Share

Chapter 9

Ilang araw ng nasa hospital si Spade ngunit hindi pa rin ito nagigising. Tuwing nakikita niya ang hitsura nito napapaluha siya. Pinagsisihan niya ang lahat ng sinabi niya kay Spade, kung maibabalik niya lang ang oras hindi niya papaalisin si Spade.

"Spade, mahal kita at pinapatawad na kita. Magpapakasal na ako sa iyo, gumising kana," malungkot niyang saad. Sunod sunod pumatak ang luha niya at araw araw din siyang umiiyak. Tuwing gabi hindi siya makatulog dahil inuusig siya ng konsensya at sinisisi niya ang sarili.

"Sum, umuwi ka muna. Wala kapang tulog," wika ni Aaron na kakapasok lang sa kuwarto.

"Dito lang ako sa tabi ni Spade," umiiyak na wika niya.

"Sum, hindi matutuwa si Spade na hindi ka nagpapahinga. Kailangan ka din ng mga anak mo. Sige na umuwi kana muna ako na bahala dito. Bumalik kana lang bukas," wika nito.

"Sige," mahinang saad niya.

Nasa bahay na siya pero ang isip niya nasa hospital pa din. Kahit anong gawin niya hindi siya makatulog dahil nag-aalala siya kay Spade. Tin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status