Share

Kabanata 4

Author: Moneto
“Anim na minuto na lang ang natitira. Paalisin niyo na ang mga tao dito. Huwag na kayong magtangka pa na maningil ng bayad!”

Tumingin ng masama si Fane sa mga natitirang tao sa lugar.

Kahit na malakas din sila, wala silang kwenta kumpara kay Black Dragon. Walang sinuman sa kanila ang nagtangkang tumingin sa mga mata ni Fane.

“Umalis na kayong lahat!”

Agad silang nagsisigaw para paalisin ang mga panauhin sa lugar. Halatang natakot ang iba pang mga panauhin sa mga pangyayari at kumaripas sila ng takbo sa takot na baka matulad sila kay Black Dragon.

Hindi nila nakita kung paano namatay si Black Dragon. Para bang may kababalaghang nangyari.

Wala pang isang minuto, wala nang mga panauhin sa bathhouse maliban sa kanila Fane.

Isang kaakit-akit na tagapagsilbing babae ang dahan-dahang lumapit sa kanila Fane pagkatapos itong senyasan ng mga bouncer at nanginginig na nagtanong, “Sir, w-w-wala nang mga panauhin sa lugar. Paano namin kayo mapagsisilbihan?”

“Kumuha ka ng mamahaling damit at masasarap na pagkain para sa anak ko. Kung hindi, huwag ka nang umasa na makakalabas ka pa dito ng buhay!”

Dinala ni Fane si Kylie sa loob ng bathhouse, dahilan para mamutla ang mga tagapagsilbi at bouncer ng bathhouse.

“Masusunod sir. Huwag kayong mag-alala, ihahanda na namin ang lahat!”

Agad na nahimasmasan ang tagapagsilbi at yumuko. Dinala ni Fane sa paliguan si Kylie at hinubad ang maduming damit ng bata. May makikitang mga peklat sa balat ng kanyang anak. Kumibot ang mga labi ni Fane. Nahalata ni Fane ang nararamdamang takot ni Kylie.

“Natakot ka ba kay daddy Kylie?”

Ngumiti si Fane kay Kylie, halos maluha siya habang tinitingnan ang kanyang anak.

“Ang galing mo daddy, kaso nakakatakot ka din!” Nagtakip ng mukha si Kylie, pagkatapos ay dahan-dahang sinilip ang kanyang ama.

“Nakakatakot?”

Napahinto si Fane. Apat na taong gulang pa lang si Kylie. Wala pang kamuwang-muwang ang anak niya, pero nagawa pa rin niyang manakit at pumatay sa harap mismo ng bata.

Para kay Fane, walang pinagkaiba ang pagpatay sa isang tao at ang pagkain o pag-inom.

Subalit, para kay Kylie, ito ay...

“Sige. Mula ngayon, hindi na magiging nakakatakot si daddy. Pero, masasamang tao yung mga yun at dapat lang silang parusahan!”

Dahan-dahang binanlawan ni Fane si Kylie. “Mula ngayon, sisiguraduhin ko na magiging maayos ang buhay mo at ng nanay mo. Magiging maayos ang buhay mo Kylie, gaya ng ibang mga bata!”

Tila naguguluhan ang batang babae.

Napangiti si Shauna habang pinapanood ang mag-ama. “Master, gusto mo bang tawagan si Miss Selena? Siguradong matutuwa siya kapag nalaman niyang nakabalik ka na!”

“Hindi na kailangan. Pupuntahan din naman natin siya!”

“Shauna, mula ngayon, ipagpapatuloy mo ang pag-aalaga at pagsisilbi kay Selena at Kylie. Huwag kang mag-alala, hindi ko titipirin ang sahod mo!”

“Oo nga pala, ang dinig ko malaki ang pensyon ng mga retiradong sundalo. Sabi sa mga balita nasa sampu hanggang dalawampung libo ang pinakamababa. Gaano ba kalaki ang nakuha mong pensyon master?”

