Isang oras na simula nang pumasok si Van sa banyo. Inaantok na si Belinda, pero sinubukan niyang lahat para hindi tuluyang makatulog at makausap si Van.Kinakabahan siya, pero dahil sa lahat ng nangyari, pakiramdam niya mas mabuting maayos na ang lahat sa kanila, sa lahat ng mga nakapalibot sa kanola.Napaupo si Belinda nang bumukas ang pinto ng banyo. Kumunot ang noo ni Van nang mapansin ang mabilis na pag-upo ni Belinda. Nakagat na lang ni Belinda ang labi bago bumaba sa kama.Hindi agad nagsalita si Belinda. Agad siyang lumapit kay Van para yakapin ito. Nilagay ni Belinda ang dalawang kamay sa batok ni Van para mayakap ito ng mas maayos. Si Van, na naguguluhan, ay nakahawak sa likuran ni Belinda.“Hmmm?” tanong ni Van at agad na hinaplos pababa at pataas ang likod ni Belinda.“Gusto kong makausap ang mama mo,” mahinang ani ni Belinda, na siyang nagpatigil kay Van sa paghaplos.“Baby—”“Gusto kitang pakasalan nang walang iniintinding iba, kaya gusto kong makita ang mama mo, Van.” Sa
SIMULA “What the hell? Are you serious, Dad? Naririnig mo ba iyang sinasabi mo na gusto mong gawin ko? Dad, that's too much!” Hindi makapaniwala si Daviah, habang nanlalaki ang mga mata sa kanyang ama na si Van. Napatayo siya sa tindi ng emosyon na namuo sa narinig, nanginginig ang kamay habang sinusubukang intindihin ang sinasabi ng ama, pero kahit anong intidi ang gawin niya, hindi niya maintindihaan kung bakit biglang may ganitong desisyon ang kanyang ama para sa kanya. Pakiramdam ni Daviah ay parang nabingi siya. "I'm dead serious, Daviah. You know I don’t joke about things like this at bakit ako magbibiro ng patungkol sa pagpapakasal mo? Ano naman ang makukuha ko?” Malamig at matigas ang boses ni Van, tumagos hanggang sa dibdib ni Daviah ang bigat ng mga salita nito. Natigil si Daviah, gusto niyang magsalita, pero sa halip ay bumaling siya sa ina, si Belinda, na tahimik na nakaupo sa gilid. Nanlulumong tinitigan niya ito, naghahanap ng kaunting pag-unawa o suporta. Nguni
Chapter 1 Paglabas sa malaking gate nila, agad na napaupo at napahagulgol si Daviah. Kasabay noon ay ang pagtigil ng kotse sa harap niya. Hindi niya iyon pinansin, but when the car's door opened, napasulyap siya roon, and then, she saw a guy in his corporate attire. Napahikbi siya at natigil ang luha niya nang tignan niya ang lalaking nasa harap niya. Nahirapan pa siyang tignan ito dahil sa liwanag na nagmumula sa araw sa mismong taas ng lalake. A guy in his 20s was now standing in front of her. Nakakunot ang lalaki habang nakatingin kay Daviah. Napasulyap pa ang lalaki sa bahay-mansyon ng mga Villariva bago muling tignan si Daviah. "Miss, ipapasok ko ang kotse. Pwede bang tumabi ka?" sabi ng lalaki kay Daviah. Kumunot ang noo ni Daviah at inisip na isa ito sa mga kasosyo ng Daddy niya at kameeting ngayon. Daviah bit her lip nang biglang may naisip siya. Magsasalita sana siya, pero hindi niya natuloy nang muli siyang humikbi. Hindi gumalaw si Daviah sa pwesto niya, ni hin
Chapter 2“Good morning, Miss Daviah!” "Magandang umaga!" Bati pa ng mga nadaraanan ni Daviah na mga kasambahay pagpasok nito sa first house ng mga Francisco.Hindi niya pinansin o tinignan man lang ang mga bumabati sa kanya sa pagmamadaling pumunta sa opisina ng Lolo Edie niya. Gustong gusto na niyang makausap ang lolo niya at sabihin ang desisyon ng daddy at mommy niya. Gustong gusto na niyang magsumbong.Pero natigil siya sa paglalakad nang makita niya ang Lolo Edie, Lola Cylvia, at ilang mga tito niya sa sala na seryosong nag-uusap. Pati mga tita niya ay naroon din.“Daviah?” Ang Tita Faye niya ang unang nagsalita at tumayo nang makita siya.Kagat-labi siyang lumapit at niyakap ang Tita Faye niya. Hindi na niya napigilang umiyak habang iniisip ang desisyon ng kanyang mga magulang para sa buhay niya.Ayaw niya. Ayaw niyang magpakasal sa taong hindi niya kilala, at masyado pa siyang bata para magpakasal. PAkiramdam niya ngayon ay kunukuha na sa kanya ang kalayaan na magdesisyon sa
