sobra na yung ginagawa niya. Ang lakas ng loob niya na gawin yun kay Kylie."

Pagkatapos niyang sabihin yun, tumingin siya kay Fane at napagtanto niya na nagkamali siya sa panghuhusga niya sa kanya. "Pasensya na. Hindi ko alam na yun yung dahilan kaya binugbog mo si Ivan. Pero, galit na galit si Lolo ngayon at pinapatawag niya tayo. Papunta na yung mga magulang ko dun. Pinagmamadali nila tayo."

"Anong dapat nating ikatakot? Kasalanan naman nila. Hindi ko pa nga nakokompronta sa pagpapalayas nila sa inyo sa Taylor family!"

Suminghal si Fane at sinabing, "Tara na!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status