Biglang may naisip si Shauna at tumawa. “Malapit ako kay Miss Selena. Masaya akong alagaan si Miss Selena. Yung sahod naman, ayos na ako basta sapat yung sahod ko para mabuhay!”

“Hehe. Huwag kang mag-alala, ayos naman ang ipapasahod ko sa’yo!”

Tinawanan lang ito ni Fane. Balewala sa kanya ang pera. Kaya niyang palitan ang pinakamayamang tao sa Middle Province kung gugustuhin niya.

Napaisip si Shauna at muling nagsalita. "Oo nga pala, Master Fane, Taylor ang apelyido ni Kylie. Alam ng mga biyenan mo ang dati mong katayuan at inisip nila na patay ka na…"

"Oh…" Ang sagot ni Fane. "Ayos lang yun. Anak namin siya ni Selena!"

Nagmamadaling dinala ng tagapagsilbing babae ang masasarap na pagkain at ang isang princess-styled na kasuotan para kay Kylie. Inilapag niya ito sa isang tabi at dahan-dahan na lumabas ng silid.

Maririnig ang pagkalam ng sikmura ni Kylie dahil sa sobrang gutom.

Pagkatapos niyang maligo, tahimik na kumain si Kylie.

Dahan-dahan na hinipo ni Fane ang mukha ni Kylie habang pinapanood niya ito na lamunin ang kanyang pagkain, at sinabing, "Pasaway kang bata ka. Dahan-dahan sa pagkain! Pagkatapos mo, pupuntahan natin ang mommy mo!"

Pagkatapis kumain ni Kylie, dinampot niya ang natirang dalawang hiwa ng cake.

"Daddy, gu-gusto kong iuwi 'to kay mommy at lola!"

Tumingin siya kay Fane at nagtanong, "Pwede ba?"

Hindi makapagsalita si Fane. Tila natakot sa kanya si Kylie dahil sa mga naging laban niya kanina.

"Syempre naman! Kung yan ang magpapasaya sa'yo!"

Muling kinarga ni Fane si Kylie at naghanda na sila para umalis.

Subalit, bago pa man sila makarating sa pinto, huminto ang isang Audi sa tapat mismo ng bathhouse. Bumaba ang isang lalaking kalbo mula sa nakaparadang sasakyan.

Nakakatakot ang mukha ng lalaki at kapansin-pansin ang malaking peklat sa kanyang mukha. Napakatalim ng kanyang mga titig.

Hindi mapigilan ng isa sa mga tagapagsilbi na bumulong. "Ayos 'to. Nandito na ang pinakamalakas na tauhan ng pamilyang Clark. Hahaha, tapos kang bata ka!"

"Tama yun. Galit na galit si Master Clark nung malaman niya yung nangyari kaya pinadala niya si Dan Jameson para lumpuhin yung batang yun."

Ang bulong ng isang guwardiya habang pinapanood ang mga pangyayari sa isang sulok.

"Nasaan siya?"

Lumapit si Dan kay Fane pagkatapos niyang magtanung-tanong.

"Mukhang malakas ka bata. Lalo na't nagawang mong patayin si Black Dragon!"

"Pero, dito na nagtatapos ang maliligayang araw mo!" Ang sabi ni Dan habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

"Kung gugustuhin ko, kaya kitang patayin sa loob lang ng tatlong segundo!"

Tumingin si Fane sa kanyang kalaban at pagkatapos ay tumingin siya kay Kylie. "Pero, kasama ko ang anak ko. Ayaw ko siyang takutin. Bakit hindi na lang tayo magbunong-braso?"

"Bunong-braso?"

Nagulat si Dan. "Tingin mo ba nagpunta ako dito para makipaglaro sa'yo?"

"Hehe, syempre alam kong hindi ka makikipaglaro. Kasasabi mo lang na gusto akong lumpuhin ng amo mo, di ba?"

"Ganito na lang. Kapag nanalo ka, ako mismo ang lulumpo sa sarili ko!"

"Pero kapag natalo ka, puputulin mo ang isa sa mga daliri mo!"

