Pumunta si Lenie sa condominium ng kanyang boyfriend na si Dexter dahil first anniversary nila. Gusto niya itong i-surprise kahit pa sinabihan na siya ng nobyo na huwag na.
Dahil alam naman niya ang password ng pinto ng condominium ni Dexter ay pumasok na agad siya.
“Hi baby! Surprise-“ hindi na natapos ang sasabihin ni Lenie dahil nakita niyang naghahalikan sina Dexter at Via.
Agad namang napansin ni Dexter si Lenie kaya tumakbo siya papalapit dito.
“Baby, let me explain. It’s not what you think it is. Hinihipan ko lang ang mata ni Via, napuwing kasi siya. Iyon lang iyon,” paliwanag ni Dexter.
“At sa tingin mo ay maniniwala ako sa ‘yo? Napuwing siya? Ano iyon? Napuwing habang hubad?” pinipilit nl ni Lenie na hindi umiyak.
Lumapit naman si Via kina Dexter at Lenie. Para bang proud na proud pa ito na nahuli sila. Noong mga oras na iyon ay gusto na talagang sabunutan ni Lenie si Via pero dahil ayaw niya ng eskandalo ay pilit niyang pinigilan ang sarili.
“Ano, Lenie? Masakit ba? Akala mo, lahat na ng bagay sa mundo ay makukuha mo? I’m sorry, pero nasa akin na ang pinakamamahal mo,” sabi ni Via.
“Via, bakit mo nagawa sa akin ito? Dahil ba ito roon sa promotion na ako ang nakakuha at hindi ikaw? Inakit mo na lang ang boyfriend ko para makaganti ka sa akin?” tanong ni Lenie, naluluha na siya.
“Hindi lang dahil doon! Marami pang bagay, Lenie. Kung pwede nga lang, mas masakit pa rito ang gawin ko sa iyo ay gagawin ko, eh. Hayaan mo, sa susunod ay mas masakit na rito ang ipaparamdam ko sa ‘yo,” sabi ni Via.
Dahil sa sinabi ni Via ay hindi na napigilan ni Lenie ang kanyang sarili. Wala na siyang paki kung may mga taong makarinig sa kanila. Sinampal niya si Via pagkatapos ay sinampal din siya nito.
Sa galit ni Lenie ay hinila niya ang buhok ni Via palabas ng condominium ni Dexter. Awat-awat naman sila ni Dexter pero dahil galit na galit si Lenie ay hindi niya mapigilan ito.
“Aray ko, Lenie! Tama na! Tigilan mo na ‘to! Hindi na ako manggugulo pa sa inyo ni Dexter!” sigaw ni Via.
“Hindi! Gusto mo ‘to, ‘di ba? Ibibigay ko lang sa ‘yo ang gusto mo. Hindi naman kasi ako kasing sama mo. Saka, madali naman akong kausap, eh.”
“Lenie, tigilan mo na ito. Kung gusto mo, tayo na lang ulit. Basta, huwag mo lang sasaktan si Via, please?” pagmamakaawa naman ni Dexter sa kanya.
Hawak-hawak pa rin ni Lenie ang buhok ni Via kahit nasa elevator na sila. Pagbukas ng pintuan ng elevator ay maraming tao ang nakakita sa kanila. Ang iba ay gustong tulungan si Via at ang iba naman ay nakiki-chismis lang.
“Hello, everyone! Gusto ko lang sabihin na mag-ingat kayo sa babaeng ito! Isa siyang ahas! Inagaw niya ang boyfriend ko! Sige, picture-ran niyo na ang babaeng ito at baka kabit din siya ng mga boyfriend o asawa niyo!”
Iyon naman ang ginawa ng mga tao. Ang iba ay nag-live pa nga sa kanilang social media account. Dahil doon ay hiyang-hiya sina Dexter at Via. Sinubukan pa siyang habulin ni Dexter para humingi ng tawad sa kanya pero lakas-loob siyang umalis na ng building na iyon.
