Share

Chapter 2

Lumayo si Summer sa pamilya niya. Pumunta siya sa probinsya, nakakasiguro siyang hindi na siya masusundan ng tiyuhin niya. Ang problema niya hindi na sapat ang pera niya dahil paubos na ang ipon niya. Isang buwan na siyang walang trabaho. Maghapon siyang naghanap ng trabaho subalit wala siyang nakita na hiring. Napahinto siya sa tapat ng hotel and resort, nilapitan niya ang guard para magtanong.

"May hiring po ba dito?" tanong niya.

"Oo, front desk. Ma'am, Diretso ka lang tapos kaliwa ka nandoon ang office. Sabihin mo applicant ka." Nawala ang pagod niya napalitan ng tuwa. Nabuhayan siya ng loob, sana matanggap siya. Nagtungo na siya sa office, nadatnan niyang madaming applicant.

Tinawag na ng hr ang pangalan niya. Sana pumasa siya sa interview para magkaroon na siya ng trabaho.

"Good afternoon, Miss Summer Suarez. Have a sit," wika nito. Tipid siyang ngumiti sa babae. Tiningnan nito ang resume niya, magtatanong na sana ang hr ngunit may tumawag sa cellphone nito. Lumabas muna ito para sagutin ang tawag.

"Miss. Suarez, maaari ka ng magsimula bukas magtrabaho." Napaangat siya ng ulo sa sinabi ng hr. Hindi pa nga siya nito tapos interviewhin, hired na siya kaagad. Labis ang nararamdaman niyang saya.

"Thank you po," masaya niyang sabi.

"Pagpasok mo bukas diretso ka muna sa office ng CEO dahil gusto ka niyang makausap. Welcome sa S-Cards Hotel and Resort," nakangiting sabi nito. Ngayon niya lang narealize na sa isang sikat na hotel and resort siya magtatrabaho. Hindi niya na kasi tiningnan kanina ang pangalan diretso na kasi siyang nagtanong.

Maagang gumising si Summer dahil ayaw niyang malate sa unang araw ng trabaho niya. Palabas na siya ng pintuan nang maramdaman niyang nasusuka at nahihilo siya. Tumakbo siya papuntang cr para sumuka. Nagtungo siya sa malapit na hospital at nagpacheck up siya, hindi siya mapakali dahil natatakot siyang malaman na may malalang sakit siya.

"Congrats, Summer Suarez isang buwan kanang buntis. Ang pinaka good news kambal ang dinadala mo," nakangiting sabi ng doktor.

Tulala siyang lumabas ng hospital, naiiyak siya sa saya dahil magkakaroon na siya ng anak kahit wala sa plano. Kahit nanghihina siya papasok pa rin siya sa trabaho, malapit na siya sa may entrance ng hotel and resort nang makita niya ang tiyuhin niya.

"Summer!" sigaw nito. Nagmamadali itong lumapit sa kanya, mahigpit siya nitong hinawakan sa braso.

"Bitawan mo ko Tito Karl nasasaktan ako," natatakot niyang wika.

"Masasaktan ka talaga kapag hindi ka sumama sa akin pauwi! Pinahiya mo ako kay Henry. Matutuloy pa rin ang kasal niyo!" galit na sabi nito.

Nagpupumiglas siya ngunit hindi siya nito binibitawan. Nahihilo na siya pero nilakasan niya ang loob niya.

"Bitawan mo ang ina ng kambal ko! Huwag mo siyang hawakan." Nagulat siya nang may nagsalita sa may likuran niya. Pamilyar ang boses sa kanya, kaboses ng lalaking nasa night club kumabog nang mabilis ang puso niya.

"Hindi pa tayo tapos Summer, babalikan kita!" Banta ng tiyuhin niya.

Pag-alis ng tiyuhin niya nahimatay siya, naramdaman niyang sinalo siya ng lalaki. Nagising siyang may humahaplos sa buhok niya. Nagtama ang mata nilang dalawa ng lalaki, naiilang siya sa paraan nang pagtitig nito sa kanya.

"Salamat sa pagtulong sa akin. Sige, aalis na ko." Bumangon na siya, pagtingin niya sa relo lagpas na ng nine o'clock late na siya. Lalabas na sana siya subalit pinigilan siya nito.

"Hindi kana papasok," seryosong sabi nito.

"Bakit hindi?" masungit niyang tanong. Muntik na siya matumba nang tumayo siya dahil nahihilo pa rin siya.

"See, hindi mo kayang pumasok sa trabaho. Ikukuha kita ng tubig." Sinundan niya nang tingin ang lalaki. Napadako ang mata niya sa table nito, nanlamig ang buong katawan niya nang mabasa niyang Spade Adams CEO of S-Cards Hotel and Resort. Familiar sa kanya ang pangalan nito, inalala niyang mabuti kung saan niya nabasa ang pangalan nito. Parang lulubog na siya sa kinauupuan niya nang maalala niyang kapangalan nito ang lalaking naka-one night stand niya.

"Bakit ka namumutla, Summer? May masakit ba sa iyo? Sabihin mo lang sa akin." Nagulat siya dahil alam nito ang pangalan niya, sa pagkakatanda niya hindi niya sinabi sa binata ang pangalan niya. Bakit ito nag-aalala sa kanya? Hindi naman sila malapit na magkaibigan at hindi niya rin ito kamag-anak.

"Wala, okay lang ako. S-spade Adams ang full name mo?"

"Oo at ako ang ama ng dinadala mo." Parang bombang sumabog sa tainga niya ang sinabi nito. Nanlalamig ang kamay niya, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Tinitigan niya ito, nakikita niya sa mata nito ang saya. "Papakasalan kita dahil gusto kong may makilalang ama ang kambal."

Kung kanina nanlalamig siya ngayon hindi na siya makagalaw sa sobrang pagkabigla. Palaisipan sa kanya kung paano nito nalaman ang tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi nga siya nito kilala tapos aalukin siya ng kasal hindi siya nito mauuto kahit boss niya pa ito. Una sa lahat hindi sila bagay dahil sobrang yaman nito at impossible na wala itong nobya.

"Sorry, hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Nakakalungkot sabihin pero hindi ako buntis, nahilo lang ako dahil gutom ako," pagkakaila niya.

Hindi siya maaaring magtiwala sa lalaking kaharap niya dahil ngayon niya lang ito nakilala. Hindi niya na kasi maalala ang hitsura ng lalaki sa night club at bago siya umalis noon sa hotel hindi niya na tiningnan ang mukha nito.

"Kahit ipagkaila mo pa alam ko ang totoo. Sorry kung nabigla ka sa sinabi ko," malungkot na wika nito.

"Sir Spade, nagpapasalamat ako na tinulungan mo ko pero hindi tama ang mga sinasabi mo. Maiwan na kita dahil babalik na ko sa trabaho ko. Wala akong panahon pag usapan ang ganyan na bagay at nandito ako para magtrabaho," seryoso niyang saad. Lumabas na siya sa opisina nito, nakaramdam siya ng kaba. Paano kung si Spade nga ang lalaking nakatalik niya? Paano niya pakikiharapan ang lalaki?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status