Share

Chapter 5

Madaling araw na at kailangan ng umuwi sa mansyon ni Enrico. Kakatapos niya lang magparaos ng init ng katawan. Hindi na siya bumaba sa bar upang magpaalam sa kaibigan. Dumiritso ito na lumabas sa building at tinungo kung saan naka park ang kanyang sasakyan at nilisan ang lugar.

Simula noong namatay ang kanyang ina na si Debbie Mae Layson-Montefalco, naging tambayan na ni Enrico ang Thumbayan Resto Bar na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan at kasusyo dito sa tagong lugar sa maliit na bayan ng Malasila.

Isa itong abandonadong building na matatagpuan sa gitna ng malawak na palayan na pagmamay-ari niya. At hindi alam ng kanyang ama na si Don Emmanuel Montefalco na siya ang may-ari ng malawak na lupain na ito.

Ang tanging alam lang ng kanyang ama at dalawa nitong kapatid na lalaki ay puro lang siya lakwatsa, pambabae, pa sarap sa buhay at hindi siniseryoso ang kompanya na pinamana sa kanya dahil inuumaga na ito sa pag-uwi sa kanilang bahay at iba-ibang babae ang nakikita nilang kasama ito.

Humihikab na pumasok siya sa loob ng bahay pagkarating. Dumiretso siya sa kanyang kwarto. Kumuha siya ng alak at tinungga iyon kaagad. Ito ang ginagawa niya sa tuwing uuwi siya. Kailangan niya ito nang sa ganon makatulog siya kaagad na hindi naiisip ang kanyang namayapang ina.

Hapon na ng magising siya. Sa hagdan palang ay naririnig na niya ang boses ng ama, hinahanap siya. Hinanda na ni Enrico ang kanyang taing para sa sermon ng ama. Ganito naman palagi kapag hindi siya sumisipot sa meeting sa DZM Corp.

"Kailan mo ba seseryosohin ang kompanya, Enrico? " mahina ngunit nakakasindak na wika ni Don Emmanuel.

Nilagpasan niya ang ama at dumiretso sa kusina. Kapag ganito ang ama nawawalan siya ng gana na kumain. Kumuha siya ng apple at iyon ang pinapak habang binubungangaan siya ng ama.

"Matanda ka na. Iyong mga kuya mo sa ganyan nilang edad kahit sakit sa ulo may direksyon ang buhay. Kailan ka ba magtitino? Kapag namatay na ako?! "

Kaswal na hinarap niya ang ama. "Matagal mamatay ang masamang damo, dad. Kaya chill lang. "

"Hindi ako nagbibiro, Enrico. Una at higit sa lahat, magtino ka. Iyon lang ang hinihiling ko. At pagtuunan mo rin ng pansin ang negosyo na iniwan ko para sayo. Matanda na ako. Kung sana narito pa ang mama mo, hahayaan kita sa nais mo sa buhay. Pero wala na siya. At hindi ako makampante na mawala ako dito sa mundo na miserable pa ang buhay ng anak ko. "

Napalunok na napako siya sa kinatayuan nang talikuran siya ng ama.

'Sana nga narito pa si mama. Kasi sa aming tatlo ako ang mahina. Mahina sa lahat kaya hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang pagkawala ni mama,' may hinanakit na wika ni Enrico sa isipan at nilisan ang bahay.

Sa Thumbayan siya dumiretso. Kaagad niyang nilagok ang alak na kakalapag palang ng kaibigan. Kanina pa siya umiinom at walang imik. Ni hindi nga siya kumain bago uminom. Malalim ang kanyang iniisip at halatang may problema. Saulo na siya ng kaibigan kaya tinabihan niya ito at kinausap.

“Nagtalo na naman ba kayo ng dad mo?”

Malakas na napabuntonghininga si Enrico. “Palagi naman kapag kompanya na ang pinag-usapan.”

