Chapter 9
"Id mo miss." sabi nang bouncer nang ako na ang tumapat sa kanila. Masyado talagang mahigpit ang security sa club na'to, palibhasa puro mayayaman ang laging napunta dito e kaya kailangan talaga nilang maghigpit. Binigay ko naman ang id ko, sandali pa nila itong sinuri bago bingay ulit sakin at pinapasok na. Nagpasalamat naman ako saka pumasok na nga sa loob.Pagtapak pa lang ng paa ko sa loob ay agad na akong napatakip ng tenga dahil sa lakas ng tugtog idagdag pa ang sigawan ng mga tao habang sumasayaw sa dance floor. Medyo nahirapan pa akong maglakad dahil kinakailangan ko pang sumingit sa kumpulan ng mga tao. Medyo nanayo pa ang balahibo ko dahil may nakita akong mga nag m-make out pa. Buwiset talaga, kaya ayokong nagpupunta sa mga ganitong lugar e. Dali dali na akong naglakad palapit sa hagdan dahil nasa isang VIP room daw sina boss sa second floor. Grabe naman, iba talaga pag mayayaman e naka VIP pa. Kumatok ako nang makarating sa harap ngChapter 10 Maaga akong gumising dahil maaga din ang pasok ko sa trabaho. Buti na lang at nagising ako sa tunog ng alarm clock kahit na antok na antok pa ako. At dahil kulang ang tulog ko kaya badtrip ako ngayon. Kumain muna ako ng agahan na hinanda ni tatay saka umalis ng bahay. Naglakad lang ulit ako hanggang sa kabilang kanto, sakto naman na may dumaan agad na jeep. Sumakay ako dito, buti na lang at hindi pa masyadong siksikan, sabagay maaga pa din naman nga kasi. Bumaba ako nang makitang nasa harap na kami ng Del Real building. Binati ako ni kuya guard nang pumasok ako, at dahil wala ako sa mood ay tipid ko siyang nginitian at binati din. Mukhang nanibago siya kaya di niya napigilang magtanong. "Hija, ayos ka lamang ba? Bakit parang ang tamlay mo yata? May sakit ka ba?" nag aalala niyang tanong kaya agad akong umiling sa kaniya. "Naku pasensya na po, kulang lang po ako sa tulog kaya medyo wala po sa mood." napatango lang
Chapter 11"Uy, salamat ha? Dahil sa'yo hindi kami nasigawan ni boss." sabi sakin nung isang empleyado nung palabas na kami ng opisina ni boss. Hindi niya kasi agad ako pinalabas habang binabasa niya ang sales report kaya ilang minuto akong nakatayo sa gilid niya."Ha? Ano namang kinalaman ko dun?" kunot noong tanong ko. Para naman kasing may ginawa ako e nakatayo lang naman ako."Alam naman natin na dahil sayo kaya hindi kami nagawang sigawan ni sir e. Ikaw lang pala ang makakapag paamo sa kaniya, sana noon ka pa nag apply dito.""Hala siya, wala naman akong ginawa.""Meron 'te. Feeling ko nga may gusto sayo si sir e.""Grabe naman kayo, nabigyan niyo agad ng ibang meaning. Hays sige na balik na tayo sa mga trabaho natin at baka mamaya sigawan na lang tayo bigla dito.""Sus, ikaw sisigawan ni sir? Naku, imposible ata yon. Kita mo nga kanina ang lakas ng sigaw sa iba tapos nung ikaw ang
Chapter 12"Boss, kayo na pumili kung saang pwesto mo gustong umupo, ako na bibili ng pagkain natin." sabi ko sa kaniya nang makarating kami sa carenderia na sinasabi ko. Jusme, pagkarating pa lang namin nilibot na agad ng mata niya kahit ang kasuluk sulukan nito. Napapatingin pa nga sa kaniya yung ibang kumakain dahil bukod sa malaking tao siya ay mahahalata mo talagang unang beses niyang makapunta sa ganitong lugar. Iniwan ko na siya para pumunta sa cashier at mamili ng pagkain. Pinili ko yuung pininyahang manok, kare kare, ginataang isda, tsaka caldereta. Simple lang ang mga pagkain dito pero masarap. Nagluluto din sila ng lomi at guisadong pansit kaya lang mamaya pa yun dahil pang meryenda yun. Lunch pa lang ngayon kaya kanin at ulam pa lang ang nasa menu nila. Bumili din ako ng softdrinks dahil nakakahiya naman sa boss ko. Nang matapos nang magbayad ay pinuntahan ko na si boss kung saan niya napiling umupo. Sina ate na ang magdadala nung mga order namin dito.
