Share

Chapter 6

Tatlong araw na ang lumipas. Tatlong araw narin na nag aabang si Nadia sa bayan kay Nenita para makibalita sa pamangkin nito. Hindi siya mapakali. Kahit nasisiguro niyang maging maayos ang pamangkin niya roon hindi parin siya kampante hanggat hindi niya malalaman ang sitwasyon ng pamangkin.

Hindi pumunta ng bayan si Nenita noong sabado. Noong linggo bumalik si Nadia doon pero buong araw siyang naka abang walang Nenita na dumating. Laglag ang kanyang balikat na umuwi, dahil kagaya kahapon, nag abang lang siya sa wala.

.....Mansion....

Hindi alam ng mga kasambahay paano patahanin ang sanggol. Kanina pa ito umiiyak. Salitan ang mga kasambahay sa paghele pero ayaw parin matigil sa pag iyak ang bata.

Stress na si Enrico. Wala siyang alam dito kaya hindi niya rin alam kung ano ang gagawin. Kung paano patahimikin ang bata, kung paano ito patulugin. Dahil hindi naman niya ito naranasan sa mga pamangkin.

Umuwi na ang mga kuya niya kaya wala siyang mapagtanungan. Tulog na rin panigurado ang kanyang ama ngayon kaya wala siyang magawa kundi hintayin nalang na mapagod ang bata sa kakaiyak.

"Baka nagugutom, sir." Inaantok na wika ni Nenita.

"Timplahan mo ng gatas. May gatas naman tayo diyan, diba? Para makatulog na ito, " sagot ni Enrico na napahimas sa kanyang batok sa kaantukan.

"Ay, wow! Anong akala mo sa anak mo, adult? Painumin mo ng bearbrand?! "

"Ano ba dapat? "

"Ayan, magaling ka lang sa kama pero pagdating sa pag alaga ng sanggol nganga ka! " singhal sa kanya ni Nenita. "Bilhan mo ng gatas pang sanggol. Pati narin feeding bottle nang makakain na itong anak mo. Pagod na ako at inaantok. "

Napahilamos ng mukha si Enrico. "Wala ng bukas na tindahan at botika. Hating-gabi na. "

"Pagmamay-ari ng kuya mo ang buong mall. Baka doon pwede kang maka puslit ng pagkain sa anak mo, " nagagalit na wika ni Nenita.

Para matahimik ang bata at ng makakain, mabilis na umalis si Enrico at nagtungo sa bahay ng Kuya Ethan niya. Pumupungas si Ethan na pinagbuksan ang kapatid.

"I need a milk to my son... "

Saglit na natigilan si Ethan at bahagyang nangunot ang noo. "O, bakit sa akin ka nagsabi. Wala akong gatas, " inaantok na sagot ni Ethan dito.

Napahaplos sa batok si Enrico. "What I mean, my son needs a milk. Hating-gabi na wala akong ma bilhan ngayon dito sa malapit."

"Tapos sa akin ka lalapit. Mukha ba akong nagbebenta ng gatas? "

"Kuya... " frustrated na wika ni Enrico. "Can we open the mall?"

Malalim na napabuntonghininga si Ethan. Naawa siya sa kapatid. Parang malaglag na ang mga mata nito sa antok at makikita ang pagod sa kanyang mukha ngunit kailangan niya parin gumawa ng paraan para makakain ang anak.

"Come inside, " aniya at naunang naglakad. Buntong hininga na sumunod sa kanya si Enrico. "Mabuti nalang at nakapag-prepared na kami ni Liel ng mga gamit for our baby. "

Kumuha siya ng tatlong feeding bottle at dalawang lata ng gatas.

"Make sure na malinis itong feeding bottle at na sterilised bago mo ibigay sa anak mo, " matulin na nakikinig si Enrico sa sinasabi ng kuya niya. "Make sure din na tama ang label ng pagtimpla mo. Ito, milk bottle warmer yan. Pagkatapos mong itimpla ilagay mo dito sa bottle warmer bago ipadede kay baby. Pwede ding direkta mong ipadede sa kanya. Naintindihan mo ba? "

Marahan na tumango si Enrico. "Yeah, I get it. "

"Good. Ito na lahat. Tawagan mo ako kung may kailangan ka. Umuwi ka na para makakain na ang anak mo. "

Tumango siya sabay ngiti sa kuya. "Thank you, kuya. "

Isang tapik sa balikat ang isinagot sa kanya ni Ethan.

Nang makarating sa mansyon ginawa niya kaagad ang mga sinabi ni Ethan sa kanya. Ang mga kasambahay salitan sa pagkarga sa sanggol dahil umiiyak ito kapag ilalapag.

Nang matapos si Enrico, kinuha niya ang anak at siya na ang nagpadede nito. Napangiti siya nang dakmain ito kaagad ng bata at hindi tinigilan hanggat hindi naubos. Gutom nga ito kaya ito walang tigil sa pag iyak.

"Ako na ang bahala dito, " wika ni Enrico sa mga kasambahay.

Nakahinga sila ng maluwag sa sinabi ni Enrico at sabay na lumabas sa silid.

Dahil sa mga pamangkin, alam na ni Enrico kung ano ang gagawin sa pagpadede. Hindi man lahat pero hindi na bago sa kanya ang magpatulog ng sanggol sa kanyang bisig.

Pasandal siyang humiga sa kama. Nasa bisig niya parin ang dumedede na bata na ngayon nakapikit na ang mata. Hinintay ni Enrico na maubos nito ang gatas bago natulog. Mabuti nalang at hindi na umiyak ang sanggol at mahimbing na itong natutulog sa kanyang bisig.

