Pagkatapos ng gabing iyon, hindi makalabas si Tempest sa kaniyang apartment dahil sa media na nag-aabang sa labas ng mismong building kung nasaan siya nakatira. Lumabas kasi sa publiko ang tungkol sa nangyari sa kaniya at ni Cohen sa loob ng elevator na lalong mas pinagkaguluhan ng mga publiko lalo na at kumbinsido silang magkasintahan na ang dalawa. Kaya naman iniutos pa ng manager niya na huwag na muna siyang magsasalita tungkol sa relasyon nila at hayaang si Cohen mismo ang magsasalita tungkol doon kung gustuhin man niya.Habang abala siya sa pagyo-yoga, napatigil ito nang may pumindot sa doorbell. Sa pag-aakalang isa na namang reporter, hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa ginagawa niya. Maya-maya pa ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigan.“Good morning, workaholic,” bati ni Tempest.“Kesa naman sa ‘yo na nagkukulong,” sumbat agad ni Medea. “Anyway, natanggap mo ba ang invitation?”Kumunot ang noo ni Tempest dahil hindi nito maintindihan kung anong invitation ang tinutu
Isang araw bago ang masquerade ball, naisipan ni Tempest na gumala muna pagkatapos ng photoshoot niya. Isasama sana niya si Medea kaso tumanggi ito sa alok niya dahil may mahalaga siyang meeting na kailangang daluhin. Kaya naman kahit mag-isa ito, pumunta pa rin siya sa mall at ang unang store na pinasukan niya ay ang flower shop ni Giselle.“Anong meron at bigla kang napunta rito?” bungad ni Giselle nang makita ang modelo na pumasok. “Bibili ka ba ulit ng flowers para sa nililigawan mo?”Naupo si Tempest sa may gilid at umiling. “Nag-iisip ako ng iba pang regalo para sa kaniya. Kapag kasi bulaklak lagi, baka mapuno pa ng rosas ang kwarto niya nang wala sa oras. And there is a high possibility that he would get tired of them.”“Regaluhan mo na ng singsing.” Natawa pa si Giselle sa sinabi pero agad siyang tumigil dahil sa sama ng tingin sa kaniya ni Tempest. “Ayain mo na lang siguro ng movie date or something.”Pagkabanggit niya sa salitang ‘date,’ biglang nabuhayan si Tempest dahil ma
Tempest and Cohen stared at each other for a few seconds, and basing on the model’s dreadful expression, Cohen was convinced that she had no idea who he was. That was a great relief on his part but one question remained in his mind. Paano napadpad si Tempest sa lugar na iyon? Nakasuot pa ito ng magarang gown na sa tingin niya ay gagamitin niya sana para sa masquerade ball kinabukasan. “Please, huwag niyo po akong saktan. I did nothing wrong so please, let me go,” agad na pagmamakaawa ni Tempest. “If it is money you want, just tell me how much and I will give it to you.” Hindi nagsalita si Cohen dahil baka sa boses niya mahahalata ni Tempest kung sino ba talaga siya. Tinaas niya lang ang kaniyang kanang kamay at agad namang kumilos ang dalawang tauhan niya. Ngunit hindi pa sila nakakaalis sa lugar na iyon, may isang magandang babae na nakasuot ng purong itim na damit ang pumigil sa kanila. “She is mine for the taking, Masked Boss,” saad nito nang nakangisi. “It took me some time to
Dahil ayaw ni Tempest na muling makita si Damon dahil baka mapahamak lang siya, agad itong nag-ayos at kinuha ang damit niya para sa masquerade ball. Mas mabilis pa kay Flash kung tumakbo siya papunta sa may parking lot at agad nagtungo sa bahay ni Medea.“Wow, bigla-biglang bumisita nang wala man lang pasabi. Anong meron?” tanong ni Medea pero bago pa siya makarinig ng sagot mula sa kaibigan, tiningnan niya lang si Tempest na tumakbo papasok sa loob.“Isara mo na iyang pinto!” sigaw nito mula sa sala.Isang buntong hininga lang ang pinakawalan ni Medea bago isara ang pinto at pinuntahan si Tempest. Halata namang sobrang nagmamadali siya dahil hindi pa niya nagawang suklayin ang buhok niya. Pupunahin na sana niya ang kaniyang nakakatawang itsura pero natahimik siya nang makita niya ang dinalang suot ni Tempest. Dahan-dahan niya itong nilapitan at tiningnan nang maigi.“Oh my gosh, Tempest…” she gasped as she gazed at her. “No freaking way.”Tempest grinned proudly and winked at her. “
