Share

Mr. Del Real Wants Me Back
Mr. Del Real Wants Me Back
Author: Blue Haven

Chapter 1

Chapter 1

"Madam, good morning po." bati sakin ni Hailey, my secretary when she entered my office. Mukhang kakadating niya lang dahil hindi niya pa naiilapag ang mga gamit niya.

"Good morning too. Ibaba mo muna yang gamit mo." agad naman siyang yumukod saka tumalikod para lumabas ng opisina ko. Maybe she thinks that I'll be mad at her because she's 30 minutes late. But it's alright. Bago lang kasi siya, nag resign na kasi yung dati kong secretary because she's too old na. Hindi niya na kayang magtrabaho pa.

"I'm sorry madam for being late. I just run some errands."

"It's fine, no need to worry too much. Just inform me next time if ever na mal-late ka. Is that clear?" agad siyang tumango.

"Anyways madam, someone emailed me early this morning."

"Yeah and?"

"He said he wants to personally meet you madam." tumaas naman ang kilay ko. It's been 5 years since itinayo ko ang business ko which is clothing line. Also nagpatayo din ako ng mga malls, restaurants, hotels and resorts.

"What's his name?"

"Vladimir Vasquez po." natigilan ako ng marinig ang pangalang matagal ko nang hindi naririnig. I know him very well. He's one of the trusted personal butler of my ex husband.

"Did he told you why?" umiling siya kaya wala sa oras na napapikit ako at napahilot ng sintido. Bigla atang sumakit ang ulo ko.

"Decline his invitation. Tell him hindi ako basta basta nakikipag meet." sabi ko nang makaraan ang ilang minuto at nagmulat saka tumingin sa sekretarya kong nakamasid lamang sa akin.

"Noted po madam."

"Okay, you may go now." dali dali siyang lumabas kaya naiwan akong nag iisip.

Why all of a sudden, gusto akong makita ni Vlad? After 5 years?? May kailangan pa ba ang amo niya? Pinalaya ko na siya ah? Binigay ko na ang gusto niya. Pinirmahan ko na ang divorce paper gaya ng gusto niyang mangyari. Nagpakalayo layo na ako para lang di na makagulo pa sa kanila. So why bother me now?

Pinilig ko ang ulo saka itinuloy na lang ang ginagawa. I have tons of documents to finish. Hindi ko na dapat pang pag aksayahan ng oras ang pag iisip sa kanila.

Busy ako sa pagbabasa ng documents kaya di ko na namalayang gabi na pala. Kung hindi pa kumatok si Hailey sa pinto para magpaalam na uuwi na ay hindi ko pa mare-realize na gabi na pala. Kahit kaninang tanghalian, kung hindi niya ako dinalhan ng pagkain ay baka nagutom na ako dahil hindi ko napansin ang oras.

"Mauna na po ako madam. Kayo po ba, hindi pa po kayo uuwi?"

"Uuwi na din maya maya, may tatapusin lang ako." tumango naman siya at tumalikod na. Ngunit bumalik siya dahil may nakalimutan siguro siyang sabihin.

"Ah madam, nag email po pala ako kay Mr. Vasquez kanina, I told him what you instructed me. Pero mapilit po siya, kailangan niya daw po talaga kayong makausap."

"Itinanong mo ba kung bakit?"

"Yes madam. He said that his young master wants to see you and talk to you as soon as possible." pesteng yawa, ano pa bang kailangan niya? Bakit di niya na lang patahimikin ang buhay ko kagaya ng ginawa ko sa kaniya?

"Still say no. I don't want to see at talk to them." matigas kong saad sa kaniya na agad niya namang tinanguan.

"Noted po madam. Sige po, mauna na po ako."

"Okay. You take care." i smiled at her.

"Thank you po madam. Kayo din po." nang makaalis na siya ay agad kong tinapos ang ginagawa ko para makauwi na din. My baby is waiting for me at home.

"MOMMYYYYY!" masayang salubong sa akin ng poging pogi kong baby boy nang makababa ako sa kotse. Nakasunod sa kaniya si Nana Yolly, ang nanny niya. Halatang pagod na pagod si Nana, mukhang pinahirapan na naman kakahabol nitong makulit na batang ito

"How are you my baby? Pinahirapan mo na naman si Nana mo kakatakbo?" napanguso siya, meaning totoo.

"Naku madam okay lang po. Trabaho kong bantayan si baby Xavier." nasa 40's na din kasi si Nana kaya nag aalala ako sa kaniya. Kahit naman wala pa siya sa 60's alam kong nahihirapan na din siyang tumakbo siyempre natanda na din.

"Xavier, say sorry." baling ko sa anak na nakanguso pa din, nagpapa cute. Pero hindi gagana sa akin yan. Dapat matuto siyang i consider ang mga tao sa paligid niya kahit na nagtatrabaho ang mga ito para sa kaniya. Dapat ituring pa din niyang kapantay niya. Walang mayaman, walang mahirap. Walang amo at walang utusan.

"Sorry po Nana. I just want to bond with you po. Sorry po kung tired ikaw sa pag catch sakin."

"Apology accepted baby Xavier. Huwag na ulit magpapa habol ha? Nasakit ang balakang ni Nana e." natatawang sabi niya sa anak ko habang pinanggigigilan ang pisngi nito. Nakanguso naman itong tumango saka tumingin sa akin.

"Mommy I said sorry na to Nana. Wag na ikaw mad." binuhat ko naman siya saka naglakad papasok ng bahay.

"Hindi na mad si mommy. Basta wag mo nang uulitin ha? Last na yon, ilang beses na kitang pinagsabihan di ka nakikinig. If this happens again, I will be very mad na okay?"

"Yes po mommy. Sorry po and I love you a million times." malambing niyang sabi saka yumakap sa leeg ko.

"Aysus naglambing na ang baby na yan." pang aasar sa kaniya ni Nana kaya mas lalong humigpit ang yakap niya sa leeg ko at itinago ang mukha niya. Nahihiya na ang baby ko.

"Nana aakyat na po kami sa kwarto. Magpahinga na din po kayo. Thank you and sorry sa kakulitan nito."

"Naku wala yon madam. Alam mo namang malakas ang batang yan sa akin." nginitian ko lang siya saka umakyat na sa hagdan. Nang makarating sa kwarto namin ay binuksan ko ang pinto, inilapag ko siya sa kama. Tahimik lang siya, dinamdam niya siguro ang nangyari kanina. Hinayaan ko muna siya at pumasok sa walk in closet para magpalit ng damit. Nang matapos ay lumabas na ako para kausapin si Xavier.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status