Elijah is thirty years old. He's been guarding me a few months after I turned 18. Ang papa ang nag-hire sa kaniya dahil isang buwan pagkatapos ng debut ko ay muntik na akong mamatay dahil may nagpaulan ng mga bala ng baril sa family car namin kung saan ako nakasakay.
Ngayon, pang siyam na buwan na niya dito sa mansyon bilang bodyguard ko. Naalala ko tuloy, when he was introduced to me, napansin ko kaagad ang mukha niya, how handsome he is. Nakukuha agad niya ang atensyon ng kahit sino, kadalasan mga babae. At ang tangkad niya. Kahit na 5'8 ang height ko ay hanggang balikat lang niya ako. I learned that Elijah was under a special force agency, dating navy seal. Wala akong masyadong alam tungkol sa personal na buhay niya dahil hindi naman rin siya noon nagkukwento. Hindi kami madalas mag-usap. Talagang binabantayan lang niya ako at sinisiguro ang kaligtasan ko. He talks less. Kapag may tinatanong ako, tango at iling lang ang nakukuha ko na sagot mula sa kanya. Pero hindi ako non naapektuhan. I tried to talk to him more each day since he guarded me. At nagbunga naman because in the past few months, he became more at ease with me at ganoon rin ako sa kaniya na sanay na tahimik lang sa ibang tao at walang nakakausap. I no longer just get nods and shrugs from him. Sumasagot na rin siya at minsan nagbibigay ng opinyon niya. At dahil doon mas nagustuhan ko siya... Simula nang maging bodyguard ko si Elijah at kahit nang nakakausap ko na siya ay saka ko lang rin na-appreciate na may mga tao pala talaga na parang robot--he doesn't show much of emotion. Iyon talaga ang hindi nagbago. Ang nakikita ko pa lang ay ang blangko at seryosong ekspresyon ng mukha niya. Ang pagsasalubong ng mga kilay kapag may bagay siya na nakita na hindi niya gusto o mga salitang hindi maganda sa kaniyang pandinig. Maliban doon ay wala na. Hindi ko pa siya nakikita na ngumiti. "Elijah?" Nabalik ako sa realiad pagkatapos na magbaliktanaw nang marinig ko ang boses ng papa na tinawag si Elijah. I asked my father before about him, kung may asawa, o girlfriend dahil nga sa atraksyon na nararamdaman ko dito despite our age gap. Ayoko rin naman magkagusto sa lalake na may kasintahan na lalo sa pamilyado na. To my dismay, because his life was so private, even my father didn't know much about him. All he told me was that he is an excellent bodyguard. Iyon rin naman kasi ang mahalaga dahil ang trabaho ay bantayan ang kaligtasan mo, Pristine. Hindi ang alamin ang buhay niya. Nagkatinginan kami ni Elijah, at sa mga mata niya na seryosong nakatuon sa akin pakiramdam ko ba ay pinagagalitan niya ako. "Sir," pagbati ni Elijah sa papa at sandaling yumuko. Nang tumingin siya sa akin muli ay napayuko ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ay kakaiba at parang lalabas na ito. Kapag kaharap ko talaga siya ay ganito ang nararamdaman ko. "Ano ang sadya mo rito, Elijah?" tanong ng papa. Nang umangat ang ulo ko ay nakita ko na sa akin pa rin ito nakatingin---kahit nang simulang magsalita para sagutin ang papa. "Napansin ko po kasi na hindi pa bumababa ang Ma'am Pristine ng silid simula kaninang umaga." He calls me "Ma'am Pristine" when my father and grandfather are around, but I told him that when it's just the two of us, "Pristine" is fine. Iyon rin naman ang tawag ng ibang kasambahay dito sa akin. It took Elijah a while before he started calling me by my name when we were alone. "Hindi pa po siya kumakain ng umagahan kaya't minabuti ko po na puntahan na," dagdag pa niya. Is he worried? Nakagat ko ang loob ng aking pisngi sa narinig ko, gusto kong ngumiti ngunit hindi maaari, hindi sa kanilang harapan. "Pristine?" tanong ng papa. Medyo nataranta ako. "B-Bababa na po talaga ako pa, pero dumating ang lolo at ikaw pero, mamaya, kakain na rin pagkatapos ko po na makapag-ayos," sagot ko naman. Napabuntong hininga ang papa. Naglakad na rin sila ni Hallina at lumabas ng silid ko. "Okay. Huwag na itong mauulit, Pristine. Don't skip your meals. Huwag mong tapusin ng isang upuan