"Still no friends at school, anak?"
I am having breakfast with Papa right now. It's one of the things he makes sure of every day. Na dapat magsimula ang araw na magkaharap kami sa hapagkainan at sabay na kumakain. I was fifteen when he started doing it, at nalaman ko rin kalaunan na kaya pala ay dahil nabasa niya noon ang laman ng diary ko. Laman kasi doon ang mga bagay na nakapagpapasaya sa akin at sa likod ay mga bagay naman na nais ko na maranasan. It's not exactly how I wanted it. I wish it were more unplanned, but this is still okay for me. Papa isn't being forced to do this. Saka, I'm eighteen now, ilang taon na rin kaming palagi sabay kumain ng agahan, hindi lang ilang buwan na lang ay mag-na-nineteen na ako, but he still eats breakfast with me. "It's too early to have friends, papa. Ilang linggo pa lang po na nagsisimula ang skwela," sagot ko. I am in my first year of college, majoring in Business Management with a specialization in Administration. I study at an elite school where one of the board members is my father, and my grandfather, Lolo Yago, is one of the biggest investors. Maybe it's difficult for me to make friends because of my family background. Some people find it intimidating, or they might already judge me as someone hard to befriend just because I am a Vera Esperanza. The surname alone speaks of wealth and influence. Pero hindi ko kasi nakita na ganito ang mangyayari sa college life ko. I ended my high school and seinor high school without a friend at sa diary ko this year, isa sa goal ay magkaroon ako atleast one friend. Isa lang, pero parang ang hirap. "Hindi ba at sa umpisa nga ng klase nabubuo na ang pagkakaibigan. That's when you will introduce yourselves in front of the class, interact with each other. Ganoon ang pagkakaalam ko, anak." Napatigil ako sa pagsubo ng kutsara ko nang marinig ang sinabi ng papa. He's right. At ang ibang mga kaklase ko ay mayroon na ngang kani-kaniyang grupo. At hindi naman ako manhid, alam ko na hindi nila ako gusto na maging kaibigan. Mayayaman rin sila, but they really don't want to even look at me. Nakakalungkot lang. My grandfather's image and how ruthless he is in business and in other people's lives has affected me deeply. "Siguro po, papa, iba ang mga kaklase ko," mahina ko 'yon na naisaboses. My father nodded at me. Nang uminom ako ng tubig ay tumingin naman siya sa akin pagkatapos ay sa pinggan ko. "Are you done eating?" "Opo. I have an early class po, papa. 7:00 am po ang introduction to business administration na subject ko. Ayoko po mahuli, baka abutan rin po ng traffic," sagot ko. Muli siya na tumango sa akin at nang nilingon niya si Elijah na nasa likod ko ay saka ang papa nagsalita ulit. "Pristine has a whole day schedule at the University, tuloy-tuloy ang klase niya kapag monday, hindi ba?" tanong ng papa. "Yes, sir." "Pwede ka na bumalik dito sa mansion at sunduin na lang siya kapag uwian na. Mahigpit naman ang security ng Pennington University at hindi basta-basta nakakapasok doon. Para hindi rin ma-intimidate ang mga kaklase niya. I think my daughter is having a hard time making friends because of death threats. Baka iniisip ng iba ay madamay sila kung may mangyari man sa anak ko." He knows I was having a hard time making friends... napalabi ako at napayuko. That's not it, papa... walang gusto makipagkaibigan dahil sa history ng pamilya natin. Kung gaano kasakim at kalupit ang lolo sa mga tao at kalaban sa negosyo. Napabuntong hininga ako at inilapat ko ang mga palad ko sa aking mga hita. I played with the hem of my uniform. Pati ang dulo ng necktie ko habang nakikinig sa pag-uusap nila ni Elijah. I am expecting Eli would agree to go back here instead of staying. Ang totoo ay nakakapasok