Share

Chapter 2

Chapter 2

"How are you feeling baby?" tanong ko sa anak kong tahimik na nakahiga sa kama namin. Malungkot siyang tumingin sa akin saka yumakap. Sumisinghot singhot na siya kaya hinaplos ko ang likod niya.

"I feel bad mommy. Kasi po nahihirapan na pala si Nana tapos lagi pa akong pa catch sa kaniya." umiiyak na sabi niya.

"You already said sorry na naman. Tsaka nag promise ka na, na di na mauulit yon diba? Okay na yon kay Nana."

"Even so mommy. I feel really guilty po. What if Nana would be tired of taking care of me? Sino na kasama ko if wala ikaw kasi may work ka?"

"Don't think of that. Nana will tell us naman if she wants to rest na because shes's already tired of working. And we can always look for someone to take care of you everytime I'm at work." umiling iling naman siya habang nakayakap pa din sa akin. Hinaplos haplos ko ang kaniyang likod dahil umiiyak pa din siya.

"I don't want anyone else other than her. I only want Nana."

"Kaya nga behave na ikaw para di mapagod si Nana. Hindi siya aalis."

"Yes po mommy. I will behave na starting tomorrow."

"Good boy. Sige na, let's sleep na. May school ka pa bukas. Nana will accompany you."

"Good night mommy. I love you po."

"Good night my baby. Mommy loves you too." hinalikan ko siya sa noo at niyakap din. Di ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako dahil sa katok mula sa pinto ng kwarto namin. Tulog na tulog pa ang baby ko. Dahan dahan akong bumangon saka binuksan ang pinto. Nakita ko si Nana na nakaayos na, as usual maaga siyang gumising para maghanda na. It's already 5 in the morning.

"Gigisingin ko na po si Xavier para bihisan madam." tumango lang ako saka nilakihan ang bukas ng pinto.

"Baby Xavier, gising na." rinig kong paggising niya sa anak ko. Pumasok na ako sa banyo para maligo dahil papasok na din ako sa opisina. Si Nana ang nag aasikaso sa kaniya tuwing umaga dahil kapag ako, hindi na naman siya gagalaw agad. Maglalambing lang yan at yayakap kaya ang ending, late na naman siyang papasok.

Paglabas ko ng banyo ay bihis na si Xavier. Sinusuotan na ng sapatos ni Nana. Ako naman ay dumiretso sa walk in closet para magbihis. I just wore a simple yet formal white dress. May pipirmahan lang kasi ako sa opisina then I'll check the malls and hotels.

Lumabas na ako ng walk in closet nang matapos magbihis. Nakaabang na ang baby ko, medyo tahimik pa din siya. I grab my bag and phone saka lumapit sa anak ko.

"Let's go down na. Kumain muna tayo bago umalis." agad kumapit sa kamay ko si Xavier saka naglakad palabas ng kwarto. Napatingin ako kay Nana na nginitian lang ako. Sabay kaming kumain ni Xavier, di tulad kanina medyo kumukulit na siya ngayon.

"Baby, behave ka sa school ha? Or else mommy will be mad." pagkausap ko sa anak ko habang inaayos ang kuwelyo ng uniform niya. Tapos na kaming kumain at naghahanda na para umalis. Hiwalay kami ng sasakyan dahil nga bibisita ako sa mga malls and hotels ko. I need to check and supervise if everyone were doing their job.

"Yes po mommy. Pasalubong ko later po ha?"

"Sure. What does my baby want?"

"Donut mommy." masayang sabi niya kaya natawa ako maging si Nana. Paborito niya kasi talaga ang donut. Minsan kahit hindi na siya kumain ng kanin basta may donut okay na siya don. Kaya tumataba e ang hilig sa matamis na pagkain. Buti na lang din talaga at mainom naman siya ng tubig kung hindi ay baka diabetes pa ang abutin niya.

"Sige, mommy will buy donut later." hinalikan ko siya sa pisngi saka umayos na ng tayo. at inakay siya palabas ng pinto. Kanina pa kasi nakahanda ang mga sasakyan. .

