Ganoon na nga ang nangyari kay Lenie. Araw-araw siyang inuutusan ni Alexis kahit na hindi naman sakop ng trabaho niya iyon. Wala namang magawa si Lenie dahil bukod sa boss niya ito ay kaka-hire lang din sa kanya kaya dapat ay maging good ang record niya sa RCG.
“Ano? Kaya mo pa ba? Alam mo, sa dami ng babae na empleyado ni Sir, sa iyo lang siya ganyan. Never naming naranasan iyan. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa kanya at paborito ka niyang utusan,” sabi ni Zyra.
“Ewan ko ba sa boss natin, hindi ko alam kung paborito ba ako o may galit sa akin. Pero, kaya ko ito. Walang-wala ito kumpara sa naranasan kong pait sa buhay,” sagot naman ni Lenie pagkatapos ay ngumiti kay Zyra.
Sa tatlong linggo kasi na nandoon siya sa RCG ay parang sanay na siya sa araw-araw na nangyayari sa buhay niya. Hindi na lang niya pinapansin ang kanyang boss para tuloy-tuloy lang ang trabaho.
“Lenie, tawag ka ni Sir. May iuutos daw sa iyo. Bilisan mo,” sabi ni Celeste.
Nagtaka naman si Lenie kung ano na naman ang iuutos ng kanyang boss dahil kakautos lang nito 30 minutes ago sa kanya. Pati si Zyra ay nagtaka na rin pero wala naman itong maitulong kay Lenie.
“Okay, sige. Papunta na ako. Thank you, Celeste,” sagot ni Lenie pagkatapos ay tumayo na para pumanhik na sa fourth floor.
Pagdating sa opisina ni Alexis ay tinanong agad ni Lenie kung ano ang kailangan nito sa kanya. Sinubukan niyang ngumiti pero pakiramdam niya ay tinuturin na siya ni Alexis na parang isang robot.
“Sir, ano po ang iuutos niyo this time?” tanong ni Lenie.
Hindi nagsalita si Alexis, may binigay lang siyang papel kay Lenie. Pagkatapos ay dumukot ng limang libong sa kanyang bulsa at binigay iyon kay Lenie.
Binuksan ni Lenie ang lukot na papel at nalula siya dahil sa sobrang daming nakalista roon. Nandoon ang pangalan ng mga empleyado ni Alexis at nakalagay din ang paborito nilang drink sa isang coffee shop malapit sa opisina.
“A-Ano po ito, Sir?” naguguluhan na tanong ni Lenie.
“I want you to buy all of that and distribute them one by one sa lahat ng empleyado ko. Is that clear?” may awtoridad na sagot ni Alexis.
Gulat na gulat si Lenie nang marinig niya iyon. Saglit niyang hinanap ang kanyang pangalan pero wala iyon sa listahan. Namuo na naman tuloy ang inis niya kay Alexis dahil doon.
“Ah, okay po Sir. Pero, saan ko po isasakay ang lahat ng ito pagkatapos? Masyado po kasing madami, hindi ko po kayang kunin ‘yong lahat,” ramdam sa boses niya ang lungkot at pagod na nararanasan niya.
“You figure it out, Miss Santos. Alam kong matalino ka. Simpleng bagay lang iyan para sa iyo. Rent a taxi if you can. Basta, kailangan ay maibigay mo na sa lahat iyan by 3pm,” sagot ni Alexis pagkatapos ay binigyan niya si Lenie ng isang nakakalokong tingin.
Hindi na nakapagsalita pa si Lenie noon. Agad siyang tumalikod at huminga nang malalim pagk ay lumabas na ng opisina ni Alexis.
Noong mga oras na iyon ay parang gusto na niyang sumabog sa inis pero kinalma niya ang sarili dahil alam niyang kailangan niya ang trabahong iyon.
Wala nang nagawa si Lenie kung hindi ang magrent ng taxi para mapabilis ang utos ni Alexis. Lalo pa siyang na-pressure dahil may oras na binigay ang kanyang boss sa kanya.
Pati ang driver ng taxi ay gulat na gulat sa dami ng dala ni Lenie na drinks. Tinulungan na siya noong driver dahil kitang-kita na hindi na kaya ni Lenie ang kanyang dala-dala.
“Miss, ayos ka lang ba? Bakit ang dami naman nitong kape na in-order mo?” may pag-aalala na tanong noong driver kay Lenie.
“Ayos lang naman po ako. Oo nga po, ang daming in-order noong boss ko. Para po iyan sa lahat ng katrabaho ko,” sagot ni Lenie kahit na hirap na sa ilang hawak niyang drinks.
Dahil sa awa ng taxi driver kay Lenie ay hindi na niya pinabayaran pa ang metro ng taxi niya.
“ Ha? Sigurado po kayo, Kuya? Ayos lang naman po sa akin iyon. May trabaho din po kayo, ayaw kong masayang ang pagod ninyo,” sabi ni Lenie, hindi makapaniwala sa sinabi ng taxi driver.
“Hija, wala sa akin iyon. Ayaw ko nang dumagdag pa sa problema mo ngayong araw. Okay na iyon. Ang importante sa akin ay nakatulong ako,” sagot naman ng taxi driver.
Pagbaba niya sa taxi ay panay ang pasasalamat niya roon sa driver. Hindi siya makapaniwala na may mababait pa palang tao sa mundo.
Nang maibigay na ni Lenie sa bawat isa ang mga drinks ay pumunta siya sa isang sulok, malayo sa lahat at doon umiyak. Hindi na niya kinaya ang pagod dahil sa mga utos ni Alexis sa kanya.
Ang hindi niya alam ay sinundan pala siya ni Zyra kaya nakita nito ang pag-iyak ni Lenie. Nagulat na lang siya at agad na pinunasan ang kanyang mga luha nang makita ang si Zyra.
“Lenie, okay ka lang ba? Oo nga pala, nilagay ko na ang drink sa cubicle mo. Enjoy that drink. Masarap iyon at favorite ko,” nakangiting sabi ni Zyra na pinagtaka naman ni Lenie.
“Ha? Naku, huwag na. Okay lang ako. Isa pa, para sa iyo iyon kaya dapat lang na ikaw ang uminom noon,” sagot ni Lenie.
“Hindi, sa ‘yo na iyon. Nakainom naman na ako kanina. Hindi ko kasi alam na o-order ka pala sa coffee shop na iyon,” nakangiting sagot ni Zyra.
Wala nang nagawa si Lenie kung hindi bumalik sa kanyang cubicle at tanggapin ang drink na binigay sa kanya ni Zyra.
Napangiti na lang siya dahil akala niya dati ay mataray si Zyra. Iyon pala, ito pa ang magiging kaibigan niya.
Ang hindi alam ng dalawa ay rinig pala sila ni Alexis. Nang makita ni Alexis si Lenie na umiiyak ay may parang kutsilyo na humiwa sa kanyang puso sa di malamang dahilan.
Simula noon ay pinangako niya sa sarili na hindi na niya pahihirapan pa si Lenie at babawi siya sa lahat ng kasalanang nagawa niya sa kanyang empleyado.
Sa sobrang tagal nang paghihintay ni Lenie kay Alice ay nainis na siya rito. Akala kasi niya noong una ay ilang buwan o aabot lang ng isang taon bago bumalik ang kanyang kaibigan pero nakailang taon na ay wala pa rin itong paramdam sa kanya. Tinanggap na lang niya na baka nga tuluyan nang pinabayaan ni Alice ang anak. Wala namang problema kay Lenie iyon dahil lumaki namang mabuting bata si Javi. “Baby, halika na. Bilisan mo nang kumain ha? Male-late ka niyan for school. Pati, maaga si Mama sa work niya. Kumilos na tayo, ha. I’ll wait for you here,” sabi ni Lenie kay Javi pagkatapos ay inayos na niya ang kakainin noong bata. “Anak, may gusto pala akong itanong sa ‘yo. Hindi mo na ba nakakausap ang nanay ni Javi? ‘Di ba, sabi niya ay babalik siya? Kawawa naman kasi si Javi, hindi na niya nakilala ang tunay niyang nanay,” sabi ni Hasmin sa anak habang kumakain ng agahan. Kita ang inis sa mukha ni Lenie nang marinig iyon mula sa kanyang ina. Tumingin pa siya sa paligid dahil baka may
Pumunta si Lenie sa condominium ng kanyang boyfriend na si Dexter dahil first anniversary nila. Gusto niya itong i-surprise kahit pa sinabihan na siya ng nobyo na huwag na.Dahil alam naman niya ang password ng pinto ng condominium ni Dexter ay pumasok na agad siya. “Hi baby! Surprise-“ hindi na natapos ang sasabihin ni Lenie dahil nakita niyang naghahalikan sina Dexter at Via.Agad namang napansin ni Dexter si Lenie kaya tumakbo siya papalapit dito.“Baby, let me explain. It’s not what you think it is. Hinihipan ko lang ang mata ni Via, napuwing kasi siya. Iyon lang iyon,” paliwanag ni Dexter.“At sa tingin mo ay maniniwala ako sa ‘yo? Napuwing siya? Ano iyon? Napuwing habang hubad?” pinipilit nl ni Lenie na hindi umiyak.Lumapit naman si Via kina Dexter at Lenie. Para bang proud na proud pa ito na nahuli sila. Noong mga oras na iyon ay gusto na talagang sabunutan ni Lenie si Via pero dahil ayaw niya ng eskandalo ay pilit niyang pinigilan ang sarili.“Ano, Lenie? Masakit ba? Akala
Pauwi na siya sana noon nang bigla namang umulan. Kalahating oras din siyang nagpatila muna roon sa coffee shop.Naglalakad na siya noon pauwi nang biglang may kotse na nagmamadali at tumigil sa tabi niya. Naputikan tuloy ang damit niya dahil doon. Sa sobrang inis niya ay sinigawan niya ang driver.“Hoy! Kung sino ka mang nagda-drive, ayusin mo naman! Hari ka ba ng daan, ha?” inis na sabi ni Lenie, pagkatapos ay sinubukan niyang alisiin ang putik sa kulay puti niyang damit.Binaba ng driver ang bintana ng kanyang kotse pagkatapos ay sumagot kay Lenie, inis din ito at parang nagmamadali.“Miss, hindi ko naman kasalanan iyan. Isa pa, bakit ka kasi naglalakad? Alam mo namang umulan, eh. Expected na maputik ang daan! Puti pa ‘yang sinuot mong damit. Hay, naku! Nakakaubos ng oras!” sabi noong lalaki pagkatapos ay agad na tinaas ang bintana ng kanyang kotse.Napailing na lang siya dahil sa inasta noong lalaki. Buti na lang at nakita niya ang plate number ng kotse. Agad niya iyong tinandaan p
Pumasok na siya sa loob ng opisina. Todo ngiti pa siya sa lahat ng taong nakakasalubong niya. Wala na siyang pakialam kung hindi siya kilala ng mga ito. Ang importante sa kanya ay masaya siya sa kanyang first day of work.Nahihiya man ay kailangan niyang magtanong sa mga tao kung saan ang cubicle niya. May isang lalaki siyang pinagtanungan at mabait naman siyang sinagot nito.“Ah, Sir. Pwede ko po ba malaman kung saan ang cubicle ko? Salamat po,” sabi ni Lenie.Ngumiti naman sa kanya ang lalaki at itinuro ang babaeng nakaupo sa di kalayuan. Agad na lumapit si Lenie roon sa babae para magtanong. Nahihiya pa nga siya noon dahil halatang busy na busy ‘yong babae.“Ah, hello. Sabi sa akin noong lalaki roon, sa ‘yo ko raw itanong kung saan ang cubcle ko,” sabi ni Lenie.“Ah, dito. Ikaw pala ‘yong sinasabi ni Sir Alexis sa akin na newly hired. Naku, ihanda mo na ang sarili mo dahil sure ako na kahit first day mo pa lang dito ay tiyak na marami ka agad trabaho,” sabi naman noong babae kaya l