naman siya sa university, nakakaagaw pa nga siya ng atensyon ng mga estudyante at ibang mga professor habang nags-stay sa library. Pero siguro rin nga tama ang papa kung bakit ayaw ako maging kaibigan ng iba. Iniisip siguro nila na masyadong delikado ang buhay ko para sundan palagi ng isang bodyguard. "It's fine, sir. Wala naman rin po akong gagawin dito sa mansion," napalingon ako sa naging sagot ni Elijah at bago siya muling magpatuloy ay tumingin pa siya sa akin. "If my presence there is making it hard for her to make friends, I'll stay in my car outside the university, sir. I'll wait until she's done." Pero kumpara sa pagsunod sa akin sa loob ng university ay parang hindi maganda na nasa labas lang siya! "Hmm. Alright. Ikaw ang bahala but you have my permission to go back here, Elijah." Yuko lang ang isinagot ni Eli doon. Nang tumayo naman ang papa ay tumayo na rin ako. "It's been almost a year. Time flies so fast, and thank you so much for taking care of my daughter, Elijah. I'll make sure to give positive feedback to your unit." Eli only bowed his head again in response. At nang humarap sa akin ang aking ama ay ngumiti siya. He also caressed my face. Nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti but I noticed a hint of sadness in his eyes while looking at me. "You resemble your mother a lot, Pristine." I should be happy with that because my mother, Priscilla Alondra Vera Esperanza, is known for her kindness, elegance, and divine beauty. Pero sa tuwing maririnig ko sa isang tao na kamukhang-kamukha ko ang mama ay naaalala ko ang galit sa akin ng lolo. "Sige na, baka mahuli ka pa sa klase." Ngumiti ako ng tipid sa papa at humalik sa pisngi niya. Nang kukunin ko naman ang bag ko ay naunahan na ako ni Elijah at siya na ang nagdala non. I looked at him, he's been quiet since earlier. Last night, I saw him outside talking on his cellphone, and he looked mad. May nangyari kaya? And sino yung kausap niya? "Take care, anak." "Opo, papa. Ikaw rin po mag-iingat papunta sa company." After leaving the mansion and going inside the car, napatingin pa ako sa oras sa aking relo na pambisig. It's 6:10 am. Maaga pa naman. Maybe around 6:40 we're already at school. It's early, but it's the exact time I want to arrive. I hate being late. "Why didn't you tell your father the truth, princess?" Pagkapasok ni Elijah at pagkaalis rin ng sasakyan sa mansion ay binuksan niya ang usapan tungkol sa nangyari kanina. Tumingin ako sa kaniya sa salamin. Our eyes met but for a few seconds only dahil napatingin ako sa labas ng bintana at napabuntong hininga. "Wala rin naman magagawa kung malalaman niya ang totoo, Eli. It's not like papa will give my classmates one million each to be friends with me," biro lamang ang huli pero nakadulot ng sakit sa akin. Lahat naman ng nag-aaral sa Pennington ay galing sa mayaman na pamilya, pero kahit nakakalungkot at magbabayad ng malaking halaga para may maging kaibigan ako ay siguradong wala pa rin tatanggap. "Paano ko rin sasabihin sa kaniya na ayaw ako maging kaibigan ng mga kaklase ko, o ng mga tao sa University na ka-year ko dahil sa pamilya namin? At kahit pumili ako ng ibang school, it will still be the same. People will avoid me, they'll look at me as if I am a killer." Napalunok ako sa mga binitawan ko na salita dahil sa pagkirot ng dibdib ko. I have been carrying this heavy feeling since I learned how my grandfather dealt with the people in the slums when they started to rally and fight for their home. Kahit ngayon, nanginginig ako kapag naaalala ko. "Lolo Yago has done something that people will never forget. And I can't do anything about it because I am his successor. In the minds of others ay magkatulad kami, Eli, with the