Makalipas ang isang linggo ay nakipagkita si Lenie sa kaibigan niyang si Alice. Dahil heartbroken nga si Lenie sa kanyang ex-boyfriend na si Dexter ay nagpatulong siya sa kaibigan na maghanap ng bagong trabaho para maka-move on. Kailangan niya ng bagong environment para sa kanyang sarili.
“Ano? Nakita mo silang naghahalikan? Aba, bwisit na lalaki ‘yon! Puro pangako pa siya na hindi ka niya lolokohin tapos ganoon ang gagawin niya? Hay, naku! Tiwala pa naman ako sa kanya!” inis na sabi ni Alice.
“Kaya nga nakipagkita ako sa iyo. Baka pwede mo naman akong tulungan na mabigyan ng bagong trabaho. Hindi ko na sila kayang makita. Nandidiri na ako tuwing nakakasalubong ko sila sa trabaho!” sagot naman ni Lenie, kita pa rin ang lungkot sa mga mata niya.
“Ah, oo naman. Tutulungan kita. Sakto, may job hiring sa office. Saka, pogi rin ang boss namin. Babaero nga lang. Gusto mo ipasa ko sa kanila ang resume mo?” sagot ni Alice, napangiti naman si Lenie dahil sa sinabi ng kaibigan.
“Ikaw talaga, trabaho ang gusto ko hindi bagong sakit ng ulo. Buti at dala ko ang resume ko. Teka, kukunin ko lang sa bag ko,” sagot ni Lenie pagkatapos ay kinuha na sa bag ang kanyang resume.
Nang mabigay na niya ang resume ay nagkwentuhan pa silang magkaibigan. Ang hindi alam ni Lenie ay may anak na noon si Alice at balak nito na iwan ang bata sa kanya.
“Saang kompanya ka nga pala nagtatrabaho?” tanong ni Lenie.
“Ah, sa Ramirez Group of Companies. Okay naman, malaki ang sahod. Kaya lang, panay dalaga lang ang hina-hire nila. Wala pa naman kayong anak ni Dexter, ‘di ba?” pagkaklaro ni Alice.
“Aba, oo naman. Wala talaga akong anak sa lalaking iyon. Bwisit siya!” ramdam ang inis sa boses ni Lenie nang sabihin niya iyon.
“Ah, mabuti. Kung ganoon ay makakapasok ka talaga sa RCG. Sige, sasabihan na lang kita kapag naipasa ko na ang resume mo sa kanila, ha? Una na ako, may gagawin pa ako, eh,” sagot naman ni Alice.
Bago umalis si Alice ay nagpasalamat si Lenie sa kanya. Sobrang saya niya na sa wakas ay may sagot na siya sa kanyang problema. Kahit paano ay gumaan ang sakit na kanyang nadarama.
