Share

Chapter 3

Hindi makatulog si Summer kakaisip kay Spade, dapat nga hind niya na ito pag-aksayahan ng oras pero ginulo nito ang tahimik niyang buhay. Wala naman siyang pinagsabihan na buntis siya pero bakit alam ni Spade? Syempre nakakaramdam siya ng takot dahil alam nito ang lihim niya.

Kahit inaantok pa si Summer maaga siyang pumasok dahil ayaw niya malate ngayong araw.

"Sum, pinapatawag ka ni Sir Spade sa office niya," sabi ng katrabaho niya.

"Okay, pupunta na muna ako sa office niya," aniya. Halos ayaw ni Summer ihakbang ang paa niya dahil sa kaba. Kung maaari lang sana magresign na siya subalit batid niya mahihirapan siyang maghanap ng trabaho. Kumatok muna siya bago pumasok sa loob ng opisina ni Spade. "Bakit mo ako pinatawag?"

"Gusto kitang kasabay kumain ng breakfast. Hinintay talaga kita pumasok," nakangiting sabi nito.

"Hindi ka ba makakain ng mag-isa?" naiinis niyang tanong. Akala niya pa naman may mahalagang ipapagawa sa kanya. Kung alam niyang kakain lang hindi na sana siya pumunta office ni Spade.

"Ang sungit ng buntis," mahinang tumawa si Spade. Natulala siya ng ilang segundo dahil lalo naging guwapo ito at ang bait ng hitsura kapag nakangiti ang binata. "Sa tingin mo ba mauubos ko iyan?" Turo nito sa mga pagkain na nasa lamesa.

"Bakit kasi ang dami mo binili? Hindi mo naman kayang ubusin."

"Hindi ko binili iyan niluto ko lahat ng iyan para sa iyo. Ayokong magutom ka at ang mga anak natin. Honey, ang payat mo na kailangan mong kumain ng madami," nag-aalalang wika ni Spade. Hinawakan nito ang kamay niya parang may dumaloy na kuryente, binawi niya kaagad ang kamay. Pinaupo siya nito sa harapan ng lamesa nilagyan nito ng pagkain ang plato niya.

"Diretsahin mo na ako kung may kailangan ka, sabihin mo na. Hindi mo naman ako ipagluluto kung walang dahilan," seryoso niyang sabi.

"Ikaw ang kailangan ko," walang kagatol gatol na sabi nito.

"A-ano?" Nag-loading ang utak niya sa sinabi ni Spade.

"Ikaw ang kailangan ko Summer dahil Ikaw ang ina ng mga anak ko. Ayaw mo bang magkaroon ng masayang pamilya ang mga anak natin?"

"Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na hindi ako buntis," naiirita niyang wika.

"Okay, sige hindi ko na ipipilit na buntis ka pero hindi mo iyan maitatago. Ganito na lang kapag tama ako na buntis ka magpapakasal ka sa akin. Gusto kitang panagutan dahil alam kong ako talaga ang ama niyang dinadala mo at kaya ko patunayan," wika nito.

Hindi siya magpapadala sa mga salita ni Spade dahil batid niyang gusto lang nito na pakasalan niya ito. Hindi naman kasi maaari ang gusto nito dahil para sa kanya ang kasal para lang sa mga taong nagmamahalan. Ginagawa lang laro ni Spade ang pag-alok ng kasal dahil siguro mayaman ito kaya ganoon na lang kadali kay Spade mag-alok ng kasal.

"Kung sakaling buntis ako. Paano ka nakakasiguro na ikaw ang ama?"

"Sa iyo ito di ba?" Napatingin siya sa necklace na nilabas nito. Paanong napunta kay Spade ang kuwintas niya? Hindi siya makatingin sa mata nito. "Tama ako na sa iyo nga itong necklace. Naiwan mo ito sa kama." Mahalaga sa kanya ang kuwintas dahil bigay iyon ng lola niyang namayapa.

"Akin na iyan," aniya. Kukunin niya na sana sa kamay ni Spade ngunit nilayo ng binata ang kamay nito. Naiirita na siya dahil batid niyang nananadya si Spade, hindi naman siya mabilis mairita dati pero ngayon ang bilis uminit ng ulo niya.

"Ibibigay ko ito sa iyo kung aaminin mong ako ang unang lalaking nakaangkin sa iyo," nanunuksong saad ni Spade.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi ko maalala na inangkin mo ako." Kahit nag-iinit na ang mukha niya dahil sa hiya nakipagtitigan siya kay Spade. Kahit anong mangyari hindi siya aamin dahil alam niyang hinuhuli lang siya ni Spade.

"Ipapaalala ko sa iyo," bulong ni Spade. Kinabig siya nito bigla siyang hinalikan, sa sobrang gulat niya nakagat niya ang labi nito. "Honey, hindi ka talaga marunong humalik. Lalo ako nanabik sa iyo." Mapusok na siya nitong h******n, nilalaro ng dila nito ang dila niya. Tinulak niya si Spade, naalala niya kasi ang nangyari sa kanila. Ngayon, sigurado na siyang si Spade ang lalaki ngunit hindi niya na uulitin ang ginawa niya. Tama na ang minsan na naibigay niya ang sarili sa binata.

"Lalabas na ko," aniya. Tumayo na siya dahil hindi niya na kaya ang hiya na nararamdaman niya.

"Dito ka lang." Niyakap siya nito mula sa likuran.

"Spade, wala kang mapapala sa akin dahil hindi ko tatanggapin ang inaalok mong kasal. Hindi Laro ang kasal kaya puwede ba tigilan mo na ako. Maghanap kana lang ng ibang babae na papakasalan mo." Pinapamukha niya talagang ayaw niya sa binata sana mainis ito sa kanya. Mas mabuti nang itulak niya ito sa ibang babae kaysa siya ang kulitin nito.

"Seryoso ako na papakasalan kita. Anong gusto mong patunay?"

"Ang gusto ko layuan mo ako," sagot niya.

"Hindi ako lalayo sa iyo dahil kailangan mo ako. Hindi kita kayang iwan sapagkat magkakaroon na tayo ng anak." Alam niya naman na kaya lumalapit sa kanya si Spade dahil sa kambal na nasa sinapupunan niya. Siguro kung hindi siya nabuntis nito sigurado siyang hindi siya kakausapin nito.

"Naiintindihan mo naman siguro ang sinabi ko. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa akin dahil ayaw ko sa iyo at ayaw kitang maging asawa. Naiinis na ko sa mga sinasabi mo!" mataray niyang saad. Medyo tumaas na ang boses niya.

"Kahit ilang beses mo pa ko tanggihan papakasalan pa rin kita. Maghihintay ako sa sagot mo kahit gaano pa katagal," malambing na wika ni Spade.

"Okay, bahala ka." Tuluyan na siyang lumabas sa office nito. Nasayang lang ang oras niya makipag-usap kay Spade. Iiwasan niya na ang binata simula sa araw na ito ayaw niya rin kasi mapag-usapan siya ng ibang empleyado.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status