Share

Chapter 5

Anim na buwan ng buntis si Summer, sa mansion na siya ni Spade tumira at palagi din silang magkasama pumasok sa trabaho pero ngayon hindi na siya pinapapasok ni Spade kaya sa mansion lang siya nito nanatili. Habang tumatagal nahuhulog na siya kay Spade, sa isang ngiti lang ni Spade bumibilis ang tibok ng puso niya. Tulog pa rin si Spade, ang bait ng mukha nito hindi niya mapigilan ang sarili na haplusin ang mukha, labi at ilong nito.

"Honey, sabihin mo lang kung pinagnanasahan mo ako," mahinang sabi nito. Nakapikit pa rin si Spade, mahina niyang kinurot ang pisngi nito.

"Kahit ano ano na naman ang sinasabi mo. Bumangon kana diyan may pasok ka pa," aniya.

"Mamaya na. Ako ang boss kaya ako ang masusunod," saad nito. Dumilat ito, h******n siya nito ang isang kamay ni Spade nasa dibdib niya. Mahina niyang tinulak ito dahil batid niyang mamaya pa talaga babangon si Spade.

"Ang kamay mo. Boss, tumayo kana diyan."

"Make out muna tayo, please."

"Hindi," maikling sagot niya. Nakasimangot na bumangon si Spade, hinalikan niya ito para hindi na magtampo. "Huwag na magtampo."

"After mo manganak hindi kita papalabasin ng kuwarto. Sinisiguro kong hindi ka makakalakad." Tumawa siya para kasi itong bata na hindi nakuha ang gusto.

"After ko manganak maghihintay kapa ng ilang buwan bago may mangyari ulit sa atin. Maligo kana kasi papasok ka pa sa trabaho, bilisan mo." Nakasimangot itong pumasok sa bathroom.

Nagtungo na siya sa kusina para magluto ng almusal nila, inaasikaso niya si Spade. Pagkatapos niya magluto bumaba na si Spade. Niyakap siya nito, hinaplos nito ang tiyan niya napangiti siya.

"Excited na ko manganak ka. Summer, I love you." Parang ayaw niyang huminga dahil sa narinig niya. Naghahabulan ang tibok ng puso niya, gusto niya tumalon sa tuwa subalit parang may pumipigil sa kanya na sabihin kay Spade na mahal niya na rin ito.

"Kumain kana," aniya.

"Sum, hihintayin ko ang araw na mamahalin mo rin ako," wika nito. Batid niyang nalulungkot ito dahil halata sa boses nito. Hindi na siya sumagot, tahimik silang dalawang kumain pero bago ito umalis naglambingan muna silang dalawa.

Kanina pa hindi mapakali si Summer, gusto niya kasing hatiran ng pagkain si Spade sa opisina nito pero nahihiya siya. Pinahanda niya ang sasakyan sa driver.

"Ihatid mo ko sa opisina ni Spade," aniya.

"Tawagan ko po muna si Señorito Spade," wika ng driver.

"Hindi na gusto ko siyang i-surprise." Hindi lang pagkain ang ihahatid niya, gusto niya rin sabihin kay Spade na mahal niya rin ito at handa na siyang magpakasal. Susuklian niya ang pagmamahal nito unfair din kasi kay Spade. Handa na siyang maging parte ng buhay niya si Spade.

Pagdating niya sa hotel and resort, sinabihan niya ang receptionist na huwag ipaalam kay Spade na dumating siya. Pumunta na siya sa opisina nito, papasok na sana siya dahil nakabukas ang pinto pero natigilan siya ng narinig niya ang pangalan niya.

"Pumayag na si Summer na magpakasal sa iyo?" tanong kay Spade.

"Hindi pa, Aaron."