Humalakhak si Fane. Dahil sa mga naranasang pagpatay ni Fane, sa isang tingin lang, alam na niya agad na napakabagsik ng kanyang kalaban.

"Nakakatuwa ka bata!"

Ngumiti si Dan at naglakad papunta sa isang mesa. "Tara dito bata. Tutal gusto mong maglaro, makikipaglaro ako sa'yo!"

"Shauna, hawakan mo muna si Kylie!"

Iniabot ni Fane si Kylie kay Shauna.

Agad na nagsalikop ang mga kamay ni Dan at Fane.

"Simulan na!" Ang sigaw ng mga guwardiya.

"Gustong makipagbunong-braso ng batang 'to kay Dan? Hindi ba niya alam kung gaano kalakas si Dan?"

"Tama. Kayang patayin ni Dan ang isang baka sa isang suntok lang!"

Nanunuod ang ilang malalaking tao sa laban ni Fane at Dan.

Kapag natalo si Fane at hindi siya sumunod sa pustahan, siguradong pagbabayarin siya ng malaki ni Dan.

“Argh!”

Ibinuhos ni Dan ang buong lakas niya, ngunit hindi man lang natinag ang braso ni Fane.

"I-I-Imposible 'to!"

Huminga siya ng malalim. Kasunod nito, ngumisi si Fane at natalo si Dan sa laban.

"Sa tingin ko hindi mo maitatanggi na natalo ka. Isang daliri. Ikaw na bahala kung anong daliri ang puputulin mo!"

Muling kinarga ni Fane si Kylie at umalis.

"Sino ba siya? Napakalakas niya!" Ang sinabi ni Dan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.

"Brother Dan, wala ka naman talagang balak na putulin yung isang daliri mo, di ba?" ang tanong ng isang lalaki na lumapit kay Dan. Napalunok na lamang siya habang nakatingin sa kawalan.

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 5

    Dinala ni Fane sa pintuan ng isang maliit at sira-sirang bahay. May isang malaking puno ng banyan sa bakuran nito. Kung titingnan ito, mukhang napakapayapa ng lugar. Ngunit, napakaluma at sira-sira na ang lugar."Sinasabi mo ba na dito nakatira yung nanay ko, si Selena, at yung mga biyenan ko?"Naawa sa kanila si Fane nang makita niya ang itsura ng kanilang bahay. Si Selena ay anak ni Master Taylor. May taglay siyang pambihirang talento. Dati, kilala siya bilang isang napakagandang direktor na may maipagmamalaki. Maraming lalaki ang nanliligaw sa kanya. Sa sandaling iyon, dahil sa desisyon niya na ipagpatuloy ang pagbubuntis sa bata, itinakwil siya ng kanilang pamilya at pinalayas! Bakas sa mukha ni Shauna ang lungkot at awa. "Kasama rin nila ang iyong maliit na uncle! Bata pa siya noon, pero 19 na siya ngayon at dito rin siya nakatira." "Dito silang lahat nakatira?!" Namula ang mga mata ni Fabe. "Nahirapan siguro ng husto si Selena!" Ngunit, napansin nila agad na may n

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 6

    "Tama. Tama ka diyan! Yung totoo, hindi ko naman talaga gusto ang batang 'yun!" Paulit-ulit na tumango si Fiona. "Kung sabagay, hindi naman dapat siya ipinanganak!" Nakaramdam si Fane ng matinding galit at pagnanais na pumatay ng marinig niya ang mga salitang iyon. Ngunit, sa loob-loob niya, pinilit niyang magpakahinahon. Kung sabagay, nanay ni Selena si Fiona, ang kanyang biyenan. Wala na siya sa digmaan na kung saan maaari siyang pumatay kailan man niya gustuhin. Anu't ano pa man, hindi niya mga kalaban si Fiona at Andrew. Nalumpo ang binti ni Andrew dahil sa kapusukan nila ni Selena noong gabi ng kasal nila. Naiintindihan niya ang galit na nararamdaman nila para sa kanya. Subalit, may ibang tao na hindi naman miyembro ng pamilya nila dito. Nanggigigil na ngumiti si Fane at tumingin kay Young Master Clark. "Anak ko si Kylie, hindi siya pabigat at lalong hindi siya isang bastardo. Lumuhod ka at humingi ka ng tawad sa mga sinabi!" Sa puntong iyon, huminto saglit si Fane

