Share

Chapter 8

Madalas umaalis si Summer, sinasama niya ang kambal kahit nahihirapan siya dahil wala siyang tiwala kay Spade. Nagta-trabaho siya sa convenience store, pumayag ang may-ari na isama niya ang kambal dahil batid nito na walang magbabantay.

"Sir Roy, out na po ako," aniya.

"Ihatid ko na kayo ng mga anak mo. Mahirap pa naman makasakay ng ganitong oras. Sana pala hindi kita pinayagan mag-overtime para nakauwi kayo ng maaga," wika ni Roy.

"Sir Roy, kailangan ko mag-overtime dahil kailangan ko ng pera."

"Sum, ang sabi ko sa iyo Roy na lang itawag mo sa akin kapag tayong dalawa lang ang nag-uusap," seryosong sabi nito. Matagal ng nanliligaw sa kanya si Roy subalit hindi niya ito magustuhan dahil kaibigan lang ang tingin niya sa lalaki. Sinabi niya na noong una pa lang na wala itong pag-asa ngunit patuloy pa rin si Roy sa panliligaw sa kanya.

"Okay, sorry. Sige, ihatid mo na kami." Matagal na siyang hinahatid ni Roy pero minsan tinatanggihan niya ito. Pumayag siya ngayon dahil sobrang pagod siy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status