Share

Chapter 1

Kumakanta si Nadia habang nag-aayos ng paninda sa kanyang maliit na sari-sari store. May sasalihan siyang amateur singing contest mamayang gabi sa kabilang bayan. Bukod sa isa siyang raketera, business minded din siya at ang kanyang maliit na sari-sari store ang bunga ng kanyang pagiging raketera.

"Magandang umaga, Nadia. Pwede pa utang?" Malaki ang ngiti na bungad sa kanya ng ni Aling Linda.

"Naku ho, Ante Linda. Ang haba na ng listahan mo dito. Kung dadagdagan ko pa, aba baka umabot na ito sa munisipyo. "

Napakamot sa ulo ang matanda. Dumungaw ito sa maliit ng butas at humalumbaba. " Magbigay ako ng paunang bayad sa linggo pagkauwi ni Pablito. Isang kilo na bigas lang. Wala ng makain mga anak ko. "

Inirapan niya ang matanda. "Puro kasi kayo anak hindi niyo naman kayang pakainin. Hindi pa nga nag isang taon iyong bunso mo, buntis ka na naman. Pahingahin mo naman matres mo, te. Naku, malugi tindahan ko sayo, " sermon niya sa matanda. " Ayan, dalawang kilo yan. Libre ko na."

Malaki ang ngisi ng matanda na tinanggap iyon. "Salamat Nadia. Pagpalain ka ng panginoon. Nawa'y manalo ka mamaya sa amateur contest na sasalihan mo. "

Iwinagayway niya ang kamay pangtaboy sa matanda na paalis sa kanyang tindahan. Napakamot nalang siya sa sariling ulo. Kahit kakarampot lang ang kita niya, kahit lugi na siya sa puro utang ng mga kapitbahay, hindi parin niya magawang tumanggi lalo na at kapag alam nito na may batang magugutom.

Lumaki kasi siya sa hirap. Kaya alam niya ang buhay nang walang makain sa isang araw. Hindi naman kaya ng kanyang konsensya na hindi ito pautangin, puwera na lang kung wala siyang awa doon sa nangutang.

Nang maulila sa ina, nagsimula nang magsariling sikap si Nadia upang buhayin ang sarili sa pamamagitan ng pag awit. Kung saang baryo na siya nakarating para lang sumali. Kumakanta rin siya sa mga kasal, patay, o kahit anong okasyon basta imbetahan siya at basta may cash.

Nag iipon kasi siya ng pera para makaluwas siya ng Maynila. Gusto niyang sumali sa Pilipinas Got Talent. Ngunit wala siyang sapat na pera para sa pamasahe nito.

Sa larangan ng pagkanta, si Pilita Corrales ang iniidolo niya. Gusto niya balang araw maging katulad niya rin si Pilita.

"Ay Pilita!! " napatalon siya sa gulat ng dumungaw sa butas ng kanyang tindahan ang bata ng kanilang kapitbahay.

"Perlita ho ang pangalan ko, Ante Nadia. " pagtatama ng bata sa kanya.

"Pilita o Perlita ganoon parin yun, manghihingi ka na naman ng candy, " masungit na wika niya sa bata.

Napanguso ang bata na humalumbaba doon. "Kaya ka walang boypren, e, kasi masungit ka. "

"Ako masungit? " nakapamewang na usal niya. "Masungit ako? Wala kang candy sa akin. "

Umatungal ang bata na umuwi nang pagsarhan niya ito. Nawalan na siya ng gana para ayusin ang tindahan niya. Imbis maganda ang gising niya, naging masama dahil sa kapitbahay niyang puro utang at hingi lang ang alam.

Pumasok siya sa loob ng kanyang bahay upang doon ipagpatuloy ang pag iinsayo ng kanta para sa kakantahin niya mamayang gabi. Kailangan niyang manalo. Sayang rin ang premyo pandagdag na iyon sa ipon niya.

Nang magdapit hapon nag ayos na siya ng sarili. Pinakyaw niya rin ang tricycle ng kanilang kapitbahay para ihatid siya. Kahit nasasayangan sa pera, pikit-mata siyang nakiusap nang sa ganon maayos siyang makarating sa pupuntahan.

