Epilogue na next.
Wala pa man si Nadia pero naging emosyonal na si Enrico at hindi mapakali habang nakatayo ito sa harap ng altar. Ikakasal na sila ng babaeng mahal niya. Sa babaeng ipinagpasalamat niya na dumating sa kanyang buhay. Hindi lang siya ang masaya at emosyonal ngayong araw, kundi pati ng mga tanong narito sa loob ng simbahan. Mga tao na naging saksi sa kanilang masakit na pagmamahalan. "Kahit kailan talaga ang iyakin mo, " pagbibiro ni Javier kay Enrico nang makita nito na nagpupunas ng luha sa pisngi ngunit pati siya ay emosyonal rin na nakatanaw sa nakasaradong pinto ng simbahan. "Kung narito lang si mommy, malamang humagulgol na iyan sa bisig ni mommy, " segunda ni Ethan na nagpupunas rin ng kanyang luha. They were both emotional. Saksi kase sila kung paano magmahal ang kanilang bunsong kapatid. Kung paano ito nasaktan at nabigo. Nasaksihan rin nila kung paano niya suyuin si Nadia. Ang ipakita sa babae na karapat-dapat siya. Hindi siya sumuko kahit alam nilang magkapatid na pagod na
Simula. “Pogi, pa serve nga ng alak. Iyong mamahalin at malakas ang tama,” saad ng babae nang maka-upo ito sa high chair sa harap ng bar counter. “Iba ang sini-serve ko, miss beautiful.” Matamis ang ngiti at may ibang kahulugan na sagot ni Enrico sa babae na halos lumuwa na ang dibdib sa suot nitong black tube dress. Napa ungol ng mahina ang babae na para bang na tumbok ng lalaki ang nais niya. “I like that one. Pwede bang matikman?” Mapang-akit na sagot nito at nginudngod pa ang dibdib upang lalo pa itong lumuwa sa damit niya.Enrico bite his lower lips with an amusement smile. Maganda ang babae. Sexy at maganda ang kurba ng katawan. Malaki ang hinaharap at mukhang iisa sila ng gustong mangyari sa gabing ito. Nang makita ng babae ang paglaki ng umbok ng kanyang hinaharap, mapang-akit niyang inilagay ang kanyang hintuturo sa labi at dinilaan iyon habang nakatitig sa binata. He is turned on already sa pang-aakit na ginawa ng babae, kaya nang makita nito ang kaibigan na paparatin
Kumakanta si Nadia habang nag-aayos ng paninda sa kanyang maliit na sari-sari store. May sasalihan siyang amateur singing contest mamayang gabi sa kabilang bayan. Bukod sa isa siyang raketera, business minded din siya at ang kanyang maliit na sari-sari store ang bunga ng kanyang pagiging raketera."Magandang umaga, Nadia. Pwede pa utang?" Malaki ang ngiti na bungad sa kanya ng ni Aling Linda."Naku ho, Ante Linda. Ang haba na ng listahan mo dito. Kung dadagdagan ko pa, aba baka umabot na ito sa munisipyo. "Napakamot sa ulo ang matanda. Dumungaw ito sa maliit ng butas at humalumbaba. " Magbigay ako ng paunang bayad sa linggo pagkauwi ni Pablito. Isang kilo na bigas lang. Wala ng makain mga anak ko. "Inirapan niya ang matanda. "Puro kasi kayo anak hindi niyo naman kayang pakainin. Hindi pa nga nag isang taon iyong bunso mo, buntis ka na naman. Pahingahin mo naman matres mo, te. Naku, malugi tindahan ko sayo, " sermon niya sa matanda. " Ayan, dalawang kilo yan. Libre ko na."Malaki ang
She is wearing a off shoulder red long fitted dress. Kaya hulmado ang kanyang magandang hubog na katawan. Nadia sing with all her heart. Sa kompetisyong ito hindi niya hinangad na siya ang magwagi. Magaling siya, may ibubuga siya pagdating sa pagkanta. Ngunit alam niya sa sarili na may mas magaling pa sa kanya ngayong gabi. Kahit sanay na siyang kumanta sa harap ng maraming tao, hindi niya napigilan na siya ay kabahan nang nasa intablado na siya. Narinig niya kasi kanina na isa sa mga Montefalco ang hurado ngayong gabi. Sa kwento at sabi-sabi niya lang nakilala ang magkapatid na iyon. At ni minsan ay hindi niya pa ito nakita. Para sa kanya, suntok sa buwan ang makita ang tatlong magkakapatid. Pero ngayong gabi, isa sa mga ito ay kanya nang nakita, nakaharap, at isa rin sa mga taong narito na inalalayan niya ng kanyang awitin. Nagpalakpakan ang mga tao matapos siyang kumanta. Pati ang mga hurado ay bumilib sa galing niya. Nangangantog ang tuhod na bumaba siya ng intablado. Wala siya
