Share

Chapter 4

Tempest stared at Damon with a scrutinizing look because there was a lingering feeling telling her that the man in front of her was up to something no good. She crossed her arms as she leaned back on her chair.

“Paano?” tanong niya.

Nagkibit-balikat lang ang binata.

“Ang dami mong tanong. Sagutin mo na lang kaya ang tanong ko so we can get down to business. I do not have all the time in this world, Miss Tempest, to accommodate you-”

“Then, instead of going along with your idea, babayaran na lang kita in cash. Give me 6 months muna and dagdagan ko pa ang ibabayad ko for the interest. Busy person ka pala eh, bakit ka pa nakikipagkita sa akin?” pagtataray ng dalaga.

Hindi niya kasi nagustuhan ang tono ng boses ni Damon na para bang siya pa ang nagdesisyon na magkita sila at nakakaabala siya sa kaniya. Akmang aalis na sana siya pero agad na hinawakan ng binata ang braso niya.

“Get back to your seat, young lady,” utos nito nang walang halong biro.

Tila makakapatay nang wala sa oras si Damon na halata sa boses nito pero malakas pa rin ang loob ni Tempest na hugutin ang braso mula sa pagkakahawak niya. Iyong takot na kanina pa niya nararamdaman ay biglang nawala at napalitan ng inis.

She scoffed. “Ayokong inuutusan ako, gets mo?”

Inirapan niya ito saka tinalikuran pero isang hakbang pa lang ang nagagawa niya ay agad siyang napahinto at biglang napaatras nang hilahin ni Damon ang bag niya. Nanlaki ang mga mata ni Tempest sa pag-aakalang matutumba siya patalikod pero imbes na sa sahig siya bumagsak, napatingin ito sa mga kulay-abo nitong mga mata na para bang hinuhugot siyang huwag umiwas ng tingin.

Napalunok si Tempest nang mapagtanto niyang nakahawak ang mafia boss sa kaniyang beywang habang ang likod niya ay nakahilatay sa matipuno nitong pangangatawan. But that dreamy position ended in a snap when Damon smirked and pushed her away from him, causing a thud to resound inside the shop when Tempest fell on the floor.

“Ayokong pinagnanasahan ako, gets mo?” panggagaya ni Damon sa sinabi ng dalaga kanina.

Agad bumangon si Tempest dahil ramdam niya ang pag-init ng mukha lalo na at pinagtitinginan na naman siya ng mga ibang customers doon. Naupo ulit siya sa dati niyang upuan habang sinasamaan ng tingin si Damon. Kung alam lang sana niya na ihuhulog lang siya sa sahig pagkatapos siyang saluhin, sana ay sinapok niya ito nang hinawakan siya sa may beywang.

“So…” muling pagbabasag ni Damon sa katahimikan. “Bakit mo binisita si Cohen kanina?”

“Bakit mo tinatanong? And what kind of connection do you even have with him? Tsaka kung gusto mo talagang malaman, bakit hindi mo siya puntahan at tanungin siya mismo? Kasi, for you to be aware, nagmumukha kang chismosong tambay sa kanto.”

Sinadya talaga ni Tempest na ulanan ang binata ng mga tanong para inisin ito bilang ganti sa ginawa niya sa kaniya. But more importantly, she did not want to tell anyone else that she would be courting Cohen. Kapag kasi nalaman iyon ng media, siguradong pagpipiyestahan siya at malalagot pa siya sa manager niya.

“Don’t test patience,” giit ni Damon na malapit nang mapuno sa pinaggagawa ni Tempest.

“Don’t test my patience,” Tempest repeated while making a face just to mock the man in front of her. “Hoy, gangster na cheap, hindi lang ikaw ang nauubusan ng pasensya rito.”

Hindi na umimik si Damon dahil sa sobrang inis at pagkaubos ng huli nitong pasensya. Tumayo na ito mula sa pagkakaupo at umalis na lang nang wala man lang sinabing kahit ano. Samantalang si Tempest naman ay nakangisi habang pinapanood ang mafia boss sa paglabas sa coffee shop. Nang kalaunan ay tumayo na rin siya saka umalis sa lugar na iyon.

