Share

Chapter 4

Ilang araw ng iniiwasan ni Summer, si Spade. Magreresign na din siya, ipapasa niya ang resignation letter ngayong hapon bago siya umuwi. Pinag-isipan niya rin ng maigi ang desisyon niya. Hindi na siya safe sa lugar na ito kailangan niyang lumipat sa ibang lugar dahil alam na ng tiyuhin niya kung saan siya nagtatrabaho.

"Good morning, Ma'am. Magreresign na ako sa trabaho ko," magalang niyang wika. Inabot niya ang resignation letter sa hr.

"Bakit, Sum? May problema kaba sa katrabaho mo?" tanong nito.

"Wala po, personal reason ang dahilan," sagot niya. Tumango tango ito at nagpaalam na siyang uuwi na. Bukas maghahanap na siya ng bago niyang lilipatan. Para tuloy siyang criminal tago nang tago.

Nag-aabang na siya ng jeep nang biglang umulan, tumakbo siya para sumilong muna. Muntik na siyang madulas mabuti na lang may humawak sa kanya. Matinding kaba ang nararamdaman niya napahawak siya sa tiyan niya, mapapahamak pa ang kambal niya dahil hindi siya nag-iingat.

"Mag-ingat ka Summer. Ayokong may mangyari sainyo ng masama ng mga anak ko." Napatingala siya sa nagsalita, hindi siya makapag salita dahil ang lakas nang tibok ng puso niya. Sinuot sa kanya ni Spade ang coat nito, inakay siya nito pasakay sa kotse nito. Hindi dapat siya sumama kay Spade, sinubukan niyang buksan ang pinto subalit nailock na ni Spade.

"Bababa ako," aniya.

"Hindi," madiin na sabi ni Spade.

"Tinanong mo ba ako kung gusto ko sumama sa iyo?" masungit niyang sabi.

"Hindi na kita kailangan pang tanungin dahil nakita kitang nababasa ng ulan. Kung hindi kita nahawakan kanina nadulas kana. Ako na nga ang nagmamagandang loob na tulungan ka parang ako pa ang may mali," naiinis din na sabi ni Spade.

"Hindi ko naman sinabi na tulungan mo ako!" Dahil siguro buntis siya kaya ang bilis niyang magalit. Naiirita din siya kapag nakikita niya si Spade, ayaw niyang isipin na pinaglilihian niya ito. Batid niyang tama naman ito ngunit nangingibabaw ang pag kainis niya sa binata.

"Ano ang gusto mo hayaan kitang madulas? Summer, nag-aalala lang ako sa iyo," seryosong sabi nito.

"Hindi ko kailangan ang pag-aalala mo. Maari bang huwag kana lumapit sa akin dahil tuwing nakikita kita naiinis ako sa iyo." Inismiran niya ito. Sumimangot siya pinapahalata niyang ayaw niya itong kausap.

"Childish," mahinang saad ni Spade. Hindi na siya nito pinatulan, pinaandar na lang nito ang sasakyan hindi niya alam kung saan sila papunta. "Kailangan natin mag-usap, hindi ka magreresign. Simula bukas secretary na kita." Uminit na naman ang ulo niya. Makapagdesisyon si Spade parang hawak nito ang buhay niya.

"Wala tayong dapat pag-usapan, Spade. Gusto ko magresign period!"

"Bigyan mo ko ng dahilan para pumayag ako na magresign ka. Wala ka maibigay kasi ang totoo gusto mo lang akong iwasan, tama di ba? Hindi ako manhid Summer, alam kong iniiwasan mo ako."

"Oo tama ka pero may iba pa akong dahilan at hindi mo iyon maaaring malaman. Unawain mo naman ako."

"Dahil ba sa lalaking kausap mo noong nakaraan?" tanong nito. Umiwas siya ng tingin kay Spade, hindi nito maaaring malaman ang tungkol sa kanila ng tiyuhin niya. "Bakit hindi ka sumagot, Sum? Handa akong tumulong sa iyo kung may problema ka." Hininto na nito ang sasakyan, nasa tapat sila ng mansion. Hindi niya napansin na pumasok na sila sa gate. Hindi na siya magtatanong kung sino ang may-ari ng mansion dahil batid niyang si Spade. Nakakalula ang ang laki at ganda ng mansion.

"Bakit mo ako dinala dito?" tanong niya.

"Sagutin mo muna ang tanong ko, Sum."

"Ano ba ang gusto mong malaman? Kung may problema ako labas kana doon hindi mo ako obligasyon na tulungan," aniya.

"Obligasyon na kita simula noong ginawa natin ang kambal. Hindi kita pababayan kahit anong mangyari." Hindi niya mabasa si Spade, hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo. Ang hirap maniwala dahil hindi niya pa ito lubos na kilala. Batid niyang dahil lang sa kambal kaya naghahabol sa kanya si Spade, kung walang bata na nabuo impossible na kulitin siya nito.

"Spade, hindi mo alam ang sinasabi mo. Ayokong pati ikaw guluhin ng tiyuhin ko, may problema ako sa pamilya ko at ayaw kitang madamay," malungkot na saad niya. Sana naman maintindihan siya nito dahil pagod na siya makipagtalo sa binata. "Lumayas lang ako sa bahay namin dahil ipapakasal ako sa lalaking hindi ko gusto. Kabayaran ako sa utang ng tiyuhin ko." Naiyak siya bigla, para siyang bata na nagsusumbong kay Spade.

"Babayaran ko ang utang niya ngunit sa isang kondisyon sa akin ka magpapakasal." Napatingin siya kay Spade, mapait siyang ngumiti. Nabuhay lang siguro siya sa mundo para pakasalan ang lalaking di niya mahal. "Handa ako maghintay Sum, hindi kita mamadaliin."

"Pero Spa------"

"Magtiwala ka lang sa akin. Pinapangako ko sa iyo hindi ka nila malalapitan at simula sa araw na ito dito kana titira sa mansion ko," sabi nito. Niyakap siya nito, nagdadalawang isip siya kung tatanggapin niya ang tulong nito pero ang kapalit ay kasal.

Bumaba na sila ng sasakyan, pumasok na sila sa loob ng mansion. Pagod na rin ang utak niya mag isip.

"Spade, sinasabi ng utak ko huwag magtiwala sa iyo ngunit pagod na ko. Sana ang pinapakita mong kabutihan sa akin ay totoo," aniya.

"Honey, kung ano ang pinapakita ko sa iyo ako na iyon. Mahalaga ka sa akin kaya ginagawa ko ang lahat para maprotektahan at maalagaan ka." H******n siya nito, gumanti siya sa halik nito. Bahala na kung magkamali siya sa desisyon niya, hindi niya na itatanggi sa sarili na si Spade ang pag-asa niya para tumigil na ang tiyuhin niya kakapilit sa kanya na ipakasal siya. Si Spade ang sagot sa lahat ng problema niya ngunit nakokonsensya siya dahil parang lumalabas na sinasamantala niya ang kabaitan nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status