Hindi napigilan ni Nadia na ipagkumpara ang dalawang magkapatid na Montefalco. Habang sakay sa tricycle at hanggang makarating siya sa bahay iyon ang iniisip niya. Parehong gwapo ang magkapatid. Maganda ang pangangatawan. Tipikal na magugustuhan ng kababaihan. Ngunit kanina habang nakatitig siya sa mukha ni Enrico, napasabi siyang mas angat si Enrico sa kanyang kuya sa panlabas nitong anyo. Gwapo, matangos ang ilong, mga matang nakaka-akit, matangkad at makisig ang katawan. Ang lakas ng karisma. Iyong tipo na mapapatulala ka kapag nasa harapan mo siya. Lalo ka kapag ito ay ngumiti, mapapanganga ka. Sino bang babae ang hindi papatol dito? Halos lahat sa kanya na. Well, maliban kay Nadia na walang interes dito. "Gwapo nga babaero din naman. Wala rin. Hindi rin papasa sa standards ko, " himutok ni Nadia sa isipan. "Tsk. Sino ba ako para pag interesan niya? Yung puri ko kamo baka oo. "Sa isiping isa siyang babaero, ekis na kaagad siya sa isipan ni Nadia. Nadia hates a womanizer. Dahil
Apat na araw na ang lumipas mula ng mailibing si Selvia. Masakit para kay Nadia ang nangyari dahil ang kaisa-isa niyang pamilya ay bigla nalang nawala sa isang iglap. Sa pangyayari na ito si Peter ang kanyang sinisisi. Kasi kung inalagaan niya at tunay na minahal ang Ate Selvia niya sana ay buhay pa ito ngayon. Kung sana hindi niya ito niloko at pinangakuan wala sanang sanggol na isinilang na isang ulila. Pagod ang katawan na sumalampak si Nadia sa kama. Sa dalawang oras na pagsasayaw karga ang pamangkin sa wakas nakatulog rin ito. Ganito ang sitwasyon ni Nadia tuwing gabi. Pakiramdam niya losyang na siya apat na araw makaraan sa pag alaga ng pamangkin. Gusto na niyang sumuko. Wala naman siyang alam tungkol sa pag aalaga ng bata. Nangako siya sa kanyang ate ngunit hindi niya inaasahan na kargo niya pala ang lahat ng responsibilidad sa pamangkin. Kakapikit palang ng mata niya ng bigla na naman umiyak ang bata. Mangiyak-ngiyak na bumangon si Nadia para kunin ang umaatungal na bata.
Madaling araw na at kailangan ng umuwi sa mansyon ni Enrico. Kakatapos niya lang magparaos ng init ng katawan. Hindi na siya bumaba sa bar upang magpaalam sa kaibigan. Dumiritso ito na lumabas sa building at tinungo kung saan naka park ang kanyang sasakyan at nilisan ang lugar. Simula noong namatay ang kanyang ina na si Debbie Mae Layson-Montefalco, naging tambayan na ni Enrico ang Thumbayan Resto Bar na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan at kasusyo dito sa tagong lugar sa maliit na bayan ng Malasila. Isa itong abandonadong building na matatagpuan sa gitna ng malawak na palayan na pagmamay-ari niya. At hindi alam ng kanyang ama na si Don Emmanuel Montefalco na siya ang may-ari ng malawak na lupain na ito. Ang tanging alam lang ng kanyang ama at dalawa nitong kapatid na lalaki ay puro lang siya lakwatsa, pambabae, pa sarap sa buhay at hindi siniseryoso ang kompanya na pinamana sa kanya dahil inuumaga na ito sa pag-uwi sa kanilang bahay at iba-ibang babae ang nakikita nilang kasama ito.
Tatlong araw na ang lumipas. Tatlong araw narin na nag aabang si Nadia sa bayan kay Nenita para makibalita sa pamangkin nito. Hindi siya mapakali. Kahit nasisiguro niyang maging maayos ang pamangkin niya roon hindi parin siya kampante hanggat hindi niya malalaman ang sitwasyon ng pamangkin. Hindi pumunta ng bayan si Nenita noong sabado. Noong linggo bumalik si Nadia doon pero buong araw siyang naka abang walang Nenita na dumating. Laglag ang kanyang balikat na umuwi, dahil kagaya kahapon, nag abang lang siya sa wala. .....Mansion.... Hindi alam ng mga kasambahay paano patahanin ang sanggol. Kanina pa ito umiiyak. Salitan ang mga kasambahay sa paghele pero ayaw parin matigil sa pag iyak ang bata. Stress na si Enrico. Wala siyang alam dito kaya hindi niya rin alam kung ano ang gagawin. Kung paano patahimikin ang bata, kung paano ito patulugin. Dahil hindi naman niya ito naranasan sa mga pamangkin. Umuwi na ang mga kuya niya kaya wala siyang mapagtanungan. Tulog na rin panigurado ang