Chapter 4
"Madam okay lang po ba kayo?" nag aalangang tanong sa akin ni Hailey habang naglalakad kami palabas ng mall. Isa pa ang babaeng ito. Akala ko mapagkakatiwalaan ko tapos malalaman ko tinraydor din ako. "I'm fine." "Madam sorry po talaga. Sobrang kulit po kasi talaga nila, hindi sila tumigil hangga't di ko sinasabi kung nasaan kayo. Atsaka hindi ko naman po alam na pupuntahan ka po nila dito." "Apology accepted. But next time, please do not tell anyone about my scheds and anything. Also, hindi sana makalabas ang balitang ito. Tayo tayo lang ang nakakaalam ha? Kapag yan kumalat, alam ko na agad kung sinong may kasalanan." "Promise, hindi na talaga." "Good." sabi ko lang at nauna nang sumakay sa kotse. "Sa hotel naman tayo." sabi ko sa driver ko for today. Tumango lang naman siya at nagsimula nang mag research. Habang nasa byahe ay kinukumusta ko kay Nana ang anak ko. Mukhang behave naman nga talaga siya dahil ayon sa report ni Nana ay tahimik lamnag ito sa klase at saka lamang nagsasalita kapag tinatanong ng teacher. "Madam nandito na po tayo." nag angat ako ng tingin kay Hailey nang magsalita ito. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami dahil busy ako sa pag ch-check ng personal email ko. Since I left the country five years ago, I deactivated all my social media accounts. I even bought a new sim card. Though no one knows my number except for Nana and Xavier. And if ever my friends or relatives wants to communicate with me, they can email me on my personal email account. Inayos ko muna ang damit bago lumabas na ng kotse. May mga nakahilera nang mga staff pagbaba ko, siguro nasabihan na ng manager na dadating ako. Ininform ko kasi ang manager dito sa branch na to na bibisita ako. Hays dapat pala di ko na lang sinabi para surprise. "Good day po, Madam Amber." sabay sabay nilang bati saka bahagya pang yumuko. "Good day to you too. You may go back to your posts." kaniya kaniya silang balik na sa pwesto. Ako naman ay nag ikot ikot para tingnan kung talaga nga bang ginagawa nila ang trabaho nila. At kung maayos ba ang pakiki tungo nila sa mga bakasyunista. After an hour of checking, I'm satisfied naman sa performance ng mga staff. After that, I decided to go home already since wala naman akong balak na pumunta ng opisina. And also, I'm sure my son is already waiting me at home. Nasabi ko kasi sa kaniya na hindi ako pupunta ng opisina at mag s-supervise lang. Kaya naglambing na naman ang bata. Mag movie marathon daw kami mamaya. At siyempre, matatanggihan ko ba naman ang baby ko? "Sige na Hailey, umuwi ka na. Magpahinga ka na din, I'm sure you also got tired walking with me." nagpaalam siyang uuwi na, I told her na sumabay na siya sakin pero tumanggi siya. Mag t-taxi na lang daw siya. "Kuya, sa bahay na po tayo." sabi ko sa driver na agad niya namang sumunod. Isinandal ko ang ulo ko saka pumikit dahil biglang sumakit ang sintido ko. Shett aatake pa ata ang migraine ko. Kasalanan talaga to ng damuhong lalaki na yon. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa niyang sumulpot ulit after five years? Okay na ako e, tahimik na ang buhay ko. Tapos ngayon bigla siyang magpapakita? Para saan? At ang kapal din naman talaga ng mukha niya na angkinin ang anak ko buwiset siya. Hays, erase erase. "Madam andito na po tayo." may yumugyog sa balikat ko pero mahina lang. Dahan dahan akong nagmulat ng mata dahil parang lalong sumakit ang ulo ko. Si manong driver pala, di ko namalayang nakatulog na pala ako ng tuluyan. Dahan dahan akong lumabas ng kotse, inalalayan pa ako ni manong driver because I suddenly feel dizzy. Biglang nanghina ang katawan ko, nakakainis. "Mommy, are you okay po?" boses yun ng anak ko, kasabay ng maliit na kamay na yumakap sa hita ko. Hindi ko na siya masyadong maaninag dahil nanlalabo na ang paningin ko. Kinailangan na akong buhatin ng isang guard para maidala sa kwarto dahil hindi ko na talaga kayang maglakad. "Thank you." mahina kong sabi sa taong nagbuhat sa'kin nang maibaba niya ako sa kama. "Welcome." kahit nahihilo ay pinilit kong imulat ang mata ko para matingnan ang nagsalitang yun. Hayop naman talaga, anong ginagawa ng buwiset na to sa bahay ko? Paano niya nalaman kung saan kami nakatira ng anak ko? "What are you doing here?" nanghihina man ay talagang sininghalan ko siya. "I told you, I want to meet my son. I want him to recognize me as his father. I want to be with him." "Ilang beses ko bang----- "Come on wife, huwag mo muna akong awayin ngayon. Save it, saka na kapag okay ka na." putol niya sa sasabihin ko. "Mommy, rest na po muna ikaw. Babantayan ka po ni Xavier mommy ko. Tapos andito din po si daddy." tangina, nakapagpakilala na ang hayop. Humanda talaga to sakin kapag nawala na tong migraine ko. "Humanda ka talaga sakin mamayang gago ka." mahina ngunit madiin kong sabi sa kaniya. Sinigurado kong kaming dalawa lang ang makakarinig. "I know wife. Please sleep first, you need to rest. Mamaya mo na ako awayin." at ang lintek, ninakawan pa ako ng halik. Mapapalampas ko pa sana kung sa noo o pisngi e, kaya lang sa lips walanghiya talaga. Kung hindi lang talaga dahil sa migraine na to kanina ko pa siya nasapak. Wala na akong nagawa nang pagtulungan na ako ng mag ama para patulugin. Pinilit ko ang sariling makatulog para mawala ang sakit ng ulo ko. Nakakainis naman kasi bakit umatake na naman to. Tagal nang hindi e, ngayon na lang ulit. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, basta paggising ko ang nadatnan kong eksena ay ang mag ama kong naghaharutan. MAG-AMA?!?!?! Hays self kumukontra ka na naman. So balik tayo, habang pinagmamasadan ko silang dalawa ay bumalik sakin ang nakaraan na pilit ko nang kinalimutan.Chapter 5Hays kaya ko 'to. Baka Amber Maurice Villeza 'to. Naku kinakabahan talaga ako. Pa'no ba naman kasi, nag apply ako bilang secretary dito sa isang napaka sikat na telecommunications company ng mga Del Real. Luckily, I got an email yesterday saying na natanggap ako. So here I am now. Nakatayo sa harap ng napakataas na building na to. Grabe, parang bigla akong nahilo habang tinitingnan ko kung gaano ito kataas. Huminga muna ako ng malalim saka inayos ang suot at naglakad na papasok ng building. Nginitian ako ng guard kaya siyempre bilang mabait na nilalang, nginitian ko din siya at sinabihan pa ng good morning. Hay naku, sana lang talaga mabait yung boss ko kung hindi, baka unang araw ko pa lang mawalan na agad ako ng trabaho. Kasi papatol talaga ako."Good morning madam, ano pong maipaglilingkod namin?" tanong ng receptionist nung lumapit ako para magtanong kung saang floor ang office ng CEO."Ah itatanong ko lang
Chapter 6Sumakay ako ng elevator para pumunta sa cafeteria ng building na to. Hays bakit ba kasi nakalimutan kong kumain. So ayon na nga, nasa ground floor na ako. Paglabas ko ng elevator ay marami pa ring empleyado ang kumakain. Halos lahat sila ay napatingin sa akin nang pumunta ako sa counter, siguro dahil bago lang ako sa paningin nila. Imposible namang nagandahan sila sakin, e ang sabi nga ng mga pinsan ko, ang pangit ko daw at walang magtatangka na magkagusto sakin. Kaya yun ang pinaniniwalaan ko. Minsan naman feeling ko ang ganda ganda ko pero feeling ko lang yon. Tsaka di ko ipinagsasabi, sinasarili ko na lang. "Isa pong kanin tsaka itong adobong baboy." sabi ko sa tindera na nasa counter. "Drinks po ma'am?" "Coke po." "Okay madam. 150 po lahat." binigay ko naman sa kaniya ang saktong 150. Kinuha ko na ang tray na naglalaman ng order ko saka inilibot ang tingin para maghanap ng upu
Chapter 7"Hala boss, anong ginagawa mo diyan sa table ko?" gulat kong tanong kay boss na nakaupo sa swivel chair ko at pinakikialaman na ang PC ko."What took you so long? Kanina pa kita hinihintay." busangot na sagot nito. Aba, sinabi ko bang hintayin niya ako? Ako pa sinisi sa kagagawan niya e."Pasensya na boss, napasarap ang kuwentuhan namin nung iba mong employee e." pinili ko na lang sagutin siya ng maayos at baka mawalan agad ako ng trabaho kapag sinagot ko 'to ng pabalang."Tss. Go back to work." masungit na sabi nito saka tumayo at nakapamulsang pumasok na sa office niya. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Grabe talaga, feeling ko may sapak ang boss ko na yun e.Umupo na lang ako sa upuan saka tinuloy ang pagbabasa. Kailangan magpa impress ako kay boss para di niya maisip na palitan ako. Dahil busy nga ako sa pagbabasa, di ko na namalayan na may duma
Chapter 8"Amber, mauna na ako. Umuwi ka na din, tutal tapos na din naman ang working hours." mula sa pagkakatungo ay nag angat ako ng tingin nang marinig ko amg boses ni boss amo."Sige po boss, tatapusin ko lang po ito tapos uuwi na din po ako." tumango naman siya saka bahagyang lumapit sa table ko."Okay, take care sa pag uwi. Aalis na ako." tumango lang ako sa kaniya at ngumiti na ginantihan lang din naman niya ng maliit na ngiti. Pinagmasdan ko siyang lumakad papunta sa elevator. Nagkatinginan pa kami bago tuluyang sumara ang elevator.Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko si sir ay agad kong tinapos na ang ginagawa at niligpit na ang mga gamit. Uwing uwi na din ako e, for sure kanina pa ako hinihintay ni tatay at ng dalawa ko pang kapatid na maliliit pa. Bumaba na din ako sa ground floor, nagpaalam pa ako kay kuya guard bago lumabas ng building. Bumili din muna ako ng ulam at donut pasalubong sa dalawang batang makulit. Pabo
Chapter 9"Id mo miss." sabi nang bouncer nang ako na ang tumapat sa kanila. Masyado talagang mahigpit ang security sa club na'to, palibhasa puro mayayaman ang laging napunta dito e kaya kailangan talaga nilang maghigpit. Binigay ko naman ang id ko, sandali pa nila itong sinuri bago bingay ulit sakin at pinapasok na. Nagpasalamat naman ako saka pumasok na nga sa loob. Pagtapak pa lang ng paa ko sa loob ay agad na akong napatakip ng tenga dahil sa lakas ng tugtog idagdag pa ang sigawan ng mga tao habang sumasayaw sa dance floor. Medyo nahirapan pa akong maglakad dahil kinakailangan ko pang sumingit sa kumpulan ng mga tao. Medyo nanayo pa ang balahibo ko dahil may nakita akong mga nag m-make out pa. Buwiset talaga, kaya ayokong nagpupunta sa mga ganitong lugar e. Dali dali na akong naglakad palapit sa hagdan dahil nasa isang VIP room daw sina boss sa second floor. Grabe naman, iba talaga pag mayayaman e naka VIP pa. Kumatok ako nang makarating sa harap ng
Chapter 10 Maaga akong gumising dahil maaga din ang pasok ko sa trabaho. Buti na lang at nagising ako sa tunog ng alarm clock kahit na antok na antok pa ako. At dahil kulang ang tulog ko kaya badtrip ako ngayon. Kumain muna ako ng agahan na hinanda ni tatay saka umalis ng bahay. Naglakad lang ulit ako hanggang sa kabilang kanto, sakto naman na may dumaan agad na jeep. Sumakay ako dito, buti na lang at hindi pa masyadong siksikan, sabagay maaga pa din naman nga kasi. Bumaba ako nang makitang nasa harap na kami ng Del Real building. Binati ako ni kuya guard nang pumasok ako, at dahil wala ako sa mood ay tipid ko siyang nginitian at binati din. Mukhang nanibago siya kaya di niya napigilang magtanong. "Hija, ayos ka lamang ba? Bakit parang ang tamlay mo yata? May sakit ka ba?" nag aalala niyang tanong kaya agad akong umiling sa kaniya. "Naku pasensya na po, kulang lang po ako sa tulog kaya medyo wala po sa mood." napatango lang
Chapter 11"Uy, salamat ha? Dahil sa'yo hindi kami nasigawan ni boss." sabi sakin nung isang empleyado nung palabas na kami ng opisina ni boss. Hindi niya kasi agad ako pinalabas habang binabasa niya ang sales report kaya ilang minuto akong nakatayo sa gilid niya."Ha? Ano namang kinalaman ko dun?" kunot noong tanong ko. Para naman kasing may ginawa ako e nakatayo lang naman ako."Alam naman natin na dahil sayo kaya hindi kami nagawang sigawan ni sir e. Ikaw lang pala ang makakapag paamo sa kaniya, sana noon ka pa nag apply dito.""Hala siya, wala naman akong ginawa.""Meron 'te. Feeling ko nga may gusto sayo si sir e.""Grabe naman kayo, nabigyan niyo agad ng ibang meaning. Hays sige na balik na tayo sa mga trabaho natin at baka mamaya sigawan na lang tayo bigla dito.""Sus, ikaw sisigawan ni sir? Naku, imposible ata yon. Kita mo nga kanina ang lakas ng sigaw sa iba tapos nung ikaw ang
Chapter 12"Boss, kayo na pumili kung saang pwesto mo gustong umupo, ako na bibili ng pagkain natin." sabi ko sa kaniya nang makarating kami sa carenderia na sinasabi ko. Jusme, pagkarating pa lang namin nilibot na agad ng mata niya kahit ang kasuluk sulukan nito. Napapatingin pa nga sa kaniya yung ibang kumakain dahil bukod sa malaking tao siya ay mahahalata mo talagang unang beses niyang makapunta sa ganitong lugar. Iniwan ko na siya para pumunta sa cashier at mamili ng pagkain. Pinili ko yuung pininyahang manok, kare kare, ginataang isda, tsaka caldereta. Simple lang ang mga pagkain dito pero masarap. Nagluluto din sila ng lomi at guisadong pansit kaya lang mamaya pa yun dahil pang meryenda yun. Lunch pa lang ngayon kaya kanin at ulam pa lang ang nasa menu nila. Bumili din ako ng softdrinks dahil nakakahiya naman sa boss ko. Nang matapos nang magbayad ay pinuntahan ko na si boss kung saan niya napiling umupo. Sina ate na ang magdadala nung mga order namin dito.
Chapter 35Mag isa akong kumakain sa kusina dahil tapos na ang mga kapatid ko at binibihisan na ni tatay para pumasok sa eskwelahan. Konti lang ang sinandok ko dahil hindi ko feel ang kumain, masyado pa kasing maaga e. Nung college kasi hindi naman ako sanay na kumain ng breakfast, kailangan kasi maaga laging umalis kaya milo lang ang umagahan ko. E ngayon, hindi ako pinapaalis ni tatay na walang kain ng kanin sa umagahan. "Ate, alis na po kami. Ingat po ikaw." nakangiting paalam sa akin ni Vico at yumakap pa na sinundan naman ni Audrey."Hmm, pakabait kayo ha? Pagbutihan sa school, ingat din kayo." binigyan ko sila ng tig isang daan para sa baon nila. Hindi ko ipinakita kay tatay na inabutan ko yung dalawa dahil tututol na naman siya. Ayokong tipidin sa pagkain ang mga kapatid ko kaya hangga't may pera ako, bibigyan ko sila ng bibigyan as long as pagkain ang bibilhin nila at hindi kung ano ano. Mabait at responsableng bata naman itong dalawa kaya walang problema. Minsan din ay hindi
Chapter 34Sabay sabay na kaming kumain nang hapunan pagkatapos magluto ni tatay. Nagkakilala na silang dalawa ng pamangkin niya. Sila na ang nag usap tungkol sa kaso pagkatapos naming kumain dahil dumating si Cameron. Hindi ko pa siya naipapakilala si Ismael sa kaniya kaya ngayon ay matalim ang tingin niya dito na wala naman sanang ginagawang masama sa kaniya. Akala niya siguro ay manliligaw ko din lalo na't kausap si tatay."Baby, quit glaring at him." mahinahon kong suway sa kaniya dahil mukhang nakakahalata na ang pinsan ko sa masamang tingin sa kaniya nitong isa. Tarantado pa naman din yan, papatol din talaga yan. Mas lalo pang mang aasar. Magaling mang asar yan, pikon din naman."Who's he? Bakit siya nandito? Nanliligaw din sayo? Pumayag ka? Pumayag si tatay?" sunod sunod na tanong niya."Wait lang, kumalma ka nga muna. Ang dami mong tanong. Galing ka pang opisina? Kumain ka na ba?" balik kong tanong sa kaniya."Don't change the topic.""Ano ka ba, he's my cousin. Stop overthink
