‼️ Warning : R-18 SSPG ‼️ Velora Venice, mabuting empleyada sa Solara Essence. Sa kabila niyon ay mayroon silang lihim na kasunduan ng kanyang boss na si Dewei Hughes. Isang araw sa piling ni Mr. Dewei Hughes, singkwenta mil ang ibinabayad nito sa kanya. Pangdagdag sa pang-dialysis ng kanyang kapatid at para sa gastusin nila sa bahay. Inalok siya ng boss niya ng isang gabing pagt@t*lik at babayaran siya ng malaking halaga. Pumayag din siyang maging isang exclusive escort ng isang mayamang estrangherong lalaki. Ginawa ni Velora ang magsakripisyo para mabuo ang malaking halagang kailangan sa kidney transplant ng kanyang nakakababatang kapatid na si Vanna.
View MoreINAYA ni Dewei ang ama sa library para makausap ito ng sarilinan. "What are they doing here, Dad?" "Who?" "Sina Marilyn at Marizca..." sagot ni Dewei sa nanlalamig na tinig. "What's the problem? Marizca is your daughter. May karapatan ang anak mo dito sa mansyon." "That’s not the point. I know she's my daughter. Pero alam natin pareho kung bakit sila narito, because Mom wants me to marry Marilyn. Ipipilit na naman niya ang gusto niya kahit ayoko." Huminga siya nang malalim, pinipigilan ang inis. "And that’s never going to happen." Alam niyang may pinaplano na naman ang ina. Kay Velora pa rin ang puso niya, at kahit kailan, hindi niya muling mamahalin ang babaeng minsang sumira sa kanya. "Magbigay ka nga ng isang matibay na dahilan para hindi mo dapat pakasalan si Marilyn?" mariing tanong ni Donny. "Dewei, she’s the mother of your child. Dapat talaga siya ang pinapakasalan mo." Napailing si Dewei. They still didn’t get it. "I don’t love her, Dad. I can’t teach my heart to fee
"D*MN it! How could she do this to me?!" galit na galit na sigaw ni Dewei. Nagngingitngit ang kanyang mga bagang at animo’y sasabak sa giyera ang kanyang mukha sa sobrang paninibughong nararamdaman sa kalooban. "She escaped from me again!" "What will you do now? Paano mo hahanapin si Velora ngayong nakalabas na sila ng bansa?" tanong ni Jai. Matalim ang kanyang tingin sa kawalan. "I will hire the best investigators in the country just to find her. I won’t stop until I have her tied to my bed forever." Napangisi si Jai habang napapailing. Baliw na talaga ang kaibigan niya. Madly, crazily in love. Umuwi na lang si Dewei sa resthouse niya. Wala siyang magagawa sa ngayon dahil hindi niya alam kung saang lupalop ng bansa pupunta si Velora. Kailangan niyang pag-isipan ang hakbang na gagawin, makita lamang ang babaeng minamahal. "Nagkita ba kayo ni Velora?" Bungad na tanong ni Igna sa binata. Malungkot na umiling si Dewei. He heaved a sigh. "She left the country, para sa operasyon ng
BUMALIK si Velora sa ospital. Humahangos na lumalapit sa kanya si Len. "Velora, mayroon na raw nakuhang ka-match si Vanna. Ihahanda na daw ang operasyon ng kapatid mo," balita ni Len na naaninaw na ang saya sa mukha. "Talaga po, Ate?" Untag ni Velora na hinawakan ang kamay ng tagabantay ni Vanna. Mabilis na tumango si Len. "Oo. Dala mo na ba ang para sa advanced payment sa operasyon ni Vanna?" "Opo, Ate..." Tila nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Len. "Ginawa mo talaga ang lahat para sa kapatid mo." "Ang importante po ay matutuloy na ang kidney transplant ni Vanna," sabi ni Velora na pinilit na nginitian si Len. "Tara na po. Puntahan na natin si Vanna." Tumango si Len bilang pagsang-ayon. Sabay silang naglakad papasok sa loob ng ospital. UMUWI si Dewei sa resthouse mula sa limang araw na conference meeting sa labas ng bansa. Walang sumalubong na Velora sa kanya. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang traveling bag sa sopa. "Velora... Velora!' Tawag ng binata at nagpalinga-linga.