Kaya lang minalas siya pagkadating. Hindi natuloy ang singing contest sa kadahilanang itinakas ng event organizer ang premyo na dapat na mapanalunan ng mga mang aawit.

Nagkagulo ang mga tao. Pati ang Mayor nakatanggap rin ng masamang salita mula sa mga kinasasakupan nito. Nadismaya ang lahat lalo na silang mga contestant. Pinaghandaan pa naman ito ni Nadia. Nabawasan pa ang ipon niya para ibili ng gown na suot tapos pagkadating niya ito ang kanyang nadatnan.

Laglag ang balikat na umuwi si Nadia. Wala na silang magawa dahil ayaw naman sagutin ni Mayor ang pa premyo dahil labas na raw siya sa event na'to.

"Hindi ko alam bakit nanalo iyang si Mayor noong eleksyon, e. Hindi naman maganda ang ugali, " wika ng ginang na kasabay ko dito sa loob ng trycicle.

"Hay, ganyan talaga kapag binulag sa pera. Kahit walang maganda na ginawa sa ating munisipalidad si Mayor todo suporta parin, " sabat naman ng katabi nito.

"Kaya walang pagbabago ang nasasakupan niya. Mabuti pa doon sa kabilang bayan. Doon sa nasasakupan ng mga Montefalco. Naku ang ganda na ng Sagada ngayon. Kahit wala sa pulitika ang mga pamilya na iyon matulungin naman sa mga taong naghihikahos sa buhay, " sabat naman ng ginang na nasa tabi ng drayber naka upo.

"Sinabi mo pa. Akala ko nga tatakbo bilang konsehal ang isa sa mga anak niyon. "

Natatanaw na ni Nadia ang gate ng kanyang bahay ngunit wala sa plano nito ang pumara nang marinig ang usapan nila sa pamilyang Montefalco. Kapag pamilya na iyon ang pinag-uusapan, tumataas talaga ang tainga ni Naida.

"Baka lalong maging kaliwa't kanan ang babae iyon. Balita ko ay marami raw iyon girlpren. "

"MANONG, PARA! "

Muntik nang masubsob sa isa't-isa ang mag ale na nag-uusap nang biglang pumara ni Nadia. Nanggigigil ang buong kalamnan niya sa tuwing naririnig niya ang pagiging babaero ng bunsong anak ni Don Emmanuel Montefalco. Ayaw niya kasi sa ganoong lalaki.

Kinabukasan, maaga palang nasa pamilihan na si Nadia. Tuwing sabado siya namimili ng mga paninda para sa kanyang tindahan na palagi namang inuutang.

"Nenita!"

Tawag niya rito nang makita ang babae na kakababa palang ng trycicle. Kapitbahay niya ito na isang katulong sa mansyon ng Montefalco.

"Oy, Nadia. Ikaw pala, " lumapit sa kanya si Nenita na may malaking ngiti sa labi. "Kamusta? Lalo kang gumaganda, a. "

Mahina niya itong tinapik sa balikat. "Nambola ka pa. Ililibre parin kita pero ang kapalit, kwentuhan mo ako tungkol sa loob ng mansyon, ha? "

Humagikhik na umangkla sa kanyang braso si Nenita. "Sige ba " at sabay nilang tinungo ang bakery para doon mag meryenda.

Sa kanyang pagkakaalam, matagal nang nanilbihan si Nenita sa pamilyang Montefalco. Sa murang edad niya namasukan na siya doon dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya. Ngunit hanggang ngayon ay nagtataka siya kung bakit ganoon parin ang kanyang pamilya. Isang kahig, isang tuka parin. Isinawalang bahala niya ang isipin na iyon nang magsimula nang magkwento ang babae. Ito naman ang pakay niya at hindi ang panghimasukan ang pamilya ni Nenita.

Habang kumakain, panay ang kwento ni Nenita tungkol sa loob ng mansyon. Kung gaano ito ka ganda. Kung gaano ito ka laki. Kung paano ang trato ng mga ito sa kanya at sa iba pang katulong.