“Matanda na ang dad mo. At sa tingin ko tama siya. Matagal na panahon na ang binigay niya sayo para sa sarili mo,” tinapik niya ang balikat ng kaibigan. “Sapat na ang panahon na iyon para tanggapin mo ng buo ang bagay na matagal na niyang ipinagkatiwala sayo. Hindi naman niya iyon ibibigay sayo kung hindi niya nakikita na kaya mong hawakan iyon.”

Wala siyang tiwala sa kanyang sarili. Iyon ang tunay na dahilan kung bakit hindi niya pinagtuunan ng pansin ang kompaya na pamana sa kanya ng ama. Ayaw niyang biguin ang ama. Ayaw niyang bigyan ito ng sakit sa ulo kapag siya na ang magpapatakbo ng kompayang pinaghirapan ng kanyang mga magulang.

Kagaya ng kanyang mga kapatid, na napalago ng maayos ang mga ari-arian na pinamana sa kanila. Gusto niya ganoon din siya. Gusto niyang may maipatunayan siya sa ama at hindi puro pambabae lang at pasarap sa buhay ang nakikita nila sa kanya.

Hindi siya nakasagot sa kaibigan. Tumahimik ulit ito at nagpatuloy sa pag inom. Wala siyang mood para makipaglandian ngayon. Masakit ang ulo niya. Humihilab pa ang sikmura. Doon niya lang naalala na wala pala siyang kain ngayong araw.

Naisipan niyang umuwi at doon nalang kumain sa bahay. Pakiramdam niya pagod na pagod ang buong katawan niya. Gusto niyang magpahinga at matulog na walang iniisip.

"Mahal na prinsipe narito na po ang inyong pagkain, " sarkastikong wika ni Nenita ng makapasok sa kwarto ni Enrico. Bubwisitin niya sana ang batang amo ngunit nang makita ang hitsura nitong seryoso ay pinili nalang ni Nenita na lumabas.

Tahimik na kinain ni Enrico ang hinandang pagkain ni Nenita. At pagkatapos ay natulog rin.

Malalim na ang gabi. Mahimbing ng natutulog si Enrico at Don Emmanuel nang bulabugin sila ni Nenita sa isang balita.

“Sir Enrico! Don Emmanuel!” humahangos at taranta na tawag ni Nenita nang makabalik ito sa loob ng bahay pagkatapos buksan kung sino ang nag door bell sa labas ng mansyon.

“Sir Enrico! Don Emamanuel!” tawag niya ulit sa mag-ama.

Nang makita ito sa dulo ng itaas ng hagdan, napahawak ito sa kanyang dibdib. “May.. may sanggol ho na iniwan sa tapat ng gate.”

Dali-daling bumaba ang mag-ama upang tingnan ang sanggol na sinasabi ni Nenita. Seryoso at walang emik ang Don, habang si Enrico nawala ang pagod at antok at hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan habang nagmamadali sa paglakad palabas.

Samantala, sa kabilang bahagi ng kalsada sa madilim na parte, sumilay ang ngiti sa labi ng matandang babae na nagtatago sa likod ng poste ng kuryente. Nakatanaw sa mag-amang Montefalco na nakadungaw sa sanggol na ngayon ay umiiyak na.

Kinuha ni Nenita ang sanggol mula sa loob ng basket na pinaglagyan nito ngunit lalong lumakas ang kanyang iyak.

“Nakita mo ba kung sino ang nag-iwan ng sanggol na ito?” tanong ni Enrico kay Nenita.

Umiling ang dalaga “Hindi ho, sir. Paglabas ko, ito kaagad ang nadatnan ko.”

“Dalhin na sa loob ang sanggol, mahamog,” kalmado ngunit ma awtoridad na sambit ni Don Emmanuel.

Dinampot ni Enrico ang basket na pinaglagyan ng sanggol at sumunod itong pumasok ulit sa loob ng mansyon.

