Share

Chapter 5

Chapter 5

Hays kaya ko 'to. Baka Amber Maurice Villeza 'to. Naku kinakabahan talaga ako. Pa'no ba naman kasi, nag apply ako bilang secretary dito sa isang napaka sikat na telecommunications company ng mga Del Real. Luckily, I got an email yesterday saying na natanggap ako. So here I am now. Nakatayo sa harap ng napakataas na building na to. Grabe, parang bigla akong nahilo habang tinitingnan ko kung gaano ito kataas. Huminga muna ako ng malalim saka inayos ang suot at naglakad na papasok ng building. Nginitian ako ng guard kaya siyempre bilang mabait na nilalang, nginitian ko din siya at sinabihan pa ng good morning. Hay naku, sana lang talaga mabait yung boss ko kung hindi, baka unang araw ko pa lang mawalan na agad ako ng trabaho. Kasi papatol talaga ako.

"Good morning madam, ano pong maipaglilingkod namin?" tanong ng receptionist nung lumapit ako para magtanong kung saang floor ang office ng CEO.

"Ah itatanong ko lang sana kung saang floor ang office ni Mr. Dranreb Cameron Del Real." ang kaninang malawak nilang ngiti ay unti unting napawi. Pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Medyo na conscious naman ako pero dedma na lang. Bigla silang nagbulungan kaya takang taka ko silang pinagmasdan.

"Girlfriend ka ni sir?" mataray na tanong nung isa kaya nagulat ako. Ano daw? Girl friend? Hala si ate ko, kung ano anong iniisip. Gusto ko lang naman magtrabaho.

"Hala ate ko, mali ka ng iniisip. Hindi ako girl friend ni boss, bagong secretary niya ako." nagtinginan muna sila, mukhang di naniniwala sa sinabi ko. Aba, mukhang to di katiwa tiwala? Nakaka offend ng slight ha?

"Oo nga pala, may bago nga palang secretary si boss. Pasensya na, napagkamalan ka pa namin. Ang dami rin kasi talagang mga babae ang pumupunta dito araw araw at laging nagtatanong kung saan ang opisina ni boss. Ang pogi din naman nga kasi talaga ni sir e, nuknukan nga lang ng sungit at akala mo pinaglihi sa sama ng loob." hininaan nila sa medyo padulong part dahil baka daw may ibang makarinig at isumbong pa sila.

"Hay naku, trabaho ang ipinunta ko dito 'no." sagot ko naman sa kanila.

"So sige, nasa 25th floor ang office ni boss. Di ka na malilito kung saan ang office niya kasi siya lang naman ang tao sa palapag na yon."

"Sige thank you." paalis na sana ako para pumunta sa elevator nang pigilan nila ako.

"Wait, babalaan ka na namin ha? Nakakatakot si boss, laging galit. Ewan ba namin kung bakit araw araw na lang mainit ang ulo niya."

"Ano ba yan, nananakot naman kayo e. Sige kayo baka di na ako tumuloy dito."

"Huy ano ka ba? Makakatiis ka naman siguro sa ugali niya HAHAHHAHAHA. Pero swerte mo girl ha, maghapon mong masisilayan ang isang Dranreb Cameron Del Real. Kung ako yan, buo na araw ko ate ko." impit pa siyang tumili kaya bahagya akong natawa.

"Akala ko ba nuknukan ng sungit at pinaglihi sa sama ng loob?" nangingiti kong tanong sa kaniya pero dedma lang siya at patuloy pa yata sa pag iimagine. Kaya naman nagpaalam na ako dun sa kasama niya na mauuna na dahil baka malate pa ako mahirap na. First day ko tapos mal-late ako? Hala baka maging dragon yung boss ko. Lagi pa naman sigurong galit yon, baka bulyaw ang isalubong sakin imbes na welcome remarks.

So ayon na nga mga ate ko, sumakay na ako ng elevator para makaakyat sa 25th floor. Grabe nahilo ako bigla ah? Kaya ayokong sumasakay ng elevator e, kung hindi lang talaga nasa 25th floor yung office ni boss naku nunkang sasakay ako dito. Kaya lang, kung maghahagdan naman ako, baka naghihingalo na ako bago pa makarating sa office. Di bale, titiisin ko na lang to. Tutal masasanay din naman ako.