Muntik ng mabitawan ni Enrico ang sanggol pagkagising niya. Nagulat pa siya ng makitang may sanggol sa kanyang bisig. Dahan-dahan niyang inihiga ng maayos ang bata saka tumayo. Nag inat siya ng katawan. Nanakit ang buong katawan niya sa posisyon ng pagtulog niya. Nagtungo siya sa banyo at nagmadaling maligo.

"I can't believe I am a father now. I thought it was a dream... But no. This is true. And I don't know what to do, " mahinang usal niya sa sarili habang nakatitig sa sanggol na mahimbing parin na natutulog. "Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pero nandito na ako sa sitwasyon na ito. Kahit gago at walang direksyon sa buhay ang tingin nila sa akin, hindi ko tatakasan itong responsibilidad ko. I will raise him. "

Pero nahihirapan siyang mag adjust sa nakasanayang buhay. Unang araw palang gusto na niyang sumuko. Ayaw kasi magpalapag ng bata. Gusto nito parati lang siyang nakakarga. Kapag ibang tao ang kumakarga sa kanya iiyak ito at ayaw matigil. Ang ending, si Enrico ang buong maghapon na nakakarga sa kanya. Nakapagpahinga lang siya kapag iihi at kakain siya. At kapag dumede ang bata.

"Sa palagay ko, hinahanap nito ang init ng katawan ng kanyang Ina, " wika ni Liel habang pinapadede ang sanggol.

"Saan ko naman hahanapin ang nanay niyan, " buntong hininga na sagot ni Enrico.

Nagsikuhan si Ethan at Javier. Tutuksuhin sana ang kapatid ngunit nang makita ang matalim na tingin ni Janice kaagad umamo ang kanilang mga mukha na tumahimik sa isang tabi.

Ikatlong araw na mula nang dumating ang sanggol sa kanilang bahay. Kahit maselan ang pagbubuntis ni Liel dumadalaw sila sa mansyon. Ganoon rin sina Ethan at Janice. Ginagabayan rin nila si Enrico sa pag alaga ng bata.

"I need to hire a nanny," wika ni Enrico.

"Why? " sabay na tanong ng dalawa niyang kuya.

"So I could work," dumikwatro siya at sumandal sa couch. "Dahil isa akong single dad at kailangan kong magtrabaho para sa anak ko. "

Sa kanilang likuran, nakangiti na nakatanaw si Don Emmanuel sa kanila. Dahil unti-unti nakikita niya ang pagbabago sa bunsong anak simula ng dumating sa kanilang bahay ang anak nito.

Naiiyak si Nadia sa tuwa ng makita si Nenita. Sabado ngayon at palagay niya ay mamalengke ang dalaga. May dala itong bayong ngunit hindi siya nag iisa. May kasama itong matanda at tantiya niya ay nasa singkwenta ang edad nito.

Kumaway sa kanya ang dalaga ng makita siya. "Susunod ako, Nanay Sonya. May kakausapin lang ako," aniya sa matanda at patakbo na lumapit sa kanya ang dalaga.

"Kamusta, Nenita? "

Nais na niyang itanong kung kamusta ang kanyang pamangkin, kaya lang ay baka magtaka si Nenita kung bakit alam nito na may batang iniwan sa mansyon ng mga Montefalco.

Mabigat ang buntong hininga na pinakawalan ni Nenita. "May big revelation ako, ganda. " uminom muna ito ng softdrinks bago muling nagsalita. "Alam mo ba na may nag iwan ng sanggol sa mansyon. At si Sir Enrico ang tinuturo na ama ng bata. "

"Talaga? " kunyari na nagulat si Nadia sa narinig.

"Oo. Galit na galit nga si Don Emmanuel sa kanya. Mabuti nalang at tinanggap ni Sir Enrico ang sanggol humupa ang galit ni Don Emmanuel. "

Nakahinga ng maluwag si Nadia sa narinig. 'Salamat naman kung ganon. ' wika niya sa isipan.

"Kaya hindi ako nakapunta dito noong nakaraan kasi salitan kaming lahat sa pag alaga ng bata. Iyakin at ayaw magpalapag. Pero nakakatuwa dahil ng dumating iyong sanggol hindi na lumalabas ng bahay si Sir Enrico at umagahin sa pag uwi."

Isa rin iyon sa plano ni Nadia. Nang matauhan si Enrico at mabigyan ng leksyon sa lahat ng panloloko at paglaro niya sa mga kababaihan.

"Naghahanap nga iyon ng yaya para sa anak niya. "

Napantig ang tainga ni Nadia. "May nahanap na ba sila? Pwede ba ako mag apply? "

"S-Sigurado ka? Kasi sayang ang ganda at talento mo kung maging yaya ka lang. "

"Oo naman. Wala naman masama maging yaya. "

Pagkakataon na ang nagkusa na mapalapit siyang muli sa pamangkin. Kahit nasa ibang poder na ito nais niya paring tuparin ang pangako niya na ito ay alagaan at mahalin.

"Sige, sasabihan ko si sir. Bukas pa yata siya magsimula na tatanggap ng interview-hin. Puntahan nalang kita sa bahay niyo kung ano ang maging desisyon ni sir."

"Salamat Nenita. "

Kung papalarin na sumang-ayon si Enrico, ito ang unang beses na makapasok si Nadia sa loob ng mansyon. Masilayan na niya ito at muling makita ang kanyang pamangkin.

Sana nga ay matanggap siya. Dahil hindi siya kontento na hanggang sa balita lang ni Nenita niya marinig ang kalagayan ng pamangkin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status