Share

Chapter 2

Nakatambay pa rin si Tempest sa loob ng sasakyan niyang nakaparada sa parking lot ng Heraclion Casino, ang main branch na pag-aari ni Cohen Ranger Lovato. She may be confident the other day in claiming to court him but there was still some doubt lingering around her. Sa kanyang pagkakaalam, ang babae niya ngayon ay walang iba kundi si Violet Florence. Isa rin itong kilalang modelo katulad ni Tempest kaya naman alam agad niya na mahihirapan siyang kunin si Cohen.

Tempest clicked her tongue as she shook her head.

"No. This is no time to be doubting. What Tempest wants, Tempest gets," pangungumbinsi nito sa sarili bago kunin ang bouquet of roses na kabibili lang niya.

Umalis na ito sa kaniyang sasakyan at agad tumungo sa elevator. Kailangan niyang makuha ang loob ni Cohen as soon as possible para magawa niyang bayaran ang utang niya sa mafia boss bago pa siya ipa-hunting at patayin.

Nang marating niya ang lobby, agad siyang naglakad papalapit sa receptionist na siya namang ngumiti agad sa kaniya.

"How can I help you, Miss Tempest?" tanong nito.

"I want to set an appointment with Mr. Cohen Lovato if ever he is available within this day," agad naman na sagot ni Tempest. 

"Kindly wait for a moment."

Habang may tinatawagan ang receptionist, tumingin si Tempest sa paligid niya saka lang niya napansin na maraming dumadaang tao ang nagnanakaw ng tingin sa kaniya. Hindi na naging big deal ito sa kaniya dahil nasanay na siya sa ganoong sitwasyon. Walang masyadong tao sa oras na iyon siguro ay dahil maaga pa at halos gabi lang pumupunta sa casino ang mga mayayamang nagsusugal. Sa kaniyang pagmamasid, nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang isang pamilyar na lalaki. Isa iyon sa mga tauhan na kasama ni Damon noong gabing nagkautang si Tempest sa kaniya.

Agad naman siyang tumalikod para hindi nila makita ang isa't isa dahil unang-una sa lahat, wala pa siyang dalang pambayad sa mafia boss. Pangalawa, baka kaladkarin siya palabas ng building at sabihin sa lahat na may malaki siyang utang sa kaniya. If that were to happen, then her reputation would be stained and modeling agencies might refuse to hire her.

"Miss Tempest, I am sorry but Sir Cohen's schedule today is packed so he won't be able to meet you. If you want, I can secure a few hours of his time for you next week," saad noong receptionist.

Masyadong matagal ang next week kaya naman nginitian lang ni Tempest ag receptionist bago siya nagpaalam. Since hindi madadaan sa pormal na paraan ang kaniyang unang pagbisita sa CEO ng casino, pwes ipipilit niyang makipagkita rito sa araw na iyon. Muli siyang bumalik sa elevator at saktong naabutan niya ang isang empleyado roon.

"Alam mo ba kung anong floor ang opisina ni Mr. Lovato?" tanong nito sa babae.

"O-Opo, miss. Sa 20th floor po siya. Doon din ako patungo." 

Bilang pasasalamat, kumuha si Tempest ng isang bulaklak mula sa bouquet at binigay ito sa empleyadong namumula na ang mga pisngi. Napangiti lang siya dahil ganoon na ganoon din ang reaksyon ni Medea noong una silang nagkita. Pagkarating nila sa 20th floor, sinundan ni Tempest and empleyado dahil ito ang magtuturo sa kaniya kung nasaan ang opisina ng CEO. 

Pero noong makita siya ng secretary ni Cohen, agad itong tumayo mula sa kinauupuan at saka hinarangan ang pinto ng opisina.

"Miss Tempest," bungad agad nito na para bang natataranta. "Hindi po kayo pwedeng pumasok kung wala kayong appointment kay Sir Cohen."

Napairap lang ang modelo bago niya tiningnan nang masama ang secretary.

"Look here, missy. I am already here so hindi ako aalis hangga't hindi ko nakikita ang boss mo. Understand?" Agad niyang tinulak sa tabi ang secretary at agad binuksan ang pinto nang hindi man lang kumatok muna. 

Pumasok siya at agad sinara ang pinto. Ngunit ang pangyayaring bumungad sa harap niya ay ang dahilan upang mapahinto siya sa kinarorooonan. Hindi nito inaasahan na makikita niya ang CEO na may kasamang babae at nakaupo pa ito sa kaniyang lamesa habang nakabuka ang mga legs nito. Napansin din niya na nasa kamay ng babae ang necktie ni Cohen.

Habang gulat ang dalawa sa biglaang pagpasok ng bisita, naglakad naman si Tempest papalapit sa kanila habang nakangisi at walang pinapakitang kahit isang bahid ng pagkahiya. Ang una niyang tiningnan ay ang babae.

"Alam kong hindi mo alam ilugar ang pagiging maharot mo, Violet, pero hindi ko talaga inaasahan na as early as this fresh morning ay ipapakain mo iyang makati mong low quality pearl. Anyway, umalis ka muna at may pag-uusapan kami," sabi niya saka nilagay sa sofa iyong bulaklak na dala niya. "Maligo ka muna at kuskusin mo nang husto iyang p**e mo. Malay mo, mawala iyong kati, 'di ba?"

