Chapter 13
Nauna na akong nagpaalam kay boss na uuwi na ako dahil tapos ko na din naman ang mga dapat kong gawin ngayong araw. Ewan ko lang sa kaniya kasi ang dami pa niyang kailangang pirmahan na documents, tambak pa nga sa lamesa niya. Pumayag na lang siguro siya kahit na pansin kong may gusto pa siyang sabihin.Pumara ako ng jeep pagkalabas ng building. Ilang minuto lang an nakarating na din ako sa bahay namin. As usual, nakaabang na naman ang mga kapatid ko. Naghahanap na naman sila ng donut kaya lang hindi na ako nakabili. Tsaka baka mamaya tumaas na ang sugar nila dahil sa kakakain ng matamis. May lahi pa naman kami ng diabetes kaya kailangan talaga na mag ingat."Oh anak, ang aga mo yatang nakauwi ngayon?" bungad sakin ni tatay nang makapasok ako ng bahay. Binaba ko ang bag ko at humilata sa sofa. Wala naman akong masyadong ginawa pero pakiramdam ko pagod na pagod ako."Maaga ko po kasing natapos yung mga kailangChapter 14Maaga akong nagising kinabukasan. Balak ko din kasing maagang pumasok para maaga ulit akong makauwi. Gusto ko kasi sanang ipasyal ang mga kapatid ko kasi malapit na ang pasko, pero kung hindi talaga kakayanin mamaya e pwede namang bukas na lang tutal sabado naman bukas. So ayon, naligo na ako at nagbihis ng formal attire. Hindi na ako naglagay ng make up, actually hindi talaga ako laging naglalagay ng make up. Kapag kailangan lang talaga since sensitive din talaga ang balat ko so mabilis akong mangati. Nang makitang ayos na ang suot ko ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si tatay na naghahanda na ng agahan, maaga din siyang gumising dahil may pasok ang mga kapatid ko. Alas singko pa lang kasi ng umaga, ang pasok ng mga kapatid ko ay 6:30 kaya ginising na sila ni tatay. Halatang inaantok pa yung dalawa habang naglalakad papuntang kusina. "Tay, mauna na po ako." paalam ko kay tatay nang matapos na akong kumain. "Oh siya, mag
Chapter 15Kanina pa tapos ang meeting ni boss at kanina pa din siya nakaalis para sa lunch meeting niya. Kanina pa din ako naiinip dahil wala na akong magawa dito sa opisina. Natapos ko na lahat ng kailangan kong gawin kaya kanina pa ako nakatunganga dito. For sure naman di na babalik si boss kasi after naman ng lunch meeting niya e wala na siyang gagawin. Natapos na din naman niyang pirmahan lahat ng kailangang pirmahan. So maya maya ay puwede na din akong umuwi.Pero di ko inaasahan na magkakaroon ako ng biglaang bisita. Tumunog ang elevator hudyat na may tao, siyempre alangan namang gumalaw mag isa pataas yung eelvator diba? E si boss lang naman ang pwedeng gumamit niyan. Bumalik siya? Nasagot ang tanong ko nang makita ko kung sino ang taong dumating.Wearing an elegant dress and high heels, may nakasabit na designer bag sa kaliwang braso at isang malaking pamaypay sa kanang kamay. Elegante din siyang naglalakad palapit sa akin, sa likod
Chapter 16So nandito kami sa isang Filipino restaurant. Dito nila napiling kumain dahil na m-miss na daw ni tita kumain ng mga Filipino dishes. Puro daw kasi sila Chinese foods dahil galing silang China para sa isang business meeting. Tahimik kaming kumakain, halatang sarap na sarap si tita sa kinakain niya dahil bahagya pa itong napapakanta tuwing susubo. Natatawa na lang ang mag ama sa kaniya. Nang matapos kumain ay hindi muna kami umalis dahil humabol pa ng dessert si tita. Grabe parang hindi siya marunong mabusog. Habang hinihintay ang order ni tita na halo-halo ay nagtatanong sila sakin na sinasagot ko naman agad.Yun nga lang, nang dumako na sa pinaka iniiwasan kong topic ay hindi agad ako nakasagot. Nag aalala silang tumingin sakin kaya iniwas ko ang tingin bago nagsalita."She left us." tanging sagot ko sa tanong ni tito kung nasaan ang aking ina. Naitanong niya kasi kanina kung sino daw ang kasama ko sa bahay, ang sabi ko ay si tat
Chapter 17Maaga akong pumasok sa opisina. Kailangan kong ilubog ang katawan ko sa tambak na trabaho para di na ako mag isip ng mga bagay bagay. Kaya kahit yung mga gawain na nakalaan para next week pa ay ginawa ko na din. Maaga ding pumasok si boss, kanina bago siya pumasok sa kaniyang opisina ay tinanong niya muna kung okay lang daw ba ako. Pinapatanong din daw nina tita kaya sumagot ako na okay naman. Sinabi niya din na nasa kaniya yung mga damit na pinamili ni tita kahapon para sakin, nakalimutan niya lang daw dalhin ngayon kaya baka bukas niya na lang ibigay. Sabi ko naman ay walang problema at kahit kelan niya ibigay tutal ay hindi ko pa naman magagamit ang mga yon. Puro mamahalin kasi, tapos alangan namang gawin kong pang bahay jusko nakakahiya naman sa mga chismosa naming kapitbahay. Busy ako sa ginagawa nang tumunog ang telepono sa ibabaw ng lamesa ko."Hello, Amber Maurice Villeza from the office of Dranreb Cameron Del Real. How m
Chapter 18Day off ko ngayon kaya wala akong tarabo, siyempre kaya nga day off e. Si self din talaga minsan hirap ipaglaban e. So ayon nga, gusto kong ipasyal ang mga kapatid ko since wala din naman silang pasok. Gusto ko din silang bilhan ng mga bagong damit. Luma na din kasi yung mga damit nila e, matagal na nung huli ko silang bilhan. Tsaka si tatay din, pansin ko na maluwag na sa kaniya yung mga damit niya kasi nga pumayat siya kaya balak ko din siyang bilhan. Lumabas na ako ng kwarto para bumaba. Naririnig ko na agad ang boses nung dalawang bulilit sa kusina. Dun na ako dumiretso, nakita ko si tatay na nagluluto habang nagtatalo yung dalawa kung kanino yung pancake na luto na. Pancake pala amg niluluto ni tatay para sa almusal, siguro request na naman nung dalawa."Kapag hindi kayo tumigil ng pag aaway, ako ang kakain niyan sige kayo." sabi ko nang tuluyan nang makapasok sa kusina. Agad naman silang napatigil sa pag aaway at pareh
Chapter 19"Oh sige na, mamili na kayo ng kahit ilan niyo gusto. Basta siguraduhin niyo na isusuot niyo ha? Baka mamaya tambak na naman sa aparador tapos di niyo naman ginagamit." bilin ko sa kanila nang makapasok na kami sa isang children store. Tumango lamang sila saka nag ikot ikot na para mamili ng gusto nila. "Tay, kayo po? Halika samahan kita sa men's store." baling ko kay tatay. Agad naman siyang umiling pero hindi ako papayag. "Hindi ba't sinabi ko naman sayo kanina pa na huwag na?" "At sinabi ko din po sa inyo na hindi ako papayag, hindi po ba?" balik kong sagot sa kaniya. Alam naman niyang hindi siya mananalo sakin kung makikipag matigasan siya. "Ano pa nga ba? Siya halika na at samahan mo na ako, pero konti lang ang bibilhin ko ha?" tumango naman ako sa kaniya. Pero bago kami umalis para lumipat ng store ay ipinagbilin ko muna yung dalawa kay boss. Pumayag naman siya, itext ko na lang daw
Chapter 20Kinabukasan, nag aalala pa din ako kay tatay dahil pansin kong matamlay pa din siya. Alam kong nag iisip pa din siya ng kung ano anong mga negatibong bagay. Pinauna ko na munang umalis yung dalawa, maaga pa naman kaya hindi ako mal-late. Gusto ko lang talagang masigurado na maayos si tatay bago ako umalis papuntang trabaho. Busy sa pagliligpit ng plato si tatay kaya hindi niya ako napansin na muling pumasok sa kusina. "Tay, okay ka na ba?" tanong ko na bahagyang nagpaigtad sa kaniya sa gulat. Bahagya pa siyang napahawak sa dibdib."Ano ka ba namang bata ka, nakakagulat ka." "Pasensya na po, hindi ko naman alam na magugulat ka. Pero ano nga tay, okay ka na ba?" tuluyan na niyang tinigil ang ginagawa para harapin ako. Buntong hininga ang una niyang ginawa saka umupo sa upuan na siyang ginawa ko din. "Sa totoo lang anak, hindi ko na nga alam. Nung makita ko silang dalawa kasama ang a
Chapter 21Hindi ko alam kung gaano katagal na akong natutulog pero ang alam ko lang, nagising ako dahil sa impit na tili na pilit pinipigilan. Gumaalw ako mula sa komportableng pagkakasandal kay boss, unti unti akong nagmulat ng mata. Medyo malabo pa ang paningin ko dahil hindi pa nakakapag adjust. Nasabi ko na ba sa inyo na may salamin ako? Kung hindi pa, pwes ngayon alam niyo na. Malabo kasi ang mata ko e, pero minsan ayaw kong mag salamin dahil nakakasira ng ootd kaya nagsusuot na lang ako ng contact lense. Nang unti unti nang luminaw ang paningin ko ay saka ko nasilayan kung sino ang hanggang ngayon ay impit pa ding tumitili. Si tita Cole pala, kasama si tito Diego. Nakatakip ang dalawang kamay ni tita sa bibig niya kaya naman pala parang naiipit ang boses niya. Agad akong bumitaw kay boss nang maalala ang pwesto namin, iyon marahil ang dahilan kaya nagtititili ang kaniyang ina. Pero ang damuho, hinapit pa ako palapit sa kaniya at hindi man lang ina
Chapter 35Mag isa akong kumakain sa kusina dahil tapos na ang mga kapatid ko at binibihisan na ni tatay para pumasok sa eskwelahan. Konti lang ang sinandok ko dahil hindi ko feel ang kumain, masyado pa kasing maaga e. Nung college kasi hindi naman ako sanay na kumain ng breakfast, kailangan kasi maaga laging umalis kaya milo lang ang umagahan ko. E ngayon, hindi ako pinapaalis ni tatay na walang kain ng kanin sa umagahan. "Ate, alis na po kami. Ingat po ikaw." nakangiting paalam sa akin ni Vico at yumakap pa na sinundan naman ni Audrey."Hmm, pakabait kayo ha? Pagbutihan sa school, ingat din kayo." binigyan ko sila ng tig isang daan para sa baon nila. Hindi ko ipinakita kay tatay na inabutan ko yung dalawa dahil tututol na naman siya. Ayokong tipidin sa pagkain ang mga kapatid ko kaya hangga't may pera ako, bibigyan ko sila ng bibigyan as long as pagkain ang bibilhin nila at hindi kung ano ano. Mabait at responsableng bata naman itong dalawa kaya walang problema. Minsan din ay hindi
Chapter 34Sabay sabay na kaming kumain nang hapunan pagkatapos magluto ni tatay. Nagkakilala na silang dalawa ng pamangkin niya. Sila na ang nag usap tungkol sa kaso pagkatapos naming kumain dahil dumating si Cameron. Hindi ko pa siya naipapakilala si Ismael sa kaniya kaya ngayon ay matalim ang tingin niya dito na wala naman sanang ginagawang masama sa kaniya. Akala niya siguro ay manliligaw ko din lalo na't kausap si tatay."Baby, quit glaring at him." mahinahon kong suway sa kaniya dahil mukhang nakakahalata na ang pinsan ko sa masamang tingin sa kaniya nitong isa. Tarantado pa naman din yan, papatol din talaga yan. Mas lalo pang mang aasar. Magaling mang asar yan, pikon din naman."Who's he? Bakit siya nandito? Nanliligaw din sayo? Pumayag ka? Pumayag si tatay?" sunod sunod na tanong niya."Wait lang, kumalma ka nga muna. Ang dami mong tanong. Galing ka pang opisina? Kumain ka na ba?" balik kong tanong sa kaniya."Don't change the topic.""Ano ka ba, he's my cousin. Stop overthink
Chapter 33Kinuwento ko kay tatay kung paano kami nagkakilala ni Mael. Way back in college, I was really devastated that time dahil nga estudyante pa lang ako at sobrang daming gastusin sa bahay, idagdag pa ang mga kailangang bayaran sa school. Halos lahat na ng racket pinasok ko, hindi naman makapagtrabaho noon si tatay dahil maliliit pa ang dalawa kong kapatid. Hindi kami komportable na ihabilin na lang basta sa kapitbahay, baka mamaya mapabayaan lang at kung ano pang mangyari. Kaya sinabi ko non kay tatay na ako nang bahala kumayod para samin kahit na nag aaral pa ako. And rhem, he approached me. Inalok niya akong maging tagalinis ng condo niya tuwing weekends, dahil malaki ang sahod na offer niya ay pinatos ko na. Turns out, kilala niya pala ako dahil matagal niya na kaming minamanmanan. Hindi lang siya makalapit samin dahil hindi niya alam kung anong magiging reaction ni tatay kung sakali man. Dun nagsimula na maging close kami. Lagi siyang nandyan kapag kailangan ko siya sa kahi
Chapter 32Wala talaga silang balak tumigil ano? Talagang hinahamon nila ang manipis ko nang pasensya? Hanggang kailan ba niya kami hindi patatahimikin? Mukha ba namang kailangan namin siya sa buhay namin? Halos buong buhay ng mga kapatid ko wala siya, kaya kakayanin din nilang mabuhay ng marami pang taon kahit wala siya. I know I'm being selfish, hindi ko tinatanong ang mga kapatid ko kung gusto nila siyang makasama. Pero ayoko lang naman kasi na masaktan sila. Ayoko na pagdaanan nila lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan namin ni tatay noong mga musmos pa sila at walang kamalay malay sa mundo. Hangga't kaya ko, gagawin ko ang lahat para maprotektahan sila. Hangga't kaya ko, gagawin ko ang lahat para hindi sila masaktan ng kahit na ano o ng kahit na sino. Kung kinakailangang makipag patayan ako wag lamang silang masaktan then so be it. Ganon ko sila kamahal na dalawa. Ganon namin sila kamahal ni tatay. "Hanggang kailan mo ba ako matitiis anak? Hanggang kailan mo ipagdadamot sa akin
Chapter 31 Kabababa lang namin ng eroplano, nandito na ulit kami sa Manila. Ang sakit ng ulo ko, maybe because of jetlag. Tsaka hindi rin kasi ako sanay sumakay ng eroplano e. Before leaving Palawan, bumili muna ako ng mga pasalubong sa mga kapatid ko. "Tita, thank you po sa pag invite sakin sa family vacation niyo." ngumiti lang si tita at yumakap sakin bago pumasok sa kotse para umuwi na. Masakit kasi ang ulo niya, inaatake ng migraine kaya hindi na sila nagtagal. Ako naman ay ihahatid ni Cameron, sabi ko nga ay wag na para makapag pahinga din siya pero ayaw naman niyang pumayag. Malayo pa lang kami sa bahay ay tanaw ko na ang dalawa kong kapatid na nakaabang na sa pagdating namin. Tumawag kasi sila kagabi, nagtatanong kung kelan daw kami uuwi. Sinabi ko na ngayon, kaya ayan nakaabang na. Alam siguro nila na may pasalubong ako sa kanila kahit hindi ko naman sinabi. "Ate!" patakbo nila kaming sinalubong at magkasabay na yumakap sa bewang ko. "Na miss niyo ba akong dalawa?" nakan
Chapter 30Pumasok kami sa isang shop kung saan may nagtitinda ng mga swim suits. Tahimik lang akong nakasunod kay tita habang namimili siya ng gusto niya."Hindi po kaya magalit yung dalawa kapag nakita tayong ganito ang suot?" tanong ko kay tita nang makapag bihis na kaming dalawa. Pinahubad niya kasi sakin ang tshirt at shorts kaya naka swim suit na lang ako ngayon. Pinag titinginan kami, hindi naman ako na c-conscious dahil wala proud ako sa katawan ko. I have the curves, katamtaman lang ang laki ng hinaharap at ng puwet ko."Sus, konting lambing lang okay na ang dalawang yon." naka ismid niyang sagot.Naglalakad na kami ngayon palapit sa mag ama. Malayo pa lang ay kitang kita ko na kung paano sila mabilis na napatayo. Masama ang tingin nila at sinalubong na kami sa paglalakad. Nag aalala naman akong tumingin kay tita na nangingiti lang akong kinindatan. Hays, ang kulit din talaga ni tita minsan e. Binilisan ko ang hakbang para mapalapit agad kay Cameron. Hinapit niya ang bewang
Chapter 29Magkatabi na ulit kaming nakahiga sa kama. Ako na naka tihaya habang siya ay padapang nakahiga, nakayakap ang isang braso sa bewang ko at nakasiksik ang mukha sa leeg ko. Kakatapos lang naming mag kuwentuhan ng kung ano ano. At ngayon ay mahimbing na siyang natutulog, samantalang ako ay dilat na dilat pa.Di ko kasi maiwasang hindi masaktan sa tuwing nakikita ko si nanay kasama ang bago niyang pamilya. Palaging naglalaro sa isip ko ang mga katanungan na hanggang ngayon ay wala pang kasagutan. At siya lang ang tanging makakasagot sa lahat ng yon. Pero paano niya masasagot lahat ng yon kung ayaw ko naman siyang kausapin? Hindi ko pa kasi talaga siya kayang kausapin. Ni ang harapin nga siya kahit ilang minuto lang ay hindi ko matagalan.Hindi ba sapat ang pagmamahal ni tatay para hanapin niya sa iba? Hindi ba sapat ang mga sakripisyo ni tatay para hindi siya makuntento at humanap ng iba na kayang maibigay ang mga luho niya? Hindi ba sapat ang pagmamahal niya saming pamilya par
Chapter 29Magkatabi na ulit kaming nakahiga sa kama. Ako na naka tihaya habang siya ay padapang nakahiga, nakayakap ang isang braso sa bewang ko at nakasiksik ang mukha sa leeg ko. Kakatapos lang naming mag kuwentuhan ng kung ano ano. At ngayon ay mahimbing na siyang natutulog, samantalang ako ay dilat na dilat pa.Di ko kasi maiwasang hindi masaktan sa tuwing nakikita ko si nanay kasama ang bago niyang pamilya. Palaging naglalaro sa isip ko ang mga katanungan na hanggang ngayon ay wala pang kasagutan. At siya lang ang tanging makakasagot sa lahat ng yon. Pero paano niya masasagot lahat ng yon kung ayaw ko naman siyang kausapin? Hindi ko pa kasi talaga siya kayang kausapin. Ni ang harapin nga siya kahit ilang minuto lang ay hindi ko matagalan.Hindi ba sapat ang pagmamahal ni tatay para hanapin niya sa iba? Hindi ba sapat ang mga sakripisyo ni tatay para hindi siya makuntento at humanap ng iba na kayang maibigay ang mga luho niya? Hindi ba sapat ang pagmamahal niya saming pamilya par
Chapter 28Umupo kami sa upuan na nasa harap nila. Bale magkatabi kami ni Cameron, tapos magkatabi naman si tita at tito. Kaharap namin sila. Ipinaghila ako ni Cameron ng upuan, saka siya umupo sa upuan na para sa kaniya. Nakatingin lang naman samin sina tita, parehong nangingiti habang nakamasid sa anak."Bagay na bagay talaga kayong dalawa." tila kinikilig pa si tita habang sinasabi yon kaya natawa ako."Mom, you look like a teenager na na-crushback." puna niya sa ina kaya sinamaan siya nito ng tingin. Umirap lang naman siya saka inabala na ang sarili sa pagsandok ng pagkain. Pati plato ko siya na din naglalagay ng pagkain. May laman na din ang mga plato nina tita, kami na lang talaga hinintay nila bago magsimulang kumain. "Bagay na bagay sila, diba hon?" ayaw talaga paawat ni tita at dinamay pa ang nananahimik na asawa. Tumango na lang ito siguro para wala nang gulo. Under nga talaga siya, di niya lang maamin sa sarili niya."Mom, kumain ka na nga lang. Kung ano ano na namang naii