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 7

    "Mamatay ako ngayon? Hindi mangyayari yun!" Hindi natinag si Fane. Tumingin siya sa labas at nakita niya na naglalaro na si Kylie sa ilalim ng puno ng banyan kasama si Shauna. "Hmph, tingnan natin kung makakapagmatigas ka pa mamaya!" Hindi na nag-abala pa si Young Master Clark na kausapin si Fane. Naniniwala siya na pagsisisihan ni Fane ang mga ginawa niya. Hindi nagtagal, pumarada ang ilang mga sasakyan sa labas ng bahay. Dumating si Dan Jameson, ang pinakamalakas na tauhan ng pamilyang Clark, kasama ang ilang mga maskuladong lalaki. Sumigaw si Dan pagpasok niya sa bahay, "Sino yung malakas ang loob na nanakit sa aming young master? Gusto mo na bang mamatay?" Sa mga sandaling ito, nanggagalaiti si Dan dahil may nakaharap siya na higit na mas malakas sa kanya at naging dahilan para putulin niya ang isang daliri niya. Kakatapos lang niyang ipagamot sa ospital ang naputol niyang daliri noong tumawag sa kanya ang kanyang master tungkol sa nangyari kay Young Master Clark at par

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 8

    “Ma, kahit na ano pang sabihin niyo, siya pa rin ang ama ni Kylie at ang manugang niyo. Huwag niyo na siyang insultuhin pa!”“Nangyari na ang nangyari. Hindi niyo na dapat inuungkat pa ang mga bagay na yun!”Kasing bait at maunawain pa rin ng gaya ng dati si Selena.“Kalokohan! Kahit kailan hindi namin siya tinanggap bilang manugang namin!” Ang sagot ni Fiona.“Tama yun. Kung hindi dahil sa kanya, hindi magkakaganito ang binti ko!” Puno rin ng galit si Andrew para kay Fane.“Ano bang naging kasalanan niya? Nakipagtalik ako sa kanya noon dahil sa sama ng loob ko. Hindi ko inaasahan na mabubuntis ako!”Walang magawa si Selena. Nangyari ang lahat ng ito dahil sa pagiging padalos-dalos niya. Ngunit, hindi niya kayang gawin na ipalaglag ang bata.Maituturing na kabayaran sa nagawa niyang pagkakamali ang mga paghihirap na naranasan nila.“Pero hindi mo naman kailangang ipagbuntis yung bata. Aatakihin ako sa puso sayo!”Nagdabog sa sobrang inis si Fiona.“Hayaan niyo na yun, Nangyar

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 9

    “Tama. Puro tungkol sa digmaan at pagbibigay ng karangalan sa bansa yung pinag-uusapan nila. Kalokohan!”Ngumisi rin ang iba pa sa mga kabataan.Bang, bang!Subalit, sa isang iglap, tumalsik ang dalawang binata at sumalpok sa pader. Bumagsak ang pader sa sobrang lakas ng pagsalpok nila dito.“Pfft!”Sumuka ng napakaraming dugo ang dalawang binata. Nanigas ang mga binti nila at tumigil sa pagkilos.“Ahhh! Mamamatay tao!”Tumili ang dalawang dalaga na parang nakakita sila ng multo at agad na kumaripas ng takbo.“Naku, Fane, napatay mo sila. Paano kung importanteng tao pala sila na miyembro ng isang organisasyon? Anong gagawin natin?”Namutla si Joan nang makita niya na nakahandusay sa lupa ang dalawang binata. “M-m-masyado kang mainitin ang ulo. May mga taong hindi natin pwedeng banggain. Iniisip mo ba na nasa digmaan ka pa rin kung saan pwede mong patayin ang sino mang makalaban mo?”“Bakit hindi mo kontrolin ang init ng ulo mo? Nagsalita lang naman sila!”Nainis din si Selen

