Share

Chapter 1

Isang halakhak ng dalaga ang pumuno sa loob ng study room ni Mr. Lucius Williams. Nakatingin lang nang seryoso ang matanda sa kaniyang apo habang ito ay tumatawa pa rin na parang nabaliw dahil lang sa sinabi nito. 

Makalipas ang ilang minuto, kumalma na si Tempest habang pinupunasan ang luhang nasa gilid ng kaniyang mga mata. 

“Geez, lolo!” saad nito. “I never knew you know how to make such jokes. Napatawa talaga ako nang husto.”

Tumingin ang dalaga sa lolo niya at hinintay itong sabihin ang katagang, “Nagbibiro lang ako.” Pero lumipas ang isang minuto ng katahimikan pero hindi umimik si Mr. Williams habang nakatitig sa mga mata ni Tempest. Kahit ni katiting ng pagbibiro ay walang nakita si Tempest sa mga mata ng kaniyang lolo.

With a nervous chuckle, she added, “You're joking, right?”

“No.”

“But, 'lo, I am just 24! It is too early to get married! At isa pa, ano na lang ang sasabihin ko sa asawa ko kapag nalaman niyang isa akong kalahating fae na nagiging bata sa pagpatak ng hatinggabi?”

Napabuntong hininga na lang si Mr. Williams nang marining ang reklamo ng apo. Ito ang inasahan niyang magiging reaksyon nito kaya naman hindi na siya nagulat. 

“Exactly, Tempest. You are already turning 25 and yet you have not introduced anyone to become your possible spouse. That is why I changed my mind regarding your inheritance. And regarding your special situation, it will serve as a challenge for you to look for a trustworthy husband.”

Namilog ang mga mata ni Tempest kasi ramdam niya na masamang balita ang maririnig niya sa umagang iyon. She, then, raised an eyebrow to let her grandfather continue what he was saying.

“Bago mo makuha ang mana mo, kailangan mong magpakasal at hangga't nabubuhay ako, hindi kayo maghihiwalay ng mapapangasawa mo. This is for me to be assured that you won't just be going out there and hire a nobody to become your husband,” dagdag nito.

Hindi na nakapagsalita si Tempest dahil sa pinaghalo-halong emosyon na nagkakagulo sa loob niya. Naba-blangko naman ang kaniyang utak habang paulit-ulit niyang naririnig ang salitang ‘magpakasal’ na kailanman ay hindi niya naisip na gawin kahit kailan. Marami pa siyang gustong gawin at wala sa listahan niya ang magka-boyfriend man lang o kaya mag-asawa.

Hindi na muling nagsalita ang kanyang lolo at nagpatuloy na lang ito sa pagbabasa ng dyaryo. Alam kasi niya na kailangan ni Tempest ng ilang oras bago ma-proseso ng utak niya ang kanyang sinabi. Napailing na lang siya habang iniisip ang mga salitang sasabihin ng apo, spoiled brat naman kasi ito. Kasalanan niya iyon, tanggap niya sa kanyang sarili na siya ang dahilan kung bakit ganoon si Tempest. At ngayong malaki na siya, oras na para itigil ang pagsunod niya lagi sa gusto ng apo.

Makalipas ang ilang minuto, hindi pa rin kumikibo ang dalaga kaya naman nagsalita na ito.

“Letting you choose your husband is better than an arranged marriage, right?” tanong ni Mr. Williams.

“Lolo!” sigaw agad ni Tempest. “I am a model, 'lo. I have no time to find a man, much less get married to him. Tsaka baka siya pa ang magiging rason na malaman ng buong mundo kung anong klaseng fairy tale creature I am. Kaya let us just pretend na hindi natin ito pinag-usapan, okay? Anyway, when are you going to send my allowance?”

“Allowance?”

Tumango ang apo nito. “Yes, 'lo. My. Allowance.”

“Hindi ba't sinabi mo na sapat na ang kinikita mo sa pagmo-modelo para sustentuhan ang mga kailangan mo? Bakit ka nanghihingi ngayon?”

“Ano ka ba, 'lo? May bibilhin kasi ako. No worries, I will be paying it later on.”

Mr. Williams looked at his granddaughter with suspicious eyes. Halos magli-limang taon na kasi mula noong huli niyang binigyan ito ng allowance. Mula noong pumasok si Tempest sa pagmo-modelo, hindi na siya kailanman nanghingi ng pera sa kanya. Binaba niya ang dyaryo at muling hinarap ang apo.