ang mga libro na ibinibigay ng Dad. Also, go out, take some fresh air. Kapag nagalit ang lolo mo ay sabihin mo na ako ang may utos na lumabas ka." I smiled at my father after he said that. Lumapit ako sa kaniya at yumakap, humalik rin sa kaniyang pisngi. "Thank you, papa." "Hmm. Sige, mauuna na kami, anak, may lakad pa kami ng Tita Hallina mo," sabi niya at tumingin ito kay Elijah, "Ikaw na ang bahala sa anak ko, siguruhin mong makakakain siya." "Yes, sir." Nag-init naman ang mukha ko. My father is treating me like a baby. Bodyguard si Elijah hindi babysitter ko! "And don't leave her side when that Gael is here." "Masusunod po, sir." Nang tuluyan nang makalabas ang Papa at si Hallina ay isinara naman ni Elijah ang pinto pagkatapos ay tumingin sa akin. He always has cold stares that make others avoid his eyes, but I find myself wanting to look into them. I like its color. Crystal brown. Since when did I realize that I was crushing on him? Was it after three months of guarding me? I don't even know. I just remember that it happened when Lolo was about to slap me, but Elijah stopped him. I was stunned because it was Halyago Vera Esperanza, and Elijah wasn't afraid to intervene and stop my ruthless grandfather from hitting me. It was the first time someone defended and protected me. Siguro rin dahil unang beses ko naramdaman na may handang humarang ng kamay ng lolo—na kinatatakutan ng lahat—para sa akin. And at that moment, I truly saw him as my knight. Someone who would protect me no matter who tried to harm me, even a very powerful person. "Your visitor is here, princess." Nang marinig ko ang sinabi ni Elijah ay napabuntong hininga ako. Tumalikod ako agad at naglakad papunta sa closet ko. Pipili pa lang ako ng damit na susuotin ay narito na agad? "Kung hinahanap ako ng lolo, pakisabi na naghahanda pa," sagot ko sa kaniya. "There's no need for that," he simply said. I stopped and turned to face him. Nagtataka sa mga sinabi niya. "Why? This dress is for home attire, hindi pwede na ito ang isuot ko pag hinarap si Gael." "It's pretty," at nang isagot 'yon ni Elijah habang nakatingin sa akin ng seryoso pa rin ang mga mata ay napalunok ako. "You look beautiful in anything you wear, Pristine." My lips parted, and my heart started to beat erratically again. Napatalikod ako at tumango ng hindi nakaharap sa kaniya. "Thank you, Elijah." I know he is always honest! At sinasabi niya ang kung ano man ang nasa isipan niya! But can he keep some of his words to himself? Kasi... k-kasi kapag palagi siyang ganito, I might not be able to stop what I have for him. "Just tell t-them I am still preparing myself," sagot ko at humakbang na pero hindi pa ako tuluyan nakakapasok sa walk-in closet ko nang muli na naman pabilisin ni Elijah ang pagtibok ng puso ko dahil sa mga sinabi niya. "Don't bother finding another dress. Baka hindi na umuwi pa ang lalakeng nais ng lolo mo na makilala mo kung magpapalit ka pa ng damit at mag-aayos. Ayokong may kaladkarin palabas ng mansion ninyo kung sakali." W-What?!Lumabas ako ng silid na bago na muli ang kasuotan. May ayos rin ang aking mukha dahil nilagyan ko ng kaunting blush on ang magkabilang pisngi ko at naglagay rin ako ng lipgloss. Kinulot ko rin ang dulo ng buhok ko.Nang makita ko si Elijah na naghihintay sa labas ng kwarto ko habang nakasandal at nakahalukipkip ay naalala ko ang sinabi niya kanina.He only say that dahil alam niya na hindi rin magugustuhan ng ama ko kung magtatagal dito si Gael. Dad wanted to know if I have someone I like, pero alam ko na hindi niya gusto na may ipinapakilala si Lolo ng ganito.He also felt that I am not interested."Nasaan sila, Eli?" tanong ko habang nauuna na maglakad.Nakasimangot siya. Palagi naman na masama ang mukha niya pero iba ang ngayon dahil parang wala talaga siya sa mood."Your visitor is in the dining room, princess. Wala ang lolo mo at kaaalis lang. Iniwan ang lalake doon," sagot niya.Kahit gusto ko na tumigil sa paglalakad at lingunin siya ay hindi ko na ginawa dahil nga matagal na r
