My Hot Billionaire Lover
Naglasing si Summer sa night club para makalimutan niya lahat ng sakit at hinanakit. Uminom siya nang uminom at sumayaw siya sa dance floor, habang sumasayaw siya may nabangga siyang lalaki. Nilagay niya ang dalawang kamay sa balikat nito.
"Darling, wala kabang kasama ngayong gabi? Sasama ako sa iyo kahit saan. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin sa akin."
"Are you sure?" tanong ng lalaki.
"Yes, Mr. Handsome," malandi niyang sagot.
Hindi niya pinagsisihan na pinagkaloob niya ang sarili sa lalaki. Mananatiling lihim ang nangyari sa kanila at una't huli na rin ang pagkikita nilang dalawa.
Nagpacheck up si Summer dahil nasusuka at nahihilo siya.
"Congrats, Summer Suarez isang buwan kanang buntis. Ang pinaka good news kambal ang dinadala mo."
Isang umaga hindi niya inaasahan na makikita niya sa entrance ng kompanya na pinapasukan niya ang tiyuhin. Tatakbo sana siya subalit hinaklit nito ang braso niya. Pilit siya nitong pinapauwi dahil ikakasal siya sa matandang lalaki.
"Bitawan mo ang ina ng kambal ko! Huwag mo siyang hawakan." Pamilyar ang boses sa kanya, kaboses ng lalaking nasa night club kumabog ng mabilis ang puso niya.
Nagoffer ng kasal kay Summer si Spade para may makilalang ama ang dinadala niya ngunit tumanggi siya dahil hindi pa siya sigurado kung si Spade ba talaga ang lalaking nakabuntis sa kanya.
Dumating ang araw na handa niya ng sagutin si Spade subalit nalaman niyang planado lahat ni Spade na paibigin siya. Nakapagdesisyon si Summer na lumayo ulit dahil labis siyang nasaktan. Buong akala niya mahal siya ni Spade.
Sinundan siya ni Spade, sinuyo siya nito at nagpapaliwang ito sa kanya subalit hindi niya pinapakinggan. Tama na ang minsan na nagtiwala siya sa maling tao.
Bibigyan pa kaya ni Summer ng pangalawang pagkakataon si Spade? Susundin kaya ni Summer ang sinisigaw ng puso niya?
Read
Chapter: Chapter 9Ilang araw ng nasa hospital si Spade ngunit hindi pa rin ito nagigising. Tuwing nakikita niya ang hitsura nito napapaluha siya. Pinagsisihan niya ang lahat ng sinabi niya kay Spade, kung maibabalik niya lang ang oras hindi niya papaalisin si Spade."Spade, mahal kita at pinapatawad na kita. Magpapakasal na ako sa iyo, gumising kana," malungkot niyang saad. Sunod sunod pumatak ang luha niya at araw araw din siyang umiiyak. Tuwing gabi hindi siya makatulog dahil inuusig siya ng konsensya at sinisisi niya ang sarili."Sum, umuwi ka muna. Wala kapang tulog," wika ni Aaron na kakapasok lang sa kuwarto."Dito lang ako sa tabi ni Spade," umiiyak na wika niya."Sum, hindi matutuwa si Spade na hindi ka nagpapahinga. Kailangan ka din ng mga anak mo. Sige na umuwi kana muna ako na bahala dito. Bumalik kana lang bukas," wika nito."Sige," mahinang saad niya.Nasa bahay na siya pero ang isip niya nasa hospital pa din. Kahit anong gawin niya hindi siya makatulog dahil nag-aalala siya kay Spade. Tin
Last Updated: 2024-10-06
Chapter: Chapter 8Madalas umaalis si Summer, sinasama niya ang kambal kahit nahihirapan siya dahil wala siyang tiwala kay Spade. Nagta-trabaho siya sa convenience store, pumayag ang may-ari na isama niya ang kambal dahil batid nito na walang magbabantay."Sir Roy, out na po ako," aniya."Ihatid ko na kayo ng mga anak mo. Mahirap pa naman makasakay ng ganitong oras. Sana pala hindi kita pinayagan mag-overtime para nakauwi kayo ng maaga," wika ni Roy."Sir Roy, kailangan ko mag-overtime dahil kailangan ko ng pera.""Sum, ang sabi ko sa iyo Roy na lang itawag mo sa akin kapag tayong dalawa lang ang nag-uusap," seryosong sabi nito. Matagal ng nanliligaw sa kanya si Roy subalit hindi niya ito magustuhan dahil kaibigan lang ang tingin niya sa lalaki. Sinabi niya na noong una pa lang na wala itong pag-asa ngunit patuloy pa rin si Roy sa panliligaw sa kanya."Okay, sorry. Sige, ihatid mo na kami." Matagal na siyang hinahatid ni Roy pero minsan tinatanggihan niya ito. Pumayag siya ngayon dahil sobrang pagod siy
Last Updated: 2024-09-14