same mindset and likely to do what lolo did—to kill. Kaya nga, 'di ba? Sa mga newspapers at social media platforms, kahit wala akong alam at kasalanan sa mga ginawa ng lolo, some of the comments were still negative nang malaman nila na muntik na akong mamatay." "They said that I am the prize of my grandfather's sin." "Ang sabi ng karamihan ay bakit hindi pa ako natuluyan." Nakatingin ako sa labas ng bintana habang sinasabi ang mga 'yon. And it's indeed painful knowing that, I also don't want what Lolo Yago was doing. Na pinaaalis niya ang mga tao na wala na ngang makain sa araw-araw ay inalisan niya pa ng tahanan. Worse? Those who's fighting him ay pinatatahimik niya sa paraan niya. My heart aches for them. I remember crying every night as I read the mean comments, with people saying that we are killers and how the Vera Esperanzas make their lives miserable. Habang ako daw na nag-iisang anak ay nagpapakasaya sa yaman at patuloy na tinatapakan silang mga mahihirap. W-Wala naman akong kinalaman sa mga ginagawa ng lolo. At kahit ako, tulad ng mga taong 'yon ay nakararanas rin ng kalupitan nito. "It's fine like this..." pagpapatuloy ko. Namuo na ang mga luha sa mga mata ko nang maalala ko ang mga pinagdaanan ko. "Saka," I looked at Elijah with a smile after a lone tear fell. "Andyan ka naman. Nakakausap kita, may kaibigan pa rin ako." Eli took a glance at the mirror. Nang magkatinginan kami sa salamin, sakto naman na kahihinto ng sasakyan dahil nagred ang traffic light. Nilingon niya ako at pinalis ang luha na tumulo sa pisngi ko. "Yes," he said while looking at me seriously, with worry in his eyes. "You have me. So, don't cry, princess."Pagkarating namin sa university ay kinausap ko muli si Elijah tungkol sa suhuestyon ng papa kanina na umuwi na muna siya sa mansion. It's only a thiry-minute drive at mabo-bored lang siya sa labas habang nasa loob ng sasakyan. But he still insisted to stay.Wala na rin akong nagawa dahil halos sampung minuto ko rin siyang pinipilit. Now that I am inside of our classroom, luckily, ako ulit ang unang estudyante. Kaya naman inilabas ko muna ang cellphone ko at kinulit ulit si Elijah na umuwi muna."No, princess."Napanguso ako dahil iisa lang ang sagot niya sa haba ng mga paliwanag ko. He has my schedule, he's aware how long he will stay outside. Saka, it's not safe, eh. Ano 'yon? Buong maghapon nasa loob lang siya ng kotse?Sumuko na lang rin ako. Nagtype ako ulit ng mensahe at sinabi ko na may one hour pa ako na walang klase after lunch break. Inilagay ko doon na sabay kami na kumain.Usually, I eat alone at the cafeteria. May spot ako doon, sa tabi ng bintana na hindi inuupuan ng mga
Araw-araw ay umaasa ako na magkakaroon ako ng interaction sa mga kaklase ko. Iyong kahit normal na pag-uusap tungkol sa subject. At habang nakatingin ako sa kanila ngayon at pinapanood sila dahil may thirty minutes break time kami ay hindi ko talaga maiwasan na hindi mainggit.Usually, kapag ganito na may libreng oras o wala pa ang professor ay nagbabasa-basa ako ng mga notes pero sila ay nagkukwentuhan tungkol sa kani-kanilang mga buhay. Kung saan silang bansa nagbakasyon, o kung ano ang mga bagong gamit na mayroon sila at saan nabili.I also want to experience that with them. Sharing a few things about myself. At nakakalungkot lang, na ang mga ganoon kasimple at kaliit na bagay ang hangad ko sa araw-araw pero hindi ko pa nakukuha."Male-late daw si Ma'am Jaz. May meeting sila pero may ipinapagawa nang activity sa book, sa page 12."Narinig ko ang pag-angal ulit ng mga kaklase ko. Parang kanina lang nang may surprise quiz kami.Bumalik sila sa kani-kanilang mga upuan."Wala pa akong