Pauwi na siya sana noon nang bigla namang umulan. Kalahating oras din siyang nagpatila muna roon sa coffee shop.Naglalakad na siya noon pauwi nang biglang may kotse na nagmamadali at tumigil sa tabi niya. Naputikan tuloy ang damit niya dahil doon. Sa sobrang inis niya ay sinigawan niya ang driver.“Hoy! Kung sino ka mang nagda-drive, ayusin mo naman! Hari ka ba ng daan, ha?” inis na sabi ni Lenie, pagkatapos ay sinubukan niyang alisiin ang putik sa kulay puti niyang damit.Binaba ng driver ang bintana ng kanyang kotse pagkatapos ay sumagot kay Lenie, inis din ito at parang nagmamadali.“Miss, hindi ko naman kasalanan iyan. Isa pa, bakit ka kasi naglalakad? Alam mo namang umulan, eh. Expected na maputik ang daan! Puti pa ‘yang sinuot mong damit. Hay, naku! Nakakaubos ng oras!” sabi noong lalaki pagkatapos ay agad na tinaas ang bintana ng kanyang kotse.Napailing na lang siya dahil sa inasta noong lalaki. Buti na lang at nakita niya ang plate number ng kotse. Agad niya iyong tinandaan p
Pumasok na siya sa loob ng opisina. Todo ngiti pa siya sa lahat ng taong nakakasalubong niya. Wala na siyang pakialam kung hindi siya kilala ng mga ito. Ang importante sa kanya ay masaya siya sa kanyang first day of work.Nahihiya man ay kailangan niyang magtanong sa mga tao kung saan ang cubicle niya. May isang lalaki siyang pinagtanungan at mabait naman siyang sinagot nito.“Ah, Sir. Pwede ko po ba malaman kung saan ang cubicle ko? Salamat po,” sabi ni Lenie.Ngumiti naman sa kanya ang lalaki at itinuro ang babaeng nakaupo sa di kalayuan. Agad na lumapit si Lenie roon sa babae para magtanong. Nahihiya pa nga siya noon dahil halatang busy na busy ‘yong babae.“Ah, hello. Sabi sa akin noong lalaki roon, sa ‘yo ko raw itanong kung saan ang cubcle ko,” sabi ni Lenie.“Ah, dito. Ikaw pala ‘yong sinasabi ni Sir Alexis sa akin na newly hired. Naku, ihanda mo na ang sarili mo dahil sure ako na kahit first day mo pa lang dito ay tiyak na marami ka agad trabaho,” sabi naman noong babae kaya l
Ganoon na nga ang nangyari kay Lenie. Araw-araw siyang inuutusan ni Alexis kahit na hindi naman sakop ng trabaho niya iyon. Wala namang magawa si Lenie dahil bukod sa boss niya ito ay kaka-hire lang din sa kanya kaya dapat ay maging good ang record niya sa RCG. “Ano? Kaya mo pa ba? Alam mo, sa dami ng babae na empleyado ni Sir, sa iyo lang siya ganyan. Never naming naranasan iyan. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa kanya at paborito ka niyang utusan,” sabi ni Zyra. “Ewan ko ba sa boss natin, hindi ko alam kung paborito ba ako o may galit sa akin. Pero, kaya ko ito. Walang-wala ito kumpara sa naranasan kong pait sa buhay,” sagot naman ni Lenie pagkatapos ay ngumiti kay Zyra. Sa tatlong linggo kasi na nandoon siya sa RCG ay parang sanay na siya sa araw-araw na nangyayari sa buhay niya. Hindi na lang niya pinapansin ang kanyang boss para tuloy-tuloy lang ang trabaho. “Lenie, tawag ka ni Sir. May iuutos daw sa iyo. Bilisan mo,” sabi ni Celeste. Nagtaka naman si Lenie kung ano na
Sa sobrang tagal nang paghihintay ni Lenie kay Alice ay nainis na siya rito. Akala kasi niya noong una ay ilang buwan o aabot lang ng isang taon bago bumalik ang kanyang kaibigan pero nakailang taon na ay wala pa rin itong paramdam sa kanya. Tinanggap na lang niya na baka nga tuluyan nang pinabayaan ni Alice ang anak. Wala namang problema kay Lenie iyon dahil lumaki namang mabuting bata si Javi. “Baby, halika na. Bilisan mo nang kumain ha? Male-late ka niyan for school. Pati, maaga si Mama sa work niya. Kumilos na tayo, ha. I’ll wait for you here,” sabi ni Lenie kay Javi pagkatapos ay inayos na niya ang kakainin noong bata. “Anak, may gusto pala akong itanong sa ‘yo. Hindi mo na ba nakakausap ang nanay ni Javi? ‘Di ba, sabi niya ay babalik siya? Kawawa naman kasi si Javi, hindi na niya nakilala ang tunay niyang nanay,” sabi ni Hasmin sa anak habang kumakain ng agahan. Kita ang inis sa mukha ni Lenie nang marinig iyon mula sa kanyang ina. Tumingin pa siya sa paligid dahil baka may