“What did you this time, Tempest?” tanong niya.

Umiling naman ang dalaga. “Nothing. I just really, really need the money para bilhin iyong upcoming new limited bag ng Hera kaya please?”

Mr. Williams sighed. “Magkano ang kailangan mo?”

“15 million.”

“15 million?”

“Yes, 'lo. There is only one bag available kaya ganoon siya kamahal. And you know, ia-auction siya so tataas pa ang halaga niya.” Nag-puppy eyes pa si Tempest habang taimtim itong nagdadasal na sana ay ibigay sa kanya iyong pera.

“No,” saad ng lolo niya. “Wala na tayong ibang pag-uusapan pa kaya pwede ka nang umalis.”

Napatayo naman si Tempest sa tinuran ng lolo. Kahit ni minsan ay hindi niya nagawang tanggihan siya kaya naman gulat siya nang umayaw ito sa unang pagkakataon.

“'Lo, please naman. If I have to kneel in front of you, gagawin ko. Just please, let me borrow the money!”

“Kahit pa umiyak ka ng dugo, wala kang makukuha sa akin unless you find yourself a husband.”

Ilang oras mang kinulit ni Tempest si Mr. Williams ay wala pa rin siyang nakuha rito kahit piso man lang. Dahil kilala niya nang lubos ang lolo niya na once he decides on something, he won't be changing his mind. Nagdabog na lang ito palabas at narinig pa niyang sabi ng lolo niya na, “Kapag bibisita ka ulit, make sure to bring your boyfriend with you.”

“Boyfriend ka diyan. Ayaw kong magpakasal kaya good luck na lang sa 'yo. Wala kang makikitang kahit isang apo sa tuhod,” bulong ni Tempest habang papasok sa kanyang sasakyan.

Pagkasara niya sa pinto ng kotse niya, napasabunot na lang siya sa kanyang buhok sabay sigaw. Hindi na niya alam ang gagawin ngayon na mas pinahirapan pa siya ng lolo niya para lang magalaw niya ang ipamamana sa kanya. 

She shook her head before turning on the engine and revved away from her grandfather's mansion. Isa lang ang pwede niyang pagbuntungan ng galit at walang iba iyon kundi ang kanyang matalik na kaibigan na si Medea. Pinuntahan niya ito sa kanyang opisina kung saan niya nadatnan itong nagbabasa ng mga dokumento.

Pagkaupo niya sa sofa, sabi niya, “Guess what the bad news is?”

“Not interested,” sambit agad ni Medea habang nakatutok pa rin sa kanyang binabasa.

Pero kahit iyon ang kanyang sinabi, nagpatuloy pa rin si Tempest sa pagsasalita.

“My grandfather refused to give me my allowance,” sabi niya. “And what is worse is that gusto niya akong magpakasal muna bago ko makuha ang mana ko. I even do not want a boyfriend, how much more kung asawa pa?”

Sa wakas, tiningala siya ni Medea habang inaayos ang kaniyang eyeglasses. Hindi na bago sa kanya ang makarinig ng ganito dahil noon pa man ay inaasahan na niyang mangyayari ang ganito lalo na at tumatanda na si Mr. Williams. At dahil doon, pinaghandaan niya ito. Tumayo siya at nilapitan si Tempest habang hawak-hawak ang laptop niya.

Nilapag niya ito sa kanyang mga binti saka binuksan ang isang file.

“I actually have a list of bachelors that you might want to choose from,” she said with a smile.

Tiningnan naman ni Tempest ang kaibigan nang may paghihinala dahil sa timing nito. Pero pinagsawalang-bahala na lang niya iyon at tumingin sa laptop ni Medea.

“Ang tanda naman niyan para ipakasal sa akin,” agad niyang komento nang makita ang litrato at profile ng 41 years old na lalaki. 

Medea clicked on the next button.

“Ih, ayoko niyan. Hindi ko type ang mukha. Mas mahinhin pa ata siya compared sa 'kin.”

Patuloy lang sila sa pagtingin ng mga profiles hanggang sa tumambad sa kanila ang profile ng may-ari ng mga kilalang casino sa kanilang lugar at pati na rin sa ibang bansa.

“Oh la la...” sambit ni Tempest. “Isn't he lovely? Look at those mesmerizing yet cold eyes.”