Is it the little things that Elijah does for me that make me like him more each day? I don't even think about the possibility that he might not feel the same way. What's important to me right now isn't what will happen in the future.It's seeing him up close like this, treating me with care and just... being with him every day."Do you like more?"Ngumiti ako sa kaniya nang pagkatapos niya tanungin 'yon sa akin ay hindi naman niya hinintay ang sagot ko. He put two spoonful of rice in my plate. Kumuha rin siya ng dalawang kutsara ng ulam. Ngayon ang paubos nang laman ng pinggan ko ay puno na naman."I don't like to gain weight, Eli."I have a dietitian. I'm not obsessed with my weight, it's more that I don't like hearing negative comments from my grandfather. He may always say that I only care about my appearance, but he also told me that looking good and presentable is a must. Kailangan maging maganda ako, iyong hindi mapapahiya ang aming pamilya lalo na siya--it's always like that.I
It's still the same week at school. Wala pa rin akong nagiging kaibigan pero nagkaroon naman ng changes on how my classmates and my schoolmates treat me! That's the reason why I was in a great mood, even though I knew Lolo would pay us a visit.Sabado ngayon at narito kami ni papa sa labas sa may maluwang namin na hardin habang nagbe-breakfast. Just this morning, Papa's secretary called and said Lolo would come today. Kung dati ay wala na ako sa mood at kinakabahan na ako ay ngayon hindi naman."Parang ang ganda ng gising mo, anak? I noticed you've been smiling since you came out of your room?"Paano ko ba sasabihin? Or huwag muna? Ayokong mabati na ganito kasaya ang mga nangyayari because I have fear that things would not continue to be good kapag napangungunahan. Ewan ko, ramdam ko lang.Pero sa naging tanong na 'yon ni papa, napansin ko sa gilid ko ang pagkilos ni Elijah. I looked at him, nang makita ko na napatingin rin siya sa akin ay ngumiti ako. He knows the reason why I've bee
"What do you want me to do, princess?"Habang nakayakap ako kay Elijah ay natigilan ako dahil sa tinanong niya. He said that in a low and dangerous tone. Saka ko lang na-realize ang magiging outcome ng mga sinabi ko at kung tutulungan niya ako.Lumayo ako sa pagkakayakap at tumingin sa kaniya. Elijah is still holding me firmly around my waist. Seryoso na nakababa ang tingin niya sa akin. His face has no emotion and his jaw is clenching."Do you want me to take you away from here?"Hindi ako kaagad nakasagot. At habang nakatingin ako sa kaniya ay naalala ko kung ano ang ginawa ng lolo sa mga taong tumalikod sa kaniya at tinraydor siya. How he killed them mercilessly... a-at kung paano 'yon nasaksihan ng mga mata ko na naging dahilan ng matinding takot ko sa kaniya."Princess," Elijah called me. Ang haplos niya sa pisngi ko ang nakapagpabalik sa akin sa realidad mula sa trauma ng nakaraan."No... N-No..."Pinalis ko ang mga luha na tumulo sa aking mukha habang umiiling sa kaniya."E-Eli
The next day, papa talked to me. He apologized for not even saying a word to save me from Lolo Yago. Pero alam ko rin naman na sinubukan niya, umasa lang ako na siguro may boses siya pagdating sa lolo.But we are both just in Lolo's hands. The leash around our necks was so tight that we couldn't even complain. Bata pa lang ay namulat na ako sa kalupitan ng lolo, I witnessed his evil deeds, I watched how he killed. Malinaw 'yon sa isipan ko hanggang ngayon kaya sa tuwing makikita ko siya at maririnig ko ang boses niya ay natitigilan ako.Malaki ang takot ko, na nakatatak na rin sa isip kong hindi ko siya dapat suwayin."You've lost weight, Pristine."I looked at my personal seamstress, Lena. Pagkapasok pa lang dito sa silid ko ay 'yon na agad ang sinabi niya."Hello, ate."Muntik ko nang makalimutan na ngayon ang punta niya.Tipid ako na ngumiti. I gestured for her to sit down. She arrived early because she'll be the one making my gowns. Vera Esperanza was invited to a charity gala. Pa
