Lumabas ako ng silid na bago na muli ang kasuotan. May ayos rin ang aking mukha dahil nilagyan ko ng kaunting blush on ang magkabilang pisngi ko at naglagay rin ako ng lipgloss. Kinulot ko rin ang dulo ng buhok ko.
Nang makita ko si Elijah na naghihintay sa labas ng kwarto ko habang nakasandal at nakahalukipkip ay naalala ko ang sinabi niya kanina. He only say that dahil alam niya na hindi rin magugustuhan ng ama ko kung magtatagal dito si Gael. Dad wanted to know if I have someone I like, pero alam ko na hindi niya gusto na may ipinapakilala si Lolo ng ganito. He also felt that I am not interested. "Nasaan sila, Eli?" tanong ko habang nauuna na maglakad. Nakasimangot siya. Palagi naman na masama ang mukha niya pero iba ang ngayon dahil parang wala talaga siya sa mood. "Your visitor is in the dining room, princess. Wala ang lolo mo at kaaalis lang. Iniwan ang lalake doon," sagot niya. Kahit gusto ko na tumigil sa paglalakad at lingunin siya ay hindi ko na ginawa dahil nga matagal na rin siguro na naghihintay si Gael. At hindi makaliligtas sa lolo ang paghihintay na 'yon tiyak. Magiging dahilan pa ng galit niya pag bumisita ulit dito. "Are you expecting that he would stay with us, Eli?" tanong ko. Eli. It was a nickname I gave him. Cute kasi. "Oo. Pero ayos lang rin. Ayokong nakikita ang lolo mo." Napangisi ako nang marinig ang sinabi niya. He also has a bad temper when Lolo Yago is here. Hindi niya rin ako inaalisan ng tingin at nilalayuan. It's like he won't let my grandfather hurt me again. That's the aura I see in him. Iyon ang dahilan kung bakit gusto ko na nasa tabi ko si Elijah kapag narito ang lolo, eh. I feel safe, and Lolo doesn't hurt me physically when Eli is around. I can sense fear, which is unusual because Halyago Vera Esperanza fears no one. Pero sa bodyguard ko ay parang may takot siya. "You smell nice, Pristine. You even bother put perfume. Is that to impress your visitor?" nang lingunin ko siya ay nakadukwang pa siya malapit sa akin. Napasimangot ako dahil madalas ko itong marinig pero palagi ko rin siya sinasagot. "Wala akong pabango. I don't like perfumes, Eli." "I know, princess." Napailing ako sa sagot niya. He extended his arm when we are going down the stairs. Ibinigay ko naman ang kamay ko at hinawakan niya para alalayan ako na bumaba ng hagdan. "Alam mo naman pala pero palagi mo pa rin sinasabi na nagpapabango ako." "I like your scent. It's sweet and it lingers." Napatikhim ako at inilayo ang tingin ko sa mga sagot niya. Sinasabi ko palagi sa isipan ko na this is us being close. Para na rin kaming magkaibigan ni Eli kapag nag-uusap. He's not being formal anymore simula nang sinanay ko siya na magsalita at sabihin ang kung ano nasa isip niya when we're together. I made him feel that he's not just my bodyguard but also a friend. But it is a bad decision, right, Pristine? Yes. Because since we became close, mas nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Lalo pa at napakaingat niya sa akin sa maraming bagay. "You can stay here," sabi ko nang makarating kami sa dining room. May mga maid na nakahawak na sa pinto para pagbuksan ako. At nang maglakad na ako palapit ay sumabay si Elijah. "Huwag ka nang pumasok. It's safe inside, Eli. Wala ang lolo saka isa pa. Sandali lang rin ako tiyak. Mag-uusap ng ilang minuto at mabo-bored lang rin ang makakaharap ko." But he is persistent because he didn't step back. He stood beside me. "I will not leave your side, katulad ng utos ng papa mo." Napabuntong hininga ako at napahinga ng malalim. Tumango na lang ako at pumasok na sa loob. When I saw Gael, he was using his phone. Kunot at salubong na ang mga kilay. Mukhang nainip na nga sa paghihintay sa akin. But when he turned his gaze in my way, he smiled and stood. Pagkalapit ko sa kaniya ay inilahad niya ang kamay at akala ko ay makikipaghandshake lang siya pero nagulat ako