Share

Wakas

Isang oras na simula nang pumasok si Van sa banyo. Inaantok na si Belinda, pero sinubukan niyang lahat para hindi tuluyang makatulog at makausap si Van.

Kinakabahan siya, pero dahil sa lahat ng nangyari, pakiramdam niya mas mabuting maayos na ang lahat sa kanila, sa lahat ng mga nakapalibot sa kanola.

Napaupo si Belinda nang bumukas ang pinto ng banyo. Kumunot ang noo ni Van nang mapansin ang mabilis na pag-upo ni Belinda. Nakagat na lang ni Belinda ang labi bago bumaba sa kama.

Hindi agad nagsalita si Belinda. Agad siyang lumapit kay Van para yakapin ito. Nilagay ni Belinda ang dalawang kamay sa batok ni Van para mayakap ito ng mas maayos. Si Van, na naguguluhan, ay nakahawak sa likuran ni Belinda.

“Hmmm?” tanong ni Van at agad na hinaplos pababa at pataas ang likod ni Belinda.

“Gusto kong makausap ang mama mo,” mahinang ani ni Belinda, na siyang nagpatigil kay Van sa paghaplos.

“Baby—”

“Gusto kitang pakasalan nang walang iniintinding iba, kaya gusto kong makita ang mama mo, Van.” Sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (22)
goodnovel comment avatar
Midnight Ghost
sana supportahan niyo rin ang story ni Daviah *_*
goodnovel comment avatar
Cris Magsino
Ganda Po ng story author .Marami Po salamat..God bless po
goodnovel comment avatar
Rosemarie Tacadao
hello aurhorkailan ang update ng story ni daviah?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status