Share

Chapter 3

Chapter 3

"Can you please stop calling me wife? It's disgusting to hear. At isa pa, hindi ba't divorced na tayo?" inis kong sabi sa buwiset na lalaking ito.

"Well, newsflash babe. We're still married. You're still my Mrs. Del Real."

"What the fuck? Akala ko naman nakalaya na ako mula sa'yo. Bakit hindi pa tayo divorced? Hindi ba't madali lang naman ang proseso non?"

"Simply because I didn't continue filing the divorce paper."

"WHAT?!?!?"

"Yes babe, you heard it right."

"Nahihibang ka na ba? Hindi ba't yun naman ang matagal mo nang gustong gawin ko. Nung nagawa ko na bakit hindi mo pa inasikaso?"

"I think it's not appropriate to talk about this matter here. Baka mamaya pagpyestahan pa tayo ng mga tao." seryoso niyang saad saka hinawakan ang braso ko at naunang naglakad papunta sa OFFICE KO?!?!?! Buwiset talaga to.

Naiwan si Hailey at Valdimir sa labas ng office ko kaya kaming dalawa lang ng lalaking to dito sa loob. Speaking of Hailey, humanda sakin ang babaeng yun mamaya. I'm sure ang inihihingi niya ng tawad ay ang pagsasabi sa damuhong to kung nasaan ako. Naupo ako sa sofa sa mini sala ng office ko, umupo naman siya sa katapat na sofa ng inuupuan ko.

"So, bakit hindi mo pa ipinapasa ang divorce paper? May pirma ko na yun ah? This is already your chance to be free, what are you still waiting for?"

"What if I told you that I don't want to be free. That I still want to be your husband. I still want you to be my wife?"

"Nabagok na ba ang ulo mo? Hindi ba't noon lang ay halos magmakaawa ka na sakin pirmahan ko lang ang lintek na divorce paper na yon?"

"Well that was before. I already changed my mind. Ayoko nang mahiwalay sayo. I want to fix our marriage." sarkastiko akong natawa sa sinabi niya.

Ano daw? HE WANTS TO FIX OUR MARRIAGE?!?!?! Tangina niya pala e, hindi na maaayos ang pagsasama namin. Matagal na itong sira. Simula nung hindi niya na pahalagahan ang kasal namin. Simula nung hiniling niya sakin na palayain ko na siya, na hayaan ko na siyang lumigaya sa piling ng iba. Sa piling ng babaeng bagong mahal niya. Sa piling ng babaeng nabuntis niya.

"Gago ka ba? Wala na tayong aayusin dahil matagal nang sira ang pagsasamang ito. Oo kasal pa din tayo, pero sa papel na lang yun, sa batas na lang yun. Sinira mo ang kung anong meron tayo noon, kaya wag ka nang umasa na maibabalik pa yon. Wala nang rason para ayusin pa natin to. Kung ayaw mong mag file ng dicorce, pwes ako ang gagawa." tatayo na sana ako nang matigilan dahil sa sinabi niya.

"How about our son? Hindi ba siya pwedeng maging dahilan para ayusin pa natin ang marriage natin? Ayaw mo ba siyang bigyan ng buo at masayang pamilya?" walang emosyon akong napatingin sa kaniya. Oo gulat ako, pero hindi niya pwedeng makita na naapektuhan ako.

"How did you know about MY son?" diniinan ko talaga ang salitang 'my' dahil wala siyang karaparan na angkinin ang anak ko. Wala siyang karapatan na tawaging anak ang anak ko. Anak ko lang siya, wala siyang karapatang makihati.

"I have my ways babe, you know me."

"Hayop ka, wag na wag kang magpapakita sa anak ko. Wag na wag mo siyang lalapitan, kung hindi magkakasubukan tayo." gigil na gigil kong saad at dinuro pa siya.

"Why would you hinder me? He's still my son. Karapatan ko bilang ama niya na makilala at makasama siya."

"Huh! Ang kapal din naman nga talaga ng mukha mo ano? You have the guts to claim him as your son yet you don't have any contribution on him while he's growing except for your sperm cell."

"Because you didn't tell me. Hindi mo pinaalam sa akin."

"PAANO KO IPAPAALAM SAYO KUNG BUSY KA NA SA IBANG BABAE? PAANO KO IPAPAALAM SAYO KUNG BUSY KANG ALAGAAN ANG MAG INA MO? PAANO KO SASABIHIN SAYO KUNG WALA KA NAMANG PAKIALAM SA MGA SINASABI KO? HA? PAANO? SIGE NGA SABIHIN MO SAKIN KUNG PAANO?" siguradong namumula na ako sa galit dahil ramdam kong hindi lang ulo ko ang nag iinit. Napatayo na din ako mula sa kinauupuan ko kanina. Bumukas naman ng pabalibag ang pinto kaya napatingin kaming dalawa don. Si Vlad ang unang pumasok, kasunod si Hailey. Akala yata niya na may gagawin akong masama dito sa amo niya. Sumigaw lang mananakit na agad?

"It's okay Vlad, we're just talking. Right babe?" baling ng damuho sa akin kaya muntik ko na siyang sapakin kung hindi lang agad na nakalapit si Vlad sa puwesto ko upang pigilan ako. Buwiset, nakakainis talaga.

"Bitawan mo nga ako, baka pag umpugin ko pa kayo niyang amo mo. Mga leche kayo." inis kong sabi saka pabalibag na binawi ang braso ko na hawak ni Vlad.

"Mrs. Del Real, hindi ko po hahayaan na masaktan si Mr. Del Real. Alam niyo po yan."

"Wala akong pakialam. Kung ayaw mong masaktan yang pinaka mamahal mong amo, bitbitin mo na yan paalis dahil kung hindi bibigwasan ko na yan." banas na banas kong saad at nakapameywang pa.

"I won't leave unless you——

"PUTANGINA DRANREB CAMERON UTANG NA LOOB UMALIS KA NA! HINDI KO HAHAYAANG MAGKITA KAYO NG ANAK KO, PERIOD. PLEASE LANG HUWAG NA HUWAG KA NANG MAGPAPAKITA SA AKIN LALONG LALO NA SA ANAK KO." galit kong bulyaw sa kaniya. Punong puno na ako, hindi ko na kayang kimikimin ang nararamdaman ko. Kanina pa ako nagtitimpi, I tried to be civil pero talagang inuubos ng damuhong to ang natitirang pasensya na meron ako. Gulat naman siyang napatingin sa akin. Makuha ka sa sigaw ko gago ka.

"What if I secretly meet him and introduce myself as his father?" hamon niya nang makabawi sa gulat.

"Try me, subukan mo nang makita mo ang hinahanap mo. Huwag mo akong susubukan, di mo alam kung pa'no ako gumanti." huling sabi ko bago nauna nang lumabas ng opisina ko. Bahala siya sa buhay niya, kung ayaw niyang umalis pwes ako ang aalis. Hindi ko na kayang tagalan pa na makasama siya sa iisang silid, parang sobrang sikip ng nararamdaman ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status