nang halikan niya ang ibabaw non. "Nice to meet you, Pristine," he said. "Ahh, n-nice to meet you, too." Kailan ba ako hindi mauutal sa harapan ng ibang tao? I need to relax. "You grandfather has a meeting so he left me here. Sinabi ko na ayos lang rin naman. He even apologized because I waited for almost an hour." And that is a bad thing. Siguradong bukas o sa isang araw ay babalik ang lolo at pagsasabihan ako tungkol dito. "I am sorry. My father came and we talked. I wasn't able to prepare right away to meet you," sagot ko naman. I really don't know how to entertain a man. Kinuha ko ang kubyertos at nagsimula ako na hiwain ang steak. But Gael who's in front of me smiled, nakatitig lang siya sa akin habang nakasalumbaba. Hindi magandang asal sa harap ng pagkain. "It's okay, Pristine. I am glad I waited," makahulugan niya na sabi. "Can the food wait?" pagkatapos ay tanong niya nang papasubo na ako. Naitikom ko ang bibig ko. Sa gilid ng mga mata ko ay tumayo ng tuwid si Elijah. "Let's get to know each other first. Mamaya na tayo kumain. Pakiramdam ko tuloy ay nagmamadali ka at hindi mo ako gusto na makaharap." At kapag nakarating ito kay lolo ay tiyak lagot ako. "She has homework to do that's why her time is limited," malamig na salita ni Elijah na ikinagulat ko. Napatingin ako sa kaniya. Umiling ako. "I didn't know that your bodyguard is also your spokesperson, Pristine," nasisiyahan na sabi ni Gael at humalukipkip habang nakatingin kay Elijah. Napapikit ako ng mariin at ibinaba ang kubyertos ko. I don't want another reason para bumalik si lolo dito sa mansion at tiyak na pag may hindi magandang nangyari ngayon, ay kakausapin niya ako. "Sige. M-Mag-usap muna tayo," sabi ko naman. Pero pagkatapos ko rin na magsalita ay bumaling si Gael kay Elijah. "Can you leave us, Mr. Bodyguard?" "No," mabilis rin na sagot ni Eli. "I was asked not to leave the princess with you by her father." I want this lunch to end fast. Kaya naman tumayo ako at lumapit kay Elijah. "Sige na. Please? Mabilis lang 'to." "Princess--" "I-I'll call you if something happened. I have my phone with me. Nasa speed dial ka," sagot ko pa. Napabuntong hininga siya at tumingin kay Gael. "Alright." When Elijah left. I went back to my seat. Ngiting tagumpay naman si Gael at muling nagsalumbaba habang nakatingin sa akin. "Now... now... it's only the two of us." What does he mean by that?It sounded wrong for me. Pero tingin ko naman ay walang ibang gagawin si Gael. Lalo na at narito siya sa loob ng mansion namin. Wala akong dapat ikakaba dahil tiyak na kung may gagawin siya ay hindi siya makakatakas agad."I didn't know you want to meet me alone."Ngumisi naman siya at sumandal sa kaniyang upuan. Hindi niya ako inaalisan ng tingin simula pa kanina. I don't know what is the reason of that smile but he annoys me. Siguro rin kaya ayaw ni Elijah na umalis at iwan ako dito ay naramdaman niya na maaaring may gawin o sabihin na hindi maganda si Gael.But I think I can handle him."That's given, Pristine. Saan ka naman nakakita na lunch date, tapos may bodyguard?" he said.I don't like the way he talk to me. Wala rin siyang ingat sa mga salita niya at doon ako hindi sanay. Also, the way his eyes gaze at me bothers me. Pati na ang pagbasa ng kaniyang mga labi. I let out a deep sigh. Sinabi ko kay Elijah na sandali lang ang lunch na 'to at hindi maaaring magtagal dahil sigurado