Chapter 33Kinuwento ko kay tatay kung paano kami nagkakilala ni Mael. Way back in college, I was really devastated that time dahil nga estudyante pa lang ako at sobrang daming gastusin sa bahay, idagdag pa ang mga kailangang bayaran sa school. Halos lahat na ng racket pinasok ko, hindi naman makapagtrabaho noon si tatay dahil maliliit pa ang dalawa kong kapatid. Hindi kami komportable na ihabilin na lang basta sa kapitbahay, baka mamaya mapabayaan lang at kung ano pang mangyari. Kaya sinabi ko non kay tatay na ako nang bahala kumayod para samin kahit na nag aaral pa ako. And rhem, he approached me. Inalok niya akong maging tagalinis ng condo niya tuwing weekends, dahil malaki ang sahod na offer niya ay pinatos ko na. Turns out, kilala niya pala ako dahil matagal niya na kaming minamanmanan. Hindi lang siya makalapit samin dahil hindi niya alam kung anong magiging reaction ni tatay kung sakali man. Dun nagsimula na maging close kami. Lagi siyang nandyan kapag kailangan ko siya sa kahi
Chapter 32Wala talaga silang balak tumigil ano? Talagang hinahamon nila ang manipis ko nang pasensya? Hanggang kailan ba niya kami hindi patatahimikin? Mukha ba namang kailangan namin siya sa buhay namin? Halos buong buhay ng mga kapatid ko wala siya, kaya kakayanin din nilang mabuhay ng marami pang taon kahit wala siya. I know I'm being selfish, hindi ko tinatanong ang mga kapatid ko kung gusto nila siyang makasama. Pero ayoko lang naman kasi na masaktan sila. Ayoko na pagdaanan nila lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan namin ni tatay noong mga musmos pa sila at walang kamalay malay sa mundo. Hangga't kaya ko, gagawin ko ang lahat para maprotektahan sila. Hangga't kaya ko, gagawin ko ang lahat para hindi sila masaktan ng kahit na ano o ng kahit na sino. Kung kinakailangang makipag patayan ako wag lamang silang masaktan then so be it. Ganon ko sila kamahal na dalawa. Ganon namin sila kamahal ni tatay. "Hanggang kailan mo ba ako matitiis anak? Hanggang kailan mo ipagdadamot sa akin
Chapter 31 Kabababa lang namin ng eroplano, nandito na ulit kami sa Manila. Ang sakit ng ulo ko, maybe because of jetlag. Tsaka hindi rin kasi ako sanay sumakay ng eroplano e. Before leaving Palawan, bumili muna ako ng mga pasalubong sa mga kapatid ko. "Tita, thank you po sa pag invite sakin sa family vacation niyo." ngumiti lang si tita at yumakap sakin bago pumasok sa kotse para umuwi na. Masakit kasi ang ulo niya, inaatake ng migraine kaya hindi na sila nagtagal. Ako naman ay ihahatid ni Cameron, sabi ko nga ay wag na para makapag pahinga din siya pero ayaw naman niyang pumayag. Malayo pa lang kami sa bahay ay tanaw ko na ang dalawa kong kapatid na nakaabang na sa pagdating namin. Tumawag kasi sila kagabi, nagtatanong kung kelan daw kami uuwi. Sinabi ko na ngayon, kaya ayan nakaabang na. Alam siguro nila na may pasalubong ako sa kanila kahit hindi ko naman sinabi. "Ate!" patakbo nila kaming sinalubong at magkasabay na yumakap sa bewang ko. "Na miss niyo ba akong dalawa?" nakan
