Dahil ayaw ni Tempest na muling makita si Damon dahil baka mapahamak lang siya, agad itong nag-ayos at kinuha ang damit niya para sa masquerade ball. Mas mabilis pa kay Flash kung tumakbo siya papunta sa may parking lot at agad nagtungo sa bahay ni Medea.“Wow, bigla-biglang bumisita nang wala man lang pasabi. Anong meron?” tanong ni Medea pero bago pa siya makarinig ng sagot mula sa kaibigan, tiningnan niya lang si Tempest na tumakbo papasok sa loob.“Isara mo na iyang pinto!” sigaw nito mula sa sala.Isang buntong hininga lang ang pinakawalan ni Medea bago isara ang pinto at pinuntahan si Tempest. Halata namang sobrang nagmamadali siya dahil hindi pa niya nagawang suklayin ang buhok niya. Pupunahin na sana niya ang kaniyang nakakatawang itsura pero natahimik siya nang makita niya ang dinalang suot ni Tempest. Dahan-dahan niya itong nilapitan at tiningnan nang maigi.“Oh my gosh, Tempest…” she gasped as she gazed at her. “No freaking way.”Tempest grinned proudly and winked at her. “
Tumingin si Tempest kina Cohen at Medea pero para sa kaniya, hindi magagawa ni Medea ang agawin ang lalaking gusto niyang pakasalan. Hindi gano’n ang tingin niya sa kaibigan kaya inirapan niya lang si Damon. Tsaka nag-uusap lang naman sila tungkol sa negosyo at walang masama ro’n. And not to mention, naalala ni Tempest iyong tanong sa kaniya ni Cohen kung may label ba sila o wala. And until she gets his sweet ‘yes,’ she really has no right to ge jealous over trivial matters.“Bakit ka andito? Uninvited ka ‘noh? Ang kapal din talaga ng mukha mo.” Iyan ang sumbat ng dalaga sa text ng mafia boss.Muli niya itong nilingon at nang makita niyang binabasa ni Damon ang text niya, she clicked her tongue when a smirk was formed on his lips. Naiinis siya sa katotohanang kahit ano ata ang gawin niya, hindi niya magawang inisin o galitin ang mafia boss na 'yon. Kung pwede lang siyang magback-out sa kasunduan na pilit niyang sinang-ayunan, noon pa niya ginawa kaysa ang malublob sa stress dahil sa k
Napatakbo agad sina Damon at Cohen sa direksyon kung saan galing ang sigaw ni Tempest. Pagkarating nila sa may likod, nakita nilang pinasok ang dalaga sa isang itim na van. “Fuck! Call your men!” sigaw ni Damon sa kaniyang kapatid bago siya tumakbo patungo sa may kalsada. He took out his gun and pulled the trigger several times without hesitation while aiming at the wheels but still, they managed to escape and disappear into the night. Pagkabalik ni Damon kung saan niya iniwan si Cohen, nadatnan niya itong sinisigawan ang mga tauhan ng ama nila. Lima sa kanila ang bugbog-sarado at nakahandusay sa lupa at hindi na makatayo. Ramdam niya ang galit nito sa bawat salitang binibitawan niya na pati si Mr. Travis, hindi magawang magsalita hangga’t hindi pa tapos si Cohen.“Kapag kahit ni isang sugat man ang makikita ko sa babaeng iyon, buhay niyo ang magiging kapalit,” malamig na tugon ni Cohen.“Cohen,” tawag sa kaniya ng ama. Pero tila wala itong narinig at patuloy lang sa paglalakad. Nap
Halos isang araw na ang lumipas pero hindi pa rin mahanap-hanap nina Cohen kung nasaan si Tristan o si Tempest. At para lamang pagtakpan ang pagkawala ng modelo, kinailangan niya pang kausapin ang manager ni Tempest at pati si Medea upang tulungan siyang iiwas na makarating ang balitang iyon kay Lucius Williams. Isa kasi ito sa mga top investors ng kompanya ng mga Lovato kaya kapag nalaman niyang napahamak ang apo, baka kumalas ito.“Boss, wala pa rin po,” saad ng isa sa mga tauhan ni Cohen nang tanungin niya kung may lead na ba sila.Tahimik lamang ang mafia boss dahil kung uunahin niyang magalit, wala rin naman itong maitutulong. Binalik niya ang pansin sa kaniyang laptop nang biglang may pumasok sa kaniyang opisina na hindi naman niya tauhan.“Kahit kail
Imbes na dalhin ni Cohen ang batang babae sa ospital para ipatingin ito, dinala niya ito sa kaniyang private apartment saka tumawag ng doktor at isang katulong para palitan nito ang damit ng bata. Hindi niya maipaliwanag pero malakas kasi ang kutob niya na may kinalaman ang babae kay Tempest lalo na at magkapareho sila ng damit at pati perfume na gamit. And who knows? She might be the key to locate where Tempest was… at least, that was what he hoped.“Okay naman ang bata, walang malalim na sugat o kahit ano. We need to run more tests, however, to know kung bakit hindi siya magising,” saad ng doktor. “By the way, anak niyo po ba siya, sir?”Cohen dismissed him without answering his question. Nang silang dalawa na lang ang natitira, hindi maiwasan ng binata na titigan ang babae dahil sa pagtataka nito na
Halos mabingi na si Tempest dahil sa lakas at bilis ng kabog ng puso niya pero kahit pa nanginginig na ang kaniyang mga kamay, nagawa niya pa ring tumingin sa mga mata ni Cohen. She tilted her head for a bit and looked at him with the most innocent eyes she could manage.“Ha?” sambit niya.Naglakad si Cohen papalapit sa kaniya at hinawakan siya sa may balikat.“I don't know how it could be possible but you're Tempest, right?” tanong nito. “I just know it's you.”Gulat man ang dalaga pero hindi niya hinayaan ang sarili na mabuking. Hinawakan naman ni Tempest ang magkabilang pisngi ng binata saka ngumiti. Nang kalaunan ay mabilis niya itong sinampal tapos tumawa pa.
Hindi alam ni Violet kung anong reaksyon ang kaniyang ipapakita sa gayong gulat ito na may bata sa apartment ni Cohen. Kinabahan pa ito dahil baka anak pala siya ng binata.With an uncertain giggle, she asked, “Who is she?”Mabilis namang umakto si Tempest. Bago pa sumagot si Cohen, lumapit na ito sa binata sabay hawak sa kamay niya.“Papa,” sambit niya. Sinigurado pa niyang medyo malakas ang pagkakasabi niya roon para marinig ni Violet. “Sino po siya?”“P-Papa?” Halos hindi makapaniwala si Violet sa narinig.“Hindi, napulot ko lang siya kahapon sa may tabi,” paliwanag naman ni Cohen bago niya tinu
Nagdadalawang-isip si Cohen kung magsasabi ba siya ng totoo o hindi dahil kapag mali ang naging tugon niya, maaaring mawalan sila ng isang napakahalagang investor. “Pinapahanap ko pa po siya, sir,” tapat na sagot ng binata na halos ikasigaw ni Tempest na nasa ilalim pa rin ng mesa. “Pinapahanap? Tapos ikaw nandito lang na nakaupo? Ano bang tingin mo sa apo ko? Just for you to know, Cohen Lovato, my granddaughter is not damn replaceable!” Napatakip si Tempest ng tainga dahil sa galit ng lolo niya. Hindi niya alam kung magpapakita ba siya sa kaniya o hindi pero natatakot itong lumabas sa kaniyang pinagtataguan. For sure, she will receive a deafening lecture from him once she reveals herself. And not to mention, she had been with Cohen the entire night and did not c