HUMINTO ang sinasakyan na taxi ni Velora sa harap ng mansyon ng mga Hughes. Wala na siyang pagpipilian pa. Tumatakbo ang oras at kailangan na niya ng pera para sa transplant ni Vanna. Wala rin si Dewei para matakbuhan niya ngayon. Kabado si Velora habang nakaupo sa sopa sa loob ng library. Pinapasok siya ng guwardiya sa guard house at dumiretso papunta sa mansyon. Umalis siya sa bahay na nakapambahay lamang at hindi na niya napansin kung ano ang hitsura niya sa sobrang taranta. Ang tumatakbo na lamang sa isip niya ay mapuntahan agad si Vanna. Pangalawang beses na niyang makapasok sa loob ng mansyon ng mga Hughes. Pero hindi pa rin niya maiwasang di humanga sa ganda at laki ng lupang sakop ng magarbo at malaking mala-kastilyong bahay. Ang lawak ng agwat ng antas ng pamumuhay nilang dalawa ni Dewei. Kitang-kita niya iyon ngayon na nakapasok siya sa loob ng mansyon. Napalundo lalo sa kaba ang dibdib ni Velora nang biglang bumukas ang pinto. Kaagad siyang napayuko, iniiwasang tignan
"MANONG, puwedeng pakibilisan po ang pag-drive," sabi ni Velora sa driver ng taxi. Ninenerbiyos siya sa sobrang pag-aalala at nanlalamig na rin ang mga kamay niya. Inihatid pa siya ng mag-asawa hanggang sa sakayan. Kahit na anong tanggi niya. Gusto lang daw nilang makasigurado na magiging ligtas siya sa taxi na maghahatid sa kanyang hanggang sa ospital sa Manila. "Ma'am, huwag po kayong makialam sa pagda-drive ko. Makakarating din po kayo sa ospital. Maupo lang kayo ng maayos," mahinahong sagot ng driver. Hindi siya mapakali hangga't 'di siya nakakarating sa ospital at hindi niya nalalaman ang kalagayan ni Vanna. "I keep calling Velora, and she's not answering her phone!" galit na sabi ni Dewei. Mainit ang ulo niya kanina pa, at nakakunot ang kanyang noo. Dalawang oras na niyang sinusubukang kontakin ang fiancée niya, pero hindi ito sumasagot sa lahat ng tawag niya. Pati ang mga mensahe niya, walang reply. "Sir, the conference will start in a few minutes," imporma ni Magenta. Hin
"TACIO! Halika muna rito!" Malalakas na sigaw ni Igna. Inaalalayan niyang tumayo si Velora. "Anong nangyari sa'yo, anak?" Nag-aalalang tanong niya. Napatunghay si Velora. "Na-Nahilo lang po ako, Nay," pagsisinungaling na sagot ni Velora. "Ito na nga ba ang iniisip ko. Kaya ayaw kitang naiiwan mag-isa dito sa bahay." Tumatakbo naman si Tacio na lumapit sa kanila. "Igna, ang lakas-lakas ng boses mo. Anong nangyari?" Natataranta niyang tanong. "Nahilo daw si Velora," sagot ni Igna. Napabaling ang tingin ni Tacio sa dalaga. "Dalhin na muna natin siya sa kuwarto nila." "Hija, ang maigi pa'y magpahinga ka na lang. Kami na ni Igna ang bahala sa bahay. Ingatan mo ang anak mo sa tiyan," ang pangaral na sabi ni Tacio. "Opo, Tay." Mahinang tugon ni Velora. Nanatiling tikom ang kanyang bibig sa nangyari kanina. Sobrang binabagabag ang dibdib niya sa maaring gawin ni Dwight. Sa tono ng pananalita nito hindi ito nagbibiro, gagawin ang gustong gawin kahit makasakit pa ng ibang tao. Sa dami n
Natawa si Dwight, pero may bahid ng panggigigil sa kanyang tawa. "Alam mo bang mas lalo kang gumaganda kapag galit ka? Namumula ang tenga at pisngi mo. Nanlalaki ang butas ng ilong. Kaya siguro baliw na baliw din ang kapatid ko sa'yo." At bago pa siya muling makalapit, isang malakas na sampal ang ibinigay ni Velora. "Wala kang karapatang bastusin ako, Dwight!" sigaw niya, hingal na hingal, habang tumatakbo palayo. Natigilan si Dwight. Hawak niya ang pisngi niya na namula dahil sa sampal—at sa halip na magalit, lalo lang siyang ngumisi. "We’ll see, Velora... we’ll see," aniya, pero may dagdag pa siyang binulong na mas malamig kaysa sa hangin sa paligid. "O baka gusto mong kumalat ang video n’yo ni Dewei sa opisina? The one where you moaned his name like you owned him?" Parang binagsakan ng langit at lupa si Velora. Napatigil sa pagtakbo. Napalingon siya, namumutla, nanlalaki ang mga mata. "A-Anong sinabi mo?" halos hindi na makalabas sa bibig niya ang mga salita. Lumapit si Dwi