It sounded wrong for me. Pero tingin ko naman ay walang ibang gagawin si Gael. Lalo na at narito siya sa loob ng mansion namin. Wala akong dapat ikakaba dahil tiyak na kung may gagawin siya ay hindi siya makakatakas agad."I didn't know you want to meet me alone."Ngumisi naman siya at sumandal sa kaniyang upuan. Hindi niya ako inaalisan ng tingin simula pa kanina. I don't know what is the reason of that smile but he annoys me. Siguro rin kaya ayaw ni Elijah na umalis at iwan ako dito ay naramdaman niya na maaaring may gawin o sabihin na hindi maganda si Gael.But I think I can handle him."That's given, Pristine. Saan ka naman nakakita na lunch date, tapos may bodyguard?" he said.I don't like the way he talk to me. Wala rin siyang ingat sa mga salita niya at doon ako hindi sanay. Also, the way his eyes gaze at me bothers me. Pati na ang pagbasa ng kaniyang mga labi. I let out a deep sigh. Sinabi ko kay Elijah na sandali lang ang lunch na 'to at hindi maaaring magtagal dahil sigurado
“What did this asshole do, princess?" pagkalapit ay hinawakan ako ni Eli sa braso, sandali lang siya na nakatingin sa akin pagkatanong non dahil nilingon niya agad si Gael at masamang tiningnan."I-I'm alright, Elijah."Nang lumapit sa amin si Gael ay nakangiti ito sa 'kin. "Next time let's have lunch in my house, Pristine. Iyong hindi na lalamig ang mga pagkain," sabi niya at ibinigay kay Elijah ang cellphone ko."You came inside fast, bodyguard. That's good. You are your doing job right. Let's drink when we meet again next time and please..." tinapik niya pa si Eli sa balikat. Pero ako ay kinakabahan na dahil pakiramdam ko ay iigkas na ang kamay ni Elijah aa mukha ni Gael. "Protect my fiancee for me while I am not here. I heard about the threats."Napatanga ako doon. Hindi dahil sa mga banta sa buhay namin dahil sanay na ako, kung hindi dahil sa sinabi niyang 'fiancee'He was so confident when he said that!Wala pa ngang usapan sa kasal!"We're not even close so why would I drink
"Still no friends at school, anak?"I am having breakfast with Papa right now. It's one of the things he makes sure of every day. Na dapat magsimula ang araw na magkaharap kami sa hapagkainan at sabay na kumakain. I was fifteen when he started doing it, at nalaman ko rin kalaunan na kaya pala ay dahil nabasa niya noon ang laman ng diary ko. Laman kasi doon ang mga bagay na nakapagpapasaya sa akin at sa likod ay mga bagay naman na nais ko na maranasan.It's not exactly how I wanted it. I wish it were more unplanned, but this is still okay for me. Papa isn't being forced to do this. Saka, I'm eighteen now, ilang taon na rin kaming palagi sabay kumain ng agahan, hindi lang ilang buwan na lang ay mag-na-nineteen na ako, but he still eats breakfast with me."It's too early to have friends, papa. Ilang linggo pa lang po na nagsisimula ang skwela," sagot ko.I am in my first year of college, majoring in Business Management with a specialization in Administration. I study at an elite school w
Pagkarating namin sa university ay kinausap ko muli si Elijah tungkol sa suhuestyon ng papa kanina na umuwi na muna siya sa mansion. It's only a thiry-minute drive at mabo-bored lang siya sa labas habang nasa loob ng sasakyan. But he still insisted to stay.Wala na rin akong nagawa dahil halos sampung minuto ko rin siyang pinipilit. Now that I am inside of our classroom, luckily, ako ulit ang unang estudyante. Kaya naman inilabas ko muna ang cellphone ko at kinulit ulit si Elijah na umuwi muna."No, princess."Napanguso ako dahil iisa lang ang sagot niya sa haba ng mga paliwanag ko. He has my schedule, he's aware how long he will stay outside. Saka, it's not safe, eh. Ano 'yon? Buong maghapon nasa loob lang siya ng kotse?Sumuko na lang rin ako. Nagtype ako ulit ng mensahe at sinabi ko na may one hour pa ako na walang klase after lunch break. Inilagay ko doon na sabay kami na kumain.Usually, I eat alone at the cafeteria. May spot ako doon, sa tabi ng bintana na hindi inuupuan ng mga