Tumingin si Tempest kina Cohen at Medea pero para sa kaniya, hindi magagawa ni Medea ang agawin ang lalaking gusto niyang pakasalan. Hindi gano’n ang tingin niya sa kaibigan kaya inirapan niya lang si Damon. Tsaka nag-uusap lang naman sila tungkol sa negosyo at walang masama ro’n. And not to mention, naalala ni Tempest iyong tanong sa kaniya ni Cohen kung may label ba sila o wala. And until she gets his sweet ‘yes,’ she really has no right to ge jealous over trivial matters.“Bakit ka andito? Uninvited ka ‘noh? Ang kapal din talaga ng mukha mo.” Iyan ang sumbat ng dalaga sa text ng mafia boss.Muli niya itong nilingon at nang makita niyang binabasa ni Damon ang text niya, she clicked her tongue when a smirk was formed on his lips. Naiinis siya sa katotohanang kahit ano ata ang gawin niya, hindi niya magawang inisin o galitin ang mafia boss na 'yon. Kung pwede lang siyang magback-out sa kasunduan na pilit niyang sinang-ayunan, noon pa niya ginawa kaysa ang malublob sa stress dahil sa k
Napatakbo agad sina Damon at Cohen sa direksyon kung saan galing ang sigaw ni Tempest. Pagkarating nila sa may likod, nakita nilang pinasok ang dalaga sa isang itim na van. “Fuck! Call your men!” sigaw ni Damon sa kaniyang kapatid bago siya tumakbo patungo sa may kalsada. He took out his gun and pulled the trigger several times without hesitation while aiming at the wheels but still, they managed to escape and disappear into the night. Pagkabalik ni Damon kung saan niya iniwan si Cohen, nadatnan niya itong sinisigawan ang mga tauhan ng ama nila. Lima sa kanila ang bugbog-sarado at nakahandusay sa lupa at hindi na makatayo. Ramdam niya ang galit nito sa bawat salitang binibitawan niya na pati si Mr. Travis, hindi magawang magsalita hangga’t hindi pa tapos si Cohen.“Kapag kahit ni isang sugat man ang makikita ko sa babaeng iyon, buhay niyo ang magiging kapalit,” malamig na tugon ni Cohen.“Cohen,” tawag sa kaniya ng ama. Pero tila wala itong narinig at patuloy lang sa paglalakad. Nap
Halos isang araw na ang lumipas pero hindi pa rin mahanap-hanap nina Cohen kung nasaan si Tristan o si Tempest. At para lamang pagtakpan ang pagkawala ng modelo, kinailangan niya pang kausapin ang manager ni Tempest at pati si Medea upang tulungan siyang iiwas na makarating ang balitang iyon kay Lucius Williams. Isa kasi ito sa mga top investors ng kompanya ng mga Lovato kaya kapag nalaman niyang napahamak ang apo, baka kumalas ito.“Boss, wala pa rin po,” saad ng isa sa mga tauhan ni Cohen nang tanungin niya kung may lead na ba sila.Tahimik lamang ang mafia boss dahil kung uunahin niyang magalit, wala rin naman itong maitutulong. Binalik niya ang pansin sa kaniyang laptop nang biglang may pumasok sa kaniyang opisina na hindi naman niya tauhan.“Kahit kail
Imbes na dalhin ni Cohen ang batang babae sa ospital para ipatingin ito, dinala niya ito sa kaniyang private apartment saka tumawag ng doktor at isang katulong para palitan nito ang damit ng bata. Hindi niya maipaliwanag pero malakas kasi ang kutob niya na may kinalaman ang babae kay Tempest lalo na at magkapareho sila ng damit at pati perfume na gamit. And who knows? She might be the key to locate where Tempest was… at least, that was what he hoped.“Okay naman ang bata, walang malalim na sugat o kahit ano. We need to run more tests, however, to know kung bakit hindi siya magising,” saad ng doktor. “By the way, anak niyo po ba siya, sir?”Cohen dismissed him without answering his question. Nang silang dalawa na lang ang natitira, hindi maiwasan ng binata na titigan ang babae dahil sa pagtataka nito na
Tempest could not help but feel betrayed by Caden for telling Damon the truth about their situation.Things could have been easier if only he remained ignorant of that fact but now, he might just use it against her.“Ano bang pinagsasabi mo? Tsaka sa tingin mo ba talaga posible ang gano’n?” saad ni Tempest para kumbinsihin si Damon na walang katotohanan ang sinabi sa kaniya ni Caden.Umiling si Damon. “Kung sa tingin mo ay mapapaniwala mo ako, I am telling you that it ain’t going to happen. It all explained that time when you almost died but after just one kiss, you suddenly became normal.”Umiwas ng tingin ang dalaga. Hanggang sa oras na iyon, hindi niya matanggap sa sarili niya na talagang naka-depende siya kay Damon para lang mabuhay. “If that is the case, then why the fuck do you keep on choosing Cohen over me?”“This is the reason, Damon.” Bakas sa boses ni Tempest ang pinaghalong inis at galit, at makikita rin sa mga matatalim niyang mga mata na direktang nakatingin sa binata. “