"Actually, nito lang mga nakaraang buwan nagpadagdag ng kasambahay ang pamilyang iyon."

Ngunit hindi iyon ang gustong marinig ni Nadia. Nang banggitin na ni Nenita ang tatlong anak ni Don Emmanuel, umayos ng upo si Nadia na para bang nakakapanabik ang kanyang susunod na marinig. Lalo na ang pinakamatunog sa lahat na bunsong anak ng Don.

"Naku, Nadia. Subrang babaero ni Sir Enrico. Sa lahat ng magkapatid siya ang pinaka sakit sa ulo ng kanyang ama.

"Bakit? " interesadong tanong ni Nadia.

"Akalain mo, araw-araw paiba-iba ng syota. Kung sabagay, sa gwapo ba naman ni Sir Enrico yung mga babae na mismo ang manligaw sa kanya, " uminom muna siya ng softdrinks bago nagpatuloy sa pagkwento. "Pero kapag silang tatlo nagalit? Naku! Daig pa ang Bulkang Mayon na malapit ng sumabog. Nakakatakot silang magalit, " umakto pa siyang parang natatakot. "Naku Nadia, salamat sa libre ha. Pero kailangan ko ng umalis. Inutusan lang ako na bumili ng sangkap. Baka magtaka sila kung bakit ang tagal kung nakabalik. "

"Walang problema. Sa susunod ulit, " wika ni Nadia at tumayo na rin para sabayan ang dalaga na bumalik sa loob ng pamilihan.

"Tuwing sabado ako pumupunta dito. Ganitong oras din. Kwentuhan ulit kita sa susunod nating pagkikita. "

"Aasahan ko iyan. "

Kumaway sila sa isa't isa bago tinungo ang kanilang dapat na puntahan. Kay Nenita lang siya nakakakuha ng impormasyon tungkol sa loob ng mansyon. Hindi man sila close dalawa ngunit mukhang may rason na si Nadia para mapalapit sa dalaga.

Ang kanyang pamimili ay nasuspende. Narinig niya kasi kanina doon sa bakery na may pa singing contest sa bayan ng Sagada. Isa sa mga lugar na may malaking bahagi ang mga Montefalco. Narinig niya rin na isa sa mga anak ni Don Emmanuel ay may malawak ng lupain doon at mga negosyo.

Nangangati na ang mga paa niya at nais niyang hilain ang oras para gumabi na. Mag iisang buwan narin kasi siyang tambay sa raket sa pagkanta dahil bihira na ngayon ang mga ganoong contest na open sa lahat ng mga mang aawit.

Nagpahinga si Nadia nang maka uwi sa bahay. Kailangan niya iyon nang sa ganon maayos ang kanyang performance mamaya.

Enrico Joaquin Montefalco, ang bunsong anak ni Don Emmanuel Montefalco na isang dakilang playboy sa tatlong magkakapatid. Araw-araw ibang babae ang naging syota niya. Sa madaling salita, 'Girlfriend For Lust' ka lang niya.

Sakit sa ulo ng kanyang ama ang pagiging babaero nito. Walang araw na hindi niya ito pinagsasabihan at pina-aalahanan. Tulad ngayon, talak na naman ng talak ang kanyang ama.

"Enrico, kailan ka ba titigil diyan sa pagiging babaero mo, ha?! Hindi ka ba nababahala na baka ay karmahin ka?" pigil ang galit na wika ng ama nito.

"Dad, please..." paki-usap niya. Halata sa boses na ayaw niya itong pag-usapan.

"Ito ang tandaan mo, Enrico. Huwag kang hihingi sa akin ng tulong balang araw dahil diyan sa pagiging babaero mo.

" Don't worry, dad. " sagot nito at pailing-iling na tumuloy sa kanyang kwarto.

Araw-araw ganoon ang eksina. Aalis siya ng bahay at uuwi ng madaling araw tapos sasalubungin siya ng sermon ng ama. Sanay na siya. Ngunit minsan nakaka-ubos din pala ng pasensya. Pabagsak siyang huminga sa kama.