Lumapad ang ngisi ng matandang babae. “Sa lahat ng ginawa mo sa mga babaeng dumaan sa buhay mo, kulang pa ang parusang iyan na matanggap mo Enrico Joaquin Montefalco. Tanggapin mo ang iyong karma sa pagiging babaero mo!”

Matalim ang tingin at nakangisi na sambit ng babae at lumabas sa kanyang pinagtataguan.

Nagkagulo ang mga tao sa loob ng mansyon. Pati sina Javier at Ethan ay napapunta sa wala sa oras. Nakapantulog na ang mga ito. Lahat sila ay nakatingin sa sanggol na karga ni Nenita.

"Anak mo? "

Kunot noo na nilingon ni Ethan si Javier sa tanong nito sa kanya. "Kahit ilang taon ako naging tigang, never akong tumikim sa ibang babae. Baka sayo, " balik na sabi ni Ethan dito.

Napamulsa na umiling si Javier. "Wala na sana akong kaligayahan ngayon kung sa akin iyan. Mahal ko ang asawa ko. Siya lang sapat na. "

Sabay silang dalawa na tiningnan si Enrico. Malalim ang kanyang iniisip na nakatitig sa sanggol ngunit hindi nila mabasa kung ano ang iniisip nito.

"Ah, sir. May sulat o, " sabi ni Nenita sabay turo doon sa basket na pinaglagyan ng sanggol.

Kinuha iyon ni Ethan. Tumabi naman sa kanya si Javier upang makibasa.

'Hindi ko kayang buhayin ang anak natin. Kaya ko siya iniwan sayo dahil alam ko kaya mo siyang buhayin at alagaan. --Enrico

"Ikaw ang ama! " sabay na bigkas ni Ethan at Javier.

"Sino ang na buntis mo? " dugtong na tanong ni Javier.

"Oh, man. Nagkalat ka ng lahi natin? " wika naman ni Ethan.

"I.. I don't know, " nauutal na sagot ni Enrico sa pagkabigla na isa na siyang ama. Na may nabuntis siya. "Hindi ko alam na may nabuntis ako. "

"Paano mo malaman kung kaliwa't kanan ang babae mo gabi-gabi?" parang kulog ang boses na usal ni Don Emmanuel. "Ayan! Iyang batang iyan ang resulta sa mga pinaggagawa mo. Nakabuntis ka ng hindi mo alam! May binuntis ka na hindi mo pinagutan dahil hindi mo alam kung sino doon sa kanila! "

Tahimik ang tatlong kapatid, takot sa ama na ngayon ay galit na.

"Ano ang plano mo ngayon sa batang iyan? " dugtong na tanong ni Donn Emmanuel kay Enrico.

"Kung anak ko nga ito...I will take full responsibility for this child, " mahinang sagot ni Enrico.

Mahina siyang tinapik sa balikat ng dalawang nakakatanda na kapatid. Sa paraan na iyon nila pinarating na proud sila sa desisyon na ginawa ni Enrico tungkol sa bata.

Humahangos na napahawak sa dibdib si Nadia nang makarating sa kanyang bahay. Tinanggal niya ang suot na wig, at hinubad ang damit na pang matanda. Success ang kanyang plano na ginawa. Na iwan ang kanyang pamangkin sa bahay ng mga Montefalco at ipaako iyon kay Enrico.

Nagdadalawang isip pa siya kanina kung itutuloy ang plano. Ilang oras din siyang naka abang doon at tinatantiya ang pagkakataon. Ngunit naisip niya, tama lang rin ang kanyang ginawa. Para narin maparusahan ang isang babaerong si Enrico.

Maghihintay nalang siya sa balita galing kay Nenita kapag nagkita sila ulit kung ano ang kalagayan ng kanyang pamangkin sa bago niyang pamilya.

Sa ngayon, deserve niya ang pahinga sa isang linggo na puyat at pagod siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status