Elijah is back. Napatingin ako sandali sa cellphone ko sa ibabaw ng kama. Nagpadala kaya siya ng mensahe? Hindi ko na nabasa dahil malalim rin ang iniisip ko kanina. "Ayan may makakasama ka na pala ulit," sabi ng ate. "Kumain ka ng marami, ha? Sexy ka naman, mas sumeksi ka nga lalo nang mabawasan ng timbang pero hindi pa rin mainam." Tumango ako at nagpasalamat. Nang makaalis na ang Ate Lena ay napatingin ako kay Elijah. Siya na ang nagsara ng pinto. "You left early," iyon lang ang sinabi ko. "Umuwi ako. An emergency happened at home." Nang marinig ko naman ang sinabi niya ay napahakbang ako palapit. Saka ko lang rin napansin ang panga niya na namumula. There was also a scratch near his neck. "W-What happened?" tanong ko. May kinalaman kaya 'yon sa kausap niya sa cellphone nitong nakaraan? Mas lumapit ako kay Eli. Iniangat ko rin ang kamay ko at hinawakan ang panga niya. He didn't move away. Nanatili lang siya sa harapan ko at nakatingin sa akin. "Nothing serious, p
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang sandaling gulat na dumaan sa mukha ni Elijah. I noticed how his face turned a bit red—he blushed! Pero ilang segundo na ang lumipas. Ang matagal na hindi pagsagot niya sa tanong ko ay nagdulot sa akin ng matinding kaba. At habang nakatingin ako sa kaniya ay mas nararamdaman ko ang hiya sa diretsahan na pagtatanong. Pero nagawa ko na, eh! A-At kung tatalikod pa ako ay hindi ko naman maririnig ang sagot niya!I felt my fingers go numb and my whole body turn cold while waiting for his answer. Parang bawat segundo ay nahihirapan ako sa paghinga habang nakatingin sa kaniya.H-He's taking longer to answer!But as I was about to say that I wasn't pressuring him to answer right away, Elijah suddenly looked away. He touched the part of his face that I had treated, at nang tumayo siya ay ipinatong niya ang palad niya sa ibabaw ng ulo ko."Is that what made you think about what I am doing for you, Pristine?"It's neither 'Yes' nor 'No.' But his question hurt e
"Pristine."Sa gitna ng paghingi ko ng tawad ng ilang ulit kay Sebastian ay narinig ko ang boses ng papa sa aking likod. Natigilan ako, napasinghap, at medyo nataranta dahil sa mga luha na nasa magkabilang pisngi ko. He will be worried if he sees me crying kaya agad kong pinalis ang mga iyon.Si Sebastian naman sa harapan ko ay napatingin sa likod ko at bahagyang yumuko. I knew he was showing respect to my father, who was now walking closer to us. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. Nang sakto nang nasa likod ko na ang papa ay saka naman ako humarap."Pa..."But when I saw him, he wasn't looking at me—he was looking at Sebastian. Seryoso ang ekspresyon ng mukha ng aking ama, na ikinakunot ng noo ko. Alam kong hindi naman masamang tao ang tingin niya kay Sebastian, kilala niya ito bilang mabuting bata dahil anak ito ng kaibigan rin niya sa negosyo, pero the way he was looking at him right now... it was as if the latter was an enemy."Mr. Vera Esperanza—""No need for the fo
Nanlamig ang pakiramdam ko lalo na sa paraan ng pagtingin niya sa akin.Maybe I hoped too much... m-maybe the light I saw in him, the kindness I thought he had shown me despite knowing I'm in love with someone else, was never real. That he really had his own intentions."S-Sebastian—" and I gasped when he suddenly pulled me by the arm, umatras ako at sinubukan kong bawiin ang braso ko pero mahigpit na niyang hawak 'yon."Is this what you really want? Ang pilitin rin ako, Sebastian?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hindi mo naiintindihan ngayon kung anong ginagawa ko, Pristine, but soon, you will..." mabibigat ang bawat salita nang sabihin niya, na ikinailing ko.Ano pa ba ang hindi ko naiintindihan d-dito? "Pero tama ka, I have the power to make this stop, for you to be free, Pristine. At alam mo ba bukod doon? Kaya ko rin mapaluhod ang lolo mo sa harapan ko. Hindi ba't ang gusto mo ay makakawala sa kaniya? Na mas maprotektahan kayo ng papa mo. That's what I'm fckng doing right now