Chapter 30Pumasok kami sa isang shop kung saan may nagtitinda ng mga swim suits. Tahimik lang akong nakasunod kay tita habang namimili siya ng gusto niya."Hindi po kaya magalit yung dalawa kapag nakita tayong ganito ang suot?" tanong ko kay tita nang makapag bihis na kaming dalawa. Pinahubad niya kasi sakin ang tshirt at shorts kaya naka swim suit na lang ako ngayon. Pinag titinginan kami, hindi naman ako na c-conscious dahil wala proud ako sa katawan ko. I have the curves, katamtaman lang ang laki ng hinaharap at ng puwet ko."Sus, konting lambing lang okay na ang dalawang yon." naka ismid niyang sagot.Naglalakad na kami ngayon palapit sa mag ama. Malayo pa lang ay kitang kita ko na kung paano sila mabilis na napatayo. Masama ang tingin nila at sinalubong na kami sa paglalakad. Nag aalala naman akong tumingin kay tita na nangingiti lang akong kinindatan. Hays, ang kulit din talaga ni tita minsan e. Binilisan ko ang hakbang para mapalapit agad kay Cameron. Hinapit niya ang bewang
Chapter 29Magkatabi na ulit kaming nakahiga sa kama. Ako na naka tihaya habang siya ay padapang nakahiga, nakayakap ang isang braso sa bewang ko at nakasiksik ang mukha sa leeg ko. Kakatapos lang naming mag kuwentuhan ng kung ano ano. At ngayon ay mahimbing na siyang natutulog, samantalang ako ay dilat na dilat pa.Di ko kasi maiwasang hindi masaktan sa tuwing nakikita ko si nanay kasama ang bago niyang pamilya. Palaging naglalaro sa isip ko ang mga katanungan na hanggang ngayon ay wala pang kasagutan. At siya lang ang tanging makakasagot sa lahat ng yon. Pero paano niya masasagot lahat ng yon kung ayaw ko naman siyang kausapin? Hindi ko pa kasi talaga siya kayang kausapin. Ni ang harapin nga siya kahit ilang minuto lang ay hindi ko matagalan.Hindi ba sapat ang pagmamahal ni tatay para hanapin niya sa iba? Hindi ba sapat ang mga sakripisyo ni tatay para hindi siya makuntento at humanap ng iba na kayang maibigay ang mga luho niya? Hindi ba sapat ang pagmamahal niya saming pamilya par
Chapter 29Magkatabi na ulit kaming nakahiga sa kama. Ako na naka tihaya habang siya ay padapang nakahiga, nakayakap ang isang braso sa bewang ko at nakasiksik ang mukha sa leeg ko. Kakatapos lang naming mag kuwentuhan ng kung ano ano. At ngayon ay mahimbing na siyang natutulog, samantalang ako ay dilat na dilat pa.Di ko kasi maiwasang hindi masaktan sa tuwing nakikita ko si nanay kasama ang bago niyang pamilya. Palaging naglalaro sa isip ko ang mga katanungan na hanggang ngayon ay wala pang kasagutan. At siya lang ang tanging makakasagot sa lahat ng yon. Pero paano niya masasagot lahat ng yon kung ayaw ko naman siyang kausapin? Hindi ko pa kasi talaga siya kayang kausapin. Ni ang harapin nga siya kahit ilang minuto lang ay hindi ko matagalan.Hindi ba sapat ang pagmamahal ni tatay para hanapin niya sa iba? Hindi ba sapat ang mga sakripisyo ni tatay para hindi siya makuntento at humanap ng iba na kayang maibigay ang mga luho niya? Hindi ba sapat ang pagmamahal niya saming pamilya par
Chapter 28Umupo kami sa upuan na nasa harap nila. Bale magkatabi kami ni Cameron, tapos magkatabi naman si tita at tito. Kaharap namin sila. Ipinaghila ako ni Cameron ng upuan, saka siya umupo sa upuan na para sa kaniya. Nakatingin lang naman samin sina tita, parehong nangingiti habang nakamasid sa anak."Bagay na bagay talaga kayong dalawa." tila kinikilig pa si tita habang sinasabi yon kaya natawa ako."Mom, you look like a teenager na na-crushback." puna niya sa ina kaya sinamaan siya nito ng tingin. Umirap lang naman siya saka inabala na ang sarili sa pagsandok ng pagkain. Pati plato ko siya na din naglalagay ng pagkain. May laman na din ang mga plato nina tita, kami na lang talaga hinintay nila bago magsimulang kumain. "Bagay na bagay sila, diba hon?" ayaw talaga paawat ni tita at dinamay pa ang nananahimik na asawa. Tumango na lang ito siguro para wala nang gulo. Under nga talaga siya, di niya lang maamin sa sarili niya."Mom, kumain ka na nga lang. Kung ano ano na namang naii