“What did this asshole do, princess?" pagkalapit ay hinawakan ako ni Eli sa braso, sandali lang siya na nakatingin sa akin pagkatanong non dahil nilingon niya agad si Gael at masamang tiningnan."I-I'm alright, Elijah."Nang lumapit sa amin si Gael ay nakangiti ito sa 'kin. "Next time let's have lunch in my house, Pristine. Iyong hindi na lalamig ang mga pagkain," sabi niya at ibinigay kay Elijah ang cellphone ko."You came inside fast, bodyguard. That's good. You are your doing job right. Let's drink when we meet again next time and please..." tinapik niya pa si Eli sa balikat. Pero ako ay kinakabahan na dahil pakiramdam ko ay iigkas na ang kamay ni Elijah aa mukha ni Gael. "Protect my fiancee for me while I am not here. I heard about the threats."Napatanga ako doon. Hindi dahil sa mga banta sa buhay namin dahil sanay na ako, kung hindi dahil sa sinabi niyang 'fiancee'He was so confident when he said that!Wala pa ngang usapan sa kasal!"We're not even close so why would I drink
"Still no friends at school, anak?"I am having breakfast with Papa right now. It's one of the things he makes sure of every day. Na dapat magsimula ang araw na magkaharap kami sa hapagkainan at sabay na kumakain. I was fifteen when he started doing it, at nalaman ko rin kalaunan na kaya pala ay dahil nabasa niya noon ang laman ng diary ko. Laman kasi doon ang mga bagay na nakapagpapasaya sa akin at sa likod ay mga bagay naman na nais ko na maranasan.It's not exactly how I wanted it. I wish it were more unplanned, but this is still okay for me. Papa isn't being forced to do this. Saka, I'm eighteen now, ilang taon na rin kaming palagi sabay kumain ng agahan, hindi lang ilang buwan na lang ay mag-na-nineteen na ako, but he still eats breakfast with me."It's too early to have friends, papa. Ilang linggo pa lang po na nagsisimula ang skwela," sagot ko.I am in my first year of college, majoring in Business Management with a specialization in Administration. I study at an elite school w
Pagkarating namin sa university ay kinausap ko muli si Elijah tungkol sa suhuestyon ng papa kanina na umuwi na muna siya sa mansion. It's only a thiry-minute drive at mabo-bored lang siya sa labas habang nasa loob ng sasakyan. But he still insisted to stay.Wala na rin akong nagawa dahil halos sampung minuto ko rin siyang pinipilit. Now that I am inside of our classroom, luckily, ako ulit ang unang estudyante. Kaya naman inilabas ko muna ang cellphone ko at kinulit ulit si Elijah na umuwi muna."No, princess."Napanguso ako dahil iisa lang ang sagot niya sa haba ng mga paliwanag ko. He has my schedule, he's aware how long he will stay outside. Saka, it's not safe, eh. Ano 'yon? Buong maghapon nasa loob lang siya ng kotse?Sumuko na lang rin ako. Nagtype ako ulit ng mensahe at sinabi ko na may one hour pa ako na walang klase after lunch break. Inilagay ko doon na sabay kami na kumain.Usually, I eat alone at the cafeteria. May spot ako doon, sa tabi ng bintana na hindi inuupuan ng mga
Araw-araw ay umaasa ako na magkakaroon ako ng interaction sa mga kaklase ko. Iyong kahit normal na pag-uusap tungkol sa subject. At habang nakatingin ako sa kanila ngayon at pinapanood sila dahil may thirty minutes break time kami ay hindi ko talaga maiwasan na hindi mainggit.Usually, kapag ganito na may libreng oras o wala pa ang professor ay nagbabasa-basa ako ng mga notes pero sila ay nagkukwentuhan tungkol sa kani-kanilang mga buhay. Kung saan silang bansa nagbakasyon, o kung ano ang mga bagong gamit na mayroon sila at saan nabili.I also want to experience that with them. Sharing a few things about myself. At nakakalungkot lang, na ang mga ganoon kasimple at kaliit na bagay ang hangad ko sa araw-araw pero hindi ko pa nakukuha."Male-late daw si Ma'am Jaz. May meeting sila pero may ipinapagawa nang activity sa book, sa page 12."Narinig ko ang pag-angal ulit ng mga kaklase ko. Parang kanina lang nang may surprise quiz kami.Bumalik sila sa kani-kanilang mga upuan."Wala pa akong
