Share

Chapter 2 - Bar

Chapter 2

“Good morning, Miss Daviah!”

"Magandang umaga!" Bati pa ng mga nadaraanan ni Daviah na mga kasambahay pagpasok nito sa first house ng mga Francisco.

Hindi niya pinansin o tinignan man lang ang mga bumabati sa kanya sa pagmamadaling pumunta sa opisina ng Lolo Edie niya.

Gustong gusto na niyang makausap ang lolo niya at sabihin ang desisyon ng daddy at mommy niya. Gustong gusto na niyang magsumbong.

Pero natigil siya sa paglalakad nang makita niya ang Lolo Edie, Lola Cylvia, at ilang mga tito niya sa sala na seryosong nag-uusap. Pati mga tita niya ay naroon din.

“Daviah?” Ang Tita Faye niya ang unang nagsalita at tumayo nang makita siya.

Kagat-labi siyang lumapit at niyakap ang Tita Faye niya. Hindi na niya napigilang umiyak habang iniisip ang desisyon ng kanyang mga magulang para sa buhay niya.

Ayaw niya. Ayaw niyang magpakasal sa taong hindi niya kilala, at masyado pa siyang bata para magpakasal. PAkiramdam niya ngayon ay kunukuha na sa kanya ang kalayaan na magdesisyon sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status