"Ang problema mo na lang ang kasal. Wala kana problema sa bata dahil sigurado na ang gender ng kambal ay lalaki. Ang galing mo magplano Spade, akala ko nga mahihirapan kang buntisin si Summer." Humigpit ang hawak niya sa paper bag, sumipa ang kambal sa tiyan niya. Nadurog ang puso niya dahil nalaman niyang plano talaga ni Spade na buntisin siya.

"Nagmamadali lang ako ayokong maunahan pa ako ng iba. Siya talaga ang nakatakda kong pakasalan dahil iyon ang nakalagay sa last will and testament ni Lola Cassandra. Kailangan ko mapakasalan si Summer sa lalong madaling panahon dahil iyan ang gusto ng lola niya," wika ni Spade.

"Nakalimutan mo din na kailangan mong mapakasalan siya at magkaroon ng anak sa kanya dahil iyon ang kasunduan niyo ng Lolo George mo bago mo makuha ang Adams Corporation. Mabuti na lang talaga hindi alam ni Summer na ikaw ang taga pag mana ng Adams Corporation," saad ni Aaron.

"Kasunduan din iyon ni Lola Cassandra at Lolo George sumusunod lang ako sa gusto nilang dalawa."

Pumatak ang luha niya sa sinabi ni Spade, dahil lang pala sa yumao niyang lola at sa lolo nito kaya binuntis siya. Hindi siya totoong mahal nito ginamit lang siya ni Spade para makuha nito ang gusto nito. Gusto niya nang tumakbo palabas subalit ayaw gumalaw ng katawan niya, nabitawan niya ang paper bag.

"Sino ang tao diyan?" tanong ni Aaron. Hindi niya magawang sumagot dahil ayaw bumuka ng bibig niya. Narinig niyang may yabag na papalapit, patuloy na umaagos ang luha niya.

"Summer!" gulat na sabi ni Aaron. Sigurado siyang si Aaron ang nasa harapan niya dahil wala naman iba pang tao sa loob ng opisina ni Spade.

"Nandiyan si Summer?" tanong ni Spade. Lumapit ito sa kanila, umalis muna si Aaron. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Malakas niyang sinampal si Spade, sinampal niya ulit ito.

"Oo, nandito ako Spade. Bakit nabigla kaba? Simula ngayon wala na akong tiwala sa iyo!"

"Magpapaliwang ako makinig ka muna sa akin," saad ni Spade.

"Ano ang ipapaliwanag mo? Narinig ko na ang lahat. Hindi mo rin ako mahal, kasinungalingan lang ang sinabi mong mahal mo ako!" Humagulhol siya nang iyak dahil sobrang sakit ng nalaman niya.

"Totoong mahal kita. Maniwala ka naman sa akin," wika ni Spade. Niyayakap siya nito subalit lumalayo siya, ayaw niya ng maniwala sa mga sinasabi nito.

"Sinasabi mo lang na mahal mo ako para pumayag ako magpakasal sa iyo. Hindi ako sa iyo magpapakasal at hindi mo din makikita ang kambal!" galit na sabi niya. Tumalikod na siya para umalis ngunit pinigilan siya nito, naramdaman niyang may likidong dumadaloy sa binti niya. Kinabahan siya, dinudugo siya. Nakita ni Spade na dinudugo siya natranta ito, nawalan siya ng malay.

Nagising siya nasa hospital na, ang bigat ng katawan niya. Nurse lang ang kasama niya sa loob ng kuwarto.

"Ma'am ipapaalam ko po kay Sir Spade na gising kana po. Lumabas lang siya saglit," wika ng nurse.

"Hindi na. Kumusta ang kambal ko?"

"Okay naman po. Iwasan mo mastress, magalit at malungkot ng sobra." Tumango siya, lumabas na ang nurse pinilit niyang tumayo. Kailangan makaalis siya bago pa makabalik si Spade dahil kapag naabutan siya nito sigurado siyang pipigilan siya nito. Malungkot niyang nilisan ang hospital, bawat hakbang niya umiiyak siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status