Is it the little things that Elijah does for me that make me like him more each day? I don't even think about the possibility that he might not feel the same way. What's important to me right now isn't what will happen in the future.It's seeing him up close like this, treating me with care and just... being with him every day."Do you like more?"Ngumiti ako sa kaniya nang pagkatapos niya tanungin 'yon sa akin ay hindi naman niya hinintay ang sagot ko. He put two spoonful of rice in my plate. Kumuha rin siya ng dalawang kutsara ng ulam. Ngayon ang paubos nang laman ng pinggan ko ay puno na naman."I don't like to gain weight, Eli."I have a dietitian. I'm not obsessed with my weight, it's more that I don't like hearing negative comments from my grandfather. He may always say that I only care about my appearance, but he also told me that looking good and presentable is a must. Kailangan maging maganda ako, iyong hindi mapapahiya ang aming pamilya lalo na siya--it's always like that.I
It's still the same week at school. Wala pa rin akong nagiging kaibigan pero nagkaroon naman ng changes on how my classmates and my schoolmates treat me! That's the reason why I was in a great mood, even though I knew Lolo would pay us a visit.Sabado ngayon at narito kami ni papa sa labas sa may maluwang namin na hardin habang nagbe-breakfast. Just this morning, Papa's secretary called and said Lolo would come today. Kung dati ay wala na ako sa mood at kinakabahan na ako ay ngayon hindi naman."Parang ang ganda ng gising mo, anak? I noticed you've been smiling since you came out of your room?"Paano ko ba sasabihin? Or huwag muna? Ayokong mabati na ganito kasaya ang mga nangyayari because I have fear that things would not continue to be good kapag napangungunahan. Ewan ko, ramdam ko lang.Pero sa naging tanong na 'yon ni papa, napansin ko sa gilid ko ang pagkilos ni Elijah. I looked at him, nang makita ko na napatingin rin siya sa akin ay ngumiti ako. He knows the reason why I've bee
"What do you want me to do, princess?"Habang nakayakap ako kay Elijah ay natigilan ako dahil sa tinanong niya. He said that in a low and dangerous tone. Saka ko lang na-realize ang magiging outcome ng mga sinabi ko at kung tutulungan niya ako.Lumayo ako sa pagkakayakap at tumingin sa kaniya. Elijah is still holding me firmly around my waist. Seryoso na nakababa ang tingin niya sa akin. His face has no emotion and his jaw is clenching."Do you want me to take you away from here?"Hindi ako kaagad nakasagot. At habang nakatingin ako sa kaniya ay naalala ko kung ano ang ginawa ng lolo sa mga taong tumalikod sa kaniya at tinraydor siya. How he killed them mercilessly... a-at kung paano 'yon nasaksihan ng mga mata ko na naging dahilan ng matinding takot ko sa kaniya."Princess," Elijah called me. Ang haplos niya sa pisngi ko ang nakapagpabalik sa akin sa realidad mula sa trauma ng nakaraan."No... N-No..."Pinalis ko ang mga luha na tumulo sa aking mukha habang umiiling sa kaniya."E-Eli
PristineI never thought that one day, Elijah and I would be out in the daylight, simply enjoying the view of the lake while watching the swans glide gracefully across the water. Kahit noong bodyguard ko pa siya, hindi ko talaga naisip na makakalabas ako ng ganito kasama siya. Siguro dahil dati, noong nasa bahay pa ako, hindi ko man lang sinubukan na magpaalam para lumabas o kahit maglibot sa mall. That’s because I knew Lolo wouldn’t agree, and Papa would also tell me to just stay at home.My world back then was limited to the mansion and school, doon lang talaga, kahit nga field trip? Hindi ako pwedeng sumama. It wasn’t just about strict rules, it was about safety. Lolo’s enemies were always lurking, and I knew that stepping outside meant taking a risk. Syempre, ayokong mag-alala ang papa noon kaya’t sumusunod rin ako. Isa pa, wala rin akong mga kaibigan na maaari kong maisama dahil nga takot na makipaglapit sa akin ang mga ito dahil isa akong Vera Esperanza.The surname alone speaks
