Anim na buwan ng buntis si Summer, sa mansion na siya ni Spade tumira at palagi din silang magkasama pumasok sa trabaho pero ngayon hindi na siya pinapapasok ni Spade kaya sa mansion lang siya nito nanatili. Habang tumatagal nahuhulog na siya kay Spade, sa isang ngiti lang ni Spade bumibilis ang tibok ng puso niya. Tulog pa rin si Spade, ang bait ng mukha nito hindi niya mapigilan ang sarili na haplusin ang mukha, labi at ilong nito."Honey, sabihin mo lang kung pinagnanasahan mo ako," mahinang sabi nito. Nakapikit pa rin si Spade, mahina niyang kinurot ang pisngi nito."Kahit ano ano na naman ang sinasabi mo. Bumangon kana diyan may pasok ka pa," aniya."Mamaya na. Ako ang boss kaya ako ang masusunod," saad nito. Dumilat ito, hinagkan siya nito ang isang kamay ni Spade nasa dibdib niya. Mahina niyang tinulak ito dahil batid niyang mamaya pa talaga babangon si Spade."Ang kamay mo. Boss, tumayo kana diyan.""Make out muna tayo, please.""Hindi," maikling sagot niya. Nakasimangot na bu
Last Updated : 2024-08-14 Read more