Araw-araw ay umaasa ako na magkakaroon ako ng interaction sa mga kaklase ko. Iyong kahit normal na pag-uusap tungkol sa subject. At habang nakatingin ako sa kanila ngayon at pinapanood sila dahil may thirty minutes break time kami ay hindi ko talaga maiwasan na hindi mainggit.Usually, kapag ganito na may libreng oras o wala pa ang professor ay nagbabasa-basa ako ng mga notes pero sila ay nagkukwentuhan tungkol sa kani-kanilang mga buhay. Kung saan silang bansa nagbakasyon, o kung ano ang mga bagong gamit na mayroon sila at saan nabili.I also want to experience that with them. Sharing a few things about myself. At nakakalungkot lang, na ang mga ganoon kasimple at kaliit na bagay ang hangad ko sa araw-araw pero hindi ko pa nakukuha."Male-late daw si Ma'am Jaz. May meeting sila pero may ipinapagawa nang activity sa book, sa page 12."Narinig ko ang pag-angal ulit ng mga kaklase ko. Parang kanina lang nang may surprise quiz kami.Bumalik sila sa kani-kanilang mga upuan."Wala pa akong
Is it the little things that Elijah does for me that make me like him more each day? I don't even think about the possibility that he might not feel the same way. What's important to me right now isn't what will happen in the future.It's seeing him up close like this, treating me with care and just... being with him every day."Do you like more?"Ngumiti ako sa kaniya nang pagkatapos niya tanungin 'yon sa akin ay hindi naman niya hinintay ang sagot ko. He put two spoonful of rice in my plate. Kumuha rin siya ng dalawang kutsara ng ulam. Ngayon ang paubos nang laman ng pinggan ko ay puno na naman."I don't like to gain weight, Eli."I have a dietitian. I'm not obsessed with my weight, it's more that I don't like hearing negative comments from my grandfather. He may always say that I only care about my appearance, but he also told me that looking good and presentable is a must. Kailangan maging maganda ako, iyong hindi mapapahiya ang aming pamilya lalo na siya--it's always like that.I
It's still the same week at school. Wala pa rin akong nagiging kaibigan pero nagkaroon naman ng changes on how my classmates and my schoolmates treat me! That's the reason why I was in a great mood, even though I knew Lolo would pay us a visit.Sabado ngayon at narito kami ni papa sa labas sa may maluwang namin na hardin habang nagbe-breakfast. Just this morning, Papa's secretary called and said Lolo would come today. Kung dati ay wala na ako sa mood at kinakabahan na ako ay ngayon hindi naman."Parang ang ganda ng gising mo, anak? I noticed you've been smiling since you came out of your room?"Paano ko ba sasabihin? Or huwag muna? Ayokong mabati na ganito kasaya ang mga nangyayari because I have fear that things would not continue to be good kapag napangungunahan. Ewan ko, ramdam ko lang.Pero sa naging tanong na 'yon ni papa, napansin ko sa gilid ko ang pagkilos ni Elijah. I looked at him, nang makita ko na napatingin rin siya sa akin ay ngumiti ako. He knows the reason why I've bee
"Pristine."Sa gitna ng paghingi ko ng tawad ng ilang ulit kay Sebastian ay narinig ko ang boses ng papa sa aking likod. Natigilan ako, napasinghap, at medyo nataranta dahil sa mga luha na nasa magkabilang pisngi ko. He will be worried if he sees me crying kaya agad kong pinalis ang mga iyon.Si Sebastian naman sa harapan ko ay napatingin sa likod ko at bahagyang yumuko. I knew he was showing respect to my father, who was now walking closer to us. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. Nang sakto nang nasa likod ko na ang papa ay saka naman ako humarap."Pa..."But when I saw him, he wasn't looking at me—he was looking at Sebastian. Seryoso ang ekspresyon ng mukha ng aking ama, na ikinakunot ng noo ko. Alam kong hindi naman masamang tao ang tingin niya kay Sebastian, kilala niya ito bilang mabuting bata dahil anak ito ng kaibigan rin niya sa negosyo, pero the way he was looking at him right now... it was as if the latter was an enemy."Mr. Vera Esperanza—""No need for the fo