“What did you say? Ulitin mo nga ang sinabi mo!”Rinig na rinig sa labas ng malaking gate ng mansion ng mga Ynares ang boses ni Halyago Vera Esperanza. Hindi siya makapaniwala na maaga siyang tumungo doon para makausap si Margus ngunit ang ibubungad sa kaniya ng guard ay bawal siyang pumasok! “Sinusunod ko lang po ang trabaho ko, sir.”What the hell just happened!“Bago ka lang ba dito, ha? Hindi mo ba ako nakikilala?!” he shouted. Umabante pa siya upang mas malapitan ang guard na bahagyang nakayuko. Ang dalawang tauhan niya na nasa likod niya ay naglakad rin palapit at ang isa ay nagsalita pa.“Kasosyo sa negosyo ni Mr. Ynares ang amo namin, pwede na tawagan mo siya at sabihin na narito si Mr. Vera Esperanza para makausap siya.The old man’s hands clenched as he took his phone out from his pocket. Dati-rati ay nakakapasok naman siya kaagad ng diretso sa mansion ng mga Ynares dahil pinagbubuksan siya ng kahit na sinong guard. “Kung bago ka dito, I’ll make sure you’re fired once Mar
Pierre ignored it before because he hoped that one day, his father would treat them well.“I-I’m sorry… I’m s-so sorry…”Nanghihina ang katawan ni Pierre na napahawak sa gilid ng sofa at muling napaupo. His head tilted to the side, his gaze unfocused and his eyes wide and unblinking in shock while tears kept on falling. Patuloy rin siya sa pagbulong ng patawad pero ganoon rin si Kamila, nagpatuloy rin ito sa paglabas ng saloobin at hinanakit sa kaniya.“Tapos ngayon gusto mo pa rin na kausapin ang ama mo? You tried last night, and for me, that was enough! Wala ka nang nakuhang maayos na salita, tapos sasabihin mo pa ‘yon for the last time? Gumising ka, Pierre! Your words will never change him! Even if you beg, or even if your life was on it, hinding-hindi na magbabago si Halyago!”His mind still refused to process it. Yet Kamila’s firm voice echoed in his ears. Alam ni Pierre na hindi ito magsisinungaling para lang idiin ang ama niya dahil ramdam niya ang bigat at sakit sa bawat salit
Nanlalamig ang pakiramdam ni Pierre. His body felt cold, his mind struggling to catch up after she revealed that his wife’s death wasn’t an accident and it’s because of his father.D-Dad… no… a-alam niya kung gaano ko kamahal si Alondra. H-He will never dare do that.But now, his question from earlier was answered. Kanina pa niya iniisip kung bakit ginagawa ito ni Kamila—why she was risking everything. Their name, their lives… all just to help him.And now he knew.It wasn’t just about her son, Elijah. It was about something deeper that Kamila had carried for so long.At base sa pagkakahawak dito ni Antonious ngayon, sa pag-alalay ay alam niyang napakahalagang tao ng kaniyang asawa para kay Kamila. The look on her face said it all… pero hindi pa rin niya kayang iproseso ang sinabi nito.He couldn’t accept that his father was involved in his wife’s death.His mind rejected it—even if he knew… it was possible.“Alondra… She’s a close friend of mine… matalik kong kaibigan, and I was ther
“I-I understand why he wanted to do it, Kamila,” Pierre said, his voice unsteady. The heaviness in his chest remained. Pero hindi… ayaw pa rin niyang dumating sa ganoong punto.“M-Mahal niya si Pristine… at ginawa niya lang ‘yon para sa anak ko, k-kaya nauunawaan ko.”Parang nabingi siya sa sarili niyang mga salita. His own words echoed in his mind. Did he really understand? Or was he just forcing himself to?Pagkasagot niya noon ay sandaling katahimikan ang namayani sa kanila. Nakatingin lang sa kaniya si Kamila ng seryoso at para bang binabasa nito ang nasa isipan niya, at nang magpakawala ito ng buntong-hininga, saka ito nagpatuloy sa pagsasalita.“Do you really understand, Pierre? I am saying this in front of you—that my son, the man your daughter is going to marry, has planned many times to kill your own father. Alam ko kung gaano mo pa rin kamahal ang ama mo. That in your head right now, if there’s another way to reconcile with him, to make him go on your side and change for the
