Hindi napigilan ni Nadia na ipagkumpara ang dalawang magkapatid na Montefalco. Habang sakay sa tricycle at hanggang makarating siya sa bahay iyon ang iniisip niya.
Parehong gwapo ang magkapatid. Maganda ang pangangatawan. Tipikal na magugustuhan ng kababaihan. Ngunit kanina habang nakatitig siya sa mukha ni Enrico, napasabi siyang mas angat si Enrico sa kanyang kuya sa panlabas nitong anyo. Gwapo, matangos ang ilong, mga matang nakaka-akit, matangkad at makisig ang katawan.Ang lakas ng karisma. Iyong tipo na mapapatulala ka kapag nasa harapan mo siya. Lalo ka kapag ito ay ngumiti, mapapanganga ka. Sino bang babae ang hindi papatol dito? Halos lahat sa kanya na. Well, maliban kay Nadia na walang interes dito."Gwapo nga babaero din naman. Wala rin. Hindi rin papasa sa standards ko, " himutok ni Nadia sa isipan. "Tsk. Sino ba ako para pag interesan niya? Yung puri ko kamo baka oo. "Sa isiping isa siyang babaero, ekis na kaagad siya sa isipan ni Nadia. Nadia hates a womanizer. Dahil bumabalik sa kanyang isipan na iyon ang dahilan kung bakit lumaki siyang walang kinikilalang tatay.Niloko ng tatay niya ang kanyang ina. Ang sabi ng kanyang ina sila ay pangalawang pamilya ng kanyang ama. Sa madaling salita, isang kabit ang nanay niya dahil sa pangangaliwa na ginawa ng kanyang tatay sa legal nitong asawa.Sinusumpa niya ang ganoong klase ng tao. Kaya ganoon nalang ang galit at inis niya sa katauhan ni Enrico.Pagod si Nadia ng makarating sa kanyang bahay. Inilapag niya altar ang bouquet at ang trophy na bunga ng kanyang pagkapanalo ngayong gabi. Malungkot siyang ngumiti habang hinahaplos iyon. Ilang trophy na ang naiuwi niya. Ilang panalo na ang naipalo niya pero ni isang beses walang sumalubong sa kanya upang batiin ito at kung gaano ito ka proud sa galing niya.Labing siyam na taong gulang siya nang namatay ang kanyang ina. May isa siyang kapatid na babae ngunit lumuwas ito ng Maynila at sumama sa boyfriend nito pagkatapos ng libing ng kanilang ina. Sa loob ng labing siyam na magkasama silang tatlo, bigla ay mag-isa nalang siya.Anim na taon na siyang mag-isa sa bahay na ito. Hindi narin umuwi pang muli ang kanyang ate. Sa telepono lang sila nag uusap at nagkakamustahan. Miss na miss na niya ito. Miss na miss na niya ang kanyang ina. Mahirap man ang kanyang pinagdaan lumalaban parin siya dahil mayroon siyang pangarap. Pangarap na makaluwas ng Maynila. Pangarap na maging isang sikat na mag aawit. At ang pangarap na makasama niyang muli ang kanyang Ate Selvia."Ang lahat ng ito ay alay ko sa inyo, mama, ate. Sana kasama ko pa kayo, " garalgal ang boses na usal niya nang sumibol ang kirot at lungkot sa kanyang puso. "Ang hirap mamuhay na mag isa. Kahit hanapin ko si papa, wala paring kasiguraduhan na maging parte ako ng pamilya niya. Ayoko bigyan ang sarili ko ng pag-asa na makita at makilala ko siya. Dahil baka sa huli ang patutunguhan ko rin ay ang maging mag isa sa buhay. "Ang kanyang Ate Selvia lang ang nakakita sa kanilang ama. Hindi pa siya nag isang taong gulang ay bumalik na sa Spain ang kanilang ama at hindi na bumalik. Nagpapadala lang ito ng sulat at pera para sa sustento nila ngunit kalaunan at tumigil rin at hindi na nagparamdam.Hanggang sa lumaki na sila. Wala silang balita rito. Nang nasa saktong edad na silang magkapatid doon inamin ng kanilang ina na may pamilya ang ama nila sa Spain. Kabit ang kanyang ina. At sila ang bunga ng kasalanan ng kanilang ama.Doon nagsimula ang galit ni Nadia sa ama. Sa mga lalaking laruan at parausan ang tingin sa mga babae. Na pagkatapos pakinabangan ay itatapon nalang, iiwan at ituring na isang basura.She promised to herself na hanggang kamatayan ay hindi niya babalakin na hanapin ang kanyang ama. Na ituring na niya itong patay na katulad ng kanyang ina."Kahit wala ka na, ma. Alam ko proud ka sa akin. Masaya ka dahil