Dahil sa inis, napaupo na lang si Cohen saka sinamaan ng tingin si Violet na siyang dahilan upang umalis ito sa kaniyang harapan. Isa pa naman sa pinaka-ayaw ni Cohen ay ang maistorbo siya ng kung sino man. Nanahimik na lang siya at hinayaang mag-usap ang dalawang babae.

Si Violet naman ay nabitin sa kanilang ginagawa kaya naman agad niyang hinarap si Tempest na nakangisi pa rin sa kaniya.

"Alam mo, ang galing mo lang talagang sumapaw sa buhay ng may buhay. I am warning you, Tempest. This will be the last time that I will let you do this to me. Next time, sasabunutan talaga kita hanggang sa matanggal lahat ng buhok mo sa katawan." Binangga ni Violet ang balikat ni Tempest bago nito kinuha ang bag at agad umalis sa opisina.

Kating-kati siyang sampalin si Tempest pero natatakot siyang gawin iyon dahil sa isang salita lang niya ay pwede siyang matanggalan ng trabaho bilang isang modelo. Gritting her teeth, she entered the elevator.

"Kailangan kong mapangasawa si Cohen as soon as possible. Kung hindi, baka agawin pa siya ng bruhang iyon," sambit ni Violet sa kaniyang isipan.

Samantalang ang dalawang naiwan sa loob ay parehong tahimik sa tila bang mala-impyerno na silid. Ramdam ni Tempest ang init ng galit ng CEO kaya hindi agad siya nagsalita kasi baka sigawan siya nito. Naupo lang siya sa sofa at kumuha ng isang rosas saka isa-isang tinatanggal ang petals nito para libangin ang sarili.

"Sisigawan niya ako. Magwa-walk out siya. Sisigawan niya ako. Magwa-walk out siya."

Paulit-ulit niyang sinasabi ang mga katagang iyon hanggang sa naubos ang bawat petal ng rosas. Akmang kukuha pa sana siya ng isa pa dahil parang walang balak si Cohen na kausapin siya ngunit hinarap na siya nito at nagsalita.

"Una sa lahat, ayoko sa mga taong hindi marunong makinig at hindi alam kung paano kumatok," sabi ni Cohen na halatang nagtitimpi pa rin ng inis. "You broke those two so you better have a valid and acceptable reason why you suddenly barged in without an appointment."

Tumayo agad si Tempest at kinuha ang bouquet at naglakad papalapit sa lalaki. Kahit matalim ang paningin sa kaniya ay binalewala niya ito tutal hindi naman siya natatakot sa kaniya.

"Nag-ask ako sa receptionist to make an appointment with you pero sabi niya sobrang busy mo raw kaya next week ang earliest appointment. And to think na busy ka pala sa pagsisisid sa mabahong perlas ng babaitang iyon, I think my actions that are against your ways are not that heavy. Anyway, here."

Inihampas ni Tempest kay Cohen ang dalang mga bulaklak na siya namang hindi niya inaasahan. Dahil sa pagkabigla nito sa ginawa ng babae, napatingin lang siya sa kaniya habang papalapit pa ito. Hindi niya mawari kung ano ang susunod na gagawin ni Tempest kaya naman hinayaan niya lang ito na tingnan ang kaniyang relo matapos hablutin ng modelo ang kamay niya.

"Luma na itong modelo ng relo mo," saad ni Tempest saka tinanggal iyon sa kamay ng CEO. 

She fished out a black box from her bag and opened it. Nanlaki naman ang mga mata ni Cohen nang makita ang relo. Aside from the fact that it was from a renowned watchmaker for their high-quality watches, it was also one out of only 30 timepieces that the Ulisse Garden brand had ever made. Nagustuhan naman ni Tempest ang reaction ni Cohen kaya malakas ang kaniyang loob na ipasuot iyon sa kaniya.

"So, you like it." That was not even a question as Tempest grinned at him.

Tahimik lang si Cohen habang pinagmamasdan ang relo. May kutob lang kasi siya na baka peke iyon dahil, una sa lahat, bakit siya biglang bibigyan ni Tempest ng isang mamahaling relo? Second of all, that was just their first meeting so it was beyond suspicious.

"What is the meaning of this?" tanong niya habang patuloy siya sa pagsusuri noong relo. 

"What do you think?"

Napabuntong hininga na lamang ang CEO dahil isa rin ito sa mga ayaw niya... ang magtanong siya pero sasagutin siya ng isa pang tanong. Pero sa oras na iyon, nasabi niya lang sa sarili na habaan muna niya ang kaniyang pasensya. Nang masigurado niya na hindi peke iyong relo, tinuon naman niya ang kaniyang pansin sa mga bulaklak na binigay ni Tempest.

Naiinis man siya dahil sa inakto ng dalaga pero hindi niya mapigilang ngumiti nang mapansin niyang sariwa pa ang mga bulaklak. It was his first time to receive such things because in his entire life, he was always the one giving gifts to women. Ang weird nga sa pakiramdam niya na parang siya ang nililigawan. Ngunit nang mapansin niyang parang lumilihis ang isipan niya sa dapat niyang pinagtutuunan ng pansin, agad niyang binawi ang ngiting nakaguhit sa kaniyang mga labi. Binalik niya ang kaniyang tingin kay Tempest pero ngayon, napalitan ang kaniyang inis ng paghihinala.

"Anong kailangan mo?" tanong nito.

Tempest crossed her arms as she leaned on the table.

"Simple lang naman actually." Tempest showed her sweetest smile. "Aasawahin mo ako o pakakasalan mo ako? Those are your only options."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status