Pierre was ashamed of himself, that even after the suffering of his daughter, he asked for help from the Regalonte.“Huwag kang makaramdam ng hiya, Pierre. If it’s for our child’s sake and for their happiness, we will do everything, we will seek for help. Kung ako rin ang nasa kinalalagyan mo, I would also do the same for Pristine, lalo na at alam kong deserve ng anak ko ng kapayapaan at ligaya.”At sa mga sinabing ‘yon ni Antonious, napahinga siya ng malalim, nanginig ang dibdib niya sa matinding emosyon, kasabay ng pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. Again, what Pristine had gone through—how she told him what her grandfather did to her when she was young, pierced through him. Ang pagmamalupit na ngayon lang natapos.“Y-Yes… yes…” pagsang-ayon rin niya sa sinabi ni Anton at pagkatapos non, ang nakangiting mukha ng kaniyang anak ang pumalit sa isipan niya.Pristine’s comforting smile, ang masayang mukha nito na nakakapawi ng kaniyang pagod at lungkot.“You don’t need to worry anymore
Third Person’s POVHindi man naging madali para kay Pierre ang desisyong salungatin ang kaniyang ama, alam niyang ito ang makabubuti para sa kanila ng anak niya. Matagal siyang naging bulag at bingi—at kung hindi pa niya nalaman ang mga ginawa nito mismo sa kaisa-isa niyang anak ay baka hindi nagtagal at mawala rin ito sa kaniya tulad ng pinakamamahal niyang yumaong asawa.Ngayon nga ay narito siya sa bahay ng mga Regalonte. Dahil hindi natuloy ang pag-uusap nila kagabi ni Kamila, ngayong umaga na siya pumunta upang mapag-usapan ang mga nangyari. He hadn’t received any messages from her about what she and Margus Ynares had discussed, and that was one of the things he wanted to know now. Pero alam rin niyang kakausapin siya ni Kamila tungkol sa kanila ng kaniyang ama.That… he needed to prepare himself because, for sure, she was going to make him choose right now.“I wasn’t expecting you to be this early.”Napatingin siya sa kaniyang likod nang marinig na nga ang boses na ‘yon. And the
Pristine Labing-limang minuto na ang nakalipas mula nang umalis kami sa bahay ni Elijah. Siya ang nagmamaneho ngayon. Hindi na kasi namin sinama si Kio at si Esther dahil nga date namin ito at panatag naman ako na walang mangyayaring masama dahil siya ang kasama ko. “Eli…” mahinang tawag ko sa kaniya. “May sinabi ba sa ’yo si Papa?” Kaso ito nga at hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya tungkol kay papa. Pagkatapos ko kasing makita silang dalawa na parang malalim ang pinag-uusapan ay sinabi ng papa na kami na lang daw ni Eli ang sabay na mag-breakfast dahil kailangan niyang puntahan nang maaga si Ma’am Kamila. Wala rin kasing sinabi ang papa sa akin na hindi maganda nang sandali kaming mag-usap nang pumunta kami sa likod ng bahay. Humingi lang siya sa akin ng paumanhin dahil nga inilihim niya ang surpresa na si Elijah ang makakasama ko. I thanked him for that, akala ko rin kasi talaga ay matutuloy ang engagement ko kay Sebastian, but then my father really did sav
After hearing that Pierre Vera Esperanza wanted to talk to me, I knew it was about Pristine and me, not my job as a bodyguard anymore. I also thought he might want to discuss his daughter's stay here in my house.Inaasahan ko na rin naman.“I am happy seeing my daughter smiling, Elijah. Iba ang ngiti niya ngayon, na narito siya at kasama ka,” he said. “She’s also happy that you are here, sir,” sagot ko naman.After he knew the truth na may relasyon kami ng anak niya ay madalas ko rin na marinig sa kaniya na masaya si Pristine at palaging nakangiti pag ako ang kasama. Actually, it wasn't easy to decide on my own to tell Mr. Vera Esperanza before about my relationship with Pristine. I didn’t like the idea of not informing her because I thought she might get mad, at takot ako doon, na magalit ang baby ko sa akin. But, I still went through with it dahil naramdaman ko na rin na parang may alam na si Mr. Vera Esperanza.At hindi ako nagkakamali sa mga naisip ko.----------“Thank you for t