Kinuyom ni Tempest ang mga kamay niya nang hindi iniiwas ang kaniyang tingin sa lalaki.“Madali lang naman akong patayin pero sa tingin mo ba mabubuhay ka pa kapag nalaman ni Cohen na ikaw ang pumatay sa ‘kin?” tanong ng dalaga. Walang bahid ng takot ang kaniyang ekspresyon, tila ba sigurado siyang hindi siya magagawang patayin ni Blake.Ilang segundo rin silang nagkatitigan na para bang kung sinuman ang mauna umiwas ng tingin ay siyang talo. Maya-maya pa binaba ni Blake ang hawak na baril at napatawa na lang.“You truly are confident that our boss will kill anyone who hurt you,” komento nito.Isang mapait na ngiti naman ang pinakita ni Tempest. “Kung pwede lang sana ay sa ibang babae siya magkagusto. Hindi sana hahantong sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa ‘kin.”Nagkibit-balikat lamang ang binata. “Totoo ngang ikaw ang dahilan kung bakit ganito na ang sitwasyon pero alam kong mas higit pa roon. Ginawa ka lang na rason ni Damon para saktan ang boss namin when in fact, he really
Damon scoffed at his brother’s words.“You will only take her once you have killed me,” he mused.Tempest felt like her blood ran cold when in a matter of seconds, the two men were already pointing guns at each other. Ang mas malala pa ay rinig niya ang sabay-sabay na pagkasa ng mga baril ng tauhan ni Cohen. Kahit saang anggulo niya tingnan, masasawi si Damon kapag hindi siya pumagitna sa kanilang dalawa.“Then, I’ll be taking your life,” sumbat ni Cohen.Hindi alam ni Tempest kung ano ang mangyayari kapag namatay si Damon gayong alam na niya na siya lang ang makakabuhay sa kaniya. She may be shaking in fear but it did not stop her from stepping right in front of Damon as if shielding him from any bullet.“P-Put all those guns down,” saad niya habang nakatingin sa mga mata ni Cohen, nagmamakaawang siya muna ang bibigay sa oras na iyon. “Please.”Ngunit nabalewala lamang ang kaniyang sinabi dahil kahit ni isa sa kanila ay walang sumunod. Hinarap ni Tempest si Damon at mahigpit na hinaw
Damon looked at Caden with a piercing gaze and within just a few seconds, he could tell that the professor showed no hint of fear at all. Instead, he saw determination in his eyes and it immediately crossed his mind that the man right before him was someone who also had his eyes on Tempest.Hinarap ni Tempest si Caden at tiningnan niya ito sa mga mata na tila nagmamakawang huwag muna siya makialam dahil baka kung ano pa ang gawin sa kaniya ni Damon. The last thing she would want was for Caden to get in trouble because of her.“Caden, please,” bulong niya.“You’re calling him by his first name?” Damon asked with a mixture of amusement and annoyance. But in return, he received a glare from Tempest so he looked back at Caden, who was still laid bac
Kumunot ang noo ni Tempest sa tinuran ng binata. Hindi niya alam kung binibiro lang ba siya nito o hindi pero pakiramdam niya ay parang may mali.“Anong pinagsasabi mo?” tanong niya habang nakataas ang isa nitong kilay. “Hindi naman iyan ang sinabi ni Giselle since ang lugar kung saan ako pinanganak at lumaki, iyon ang so-called lifeline ko but I will eventually get used to this place. Kaya siguro ako na-nose bleed kahapon dahil do’n. Anong si Damon ang lifeline ko? Nahihibang ka ba?”“I see…” Iyan lang ang komento ni Caden ngunit halata naman sa ekspresyon niya na tinuturing niyang mali ang lahat ng sinabi ni Tempest. Tumango ito nang kaunti na tila ba may nakumpirma siyang katotohanan.Bigla naman siyang nagtaka noong nilabas ng dalaga ang kaniyang papel tsaka ballpen.“By the way, sir… paturo nga ulit ako tungkol do’n sa quiz. Wala talaga akong naintindihan eh.” Tempest, then, pushed her pen and paper towards Caden’s side. “Or you can write the answers na lang right there para hind