Chapter 3Kahit malayo, kitang-kita ni Azi ang pamumugto ng mata ni Daviah. Gusto na sana niyang lumapit, pero sa huli, napasandal na lang siya sa backrest ng sofa at nanatiling nakaupo roon.“This is new. Ngayon lang kitang nakitang ganyan ah. You’re staring at a woman right now. Ganyan pala ang tipo mo,” sabi ni Xyrus habang nakangiti. Matalim ang tingin na ibinigay ni Azi kay Xyrus, lalo na’t hindi ito tumitigil sa pagsasalita.“Shut up,” mariing sabi ni Azi, pero ngumisi lang si Xyrus.“Wala siyang kasama. Sige ka, baka maunahan ka pa. Kung ako sayo, lapitan mo na. Saka bago ka matali, makatikim ka muna ng ibang putahe—”“That's Mr. Villariva's daughter, you fvcking idiot,” sabay lagok ni Azi ng inumin niya.Nanlaki ang mata ni Xyrus at tuluyang nalaglag ang panga. TInignan ni Xyrus ang babaeng tinititigan ni Azi kanina bago tignan si Azi.“Oh? Your fiancée? Iyong spoiled brat na papakasalan mo? Wow! Gago, she's hot.” Bumalik ang tingin ni Azi kay Daviah, pero umigting ang panga n
Chapter 4Tumitig si Daviah sa taong kaharap niya. Natigilan siya sa sinabi nito, pero hindi rin mapigilang magtaka dahil talagang nakakapagtaka ang pakikipag-usap nito sa kanya at sa ginawa niya sa loob. Saka hindi naman sila close para makipag-usap ng ganoon.“Nababaliw ka na ba? Okay, I get it, you're the owner of the car that I suddenly stole, but hell? Sino ka ba para bigla mo akong ikorner dito at magsalita ng ganyan? Ano naman kung puntahan ko ang lalaking iyon? Boyfriend ko siya kaya talagang kailangan kong puntahan,” ani ni Daviah, natatawa pero halatang may halong inis.Inis at galit na siya sa lahat ng nangyayare sa uhay niya, tapos ngayon ay dadagdag pa ang lalakeng ito na hindi niya kilala?Sinubukan niya itong itulak, pero hindi gumalaw si Azi, parang isang matigas na bato.“Ano ba!” galit na ani ni Daviah, tinignan siya ng masama, wala itong kamalay-malay na ang lalaking kaharap niya ay siya palang ipapakasal sa kanya ng ama niya.Sinubukan niyang itulak ulit, pero sa h
“You're so stupid, Daviah! Ang tanga-tanga mo! Nakakahiya ka! Bakit hindi ka nag-iisip? Why did you end up doing that?” Parang tanga si Daviah habang sinisermunan ang sarili pagkagising niya.Gustong iuntog ni Daviah ang ulo sa pader nang magising siya kinabukasan. Hiniling niya na sana nakalimutan na lang niya lahat ng nangyari, pero hindi eh, naalala niya lahat. Subrang naaalala niya ang lahat.“Nakakainis! You're so stupid!” Inis na sigaw ni Daviah para sa sarili niya, at konti na lang ay masasabunutan na niya ang sarili sa sobrang inis.She never expected what really happened yesterday. Lahat halos hindi niya inisip na pwede palang mangyari sa buhay niya. She is a Francisco and a Villariva, pero ang nangyari kahapon? That’s bullshit for her.Naalala niya lahat, mula sa naging pag-uusap at pagtatalo nila ng magulang niya, pati na rin ang pag-uusap nila ng lolo, tito, at mga tita niya. She still felt the pain and disappointment sa lahat ng mga naging desisyon ng pamilya niya para sa
Chapter 6“Tapos ka na umiyak?” tanong ni Daviah kay Azi, na nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho. HIndi niya naitago ang galit na tingin ni Daviah rito nang tignan niya ito. Hindi siya makapaniwala na nagawa pa yalaga niya itong itanong. "Pwede bang tumahimik ka na lang kung wala kang matinong tanong?" Mariing ani ni Daviah rito.Nagmatigas pa siya ng ilang beses at ipinilit na hinding hindi siya magpapakasal at sasama sa probinsya dahil ayaw niya at hindi niya gusto ang ma engage at magpakasal, pero walang nagawa ang pag-iyak at pagmamakaawa ni Daviah dahil talagang buo na ang desisyon ng mga magulang niya at talagang hindi na niya ito mababago pa.Walang nagawa si Daviah kahit na sinubukan na niya ang lahat at nakita niya na lang ang sariling nakaupo sa tabi ni Azi sa may driver seat.Tila bumagsak ang mundo ni Daviah sa balitang ipapakasal siya. Nadagdagan pa ang kanyang sama ng loob nang malaman na mag-aaral si siya sa probinsya at doon titira. Lumaki si Daviah sa lungsod,