matapang at malakas ako. Pinalaki niyo ako ng maayos at madiskarte at subrang nagpapasalamat ako doon. Kaunting ipon pa masusundan ko rin si ate sa Maynila. "She doesn't want to ruin the night. Dapat ay masaya siya. Dapat niyang i-celebrate ang pagkapanalo niya kanina. Pero naisip niya."Bukas nalang at gabi na. Kailangan ko ng beauty rest dahil magpapautang ako sa tindahan ko bukas. " aniya at naglinis ng katawan para siya ay makapagpahinga na.Isang linggo na ang nakalipas simula noong nakita ni Enrico si Nadia sa Sagada. Isang linggo narin siyang balisa. Hindi niya maintindihan ang sarili. Kahit kaliwa't kanan ang kanyang babae araw-araw, gabi-gabi hindi parin siya satisfied.May hinahanap ang katawan niya. Or he must say, may hinahanap na ibang putahe ang alaga niya.Isang linggo niya rin kinukulit si Nenita tungkol sa babae. Pero napupunta lang sila sa bangayan kaya hindi na niya ito kinulit pa.Hinanap niya rin sa social media ang babae. Ngunit kahit dummy account ay wala siyang nakita."Siguro, kailangan kong ikutin ang Malasila para mahanap siya. Oh no! I won't do that. Hindi ako ang nanghahabol sa babae. Babae ang lumalapit sa akin kaya chillax man. "Kausap niya ang sarili. Kakatapos niya lang makainig ang babaeng paika-ika na naglalakad palayo sa kanyang sasakyan pero tayong tayo parin ang kanyang sandata na handa na namang lumaban."Hey, m--" natigil siya sa kanyang sasabihin nang makilala ang babae na lumapit sa kanyang kotse. It was Nenita. Magkasalubong ang kilay ng babae at lukot ang mukha."A-anong ginagawa mo rito? " tanong niya at tuluyang binuksan ang bintana."Ikaw, anong ginagawa mo rito? " balik tanong sa kanya ni Nenita. Hindi naman tunog galit o anu paman pero sa klase ng kanyang titig ay alam ni Enrico na hindi maganda ang timpla ng babae."Hop in. Pauwi na ako. ""Ayoko. Kadiri ka. Pasakayin mo ako d'yan e, d'yan kayo nag ano ng mga babae mo, " naka crossed arm na wika ni Nenita. Tumaas ang kanyang kilay nang makitang biglang napatanga si Enrico. "Sa kotse pa talaga na ibibigay mo sakin? Hmmp. ""Hey! "Ngunit tumalikod na si Nenita at nagmartsa paalis. Naka parking ang kanyang sasakyan hindi kalayuan sa bar na pinasukan ni Nenita. Linggo ngayon kaya gumimik ang dalaga kasama si Nemfa at iba nilang kaibigan. Napailing nalang si Enrico nang lingunin siya ni Nenita at pinakyuhan."I need to buy a new car for her, " nakangising wika niya at magmaneho pauwi.He's tired and sleepy. He need a rest. Ngunit pagka uwi niya sinalubong siya ng mga pamangkin. Ang ending, ginawa siyang tagabantay dahil mag dinner date ang kanyang Kuya Javier at ang asawa niyang si Janice."Tito Daddy, kailan niyo po kami bigyan ng pinsan?" Inosenteng tanong ni Isabella habang minamasahe nito ang ulo ni Enrico."Diba asawa muna bago magka baby? " sabat ni Junior na kinukulit ang bunsong kapatid."Para lang kayo naghihingi ng candy sa akin, a. Hanapan niyo muna ako ng girlfriend, " sagot niya rito at salitan na kiniliti ang mga pamangkin.At his age, hindi niya alam kung ano ang plano niya sa buhay. Ginagawa niya ang bagay na gusto niyang gawin ngunit hindi mapermi. Ni hindi nga pumasok sa isip niya ang magkaroon ng serious relationship, paano pa kaya ang asawa.Hindi niya matumbok ang bagay na magpapasaya sa kanya. Hindi niya pa alam kung ano ang bagay na mapapirmi siya. Kasi kahit ang kompanya na ipinamana sa kanya hindi niya matutukan. Well, hindi niya rin naman pinapabayaan. Hindi nga lang roon naka sentro ang goal niya sa buhay.Maybe, he need more time para malaman kung ano ba talaga ang gusto niya sa buhay. Sa ngayon, masaya siya na alagaan at mahalin ang mga pamangkin.Malalim na ang gabi at malakas ang ulan. Handa nang matulog si Nadia nang marinig ng sunod-sunod na katok sa pinto ng kanyang bahay. Kapitbahay niya siguro na mangungutang na naman."Sino yan? Kanina