Chapter 13Nauna na akong nagpaalam kay boss na uuwi na ako dahil tapos ko na din naman ang mga dapat kong gawin ngayong araw. Ewan ko lang sa kaniya kasi ang dami pa niyang kailangang pirmahan na documents, tambak pa nga sa lamesa niya. Pumayag na lang siguro siya kahit na pansin kong may gusto pa siyang sabihin. Pumara ako ng jeep pagkalabas ng building. Ilang minuto lang an nakarating na din ako sa bahay namin. As usual, nakaabang na naman ang mga kapatid ko. Naghahanap na naman sila ng donut kaya lang hindi na ako nakabili. Tsaka baka mamaya tumaas na ang sugar nila dahil sa kakakain ng matamis. May lahi pa naman kami ng diabetes kaya kailangan talaga na mag ingat. "Oh anak, ang aga mo yatang nakauwi ngayon?" bungad sakin ni tatay nang makapasok ako ng bahay. Binaba ko ang bag ko at humilata sa sofa. Wala naman akong masyadong ginawa pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. "Maaga ko po kasing natapos yung mga kailang
Chapter 14Maaga akong nagising kinabukasan. Balak ko din kasing maagang pumasok para maaga ulit akong makauwi. Gusto ko kasi sanang ipasyal ang mga kapatid ko kasi malapit na ang pasko, pero kung hindi talaga kakayanin mamaya e pwede namang bukas na lang tutal sabado naman bukas. So ayon, naligo na ako at nagbihis ng formal attire. Hindi na ako naglagay ng make up, actually hindi talaga ako laging naglalagay ng make up. Kapag kailangan lang talaga since sensitive din talaga ang balat ko so mabilis akong mangati. Nang makitang ayos na ang suot ko ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si tatay na naghahanda na ng agahan, maaga din siyang gumising dahil may pasok ang mga kapatid ko. Alas singko pa lang kasi ng umaga, ang pasok ng mga kapatid ko ay 6:30 kaya ginising na sila ni tatay. Halatang inaantok pa yung dalawa habang naglalakad papuntang kusina. "Tay, mauna na po ako." paalam ko kay tatay nang matapos na akong kumain. "Oh siya, mag
Chapter 15Kanina pa tapos ang meeting ni boss at kanina pa din siya nakaalis para sa lunch meeting niya. Kanina pa din ako naiinip dahil wala na akong magawa dito sa opisina. Natapos ko na lahat ng kailangan kong gawin kaya kanina pa ako nakatunganga dito. For sure naman di na babalik si boss kasi after naman ng lunch meeting niya e wala na siyang gagawin. Natapos na din naman niyang pirmahan lahat ng kailangang pirmahan. So maya maya ay puwede na din akong umuwi.Pero di ko inaasahan na magkakaroon ako ng biglaang bisita. Tumunog ang elevator hudyat na may tao, siyempre alangan namang gumalaw mag isa pataas yung eelvator diba? E si boss lang naman ang pwedeng gumamit niyan. Bumalik siya? Nasagot ang tanong ko nang makita ko kung sino ang taong dumating.Wearing an elegant dress and high heels, may nakasabit na designer bag sa kaliwang braso at isang malaking pamaypay sa kanang kamay. Elegante din siyang naglalakad palapit sa akin, sa likod
