Share

Mr. Lovato, Marry Me
Mr. Lovato, Marry Me
Author: Emina_Daisuki

Prologue

“‘Lo!” 

Isang malakas na sigaw ng isang batang babae ang bumasag sa katahimikan sa loob ng malawak na mansyon sa oras ng hatinggabi. Tumatakbo papunta sa kwarto ng kaniyang lolo ang bata na naudlot ang tulog nang mapansin ang kakaibang nangyari sa kaniyang katawan. Dahil sa lubos na pagkalito sa sitwasyon, hindi nag-atubiling hinampas ni Tempest ang pintuan ng kwarto nang malakas.

“Lolo! Lolo!” sunod-sunod na sigaw nito. “Help me! I think there is something wrong with me! Lolo!”

Agad namang nagising ang matanda dahil sa pambubulabog ng apo. At dahil unang beses itong mangyari, agad itong bumangon at tumakbo papunta sa pintuan. Matinding kaba ang kaniyang nararamdaman dahil sa pag-aakalang may masamang nangyayari. Pagkabukas niya rito, isang paslit na bata ang agad yumakap sa kaniya. Ayon sa taas at liit ng bata, hindi ito mamukhaan ni Lucius.

“Lolo,” mangiyak-ngiyak na saad ni Tempest nang tiningnan niya ang kaniyang lolo sa mga mata. “Hindi ko maintindihan! Bakit naging bata ulit ako? I just turned 16 today pero look at me!”

Humiwalay si Tempest at naglakad patalikod ng ilang hakbang saka pinakita sa lolo niya ang sarili. Ang kaniyang katangkaran ay biglang nawala dahil tila siya ay nakakulong sa katawan ng isang bata.

“Bakit bumalik ako sa pagiging 7 years old?! It does not make any sense!”

Lucius stared at his granddaughter for a while before kneeling before her on one knee. He held both of her shoulders with no hint of surprise in his eyes. Tila ba alam niya na mangyayari ito sa kaniyang apo. Binuhat niya ito at saka muling naglakad pabalik sa kwarto ni Tempest na biglang nanahimik dahil sa kakulangan ng reaksyon mula sa lolo niya.

Nagtaka agad siya dahil hindi man lang ito nagulat kahit biglang naging bata muli ang kaniyang katawan sa gayong 16 na taong gulang na dapat siya. Marami siyang gustong itanong ngunit hindi niya magawang muling ibukas ang bibig. Nang makarating sila sa kaniyang kwarto, binaba siya ng lolo niya sa kaniyang kama saka napabuntonghininga.

“I apologize, Tempest,” he said, confusing the girl even more.

“For what?”

“For not telling you  the truth before?”

Hindi maintindihan ni Tempest ang lolo niya. Ni wala siyang ideya kung ano ba ang nangyayari dahil para siyang nasa isang fairy tale book na bigla-bigla na lang nag-iiba ang anyo. Kung isa man itong prank para gawin siyang katawa-tawa, hindi pa rin maipapaliwanag ang katotohanang bata siya ulit. Ang tanging nasa isipan niya na ay mahika lamang ang makakagawa sa ganitong bagay. Pero isang tanong na naman ang lumitaw… Totoo nga ba ang mahika?

Ngunit ang tugon naman ni Lucius ang nagsabi sa kaniya na higit pa sa mahika ang sanhi ng kalagayan niya.

“‘Lo, please, explain.”

“Tempest, would you believe me if I tell you that you are half-fae?” 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
TatiPingping
ilang WC ito? ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status