"ANONG sinabi mo?!" singhal ni Velora, halos pasigaw. Napaatras siya nang bahagya, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Kaya pala parang inosente si Dewei sa kasunduan nilang dalawa. At nagulat ito nang makita siya sa resthouse. Ngayon, unti-unting lumilinaw ang lahat sa kanya. "I'm the one who talked to Rosenda," mariing sabi ni Dwight, walang pag-aalinlangang inamin ang ginawa. "Ako ang nag-ayos ng lahat para magkaroon ng kasunduan sa inyo ng kapatid ko. Pareho n’yong pinirmahan. At ikaw? Hindi ka rin naman mahirap kumbinsihin, dahil desperada ka na sa pera para sa kapatid mo." Ang buong akala niya ay si Dewei ang estrangherong customer na hiniling ang serbisyo niya ng isang buwan. "Ikaw pala!" napasigaw si Velora, ang dibdib ay mariing humahagok sa galit. "Anong kailangan mo, ha?! Bakit mo niloko ang sarili mong kapatid?! Pati ako?!" Halos nanginginig ang kamay niya sa sobrang galit. Hindi na niya napigilan ang sarili. Tinuligsa niya si Dwight, kahit alam niyang delikado.
MAY biglaang out-of-the-country na conference si Dewei. Nasa airport na sila ni Velora, kasama ang mag-asawang sina Igna at Tacio. 'Dalawang araw lang akong mawawala, babe. If you need anything, just call me. Kahit ano pa 'yan, o kahit nasa meeting ako, don't hesitate to call me or text me,' bilin ni Dewei. Malamlam ang mata ni Velora na tumango sa binata. Nginitian siya ng binata at hinapit siya sa beywang na ikinagulat niya. "Don't be sad. Dalawang araw lang 'yun. Go out with Aster or with Nanay Igna. Kumain kayo sa labas o kaya mamasyal," paglalambing pa ni Dewei sa dalaga para hindi ito malungkot habang wala siya. "Mami-miss kita. Sobra..." maiiyak na sabi ni Velora. Pilit na iniiwas ang mukha sa binata. "Me too but I promised to call when I reached Japan." "Sabi mo 'yan, ha? Huwag mong kakalimutan, Dewei, ang pangako mo," sabi ni Velora na tila nagbabala ang tingin sa binata. Malawak na ngumiti si Dewei. Walang pakundangan niyang hinalikan sa labi si Velora sa harap
⚠️ Warning: R-18 ‼️ There are some words that may not be suitable for young readers. "V, tawag ka ni manager," sabi ni Marisol kay Velora. Kasalukuyang, naglalagay ng make up si Velora sa mukha nang pumasok sa loob ng kanyang cubicle si Marisol. Ang kanyang baklang kasamahan sa club. Napatigil siya at napalingon kay Marisol. "Sabihin mo kay manager, susunod na ako." "Bilisan mo at baka mainip ang customer na naghihintay sa'yo. Alam mo, bakla, rinig ko, ha. Madatung! Mayaman at guwapo!" Tumitili pang sabi ni Marisol kay V. "Wala akong pakialam kung guwapo siya. Ang mahalaga sa akin ay kung may pera. Baka mamaya niyan barya barya lang ang ibigay sa 'king tip. Sayang lang ang oras ko d'yan." "Promise, galante daw 'to. Makapal nga ang bulsa at hindi mo pagsisihan. May pangdagdag ka na para sa kidney transplant ng kapatid mo." Parang biglang lumaki ang butas ng tenga ni Velora sa narinig. Kailangan na kailangan niyang makaipon para sa kidney transplant ng kanyang kapatid. Kula...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments