Share

CHAPTER 2

Pauwi na siya sana noon nang bigla namang umulan. Kalahating oras din siyang nagpatila muna roon sa coffee shop.

Naglalakad na siya noon pauwi nang biglang may kotse na nagmamadali at tumigil sa tabi niya. Naputikan tuloy ang damit niya dahil doon. Sa sobrang inis niya ay sinigawan niya ang driver.

“Hoy! Kung sino ka mang nagda-drive, ayusin mo naman! Hari ka ba ng daan, ha?” inis na sabi ni Lenie, pagkatapos ay sinubukan niyang alisiin ang putik sa kulay puti niyang damit.

Binaba ng driver ang bintana ng kanyang kotse pagkatapos ay sumagot kay Lenie, inis din ito at parang nagmamadali.

“Miss, hindi ko naman kasalanan iyan. Isa pa, bakit ka kasi naglalakad? Alam mo namang umulan, eh. Expected na maputik ang daan! Puti pa ‘yang sinuot mong damit. Hay, naku! Nakakaubos ng oras!” sabi noong lalaki pagkatapos ay agad na tinaas ang bintana ng kanyang kotse.

Napailing na lang siya dahil sa inasta noong lalaki. Buti na lang at nakita niya ang plate number ng kotse. Agad niya iyong tinandaan para sa susunod na makita niya ito sa daan ay makaganti siya.

DVW 674. Lagot ka sa akin kapag nakita kita ulit sa daan! Bwisit! Gwapo sana pero masama ang ugali! Pasalamat talaga ang kotse na ‘yon at pauwi na ako!” sigaw niya.

Pag-uwi niya ay agad niyang nilabhan ang damit na suot. Binalita na rin niya sa kanyang ina ang paghahanap niya ng bagong trabaho. Noong una ay nag-alala ang nanay ni Lenie para sa kanya pero noong pinaliwanag ni Lenie ang lahat ay kumalma na ang nanay niya.

Pagkaraan ng ilang linggo ay tinawagan siya ni Alice. Sinabi nito na may kailangan daw silang pag-usapan. Hindi na siya nagtanong noon dahil alam ni Lenie na tungkol iyon sa magiging trabaho niya. Excited siyang umalis ng bahay, ni hindi na nga siya nakapagpaalam sa nanay niya.

“Sige, pupunta na ako dyan. Buti naman at tumawag ka na sa akin. Ang tagal ko na rin kasing naghihintay ng response nila,” sabi ni Lenie.

“Naku, pasensya ka na at natagalan, hindi ko kasi na-follow up agad. Pero, okay na. Hihintayin na lang kita rito sa bahay, ha?” sagot naman ni Alice pagkatapos ay binaba na nito ang tawag.

Nagulat na lang siya nang makitang walang katao-tao roon sa bahay ni Alice. Tanging ang baby na umiiyak sa crib ang naiwan. Hindi siya makapaniwala na may anak pala si Alice. Ang tagal na kasi nilang magkaibigan pero ni minsan ay hindi nagkwento si Alice tungkol sa lovelife niya. Sinubukan pa niyang tawagan ang cellphone number ng kaibigan pero cannot be reached na ito.

Para tuloy bumagsak ang mundo niya dahil niloko na nga siya ng ex-boyfriend niyang si Dexter tapos lolokohin rin pala siya ni Alice. Nawala na tuloy ang mga pangrap niya. Doble pa ang hirap dahil iniwan ni Alice ang anak nito sa kanya.

Makaraan ang isang linggo ay agad siyang pumunta sa Ramirez Group of Companies para mag-apply ng trabaho. Buti na lang at naalala niyang nagtanong siya kay Alice kung saan ito nagtatrabaho bago siya umalis. Para sa kanya, kahit anong position na lang ang ibigay ay okay na. Ang importante ay may trabaho siya.

Nang si Lenie na ang iinterviewhin ay nagulat siya dahil ang lalaking nakaalitan niya sa daan noong nakaraan ay ang lalaking mag-iinterview sa kanya.

“Ikaw?!” halos napasigaw na sabi ni Lenie.

“Miss Santos, kindly lower down your voice,” sagot noong lalaki, tila hindi siya nakikilala nito.

Hindi na sinubukan ni Lenie na ipaalala pa sa lalaki kung sino siya. Baka kasi lalo lang siyang hindi makapasok sa RCG kapag ginawa niya iyon.

Tinuloy na lang ni Lenie ang interview kahit inis na inis siya roon sa lalaki.

“Miss Santos, nakita ko rito na nag-submit ka na before ng resume mo. How was it? Bakit hindi ka tumuloy?” tanong ng lalaki.

Dahil sa itsura at pagiging seryoso ng lalaki ay natigilan si Lenie. Pinagmasdan niya ang lalaki at napatunayan na sobrang gwapo nga talaga nito.

“Miss Santos, are you okay? Bakit ka tulala? You’re not even answering my question,” seryosong sinabi noong lalaki, doon lang natauhan si Lenie.

Bigla niyang naalala na pinasa nga pala ni Alice ang kanyang resume. Buong akala kasi niya ay hindi na nito tinuloy iyon dahil sa panloloko niya sa kaibigan.

“Ah, naging busy lang po ako, Sir. Pero, ngayon po ay okay na. Ready na po akong pumasok sa RCG,” sagot ni Lenie.

“Sayang, pasado ka pa naman. Well, pasado ka rin naman ngayon kaya walang problema. You are hired, Miss Santos,” sagot ng lalaki, ni hindi man lang ngumiti.

Gulat na gulat naman si Lenie dahil buong akala niya ay hindi na siya makakapasok pa roon sa kumpanya.

“Po? Hala! Thank you po, Sir!” pansamantalang nawala ang inis ni Lenie sa lalaki.

Todo hawak si Lenie sa kamay noong lalaki dahil sa sobrang saya. Hindi niya namalayan na iyon na pala ang ginagawa niya. Natigilan lang siya nang magsalita ang lalaki.

“Miss Santos?”

“Ah, sorry po, Sir. Masaya lang ako,” nahihiyang sagot ni Lenie, gusto na lang niyang magpakain sa lupa nang ma-realize na magkahawak sila ng kamay.

Agad na binitawan ni Lenie ang kamay noong lalaki pagkatapos ay kinuha na niya ang kanyang bag. Nagpaalam na siya roon sa lalaki at paalis na.

Nagulat na lang siya nang tawagin ulit siya nito at tanungin kung may anak siya. Doon niya naalala na hindi nga pala pwede ang may anak na empleyado sa RCG.

“Miss Santos, do you have a child?” 

“A-Ah, wala po, Sir. Dalaga po ako,” sagot ni Lenie, masakit man pero kailangan niyang magsinungaling. Para naman kay Javi ang ginagawa niya.

“Good. Then you are good to go. Thank you, Miss Santos,” sagot noong lalaki, saka palang nito nginitian si Lenie.

Lumabas na ng opisina si Lenie noon.  Para bang nabunutan siya ng tinik dahil sa wakas ay may trabaho na siya ulit. Pag-uwi niya sa kanilang bahay ay sinabi agad niya ang magandang balita sa ina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status