Chapter 16So nandito kami sa isang Filipino restaurant. Dito nila napiling kumain dahil na m-miss na daw ni tita kumain ng mga Filipino dishes. Puro daw kasi sila Chinese foods dahil galing silang China para sa isang business meeting. Tahimik kaming kumakain, halatang sarap na sarap si tita sa kinakain niya dahil bahagya pa itong napapakanta tuwing susubo. Natatawa na lang ang mag ama sa kaniya. Nang matapos kumain ay hindi muna kami umalis dahil humabol pa ng dessert si tita. Grabe parang hindi siya marunong mabusog. Habang hinihintay ang order ni tita na halo-halo ay nagtatanong sila sakin na sinasagot ko naman agad.Yun nga lang, nang dumako na sa pinaka iniiwasan kong topic ay hindi agad ako nakasagot. Nag aalala silang tumingin sakin kaya iniwas ko ang tingin bago nagsalita."She left us." tanging sagot ko sa tanong ni tito kung nasaan ang aking ina. Naitanong niya kasi kanina kung sino daw ang kasama ko sa bahay, ang sabi ko ay si tat
Chapter 17Maaga akong pumasok sa opisina. Kailangan kong ilubog ang katawan ko sa tambak na trabaho para di na ako mag isip ng mga bagay bagay. Kaya kahit yung mga gawain na nakalaan para next week pa ay ginawa ko na din. Maaga ding pumasok si boss, kanina bago siya pumasok sa kaniyang opisina ay tinanong niya muna kung okay lang daw ba ako. Pinapatanong din daw nina tita kaya sumagot ako na okay naman. Sinabi niya din na nasa kaniya yung mga damit na pinamili ni tita kahapon para sakin, nakalimutan niya lang daw dalhin ngayon kaya baka bukas niya na lang ibigay. Sabi ko naman ay walang problema at kahit kelan niya ibigay tutal ay hindi ko pa naman magagamit ang mga yon. Puro mamahalin kasi, tapos alangan namang gawin kong pang bahay jusko nakakahiya naman sa mga chismosa naming kapitbahay. Busy ako sa ginagawa nang tumunog ang telepono sa ibabaw ng lamesa ko."Hello, Amber Maurice Villeza from the office of Dranreb Cameron Del Real. How m
Chapter 30Pumasok kami sa isang shop kung saan may nagtitinda ng mga swim suits. Tahimik lang akong nakasunod kay tita habang namimili siya ng gusto niya."Hindi po kaya magalit yung dalawa kapag nakita tayong ganito ang suot?" tanong ko kay tita nang makapag bihis na kaming dalawa. Pinahubad niya kasi sakin ang tshirt at shorts kaya naka swim suit na lang ako ngayon. Pinag titinginan kami, hindi naman ako na c-conscious dahil wala proud ako sa katawan ko. I have the curves, katamtaman lang ang laki ng hinaharap at ng puwet ko."Sus, konting lambing lang okay na ang dalawang yon." naka ismid niyang sagot.Naglalakad na kami ngayon palapit sa mag ama. Malayo pa lang ay kitang kita ko na kung paano sila mabilis na napatayo. Masama ang tingin nila at sinalubong na kami sa paglalakad. Nag aalala naman akong tumingin kay tita na nangingiti lang akong kinindatan. Hays, ang kulit din talaga ni tita minsan e. Binilisan ko ang hakbang para mapalapit agad kay Cameron. Hinapit niya ang bewang
Chapter 29Magkatabi na ulit kaming nakahiga sa kama. Ako na naka tihaya habang siya ay padapang nakahiga, nakayakap ang isang braso sa bewang ko at nakasiksik ang mukha sa leeg ko. Kakatapos lang naming mag kuwentuhan ng kung ano ano. At ngayon ay mahimbing na siyang natutulog, samantalang ako ay dilat na dilat pa.Di ko kasi maiwasang hindi masaktan sa tuwing nakikita ko si nanay kasama ang bago niyang pamilya. Palaging naglalaro sa isip ko ang mga katanungan na hanggang ngayon ay wala pang kasagutan. At siya lang ang tanging makakasagot sa lahat ng yon. Pero paano niya masasagot lahat ng yon kung ayaw ko naman siyang kausapin? Hindi ko pa kasi talaga siya kayang kausapin. Ni ang harapin nga siya kahit ilang minuto lang ay hindi ko matagalan.Hindi ba sapat ang pagmamahal ni tatay para hanapin niya sa iba? Hindi ba sapat ang mga sakripisyo ni tatay para hindi siya makuntento at humanap ng iba na kayang maibigay ang mga luho niya? Hindi ba sapat ang pagmamahal niya saming pamilya par