Napairap naman si Medea kahit na totoo ang sinabi ng kaibigan. Ayaw lang niya talaga sa lalaki dahil bukod sa chismis na sinasabing masungit ito, babaero pa.

“Seriously?” kontra niya. “Sa dinami-rami ng mga matitinong lalaki, ito pang babaerong ito ang nakakuha ng interes mo? Come on, Tempest. You have to choose better.”

Hinampas naman siya ni Tempest nang mahina habang tumatawa. “Ito naman. Hindi ko naman siya pakakasalan dahil sa mahal ko siya. It is just for convenience, get it? Anyway, since he met a lot of ladies, I have to stand out among them and have him agree to marry me.”

“No. Let's look for another man.”

“Medea, don't be like that.” Tinuro ni Tempest ang litrato ng lalaki saka ngumiti. “This Cohen Ranger Lovato guy is the perfect candidate for a marriage of convenience. I do not want commitment and I am sure he feels the same way.”

Hindi na nagawa ni Medea na kontrahin ang kaibigan dahil kahit ipilit niya na ibang lalaki na lang, hindi siya nito pakikinggan. Sinara niya ang ang laptop saka tiningnan di Tempest.

“So, how will you coax him into marrying you?” tanong niya.

With confidence, she replied, “I will court him.”

Humagalpak naman sa tawa si Medea nang marinig ang sagot ng kaibigan niya. Hindi niya kasi aakalain na masasabi iyon ni Tempest lalo na at hindi siya iyong tipo ng babae na magmakaawa o gumawa ng mga bagay para lang magustuhan siya ng kahit sino. She had always been the one being wooed, not the other way around.

Inirapan lang siya ni Tempest at hinintay na matapos siya sa katatawa. At noong kumalma ito, sumagi sa isipan niya ang isa pang problema na tila nakalimutan ng kaibigan niya.

“Tempest, paano na pala iyong utang mo?”

Napapikit naman ang dalaga nang marinig na naman ang problemang saglit niyang nakalimutan. Sumandal siya sa sofa na para bang pagod na pagod na.

“Iyon ang problema ko rin.” Nang maalala niya na kaya siya nasa sitwasyon na iyon dahil sa maling impormasyon na binigay ni Medea, agad niya itong hinampas sa likod. “Tumulong ka kaya! Ikaw ang puno't dulo kung bakit ako nagka-utang ng ilang milyon eh.”

Inayos ni Medea ang pagkakaupo dahil may naisip siyang isang solusyon upang malusutan ni Tempest ang dalawa niyang problema.

“Why don't you just offer your hand for marriage to Mr. Damon Knox Everson as payment? It's hitting two birds in one stone,” excited nitong sabi. “So imbes na maghanap ka ng ibang lalaki, why not just him?”

Napaisip naman ni Tempest pero iniisip pa lang niya ang tunay na pagkatao ni Damon, umaayaw na agad siya. Isa iyong mafia boss kaya naman mapapahamak ang buhay niya kapag mas lalo niyang papasukin ang mundo nito. At ang pinakaayaw niya ay ang madamay ang lolo niya at pati na rin si Medea.

“No,” desidido nitong sambit. “Babayaran ko na lang ang utang ko sa kanya at ikakasal ako kay Cohen. That is the better option.”

Nagkibit-balikat na lamang si Medea bago nito sinandal ang ulo sa sofa saka sinabing, “Alam mo, consider yourself still lucky.”

Isang nalilitong tingin ang binigay sa kaniya ni Tempest dahil hindi niya maintindihan ang nais niyang ipahiwatig.

“Buti na lang at kay Damon ka nagka-utang, hindi d’un sa Masked Boss.”

“Masked Boss?”

Umayos nang upo si Medea at halata sa kaniyang mukha ang bahid ng takot.

“Ayon sa sabi-sabi, ang Masked Boss daw ay mas malupit pa kay Damon. Kilala mo ‘di ba ang makapangyarihang pamilya na Desma?”

Tumango si Tempest dahil ang pamilyang Desma lang naman ang isa sa kakumpitensya ng kumpanya nila sa hotel and management industry. 

“According to a friend of mine, that mafia boss called ‘Masked Boss’ was the one who annihilated them.”

Pero imbes na kilabutan si Tempest, hinampas lang niya ang kaibigan dahil para sa kaniya, isang hamak na sabi-sabi lang iyon. 

“Masked boss, huh,” ulit ng dalaga sa kaniyang isipan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status