Nang magbukas ang elevator ay dali dali akong lumabas dahil hindi ko na talaga kaya. Paglabas ko ay sobrang tahimik ng paligid. Palibhasa kasi mag isa lang daw si boss dito e. Kakatakot naman, pero infairness ha? Maganda ang disenyo ng hallway. Sa pinakadulo ay may nakita ako office, siguro yun na yung office ni boss. Tapos sa tapat nung pinto ng office ay may nakahanda nang table. May mga gamit na din, may computer nang naka set up. Siguro yun na ang pwesto ko. Dali dali akong naglakad palapit sa pinto ng office. Kumatok muna ako ng tatlong beses, nang may sumagot na 'come in' mula sa loob ay saka ko dahan dahang binuksan ang pinto. Sumilip muna ako para tingnan kung busy si boss. Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair niya at busy sa pagpirma ng mga documents.

"Good morning boss." bati ko nang makapasok sa opisina niya dahilan nang pagtigil niya sa ginagawa at dahan dahang pag angat ng tingin sa akin. Shett, muntik nang malaglag panty ko. Ampogi naman pala talaga nito e. Kaya naman pala kung makatili yung isang ate sa baba, may justice naman pala. Diretso siyang nakatingin sakin kaya kahit kinakabahan ay sinubukan kong makipagtitigan sa kaniya. Di rin nagtagal ay siya ang unang nagbawi ng tingin kasabay ng mahinang mura na sobrang lutong. Grabe naman magmura to. Sabagay, ako din naman.

"So, you're the newly hired secretary?" tanong nito nang ibalik ang tingin sa akin. This time, hindi ko na kayang makipag titigan sa kaniya. Mas intense na kasi yung way ng pagtingin niya.

"Yes boss, ako nga po." masigla kong sagot sa kaniya saka ngumiti ng malawak.

"Okay, you may start your work now. Nasa labas ang table mo. Just use the intercom if ever na may sasabihin ka. For example, kung may dumating na client or may document kang ibibigay, sabihin mo muna sakin using the intercom. Huwag kang basta basta papasok sa opisina ko ng walang pahintulot ko. Maliwanag?"

"Loud and clear boss." tumango lang siya saka ako inutusang lumabas na. Grabe ang gwapo talaga niya. Sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko. I opened the computer and saw that there are the things I need to know as a secretary. Naka encode din dito ang schedule ni boss. Grabe, ganito ba talaga pag mayayaman? Sobrang hectic ng schedule. Nakakatulog pa kaya ng maayos si boss?

May mga document din akong nakita, nasa limang folders din. Ang alam ko, kailangan kong basahin isa isa to, tapos saka ko ire-relay kay boss para basta na lang siya pipirma. Pero depende pa din kung maganda ang laman ng mga document na to, kung pipirma siya or hindi. Kaya naman sinimulan ko nang basahin dahil kahit limang folder lang ito ay sobrang kapal naman. Kawawa naman ang mata ko dito. Pero okay lang, pera naman ang kapalit. Sa kakabasa ay hindi ko na namalayang past 1pm na pala. Hala, hindi ko natanong si boss kung i oorder ko siya ng pagkain. Dali dali kong pinindot ang intercom. Kakatok pa sana ako sa pinto ng office kaya lang naalala ko na ayaw nga pala ni boss na ganon.

"Boss, sorry po di ko na namalayan ang oras. Oorder na po ba ako ng lunch niyo?" tanong ko gamit ang intercom. Agad naman siyang sumagot.

"No need, I'm not hungry." malamig na sgaot nito. Grabe naman, para akong nasa Antartica sa sobrang lamig ni boss.

"Ah okay po, pasensya na po ulit. Kakain lang ako boss ha? Baka hanapin mo ako mamaya dito sa table ko." paalam ko sa kaniya na agad niya pang tinugunan ng isang malamig na 'okay'. " grabe na talaga to si boss. Malamig pa sa malamig. Hays makakain na nga lang. Kesa naman ma stress ako dahil dito kay boss.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status