Chapter 29Magkatabi na ulit kaming nakahiga sa kama. Ako na naka tihaya habang siya ay padapang nakahiga, nakayakap ang isang braso sa bewang ko at nakasiksik ang mukha sa leeg ko. Kakatapos lang naming mag kuwentuhan ng kung ano ano. At ngayon ay mahimbing na siyang natutulog, samantalang ako ay dilat na dilat pa.Di ko kasi maiwasang hindi masaktan sa tuwing nakikita ko si nanay kasama ang bago niyang pamilya. Palaging naglalaro sa isip ko ang mga katanungan na hanggang ngayon ay wala pang kasagutan. At siya lang ang tanging makakasagot sa lahat ng yon. Pero paano niya masasagot lahat ng yon kung ayaw ko naman siyang kausapin? Hindi ko pa kasi talaga siya kayang kausapin. Ni ang harapin nga siya kahit ilang minuto lang ay hindi ko matagalan.Hindi ba sapat ang pagmamahal ni tatay para hanapin niya sa iba? Hindi ba sapat ang mga sakripisyo ni tatay para hindi siya makuntento at humanap ng iba na kayang maibigay ang mga luho niya? Hindi ba sapat ang pagmamahal niya saming pamilya par
Chapter 28Umupo kami sa upuan na nasa harap nila. Bale magkatabi kami ni Cameron, tapos magkatabi naman si tita at tito. Kaharap namin sila. Ipinaghila ako ni Cameron ng upuan, saka siya umupo sa upuan na para sa kaniya. Nakatingin lang naman samin sina tita, parehong nangingiti habang nakamasid sa anak."Bagay na bagay talaga kayong dalawa." tila kinikilig pa si tita habang sinasabi yon kaya natawa ako."Mom, you look like a teenager na na-crushback." puna niya sa ina kaya sinamaan siya nito ng tingin. Umirap lang naman siya saka inabala na ang sarili sa pagsandok ng pagkain. Pati plato ko siya na din naglalagay ng pagkain. May laman na din ang mga plato nina tita, kami na lang talaga hinintay nila bago magsimulang kumain. "Bagay na bagay sila, diba hon?" ayaw talaga paawat ni tita at dinamay pa ang nananahimik na asawa. Tumango na lang ito siguro para wala nang gulo. Under nga talaga siya, di niya lang maamin sa sarili niya."Mom, kumain ka na nga lang. Kung ano ano na namang naii
Chapter 27Nauuna siyang maglakad habang nasa huli naman ako. Ang hirap kasing sabayan ng lakad niya e ang laki ng hakbang. Ano ba namang laban ng mga binti ko sa mahaba niyang binti diba? Isang hakbang niya dalawa ko na, paryida nagmamadali pa hakbang ko non samantalang siya parang pinaka mabagal niya na nga atang lakad yon e. Napapalingon na nga siya sakin kasi siguro nababagalan sa paglalakad ko pero sinesenyasan ko lang siya na magpatuloy sa paglakad. Naiiling naman siyang nasunod pero hindi na yata siya nakatiis at sinabayan na ang paglakad ko. "Hala, ang lapit na ah? Bakit hinintay mo pa ako?" nasa pinaka dulo kasi yung room namin kaya medyo malayo din ang nilakad namin mula sa elevator. Malapit na sana kami e sinabayan niya pa ako. "I want you beside me pero ang tagal mo maglakad. Mas gusto mo pa sa likod ko." may pagtatampo sa boses nito, hinawakan pa niya ang kamay ko na hinayaan ko na lang.