Bubuksan sana niya ang pintuan ng kotse pero bago pa man niya magawa iyon, may humila sa kaniya patalikod at agad siyang binuhat na parang isang sako ng bigas.

“Hoy! Ano ba? Bitawan mo ako!” pagpupumiglas niya habang sinusuntok ang likod ng lalaking bumuhat sa kaniya. “Tulong! Tulungan niyo ako!”

Ngunit hindi nakatulong ang kaniyang pagsigaw lalo na at pinasok sa van na agad humarurot paalis. Tila tinrato siyang isang bola na ginulong na lang sa may likuran ng van kaya naman natanggal iyong shades niya.

“Damn it!” sigaw ng dalaga at agad bumangon. Pagkatingin niya sa harapan niya ay si Dmaon agad ang tumambad sa kaniya.

She scoffed before removing the bandana and cap from her head. Tiningnan niya nang masama ang nakangiting mafia boss na parang nag-eenjoy pa sa panonood sa kaniya.

“Sa tingin mo makakatakas ka sa ginagawa mong ‘to?” sambit ng dalaga. “Kapag talaga ako nakaalis dito, sisiguraduhin kong sa kulungan ang bagsak mo, you cheap shit of a gangster.”

“Die trying, young lady.” 

Inayos ni Tempest ang pagkakaupo saka muling nagtanong, “Ano bang kailangan mo, ha? ‘Di ba sinabi ko na babayaran din kita? Hindi naman kita tatakasan. Kahit pa nga magdala ka ng sangkatutak na tao para lang bantayan ako.”

“I do not want cash,” maikling saad naman ni Damon.

“Ang choosy mo ha! Sige, bibilhan kita ng bagong apartment at bagong sports car na katumbas n’ong sinira ko. Kahit pa nga personalized ang design n’ong sports car mo. Anong gusto mong design? Naruto ba? Pwede rin namang mukha nung kabayo ni Jean tutal magkamukha naman kayo. Ano? Deal?”

Hindi alam ni Damon kung anong pinagsasabi ng dalaga kaya tiningnan niya lang ito saka umiling. “I do not want an apartment and a car either as a payment.”

Tumahimik ang dalaga at dahan-dahan niyang tinakpan ang kaniyang dibdib gamit ang dalawang kamay. Napalunok pa ito at saka umiwas ng tingin.

“Ayokong makipagtalik sa ‘yo, noh. I am way too precious to be touched by a barbaric man like you,” she said.

This time, it was Damon’s turn to scoff. Hindi niya inakalang sasagi iyon sa isip ni Tempest at ginawa pa siyang isang manyak.

“Masyadong wild ang imagination mo. Don’t worry, wala akong balak galawin ang isang payatot na katulad mo. Baka hindi pa kita naikakama, eh may putol ka na agad na buto.”

“Kadire,” agad na sabi ni Tempest sabay irap. “But anyway, seriously. Ano bang gusto mo? Ang unfair naman na singilin mo ako ng isang bagay na hindi ko naman sinira. Either apartment and car or cash lang ang pwede mong singilin. Nothing more.”

“Just to clarify things here, young lady. You do not have any right to negotiate. Ikaw ang may utang kaya bayaran mo na lang ako sa paraan na gusto ko. If you refuse, then just tell me. Madali akong kausap.”

“Sige!” biglang bulyaw ng dalaga na siyang dahilan para magulat si Damon. “Ano bang gusto mo? Sabihin mo na bago magbago ang isip ko! Sabihin mo na dahil nangigil na talaga ako sa ‘yo!”

Damon held the bridge of his nose out of frustration, thus, he raised his right hand. Hindi alam ni Tempest kung ano ang ibig sabihin noon pero sigurado siyang hindi maganda lalo na at lumapit sa kaniya iyong lalaki na bumuhat sa kaniya kanina. Sumigaw ito nang napakatinis na kailangan pang takpan ng mafia boss ang tainga dahil sa pagka-irita. Pero ilang segundo lang ang lumipas ay agad natahimik ang dalaga nang nagawa nilang takpan ang bibig nito gamit ang isang panyo. 