Agad akong napahawak sa gilid para hindi tuluyang matumba. Nang lingunin ko naman si Kio ay nakaalalay na siya pero umayos rin nang makitang seryoso ang tingin ko sa kaniya.What was the name of that drug again? Hindi medicine 'yon at alam kong intentional na banggitin ni Kio na medicine para hindi ako mag-alala dahil nakita niya kung paano rin ako napraning dahil dalawang linggo nang walang malay si Elijah! Naningkit lalo ang mga mata ko sa pag-alala doon. What was--Astra! Yes. That was the name of that drug. Iyon ang narinig ko na pangalan nang pag-usapan nilang dalawa 'yon ni Havoc!And when I asked Esther, she said that Astra is as a drug rather than medicine, it can be described as a sedative or hypnotic substance with strong sleep-inducing effects. At totoo nga daw na pwedeng isang buwan o higit pa ang maging epekto non!Nang maalala ko 'yon ay mas tumalim ang tingin ko kay Kio."No. You will not use that drug," I said, my voice strict and cold, leaving no room for argument.
I slowly moved away from Elijah on the bed. Nakatingin ako sa kaniya habang ingat na ingat akong hindi siya magising. He fell asleep after we talked about my birthday, na ilang araw na lang ang binibilang. Natuwa pa nga ako dahil hindi na niya binanggit pa si Sebastian. Pero iyong sinabi niyang "runaway"bago namin mapag-usapan ang mga magaganap sa birthday ko—it actually sounded like he's not that serious, but he also looked like he is... ganoon ang pakiramdam ko, eh.Honestly, I wasn't surprised by that question anymore. Kasi simula nang sabihin niya sa akin na tutulungan niya akong umalis sa bahay na 'to, na makalayo sa lolo ay naramdaman ko nang mauulit muli 'yon. And because of what happened to me recently, when Lolo Halyago hurt me again, hindi na rin ako nagulat sa tanong ni Elijah.At sa totoo lang, pagkatapos ng mga nalaman ko mula kay lolo mismo, gustong-gusto ko na rin umalis dito. I’m just gathering enough courage to talk to my father. Nagpasya ako na sabihin dito ang tung
Nang hindi sumagot si Elijah ay sumampa ako sa kama at niyakap siya. I rested my head in his chest and hugged him tightly. "Should I remind you that you are not just myBodyguard? Or should I remind you how much... I love you?" I heard his breathing, his fast heartbeat and then he moved after I said that. Ang mga kamay niya ay dumako sa baywang ko. Hinihintay ko rin siyang magsalita pero nang manatili siyang tahimik pagkalipas nang ilang segunod ay napatingin ako sa kaniya. But I gasped and was surprised when his arms gently carry me to his lap. Ngayon ay mas dumikit ako sa kaniya at gahibla na lang ang layo ng mga labi namin sa isa't-isa. "I'm scared..." he whispered. "Eli..." I called him with concern. I knew it... hindi lang pagsisisi sa nagawa niya ang nararamdaman niya sa mga nakalipas na araw. "Still fckng scared and even after you said that you love me, Pristine? May mga araw na sa tuwing nakatingin ako sa 'yo, pakiramdam ko maaaring magbago ang tingin mo sa 'kin, and tha