Chapter 26Nagsuot lang ako ng below the knee na summer dress. Tapos nagdala lang ako ng ilang damit pampalit kung sakaling maisipan ko na mag swimming. Pero dun lang ako sa mababaw kasi hindi ako marunong lumangoy e. Nilagay ko ang mga damut na dadalhin ko sa isang vacation bag, kung yun ba tawag don. Nagdala din ako ng sunscreen lotion kasi mabilis akong mamula e kapag nababad sa arawan."I'll carry that." inagaw ni Cameron ang vacation bag na dala ko nang makita niya akong pababa ng hagdan. Hinayaan ko na lang dahil hindi niya rin naman ibibigay sa akin kung sakaling aagawin ko man sa kaniya. Bahala na siya."Ate, enjoy ka po dun ha?" bilin sa akin ng mga kapatid ko na akala mo e mas matanda sila sakin. Gusto ko sana silang isama kaya lang ayaw naman ni tatay tsaka 3 araw ata kami don, edi kailangan mag absent ng mga kapatid ko kaya hindi na lang sila sumama. Sabi ko okay lang naman mag absent kasi isang araw lang naman kaso ayaw nil
Chapter 25Mahimbing pa sana akong natutulog kung hindi lang ako binulabog ng dalawa kong kapatid. Hindi ko sila pinansin at muli na sanang babalik sa pagtulog ngunut hindi talaga nila ako tinitigilan. "Ano bang problema niyong dalawa?" tanong ko kanilang dalawa dahil ang aga aga talaga nilang manggulo. Linggo ngayon kaya day off ko, isang linggo na din ang lumipas mula nang magsabi si boss na manliligaw siya. And so far, okay naman siya. I mean, hindi naman halatang hindi siya marunong manligaw. He gave me flower everyday, we always eat lunch together, hatid niya ako pauwi sa gabi. He's also sweet and caring, sobrang clingy niya kapag kaming dalawa lang kaya aliw na aliw talaga ako sa kaniya. Kapag naman kaharap ang ibang tao, akala mo kung sinong siga. Maangas siya sa mga taong nakakasalamuha niya lalo na sa mga hindi niya gusto."E ate, nasa baba yung manliligaw mo po. Yung boss mo." "Shit, sige na lumabas na kay
Chapter 24Kakatapos lang naming kumain ni boss pero hinila na agad siya ng mga kaibigan at inabutan ng beer. Nagpakilala sakin ang mga kaibigan niya pero hindi ko matandaan ang mga pangalan. Ang kasama ko ngayon ay si Venice tsaka yung ibang mga babae na bisita. Mababait naman silang lahat, yung isa lang talaga kanina ang namumukod tangi."May dala ka bang swim suit?" tanong sakin ni Venice na agad kong inilingan. Ni hindi ko nga alam na pool party pala ito e. In the first place, hindi naman talaga kasi ako dapat kasama dito. Napilitan lang ako dahil sa boss ko na isip bata din talaga minsan."Gusto mo pahiramin kita? Mukhang magkasing size lang naman tayo ng body e." sasagot pa lang sana ako nang may mauna na sakin. Sino pa ba? Edi ang pala desisyon na si Cameron."No, hindi siya magsusuot ng kapirasong tela na suot mo Venice." tutol agad niya sa suhestiyon nito kaya napairap na lang ako.
Chapter 23Naka park na ang kotse ni boss sa harap ng isang malaking mansyon. Hindi pa lang kami bumababa dahil nahihiya pa ako. Siyempre, mga kakilala nila ang nasa loob tapos biglang merong outsider? Kaya itong boss ko ay hindi pa din makapasok, hindi daw siya papasok hanggat hindi rin ako pumapasok. Lakas din talaga ng tama e."Ano na? Hindi pa ba kayo bababa diyan?" siguro ay nainip na si Justine sa paghihintay kung kelan kami bababa kaya kinatok niya na ang bintana ng kotse."Hindi ka ba makapag hintay? Mauna ka na kung gusto mo." iritang sagot ni boss nang hindi ito binabalingan ng tingin."Tch, bahala na nga kayo diyan. Mauuna na akong pumasok sa loob." naglakad na ito papasok sa mansyon kaya naiwan na lang kaming dalawa."Are you ready?" "Yes, Cameron. Tara na, nakakahiya dahil paniguradong kanina ka pa nila hinihintay." tumango naman siya at nauna nag bumaba ng kotse. Inayos ko na