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 10

    "May sayad ba yung tatlong 'to? Ang dirty nila. Yung babaeng yun naka uniform pa ng cleaner at naka straw hat. My gosh, hindi ba para sa sikat na international brand yung exclusive store na 'to?" Ang sabi ng isang mayamang babae nung mapalingon siya habang pumipili ng kanyang damit. Hawak niya ang isang branded na bag. "Pasensya na madam. Paaalisin ko sila agad!" Agad na sumagot ang magandang saleswoman sa tabi niya, at inutusan ang isa pang saleswoman, "Dali, paalisin mo sila. Huwag mong hayaan na sirain nila yung store natin!" Nagmadaling pumunta ang saleswoman sa grupo nila Fane. "Hello. Bibili ba kayo? Branded store kami. Imported at high quality ang mga product namin…" Isang bihasang empleyado ang saleswoman. Sigurado siya na kapag sinabi niya yun, agad na maiisip ng mga mahihirap na yun na nagkamali sila ng pinuntahan at aalis na lang. Pero, malinaw na nagkamali siya sa pagkakataong 'to. Tumingin sa paligid si Fane at sinabing, "Okay yung high class. Naghahanap ako ng

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 11

    "Bagay sayo yung mga damit, honey. Nagustuhan mo ba? Bibilhin natin yan kung nagustuhan mo!" Hindi na nangahas pa ang dalawang saleswoman na maliitin si Fane. Tumayo na lamang sila sa isang tabi at nanahimik. Namula ang mukha ni Selena nung marinig niya ang sinabi ni Fane. Hindi pa rin siya sanay sa tawag na 'Honey'. "Namamahalan pa rin ako sa presyo niyan!" Sa oras na yun, nakapagbihis na uli ng damit si Selena. Tiningnan niya ang tatlong damit at nakangiting nagsalita. "It's the thought that counts. Okay na yung isang damit lang, hindi ko na kailangan ng marami!" "Hehe, aminin niyo na lang na mahirap kayo at tigilan niyo na yung pagpapanggap. Huwag niyong isipin na makakaalis pa kayo sa store na to kapag hindi kayo nakapagbayad!" Ngumisi sa kanila ang mayamang si Sister Karen. Natuwa ang mga saleswoman nung marinig nila ang sinabi ni Sister Karen. 'Napakayabang ng mga pulubi na to. Tingnan natin kung anong gagawin niyo ngayon.'Ngunit, sa hindi inaasahan, inabot ni Fane

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 12

    "Pagbayarin sila? Paano mo sila pagbabayarin? May kasalanan din ako sa nangyari. Tsaka, lolo ko pa rin si Old Master Taylor. Balak mo ba siyang bugbugin?" Ngumiti si Selena at sinabing, "Sa pagkakataong to, sasamahan mo kami pero manahimik ka lang. Siguro mas mahaba na ang pasensya ni lolo sa mga nakalipas na taon. Baka hindi na nila tayo guluhin kapag kinausap ko siya." "Sige, susubukan kong sundin ka at pipigilan ko ang sarili ko na kumilos. Baka sabihin mo na masyado akong bayolente!" Natawa si Fane. Gusto niyang makita kung paano siya tatratuhin ng mga miyembro ng Taylor family ng hindi nila alam na siya ang Supreme Warrior. Bukod pa dito, hindi siya bumalik para maging Supreme Warrior. Ang tanging gusto niya ay mamuhay ng maayos at payapa kasama ang asawa niya at alagaan ang nanay niya. Mabilis na nakarating ang tatlo sa Taylor Residence sakay ng isang taxi. "Napakalakas ng loob ng bwisit na yun para saktan si Young Master Taylor. Hindi ba niya alam kung gaano kakitid ang

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status