Share

Chapter 4

It sounded wrong for me. Pero tingin ko naman ay walang ibang gagawin si Gael. Lalo na at narito siya sa loob ng mansion namin. Wala akong dapat ikakaba dahil tiyak na kung may gagawin siya ay hindi siya makakatakas agad.

"I didn't know you want to meet me alone."

Ngumisi naman siya at sumandal sa kaniyang upuan. Hindi niya ako inaalisan ng tingin simula pa kanina. I don't know what is the reason of that smile but he annoys me. Siguro rin kaya ayaw ni Elijah na umalis at iwan ako dito ay naramdaman niya na maaaring may gawin o sabihin na hindi maganda si Gael.

But I think I can handle him.

"That's given, Pristine. Saan ka naman nakakita na lunch date, tapos may bodyguard?" he said.

I don't like the way he talk to me. Wala rin siyang ingat sa mga salita niya at doon ako hindi sanay. Also, the way his eyes gaze at me bothers me. Pati na ang pagbasa ng kaniyang mga labi. I let out a deep sigh. Sinabi ko kay Elijah na sandali lang ang lunch na 'to at hindi maaaring magtagal dahil sigurado ako na papasok siya ng pwersahan dito.

"He's always with me. Narinig mo rin ang sinabi niya kanina na utos rin 'yon ng papa."

"Pero hindi ng lolo mo," mabilis niya na sagot at inayos ang kaniyang suit. When he took his utensils, he started to move his food, smirking.

He knows who's the important person. Ang kung sino rin ang mas dapat sundin.

Hindi ako sumagot dahil ayoko na humaba pa ang usapan. Maybe staying here and eating with him is enough. Wala rin naman ibang sinabi si lolo na kailangan ko na gawin pag hinarap ko ang lalakeng 'to. Ang sabi niya ay may ipakikilala.

But I don't think I need to say may name. Dahil sigurado naman na nagkausap na sila ng lolo tungkol sa akin.

"You can ask me anything," sabi ko. So that this lunch will finish fast.

Uminom ako ng tubig at tumingin sa kaniya. Ibinaba naman niya ang kubyertos na hawak at ipinatong ang isang braso sa lamesa.

"You know that our grandfather is doing this because of fixed marriage, right?"

Tumango ako habang walang emosyon ang mukha na nakatingin sa kaniya. Nabanggit na ng ilang beses sa akin ng lolo ang tungkol dito. He wanted me to marry his chosen man for me. Hindi pa ako tumutungtong ng labing-walong taong gulang. Paulit-ulit sa isipan ko ang sinabi niya noon na ang lahat ng kasalanan ng mama ay ako ang magbabayad.

"I am not that ignorant," sagot ko sa kaniya. Umaahon na ang matinding inis sa akin.

Una ay mayabang ang lalake na kaharap ko.

Pangalawa bastos.

Pangatlo ang taas ng tingin sa sarili. Hindi naman siya gwapo.

"Good. You seem smart too. But at first, I didn't like the idea. I love my bachelor life. And besides, I don't like young women; I am twenty-five years old, I prefer older ones. I thought that if we got married, I might end up taking care of a child like you."

I felt insulted. Tiisin mo lang, Pristine.

"But... I didn't mind taking care of you though... ganoon lang ang mga naisip ko nung una dahil hindi pa naman kita nakikita," makahulugani niya ulit na sabi. I felt like his eyes were going through me.

"And now my mind changed," nang tumayo siya ay naalarma ako. Nailapat ko ang kamay ko sa aking cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

Pero tumingin doon si Gael, umismid siya at hinawakan ang pisngi ko na ikinahinga ko ng malalim. I am not used to people being this close to me. Umahon ang kaba sa 'kin at hindi ako makagalaw.

"Are you going to call your bodyguard? Don't worry, wala naman akong gagawin sa' yo, Pristine. I won't... hurt you," he said.

"Move... away," matigas kong sabi. Halos hindi na gumagalaw.

Nang ibaba niya ang kamay niya ay napasinghap ako nang hilahin niya ang kinauupuan ko at iharap 'yon sa kaniya. He was caging me. His hands gripped the armrests of my chair while he bent down, bringing our faces so close together. Naamoy ko agad ang alak sa hininga niya na ikinapikit ko ng mariin sandali.

"You are fckng beautiful up close... are you even real?" pagkasabi niya non ay muli niya sanang hahawakan ang pisngi ko nang palisin ko 'yon.

Buong pwersa ko rin siya na tinulak at nang makalayo siya sa akin ay agad ako na tumayo sa kinauupuan ko. My hands are shaking. Nailagay ko 'yon sa aking likod at sinubukan na maging matapang sa harapan ni Gael.

"Hindi ito makakarating sa lolo. I won't tell him about this, just... just leave right now."

I only said that to threaten him, but deep inside I know, Grandpa doesn't care about whatever Gael does to me.

"What are you gonna tell him?" Tumawa naman siya at umiling. Nang muli siyang lumapit sa akin ay napaatras ako hanggang sa mapasandal na ako sa pader. Sa tabi ng binta.

"I only caressed your beautiful face, I am just admiring you. Come on, Pristine. This is our first meeting. Let's make this memorable. Lalo na at ilang taon lang, ikakasal ka sa 'kin."

"Wala pang pag-uusap ng tungkol sa kasal, Gael."

Kahit alam ko na siya na ang napili ng lolo para sa akin.

He moved closer again. Mas lumawak ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.

"I like it when you say my name. It's a good thing I didn't refuse my grandfather's request to meet you."

Nang lumayo siya sa akin ay napalingon ako sa kaniya nang tunguhin niya ang table at kuhanin ang cellphone ko.

"What are you doing?" tanong ko sa kaniya.

"Making you feel at ease," sagot niya ng nakangiti.

At doon na naagaw ang atensyon ko nang malakas na bumukas ang pinto at makita si Elijah.

He looked at me and he's mad already, nag-iisang linya ang mga kilay niya at nakakuyom rin ang mga kamay niya. I was too stunned to speak because of what Gael did. I just realized that he took my phone and called Elijah. Narinig niya talaga kanina ang sinabi ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status