Elijah didn't recover right away after he woke up from two weeks of sleep. Nanghihina pa rin siya kahit tatlong araw na ang nakalipas. Kio and Havoc had expected this to happen, sila na muna ang in-charge sa safety namin ng papa. Pero unang araw nang magising si Eli ay hindi rin naman ako nakatiis at pagkatapos lumiban na ako sa klase. Now I've been absent for two days and. Nakaalalay ako sa tabi ni Elijah, I was the one feeding him, assisting him to his needs o sa kung ano ang gagawin niya. I even stayed with him in his room because I'm afraid that something bad might happen. Dito talaga ako natutulog, sa kama sa tabi niya and he didn't disagree with that. Hindi kasi maalis ang kaba sa akin na baka mamaya ay mawalan ulit siya ng malay o ano. Ito rin ang naging epekto ng dalawang linggo niyang walang malay. But Eli... he was silent since he woke up and we had that conversation. Pakiramdam ko, itong dahilan ng pananahimik niya ay dahil hindi nga narealize rin niya na sumobra siya sa
Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng pag-aalala kay Elijah. Narito ako ngayon sa silid niya, sa may mansion rin at kanina pa siya pinagmamasdan. May IV siya sa kamay, may ilang mga nakalagay rin aparato para mamonitor ang hearbeat niya.H-How many days has it been? Lagpas na sa isang linggo kaya mas lalo akong nakakaramdam ng takot at kaba. Sir Antonius—Elijah's father told me that this is normal, he's calm yet I can't feel at ease with his words. Kahit alam kong mas siya ang nakakaalam ng totoong lagay ng anak niya.Ang gusto rin noong una ng Sir Antonius pagkatapos ng nangyari nang araw na pigilan niya si Eli at mawalan ng malay ay iuuwi niya ito pero nakiusap ako na kung maaari ay dito na lang sana at huwag nang ilayo pa. Alam ko kasi na magiging limitado lang ang pagbisita ko, baka hindi rin ako kaagad makaalis kung kailan ko gustuhin. At nagpapasalamat naman ako dahil pumayag naman rin ito."I understand you, hija. Okay. But, I need to talk to your father and explain what real
My eyes blinked a few times because I couldn't process it. That after everything I said, I still couldn't stop him. "W-Why... E-Eli..." Naikuyom ko ang nanginginig kong mga kamay habang patuloy ako sa pag-iyak. My sobs filled my room, and it hurt me even more. Mas nanunuot 'yong sakit sa bawat segundo na lumilipas. I truly understood now how far Elijah w-was willing to go to give me a peaceful life—even if it meant h-he wouldn't be a part of it anymore. "No... Ayoko ng b-buhay na wala siya." Pagkasabi ko non ay kaagad rin akong tumayo. Even if my body still hurt from what lolo did earlier, I stood up and ran to stop Elijah. "Eli!" I shouted. Tumayo ako at kahit na walang sapin sa paa ay sinundan ko siya. Pagkalabas ko ng silid ko ay walang kahit sinong nakabantay. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko habang tinatakbo na ang palabas. H-He was fast! "Elijah!" sigaw kong muli at nang makarating na ako sa hagdan pababa ay doon ko siya nakitang palabas na mismo ng mansion. Hindi ako tu
Ilang beses ko ba kailangan ipaliwanag? N-na hindi naman niya' yon kasalanan. "It drives me insane that I wasn't able to protect you, that I failed to keep you safe... it was like knives digging deeper inside me. And I’m angry at myself because I promised to always be there for you, to never let anything harm you. I can do it, I can fcking kill all of them to make you safe. Pero ano ang nangyari? You were hurt... badly hurt that I almost... lost you."His eyes... there was only the feeling of his pain and his regret. And despite everything, I could feel how much he cared, how deeply he felt for me, at n-nasasaktan ako ng sobra na makita siyang ganito lalo at alam ko rin kung ano ang pinagdaanan niya sa kamay ng lolo at ng mga kaaway nito para lang masiguro ang kaligtasan ko."Hindi mo 'yon k-kasalanan, Elijah..." sagot ko habang umiiling sa kaniya. At kahit sa nanlalabong mga mata ay nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. The softness vanished, the worry was nowhere to