Makalipas ang ilang minutong katahimikan, muling nagsalita ang mafia boss.

“When we reach our destination, I hope you have already decided to tell me the reason why you paid Cohen a visit a while ago. Like what I have stated before, he will be involved in this game.”

Hindi maintindihan ni Tempest kung ano ba talaga ang nais ng lalaking kaharap niya sa oras na iyon. Pero nararamdaman niyang hindi magiging maganda ang kahahantungan niya. Nanahimik na lang siya habang pinagdarasal na kahit saan man siya dalhin ay sana magawa pa rin niyang makauwi nang buhay. Ayaw pa naman niyang mamatay na lang nang hindi kinakausap ang lolo niya nang masinsinan. At higit sa lahat, hindi pa niya nahahanap kung nasaan ang nanay niya.

Nang kalaunan ay tumigil na rin ang sasakyan nila. Naunang lumabas ang mga tauhan ni Damon bago pinayagan si Tempest na makaalis sa van. Nang makita niya na nasa dalampasigan sila, kaba agad ang bumalot sa kaniya sa pag-aakalang baka dito itapon ang katawan niya kung hindi siya papayag sa kagustuhan ng mafia boss. 

Nang tanggalin ng isang lalaki ang tali sa kaniyang mga kamay at ang panyong nakatakip sa kaniyang bibig, agad tumakbo si Tempest papunta kay Damon.

“Oo na, oo na. Payag na ako sa kahit anong gusto mo basta huwag mo lang akong itapon sa dagat. Hindi pa naman ako marunong lumangoy,” sambit niya nang may pagmamakaawa sa kaniyang mga mata.

Napangisi si Damon dahil sa kaniyang inakto kaya naman tinapik-tapik niya ang balikat ng dalaga.

“Huwag kang mag-alala, hindi naman kita agad-agad itatapon sa dagat.” Nilapit niya ang mukha niya kay Tempest hanggang sa naglapat ang kanilang mga noo. Hinawakan pa niya ito sa baba sabay sabing, “We will have some fun first.”

Pagkatapos niya itong kindatan, naunang sumakay si Damon sa kanyang yacht at iniwang nakatayo lamang si Tempest sa may boardwalk. Nang mapansin ng mafia boss na hindi siya sinundan ng dalaga, tumalikod ito.

“Sasakay ka o ihahagis kita sa tubig?” tanong nito.

“Sasakay na ‘di ba? Eto na sasakay na. Ang atat naman neto. Eto na, naglalakad na ako papunta diyan sa mamahalin mong yacht,” sumbat naman ng dalaga. “Eto na! Eto oh, binibilisan ko na ang paglalakad. Nakakahiya naman kasi sa may-ari na paghintayin pa.”

Tinalikuran na siya ni Damon sabay sabing, “Ang ingay.”

Narinig naman iyon ni Tempest kaya naman mas lalo niyang nilakasan ang boses para inisin ang binata.

“Ito na tatahimik na ako oh. Ako na nga iyong mamatay sa araw na ito, hindi pa ako pinapayagang magsalita man lang. Pero sige, ako na ang mag-aadjust. Look oh, I am shutting my mouth na for the sake of that guy who feels like he owns the world. Tingnan mo, isasara ko na ang bibig ko.”

Hindi pa rin tumitigil si Tempest sa pagsasalita nang malakas kahit na nasa harapan na niya si Damon. 

“Oh, ano? Satisfied ka na sa pinaggagawa mo? Tsaka hindi ka man lang ba maawa sa mundong ito? Kasi sinasabi ko na sa iyo, the world will mourn if I die. Why? Because such a beauty like me will be a great loss-”

Unable to tolerate how loud she was, Damon turned on his heels and immediately grabbed Tempest on the arm. To shut her up, he sealed her lips with his that froze Tempest right where she was with her eyes wide.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status