Sa loob ng 10 minuto, unti-unting nanumbalik ang lakas ni Tempest at nagising mula sa pansamantalang pag-idlip. Pagbukas niya ng kaniyang mga mata, ramdam niya ang init ng mahikang bumabalot sa kaniya at tanging puti lamang ang nasa paligid niya. Nagmistulan itong walang hangganang kalawakan kaya hindi niya mawari kung patay na ba siya at hinihintay na lang siya ni San Pedro na magising para hatulan siya. Ilang segundo rin ang lumipas bago niya napagtantong may isang lalaking hindi niya mamukhaan ang nakayakap sa kaniya. Nakapikit ang lalaki at tila mahimbing ang tulog. Namangha si Tempest sa itsura ng binata dahil para itong isang prinsipe ng mahikang galing sa ibang mundo. Dahil sa kuryosidad, hindi niya napigilan ang sarili na haplusin ang kulay pilak nitong buhok na mas mahaba pa sa buhok niya. Napalunok din siya nang makita ang hugis ng kaniyang tainga na katulad lang din sa mga duwendeng napapanood niya sa telebisyon. Maya-maya pa ay unti-unting nawala ang puting mahikang naka
Tempest could not believe what she just heard so as she looked at her professor wide-eyed, Caden could only click his tongue out of annoyance. Still, he was able to know that despite Tempest being a half-fae, her charmspeaking power was stronger than he expected. He had to take note of that for future reference.Just when he was about to speak to her, Tempest, however, suddenly felt all dizzy and ended up slumping over the table and passed out. “Well, I guess using that would drain her,” komento ni Caden bago ininom ang kaniyang kape.Hinintay niyang magising si Tempest na umabot ng halos kalahating oras. Habang nakatitig sa tulog na dalaga, hindi niya maiwasang mapaisip kung ano ba ang mga sagot sa katanungan niya. Kailangan niya kasing malaman iyon para makagawa siya ng ibang paraan kung sakali mang nakatali na si Tempest sa isang tao. Ayaw man niyang isipin ang ganoong sitwasyon ngunit sa gandang taglay ng dalaga, imposibleng hindi siya nagkaroon ng kahit ni isang nobyo.With a su
Nang matapos ang huling klase ni Tempest sa hapon, agad siyang napahiga sa unang bench na nakita niya.“I am drained… totally drained…” she muttered like a zombie freshly out of the grave. Napatingin siya sa mga kalalakihang naglalaro ng football sa hindi kalayuan sa kaniya at hindi niya mapigilang mainggit dahil mukhang wala silang ni isang problema.“Bakit pa kasi ako pumayag na mag-aral dito?” reklamo niya. “Maybe I should just call grandpa and say that I am backing out…”Maya-maya pa, may narinig si Tempest na dalawang estudyanteng nag-uusap sa likuran niya.“Hoy, bilisan na natin, ano ba?” saad ng isa sa kanila. “Ayokong ma-late sa klase ni Sir Dawson. Mamaya niyan hindi tayo papasukin.”“Oo na, oo na. Nagmamadali na nga, ‘di ba?”Agad bumangon si Tempest at kinuha ang kaniyang bag saka sinundan niya ang dalawang babae papunta sa kabilang building. Dawson kasi ang surname ng propesor niya sa unang subject niya sa araw na iyon at kung siya rin ang propesor ng dalawang babae, sigur
Upon her arrival at her new place, Tempest could only let out a sigh as she stared at the humongous building she would be staying at.“Well, here we go to our new life,” she told herself before getting inside, following Giselle.Hindi niya alam kung ano ang magiging takbo ng buhay niya sa bagong lugar na iyon pero kinukumbinsi niya ang sarili na sana ay mas payapa at tahimik na lalo na at walang isang Damon o Cohen na iistorbo sa kaniya. Pagpasok niya sa unit nila na binili na ng kaniyang lolo, agad sumampa sa may couch ang dalaga sa sala at tinitigan ang munting chandelier sa kisame. A little while later, her gaze settled on the huge glass window right across from her. Nasa pang-50 na palapag ang kanilang unit kaya kitang-kita ang mga nagsisi-taasang gusali sa syudad ng Racester. Maganda rin ang tanawin dahil tila nakapaloob ang siyudad sa isang malawak na kagubatan dahil sa mga punong pinong makikita sa kahit saang direksyon. Ngunit hindi magawang masiyahan si Tempest sa oras na iy