Nanlamig ang pakiramdam ko lalo na sa paraan ng pagtingin niya sa akin.Maybe I hoped too much... m-maybe the light I saw in him, the kindness I thought he had shown me despite knowing I'm in love with someone else, was never real. That he really had his own intentions."S-Sebastian—" and I gasped when he suddenly pulled me by the arm, umatras ako at sinubukan kong bawiin ang braso ko pero mahigpit na niyang hawak 'yon."Is this what you really want? Ang pilitin rin ako, Sebastian?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hindi mo naiintindihan ngayon kung anong ginagawa ko, Pristine, but soon, you will..." mabibigat ang bawat salita nang sabihin niya, na ikinailing ko.Ano pa ba ang hindi ko naiintindihan d-dito? "Pero tama ka, I have the power to make this stop, for you to be free, Pristine. At alam mo ba bukod doon? Kaya ko rin mapaluhod ang lolo mo sa harapan ko. Hindi ba't ang gusto mo ay makakawala sa kaniya? Na mas maprotektahan kayo ng papa mo. That's what I'm fckng doing right now
Agad akong napahawak sa gilid para hindi tuluyang matumba. Nang lingunin ko naman si Kio ay nakaalalay na siya pero umayos rin nang makitang seryoso ang tingin ko sa kaniya.What was the name of that drug again? Hindi medicine 'yon at alam kong intentional na banggitin ni Kio na medicine para hindi ako mag-alala dahil nakita niya kung paano rin ako napraning dahil dalawang linggo nang walang malay si Elijah! Naningkit lalo ang mga mata ko sa pag-alala doon. What was--Astra! Yes. That was the name of that drug. Iyon ang narinig ko na pangalan nang pag-usapan nilang dalawa 'yon ni Havoc!And when I asked Esther, she said that Astra is as a drug rather than medicine, it can be described as a sedative or hypnotic substance with strong sleep-inducing effects. At totoo nga daw na pwedeng isang buwan o higit pa ang maging epekto non!Nang maalala ko 'yon ay mas tumalim ang tingin ko kay Kio."No. You will not use that drug," I said, my voice strict and cold, leaving no room for argument.
I slowly moved away from Elijah on the bed. Nakatingin ako sa kaniya habang ingat na ingat akong hindi siya magising. He fell asleep after we talked about my birthday, na ilang araw na lang ang binibilang. Natuwa pa nga ako dahil hindi na niya binanggit pa si Sebastian. Pero iyong sinabi niyang "runaway"bago namin mapag-usapan ang mga magaganap sa birthday ko—it actually sounded like he's not that serious, but he also looked like he is... ganoon ang pakiramdam ko, eh.Honestly, I wasn't surprised by that question anymore. Kasi simula nang sabihin niya sa akin na tutulungan niya akong umalis sa bahay na 'to, na makalayo sa lolo ay naramdaman ko nang mauulit muli 'yon. And because of what happened to me recently, when Lolo Halyago hurt me again, hindi na rin ako nagulat sa tanong ni Elijah.At sa totoo lang, pagkatapos ng mga nalaman ko mula kay lolo mismo, gustong-gusto ko na rin umalis dito. I’m just gathering enough courage to talk to my father. Nagpasya ako na sabihin dito ang tung
Nang hindi sumagot si Elijah ay sumampa ako sa kama at niyakap siya. I rested my head in his chest and hugged him tightly. "Should I remind you that you are not just myBodyguard? Or should I remind you how much... I love you?" I heard his breathing, his fast heartbeat and then he moved after I said that. Ang mga kamay niya ay dumako sa baywang ko. Hinihintay ko rin siyang magsalita pero nang manatili siyang tahimik pagkalipas nang ilang segunod ay napatingin ako sa kaniya. But I gasped and was surprised when his arms gently carry me to his lap. Ngayon ay mas dumikit ako sa kaniya at gahibla na lang ang layo ng mga labi namin sa isa't-isa. "I'm scared..." he whispered. "Eli..." I called him with concern. I knew it... hindi lang pagsisisi sa nagawa niya ang nararamdaman niya sa mga nakalipas na araw. "Still fckng scared and even after you said that you love me, Pristine? May mga araw na sa tuwing nakatingin ako sa 'yo, pakiramdam ko maaaring magbago ang tingin mo sa 'kin, and tha
