Share

Chapter 6

After one year

Kinalimutan na ni Summer ang dati niyang buhay. Naninirahan na siya ngayon sa liblib na lugar kasama ang dalawa niyang anak. Maglalaba na sana si Summer habang natutulog pa ang kambal subalit may kumatok nagtungo muna siya sa pintuan.

"Sino iyan?" tanong niya. Binuksan niya na ang pinto dahil walang sumagot.

"Summer." Kumabog ang dibdib niya ng marinig niya ang boses ni Spade. Isasara niya sana ang pinto ngunit mabilis na nakapasok sa loob ng bahay si Spade.

"Ano ginagawa mo dito, Spade?" malamig niyang tanong.

"I miss you." Niyakap siya nang mahigpit nito. "Sana noon pa kita sinundan." Tinutulak niya ito subalit hindi siya binibitawan ni Spade.

"Bitawan mo nga ako, Spade! Kahit noon mo pa ako sinundan hindi pa rin mawawala ang galit ko sa iyo," madiin na sabi niya. Mahina lang ang boses niya dahil ayaw niyang magising ang kambal. Kinakabahan siya dahil iniisip niyang ang kambal talaga ang pinunta ni Spade at inuuto lang siya nito.

"Please, pakinggan mo muna ang sasabihin ko. Bigyan mo ako ng pagkakataon na magpaliwanag. Inaamin ko na nagsinungaling ako sa iyo pero may dahilan iyon," malungkot na wika ni Spade.

"Hindi ako makikinig sa mga sasabihin mo!" galit niyang sabi.

"Honey, please," nagmamakaawang saad ni Spade.

"Umalis kana!" sigaw niya.

Napatakbo siya sa kuwarto dahil narinig niyang umiiyak ang kambal. Nagulat sa sigaw niya kaya umiiyak ang mga ito. Binuhat niya ang panganay na si Sevyn nilagay niya sa stroller at ang bunso niyang si Sylvan kinarga niya at pinabreast feed. Iyak pa rin nang iyak si Sevyn, hindi niya alam ang gagawin. Nagulat siya nang biglang pumasok sa kuwarto si Spade, kinarga nito si Sevyn.

"Tahan na little boy," malambing na saad nito. Tumigil kakaiyak si Sevyn.

"Sino nagsabi sa iyo na kargahin mo siya? Pinapaalis na kita. Bakit nandito kapa?" masungit na tanong niya.

"Hindi ako aalis dito dahil nandito ka at ang mga anak ko. Ayoko kayong iwan dito kahit ipagtabuyan mo pa ako," seryosong sabi ni Spade. Tumingin ito sa mata niya, nagmamakaawa ang tingin na pinupukol nito sa kanya.

"Mga anak natin? Sa pagkakaalam ko anak ko lang sila. Wala kang anak sa akin!" gigil niyang sabi. Umigting ang panga ni Spade, nararamdaman niyang naiinis na ito ngunit mas pinipili nitong maging kalmado.

"Anak ko din sila, Summer. Huwag mo sila ipagkait sa akin."

"Spade, hindi ka nila ama!" Sa sobrang galit niya nakapagbitaw siya ng salita na hindi nagustuhan ni Spade. Dumilim ang mukha nito ngunit nanatili pa rin itong mahinahon kaya lalo siya naaasar gusto niyang magalit din sa kanya si Spade para hindi na ito magpakita sa kanya.

"Sabihin mo na lahat ng masasamang salita sa akin. Tatanggapin ko ang lahat ng iyan pero tandaan mo Summer na may karapatan ako sa mga bata," madiin na wika ni Spade.

"Paano ka nagkaroon ng karapatan? Eh, ibang lalaki ang nakabuntis sa akin. Nakunan ako Spade at nagpabuntis ako sa iba!" Alam niyang mali ang mga sinasabi niya ngunit nangingibabaw ang galit niya kay Spade. Nagulat siya nang suntukin nito ang pinto.

"Sabihin mo pa iyan ulit, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" Hindi na siya nakapagsalita dahil nangatog na ang tuhod niya sa takot. "Lalabas na muna ako."

Kaya niya naman maging ama at ina sa dalawa niyang anak. Hindi niya kailangan ang tulong ni Spade. Tahimik siyang umiiyak kasi nasasaktan din siya sa mga sinasabi niya kay Spade.

Sumapit ang gabi, hindi na bumalik si Spade. Bumuhos ang malakas na ulan. Sumilip siya sa bintana nagulat siya nang nakita niyang basang basa sa ulan si Spade. Lumabas siya ng bahay para pauwiin ito.

"Bakit nandito ka pa?" tanong niya. Akala niya umuwi na ito.

"Hindi ako uuwi. Dito lang ako hanggang sa mapatawad mo ako," sagot nito.

"Sige, bahala ka diyan mabasa." Tumalikod na siya pero inuusig siya ng konsensiya niya.

"Summer, patawarin mo na ako," mahinang saad nito.

Nilingon niya si Spade na nanginginig sa lamig. Bumalik siya para papasukin ito sa loob ng bahay kahit labag sa loob niya.

"Pumasok ka sa loob ng bahay kapag tumila ang ulan umalis kana." Mabilis siyang humakbang dahil baka maawa na siyang tuluyan kay Spade.

Kumuha siya ng towel para ibigay kay Spade. Naghanap siya ng puwedeng isuot nito, naalala niya may naiwan na paninda kahapon ang kaibigan niyang babae na damit at underwear na panlalaki.

"Suotin mo itong damit may underwear na din diyan sa paper bag," wika niya. Inabot niya kay Spade. Hindi maipinta ang mukha ni Spade, napilitan ito na suotin ang binigay niya.

Hating gabi na hindi pa rin siya makatulog dahil napapasulyap siya kay Spade. Sa lapag ito natulog kasi maliit lang ang kama. Napabangon siya dahil binabangungot si Spade.

"Spade, gumising ka." Natigilan siya dahil ang init ni Spade, may lagnat ito.

"Summer, mahal na mahal kita." Nagsasalita ito habang natutulog. Nangilid ang luha niya, mahal niya naman si Spade subalit hindi niya kayang patawarin ito. Nagulat siya nang hilahin nito ang kamay niya, napayakap siya kay Spade. "Huwag mo akong iwan. Dito ka lang sa tabi ko."

"O-o," mahinang saad niya. Hindi naman siya nito naririnig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status