Chapter: Chapter 7Nag-init ang mukha niya ng maalala niya na magkatabi sila natulog kagabi ni Spade. Bumangon na siya dahil naririnig niya ang tawa ng kambal sa labas ng kuwarto. Nakita niyang masayang nakikipaglaro si Spade sa kambal pero kailangan niya na paalisin si Spade."Makakaalis kana." Napatingin sa kanya si Spade, sinalubong niya ang tingin nito."Sinabi ko na sa iyo na hindi ako aalis dito," wika ni Spade."Kung ayaw mo umalis kami ang aalis ng mga anak ko!" naiinis niyang sabi. Ang aga aga nagagalit na siya. Bakit ba ang hirap itaboy ni Spade?"Huwag mo ng subukan dahil susundan ko pa rin kayo. Kahit saan kayo pumunta mahahanap ko pa rin kayo.""Hindi mo pa ba nakukuha ang mana mo kaya ginagawa mo ang lahat? Hindi pa ba sapat na nagka-anak ka sa akin? Oo nga pala para makuha mo ang kayamanan ng lolo mo kailangan mo magpakasal sa akin. Spade, kahit anong gawin mo hindi na ko babalik sa iyo. Sinayang mo ang pagkakataon na binigay ko sa iyo dati." Pinipigilan niyang umiyak sa harapan nito. Ipa
Last Updated: 2024-09-14
Chapter: Chapter 6After one yearKinalimutan na ni Summer ang dati niyang buhay. Naninirahan na siya ngayon sa liblib na lugar kasama ang dalawa niyang anak. Maglalaba na sana si Summer habang natutulog pa ang kambal subalit may kumatok nagtungo muna siya sa pintuan."Sino iyan?" tanong niya. Binuksan niya na ang pinto dahil walang sumagot."Summer." Kumabog ang dibdib niya ng marinig niya ang boses ni Spade. Isasara niya sana ang pinto ngunit mabilis na nakapasok sa loob ng bahay si Spade."Ano ginagawa mo dito, Spade?" malamig niyang tanong."I miss you." Niyakap siya nang mahigpit nito. "Sana noon pa kita sinundan." Tinutulak niya ito subalit hindi siya binibitawan ni Spade. "Bitawan mo nga ako, Spade! Kahit noon mo pa ako sinundan hindi pa rin mawawala ang galit ko sa iyo," madiin na sabi niya. Mahina lang ang boses niya dahil ayaw niyang magising ang kambal. Kinakabahan siya dahil iniisip niyang ang kambal talaga ang pinunta ni Spade at inuuto lang siya nito."Please, pakinggan mo muna ang sasabi
Last Updated: 2024-08-26
Chapter: Chapter 5Anim na buwan ng buntis si Summer, sa mansion na siya ni Spade tumira at palagi din silang magkasama pumasok sa trabaho pero ngayon hindi na siya pinapapasok ni Spade kaya sa mansion lang siya nito nanatili. Habang tumatagal nahuhulog na siya kay Spade, sa isang ngiti lang ni Spade bumibilis ang tibok ng puso niya. Tulog pa rin si Spade, ang bait ng mukha nito hindi niya mapigilan ang sarili na haplusin ang mukha, labi at ilong nito."Honey, sabihin mo lang kung pinagnanasahan mo ako," mahinang sabi nito. Nakapikit pa rin si Spade, mahina niyang kinurot ang pisngi nito."Kahit ano ano na naman ang sinasabi mo. Bumangon kana diyan may pasok ka pa," aniya."Mamaya na. Ako ang boss kaya ako ang masusunod," saad nito. Dumilat ito, hinagkan siya nito ang isang kamay ni Spade nasa dibdib niya. Mahina niyang tinulak ito dahil batid niyang mamaya pa talaga babangon si Spade."Ang kamay mo. Boss, tumayo kana diyan.""Make out muna tayo, please.""Hindi," maikling sagot niya. Nakasimangot na bu
Last Updated: 2024-08-14
Chapter: Chapter 4Ilang araw ng iniiwasan ni Summer, si Spade. Magreresign na din siya, ipapasa niya ang resignation letter ngayong hapon bago siya umuwi. Pinag-isipan niya rin ng maigi ang desisyon niya. Hindi na siya safe sa lugar na ito kailangan niyang lumipat sa ibang lugar dahil alam na ng tiyuhin niya kung saan siya nagtatrabaho."Good morning, Ma'am. Magreresign na ako sa trabaho ko," magalang niyang wika. Inabot niya ang resignation letter sa hr."Bakit, Sum? May problema kaba sa katrabaho mo?" tanong nito."Wala po, personal reason ang dahilan," sagot niya. Tumango tango ito at nagpaalam na siyang uuwi na. Bukas maghahanap na siya ng bago niyang lilipatan. Para tuloy siyang criminal tago nang tago.Nag-aabang na siya ng jeep nang biglang umulan, tumakbo siya para sumilong muna. Muntik na siyang madulas mabuti na lang may humawak sa kanya. Matinding kaba ang nararamdaman niya napahawak siya sa tiyan niya, mapapahamak pa ang kambal niya dahil hindi siya nag-iingat."Mag-ingat ka Summer. Ayokong
Last Updated: 2024-08-14