Elijah didn't recover right away after he woke up from two weeks of sleep. Nanghihina pa rin siya kahit tatlong araw na ang nakalipas. Kio and Havoc had expected this to happen, sila na muna ang in-charge sa safety namin ng papa. Pero unang araw nang magising si Eli ay hindi rin naman ako nakatiis at pagkatapos lumiban na ako sa klase. Now I've been absent for two days and. Nakaalalay ako sa tabi ni Elijah, I was the one feeding him, assisting him to his needs o sa kung ano ang gagawin niya. I even stayed with him in his room because I'm afraid that something bad might happen. Dito talaga ako natutulog, sa kama sa tabi niya and he didn't disagree with that. Hindi kasi maalis ang kaba sa akin na baka mamaya ay mawalan ulit siya ng malay o ano. Ito rin ang naging epekto ng dalawang linggo niyang walang malay. But Eli... he was silent since he woke up and we had that conversation. Pakiramdam ko, itong dahilan ng pananahimik niya ay dahil hindi nga narealize rin niya na sumobra siya sa
Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng pag-aalala kay Elijah. Narito ako ngayon sa silid niya, sa may mansion rin at kanina pa siya pinagmamasdan. May IV siya sa kamay, may ilang mga nakalagay rin aparato para mamonitor ang hearbeat niya.H-How many days has it been? Lagpas na sa isang linggo kaya mas lalo akong nakakaramdam ng takot at kaba. Sir Antonius—Elijah's father told me that this is normal, he's calm yet I can't feel at ease with his words. Kahit alam kong mas siya ang nakakaalam ng totoong lagay ng anak niya.Ang gusto rin noong una ng Sir Antonius pagkatapos ng nangyari nang araw na pigilan niya si Eli at mawalan ng malay ay iuuwi niya ito pero nakiusap ako na kung maaari ay dito na lang sana at huwag nang ilayo pa. Alam ko kasi na magiging limitado lang ang pagbisita ko, baka hindi rin ako kaagad makaalis kung kailan ko gustuhin. At nagpapasalamat naman ako dahil pumayag naman rin ito."I understand you, hija. Okay. But, I need to talk to your father and explain what real
My eyes blinked a few times because I couldn't process it. That after everything I said, I still couldn't stop him. "W-Why... E-Eli..." Naikuyom ko ang nanginginig kong mga kamay habang patuloy ako sa pag-iyak. My sobs filled my room, and it hurt me even more. Mas nanunuot 'yong sakit sa bawat segundo na lumilipas. I truly understood now how far Elijah w-was willing to go to give me a peaceful life—even if it meant h-he wouldn't be a part of it anymore. "No... Ayoko ng b-buhay na wala siya." Pagkasabi ko non ay kaagad rin akong tumayo. Even if my body still hurt from what lolo did earlier, I stood up and ran to stop Elijah. "Eli!" I shouted. Tumayo ako at kahit na walang sapin sa paa ay sinundan ko siya. Pagkalabas ko ng silid ko ay walang kahit sinong nakabantay. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko habang tinatakbo na ang palabas. H-He was fast! "Elijah!" sigaw kong muli at nang makarating na ako sa hagdan pababa ay doon ko siya nakitang palabas na mismo ng mansion. Hindi ako tu
Ilang beses ko ba kailangan ipaliwanag? N-na hindi naman niya' yon kasalanan. "It drives me insane that I wasn't able to protect you, that I failed to keep you safe... it was like knives digging deeper inside me. And I’m angry at myself because I promised to always be there for you, to never let anything harm you. I can do it, I can fcking kill all of them to make you safe. Pero ano ang nangyari? You were hurt... badly hurt that I almost... lost you."His eyes... there was only the feeling of his pain and his regret. And despite everything, I could feel how much he cared, how deeply he felt for me, at n-nasasaktan ako ng sobra na makita siyang ganito lalo at alam ko rin kung ano ang pinagdaanan niya sa kamay ng lolo at ng mga kaaway nito para lang masiguro ang kaligtasan ko."Hindi mo 'yon k-kasalanan, Elijah..." sagot ko habang umiiling sa kaniya. At kahit sa nanlalabong mga mata ay nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. The softness vanished, the worry was nowhere to