"Fucked women is my hobbies. But not in a serious relationship."

At ipinikit ang mga mata. May pupuntahan pa siya mamayang gabi. Inimbitahan siya na maging hurado sa isang singing contest sa Sagada na pinanguluhan ng kanyang Kuya Javier. Ayaw niya sanang pumayag dahil, ano naman ang mapapala niya? Ngunit sa kanyang mga kuya, hindi siya makakatanggi.

"Naku naman, Sir! "

Magkasalubong ang kilay na iminulat ni Enrico ang mga mata nang marinig ang matinis na tinig ng kanilang kasambahay na si Nenita. Nakapamewang ito sa tapat ng nakabukas na pinto. Naka postora ang dalaga at mukhang may lakad na pupuntahan.

"Not now, Nenita. I'm still sleepy, " namamaos na wika niya at muling ipinikit ang mga mata.

"Sleepy mo mukha mo! Kanina pa ako tinatawagan ni Sir Javier, nasaan ka na raw! "

Napahilamos na bumangon siya. "Give me twenty minutes--"

Nenita crossed her arms. Galit na tiningnan niya si Enrico. "Five minutes. Kilos na! "

He didn't want to argue Nenita dahil lalo lang siyang matatagalan. Nagmadali siyang maligo. Mabuti nalang at kahit galit si Nenita inihanda parin nito ang damit na susuotin ni Enrico.

"Ang bagal mo! " kunsimisyon na usal ni Nenita nang makalabas ito ng banyo. Hanggang sa pagbihis binantayan siya ng dalaga. "Sa sasakyan mo na ayusin yang sarili mo. Mag wisik ka na lang ng pabango. "

Nang lumabas si Nenita ay sumunod siya kahit wala sa ayos ang damit na suot. Ni hindi pa nga nito naisara ang belt.

"Basa pa ang buhok ko. "

"Fresh air lang katapat niyan, " binuksan ni Nenita ang frontseat ng green Lamborghini ni Enrico. "Iyan ang resulta sa kulang ng tulog kahit alam naman na may pupuntahan. 'Di bale, pogi ka parin naman tingnan. Kulang nga lang sa aruga. "

Nang makapasok si Enrico sa loob ng sasakyan nagtalo silang dalawa. Si Nenita kasi ang nagmaneho. At hindi maka ayos ng sarili si Enrico dahil para itong nasa racing field kung magpatakbo.

"Patay ka sa akin kapag hindi ko naabutan yung crush ko na kumanta, " pagbabanta ni Nenita sa kanya nang mabilis nitong iparada ang sasakyan nang makarating sila sa plasa.

Habol ni Enrico ang kanyang paghinga na sumandal sa car seat. He didn't expect na ganito na ka husay magmaneho si Nenita. Dinaig niya pa ito. He can drive. Pero hindi katulad sa pagmamaneho ni Nenita na para itong nasa racing field, nakipagkarerahan sa kapwa professional racer.

Nabalik siya sa ulirat nang pabagsak na sinara ni Nenita ang pinto ng sasakyan. Maya-maya nagtext ang kanyang Kuya Javier. Tinatanong kung nasaan na siya dahil kanina pa sila nag umpisa.

'Bantayan mo ang mga pamangkin mo. Ako ang pumalit sa posisyon mo rito kasi ang tagal mo. '

Mensahe pa ng kanyang kuya. Bago lumabas, inayos niya muna ang sarili.

Hindi siya nahirapan na hanapin kung saan banda naka upo ang bayaw. Ngunit hindi roon natuon ang atensyon ni Enrico. Kundi doon sa itaas ng intablado nang mahagip ng kanyang mga mata ang babaeng nagpabuhay sa alaga niyang nagtatago sa pagitan ng kanyang mga hita. Nangingislap ang mga mata na nakatitig sa malaking dibdib at makurbang katawan ng dalagang kumakanta.

'Hindi ako papayag na hindi ko siya makuha matapos ang gabi na ito, ' aniya sa kanyang sarili at tinungo ang bayaw na hindi magkamayaw sa tatlong anak na nagkukulitan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status