pa sarado ang tindahan ko. Hindi na ako magpapautang, " inis na singhal niya at tinungo ang pinto."Nadia? Si Ate Selvia mo ito. "Tinakbo ni Nadia ang pinto upang ito ay pagbuksan. Nanlaki ang mata na napasinghap nang makita ang kanyang Ate Selvia."A-ate... " gulat na sambit niya.Kahit matagal na niya itong hindi nakita nakikilala parin siya ni Nadia."Ako nga ito, Nadia. "Inalalayan niya ang ate na pumasok. Pinaupo niya muna ito at dali daling nagsalin ng maligamgam na tubig sa baso at pina inom sa kanyang ate.Gusto niyang yakapin ang kanyang ate. Miss na miss na niya ito. Nang masuri ni Nadia ang kabuuan ng Ate Selvia niya, napagtanto niyang buntis ito."Mag-isa ka lang ba? Nasaan si Peter? "Ibinalita kasi ito ng kanyang ate na sa susunod na buwan ay ikakasal sila. Ngunit hindi niya binanggit na siya ay buntis. Kaya ganoon nalang ang gulat niya nang makita ang malaking tiyan ng kanyang ate.Dinaluhan niya si Selvia nang umiyak ito. "Ang walang hiya na iyon. Niloko niya ako. Anim na taon niya akong niloko, Nadia. Napag alaman ko na may asawa pala siya nang asikasuhin ko ang kasal namin. Ginawa niya akong kabit, " umiiyak na wika nito.Hinagod niya ang likod ni Selvia. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Subrang nasaktan ang ate niya. Pati siya ay nasasaktan rin dahil naulit lang sa ate nito ang kapalaran ng kanilang ina."Ang ikinasama ng loob ko... Nang sabihin niyang hindi siya ang ama nitong batang dinadala ko. "Mariing napakuyom ng kamao si Nadia. Kung narito lang ang lalaki ay baka nasapak na niya. Siya na nga itong may kasalanan nagawa niya pang pagsalitaan si Selvia ng ganoon."Huwag kang mag alala, ate. Narito ako. Hindi kita iiwan. Aalagaan nating dalawa ang anak mo, " pampalubag loob nito sa umiiyak na kapatid.Awang-awa si Nadia habang nakatitig sa kanyang ate na mahimbing nang natutulog. Ang payat niya. Malayong-malayo ang katawan niya noong umalis siya dito papuntang Maynila. Para itong hindi kumakain ng maayos. Ang dry ng balat niya. Maitim ang ilalim ng mata."Ano ang buhay na dinanas mo kasama ang lalaki na iyon?" Mahinang usal niya hawak ang kamay ni Selvia. Dumako ang kanyang palad sa malaki nitong umbok na tiyan. "Pakabait ka kahit wala kang tatay, ha. Mahal na mahal ka namin. "Mabuti at naisipan ni Selvia na umuwi dahil kabuwanan na niya. Todo alalay at alaga si Nadia sa kanya. Nagkaroon rin sila ng oras para mag bonding dalawa. Magkwentuhan at mag share ng pinagdaanan sa buhay. Ngunit nababatid ni Nadia na may nililihim ang ate nito. Hindi niya lang matanong dahil baka ayaw pag usapan at baka sa stress."Ahhh! "Natigil si Nadia sa ginagawa nang marinig ang impit na sigaw ng kanyang ate. Nakahawak ito sa kanyang tiyan namimilipit sa sakit. Kakatapos lang nilang maghapunan."Ate, bakit? " kinakabahan na puno ng pag-alala na tanong ni Nadia."N-Nadia, manganganak na yata ako. ""Ano?! " taranta na sambit niya."Tumawag ka ng komadrona. ""Bakit komadrona? Dadalhin kita sa hospital, " tarantang wika niya at pinagdadamot ang mga gamit na kailangan dalhin sa hospital."Nadia, wala akong pera-ahhhh! Bilisan mo! Lalabas na ang anak ko! "Taranta na tumakbo palabas ng bahay si Nadia.Kahit madilim ang daan nakarating siya sa bahay ni Aling Tessa na naka paa. Mabuti nalang at kilala si Aling Tessa sa kanilang barangay bilang isang komadrona."Aling Tessa... Yung ate ko ho manganganak na, " hinihingal na wika ni Nadia sa Ale.Nang makabalik sa bahay kasama ni Nadia ang komadrona. Inasikaso niya ito kaagad. Hindi mapakali si Nadia sa loob ng silid habang nahihirapan ang kanyang ate. Gusto niyang lumabas sa tuwing marinig niya ang pag ere nito. Kitang-kita niya rin sa itsura ng kanyang ate ang hirap at pagod ngunit hindi siya sumuko mailabas lang nito ang kanyang anak.Ilang minuto ang lumipas ay nailuwal na din ang kanyang pamangkin.Kaagad