"Nana, kayo na po ulit ang bahala sa makulit na ito ha? Pakibantayan na lang po ng mabuti, baka kung ano na namang kalokohan ang gawin." bilin ko kay Nana habang inaalalayang sumakay sa kotse ang batang makulit.

Last week kasi ay ipinatawag ako sa principal's office dahil may nagawang kasalanan si Xavier. May nang b-bully daw kasi sa kaniya at lagi siyang sinasabihan na kawawa kasi walang daddy. E namana nitong anak ko ang pagiging basagulero at mainitin ang ulo ng tatay niya. Ayon, sinapak lang naman niya yung batang nag b-bully sa kaniya. Manang mana talaga sa ama, malakas sumuntok e. Putok ang nguso nung bata. Kaya kabilin bilinan ko kay Nana na wag nang hahayaan na mag isa ang anak ko at baka kung ano pang magawa nito.

"Makakaasa po kayo madam. Hindi ko po hahayaang mawala sa paningin ko ang makulit na bata." tinanguan ko lang siya saka nagpaalam sa anak ko at sumakay na sa kabilang kotse. Hinintay ko muna na makaalis ang kotseng sinasakyan nina Nana bago ko inutusan ang driver na magmaneho na.

Una kong tinungo ang isa sa malls na pagmamay ari ko. Pagdating don ay naroon na si Hailey nag aabang sa pagdating ko. Agad binuksan ni Hailey ang pinto nang tumigil ang kotse. Nagsiyukuan naman ang mga bodyguard na naka duty sa labas nang makita ang pagdating ko. Tinanguan ko lang sila saka diretso nang pumasok sa loob, alam ko namang nakasunod sa akin si Hailey. Bawat store ay pinapasukan ko, tinitingnan ko kung maayos ang trabaho ng mga saleslady at salesman. So far naman, wala naman akong nakikitang mali sa ginagawa nila. Sana lang ay tuloy tuloy na ganon at walang pumalya. Because I don't give second chances specially kung una pa lang alam na nila ang dapat at hindi nila dapat gawin pero binalewala pa din nila.

"Madam, update lang po. Mr. Vasquez is really determined to meet you. Ipinipilit po talaga niya na makausap kayo. Hindi daw po siya titigil sa pangungulit hangga't hindi kayo pumapayag na makipagkita sa kaniya." agad na bumangon ang inis sa ulo ko. Talaga bang wala silang balak na tantanan ako? Nananahimik na ako ah? Oo bumalik ako ng Pilipinas pero it doesn't mean na manggugulo na ako sa kanila. Kung yun ang inaalala nila pwes there's no need, because frankly, wala na akong pakealam sa kanila.

The day I signed the divorce paper my ex husband gave me, I left the country. I went to Hawaii and stayed there for 3 years. Nung nalaman ko na buntis ako, dun ko napiling manatili. And then dun ko unang itinayo ang businesses ko hanggang sa nag expand na. And last 2 years ago, I've decided na magtayo din ng branch here in the Philippines kaya napagdeisyunan kong umuwi. Di ko naman alam na nalaman na pala nilang nandito na ulit ako sa Pilipinas.

"Nababanas na ako sa kanila ha? Buwiset na yan nakakasira ng araw." inis kong saad.

"Ah madam pasensya na po, pasensya na talaga. Wag po kayong magagalit, sana po mapatawad niyo ako." kunot noong napatingin ako kay Hailey nang halos magmakaawa na siya at pinagdikit pa ang mga palad.

"What? Ano bang sinasabi mo?"

"Mrs. Del Real." nagpantig ang tenga ko nang marinig ang katagang yun lalo na dahil kilalang kilala ko ang boses na yon. It's none other than Vladimir Vasquez. Kunot noo akong tumingin sa kaniya. Hindi pala siya nag iisa dahil kasama niya ang amo niya. Lalo nang nakaka buwiset ang araw na ito.

"Long time no see, wife." nakangising bati ng h*******k sa akin. Nag iinit na ang ulo ko pero hindi ko pinahalata at pinanatiling kalmado ang expression. Hindi dapat malaman ng mga ito na naaalibarbaran ako sa kanila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status