Share

Chapter 6

Chapter 6

Sumakay ako ng elevator para pumunta sa cafeteria ng building na to. Hays bakit ba kasi nakalimutan kong kumain. So ayon na nga, nasa ground floor na ako. Paglabas ko ng elevator ay marami pa ring empleyado ang kumakain. Halos lahat sila ay napatingin sa akin nang pumunta ako sa counter, siguro dahil bago lang ako sa paningin nila. Imposible namang nagandahan sila sakin, e ang sabi nga ng mga pinsan ko, ang pangit ko daw at walang magtatangka na magkagusto sakin. Kaya yun ang pinaniniwalaan ko. Minsan naman feeling ko ang ganda ganda ko pero feeling ko lang yon. Tsaka di ko ipinagsasabi, sinasarili ko na lang.

"Isa pong kanin tsaka itong adobong baboy." sabi ko sa tindera na nasa counter.

"Drinks po ma'am?"

"Coke po."

"Okay madam. 150 po lahat." binigay ko naman sa kaniya ang saktong 150. Kinuha ko na ang tray na naglalaman ng order ko saka inilibot ang tingin para maghanap ng upuan. Halos punuan ang lahat ng table dahil siyempre may iba ding empleyado ang kumakain. Siguro ang daming employees dito kaya halos di na magkasya dito sa cafeteria. Pero ang sosyal din nitong cafeteria ha? Parang restaurant na ang datingan e. So ayon na nga, after few minutes ay may nakita akong table na apat ang upuan pero tatlo lang yung nakaupo so may vacant pang isa. Dali dali akong naglakad palapit sa kanila habang bitbit ang tray. Mukha naman silang mabait.

"Hello po, pwedeng maki share sa table?" sabi ko nang makalapit sa table nila. Nagtinginan muna sila saka sabay sabay na tumango.

"Thank you po." nakangiti kong sabi nang makaupo na. Gutom na gutom na talaga ako kaya naman dinampot ko na ang kutsara at tinidor saka sumandok na ng kanin at ulam. Isusubo ko na sana nang mapansin kong nakatingin silang tatlo sakin. Nailang naman ako kaya binaba ko muna ang kutsara para kausapin sila. Hays, gutom na ang tao e. Ang uncomfortable kasing kumain kapag may nakatingin e.

"Mga ate, kay problema po ba tayo?" mahinahon kong tanong saka isa isa sialng tiningnan. Mukhang nagulat naman sila dahil sabay sabay na nanlaki ng bahagya ang mata nila. Di siguro nila inexpect na papansinin ko sila.

"Ah eh wala naman 'te. Bago ka ba dito?" usisa nung isa na di na yata nakatiis.

"Ah oo, kakasimula ko lang kanina." sagot ko naman saka tinuloy ang naudlot na pagkain.

"Ah saang department ka? Parang di ka kasi namin nakita kanina."

"Ah, ako yung bagong secretary ng CEO." napatigil ako sa pagkain nang may marinig akong nasamid. Pag angat ng tingin ay nakita ko yung isa sa tatlong babae na inaasikaso nung dalawang kasama dahil nasam-an yata. Ewan ko ba naman at iinom lang e hindi pa magawa ng ayos.

"Ano? Ikaw ang bagong secretary ni boss Dranreb?!?!" gulat na gulat nilang tanong ng makabawi sa pagkaka samid yung isa.

"Oo mga 'te, naka unli lang? Kailangan ulit ulitin?" mataray kong sagot sa kanila.

"Ano ba yan, wala na talaga tayong pag asa nito kay boss. Talo na tayo, tapos na ang labanan." nanlulumong sambit nung isa kaya natawa ako ng bahagya. Grabe yung mukha niya parang isang milyon ang natalo sa sugal e.

"Huh? Ano bang sinasabi niyong labanan?" kunot noo kong tanong habang ngumunguya. Oo na, ako na di marunong ng etiquette. Sensya na, gutom na e pero siyempre may pagka tsismosa din ako. Slight lang naman.

"Ate gurl, try mo kayang tumingin sa salamin. Sobrang ganda mo teh, walang laban ang beauty namin sayo. Tsaka unang kita ko pa lang sayo, alam ko nang malakas personality mo. Yung resting face mo nakaka intimidate." hala si ate ko, najudge na agad ang eagirl na to.

"Naku, hindi ako naniniwala diyan." balewalang sabi ko sa kanila.

"Huh? Bakit naman?" usisa nung isa. Hala, pare parehas lang pala kaming may lahing tsismosa.

"E kasi sabi ng mga pinsan ko ang pangit ko daw. At wala daw magtatangkang magkagusto sakin."

"Naku, for sure inggit lang mga yun sayo. Maganda ka talaga ate ko. Huwag kang nagpapaniwala sa mga pinsan mo sis." sabi naman nung isa at winawagaygay pa ang kaniyang mga kamay.

"Oo nga sis. Di ka ba humaharap sa salamin para tingnan ang mukha mo?"

"Tumitingin naman minsan."

"Oh, e hindi mo ba nakikita kung gaano ka kaganda?"

"Nakikita naman pero di ko masabing maganda talaga ako. Kumbaga e subjective lang, masasabi kong maganda ako para sa sarili ko, pero di ko masasabing ganon din ang nakikita ng iba sakin. Naniniwala kasi ako na beauty is in the eye of the beholder." nagpalakpakan sila bigla kaya nahihiya kong nilibot ang tingin saka sila sinaway.

"Taray, pang miss universe ang sagutan. Alam mo pwede kang sumali sa mga pageant. Mapapagkakitaan mo din yon."

"Naku, hindi naman ako mahilig sa mga ganyan."

"Oo nga pala, kanina pa tayo nag uusap dito pero di ka pa namin kilala." oo nga 'no? kanina pa kami nag kukuwentuhan.

"Oh right. Ako nga pala si Amber Maurice Villeza." nilahad ko ang kanang kamay na agad naman nilang tinanggap.

"Ako naman si Amy Innocencio." pakilala nung short haired.

"Venice De Leon." yung blonde hair, not sure kung natural yon since mukha naman siyang pure Filipino.

"Lea Castañeda." yung short haired na may eyeglass.

"Hays buti na lang may nakilala ako agad. Akala ko lonely girl na naman ang atake ko dito e."

"Naku buti na nga lang din at lumapit ka samin e. Kasi kung hindi? Baka hindi tayo magkakakilala." sabi ni Lea na nagpagulo sa akin.

"Ha? Bakit naman?"

"Girl, ang intimidating mo kaya tingnan. Kapag di ka nakangiti at seryoso lang, parang kapag dinaanan kami ng mga mata mo mapapatago na lang kami." exaggerated na sagot ni Venice.

"Hala grabe naman. Ang bait bait ko kaya."

"Yes, we get that. But your resting face says otherwise."

Gusto pa sana naming magkuwentuhan kaya lang tapos na ang lunch break. Kailangan na naming bumalik sa kaniya kaniyang trabaho. Nakalimutan ko na nga ako trabaho ko e. Baka mapagalitan na ako nito ni boss. Dali dali kong inubos ang pagkain para makaakyat na ulit sa office.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status