siyang lumapit kay Selvia. "Ate, ayos ka lang? Lalaki ang anak mo, " mangiyak-ngiyak sa tuwa na wika ni Nadia."Nadia, alagaan mo ang anak ko, ha. " nanghihina na usal ni Selvia."Syempre naman, ate. Tayong dalawa ang mag aalaga sa kanya. ""Wag mo siyang pababayaan, ha. Mahalin mo siya. ""Ate, ano bang--"Maliit na ngumiti si Selvia. Habol nito ang kanyang paghinga. "Matagal ko ng nilalabanan ang sakit ko, Nadia. Pero ngayon, hindi ko na kaya... ""A-Ate... "Si Nadia na ang umabot sa kamay ni Selvia dahil wala na itong lakas para gumalaw."Mangako ka sa akin... Alagaan mo ang anak ko. Mahalin mo siya at wag mo siyang pababayaan... "Sa tono ng pananalita ni Selvia, halatang pagod na ito at pinilit na lumalaban. Hinaplos ni Nadia ang pisngi ng kanyang ate."Pangako, ate. " lumuluha na saad niya.Dahan-dahan na pumikit ang mga mata ni Selvia kasabay ng pagkaluwang ng kamay nitong nakahawak sa palad ni Nadia. Puno ng luha ang mga mata na kinuha ni Nadia ang pamangkin."Hindi mo man lang siya nayakap ng matagal. Hindi mo man lang siya natitigan, " wika niya at pinatong ang umiiyak na sanggol sa dibdib ng kanyang walang buhay na ina.Apat na araw na ang lumipas mula ng mailibing si Selvia. Masakit para kay Nadia ang nangyari dahil ang kaisa-isa niyang pamilya ay bigla nalang nawala sa isang iglap. Sa pangyayari na ito si Peter ang kanyang sinisisi. Kasi kung inalagaan niya at tunay na minahal ang Ate Selvia niya sana ay buhay pa ito ngayon. Kung sana hindi niya ito niloko at pinangakuan wala sanang sanggol na isinilang na isang ulila. Pagod ang katawan na sumalampak si Nadia sa kama. Sa dalawang oras na pagsasayaw karga ang pamangkin sa wakas nakatulog rin ito. Ganito ang sitwasyon ni Nadia tuwing gabi. Pakiramdam niya losyang na siya apat na araw makaraan sa pag alaga ng pamangkin. Gusto na niyang sumuko. Wala naman siyang alam tungkol sa pag aalaga ng bata. Nangako siya sa kanyang ate ngunit hindi niya inaasahan na kargo niya pala ang lahat ng responsibilidad sa pamangkin. Kakapikit palang ng mata niya ng bigla na naman umiyak ang bata. Mangiyak-ngiyak na bumangon si Nadia para kunin ang umaatungal na bata.
Madaling araw na at kailangan ng umuwi sa mansyon ni Enrico. Kakatapos niya lang magparaos ng init ng katawan. Hindi na siya bumaba sa bar upang magpaalam sa kaibigan. Dumiritso ito na lumabas sa building at tinungo kung saan naka park ang kanyang sasakyan at nilisan ang lugar. Simula noong namatay ang kanyang ina na si Debbie Mae Layson-Montefalco, naging tambayan na ni Enrico ang Thumbayan Resto Bar na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan at kasusyo dito sa tagong lugar sa maliit na bayan ng Malasila. Isa itong abandonadong building na matatagpuan sa gitna ng malawak na palayan na pagmamay-ari niya. At hindi alam ng kanyang ama na si Don Emmanuel Montefalco na siya ang may-ari ng malawak na lupain na ito. Ang tanging alam lang ng kanyang ama at dalawa nitong kapatid na lalaki ay puro lang siya lakwatsa, pambabae, pa sarap sa buhay at hindi siniseryoso ang kompanya na pinamana sa kanya dahil inuumaga na ito sa pag-uwi sa kanilang bahay at iba-ibang babae ang nakikita nilang kasama ito.
Tatlong araw na ang lumipas. Tatlong araw narin na nag aabang si Nadia sa bayan kay Nenita para makibalita sa pamangkin nito. Hindi siya mapakali. Kahit nasisiguro niyang maging maayos ang pamangkin niya roon hindi parin siya kampante hanggat hindi niya malalaman ang sitwasyon ng pamangkin. Hindi pumunta ng bayan si Nenita noong sabado. Noong linggo bumalik si Nadia doon pero buong araw siyang naka abang walang Nenita na dumating. Laglag ang kanyang balikat na umuwi, dahil kagaya kahapon, nag abang lang siya sa wala. .....Mansion.... Hindi alam ng mga kasambahay paano patahanin ang sanggol. Kanina pa ito umiiyak. Salitan ang mga kasambahay sa paghele pero ayaw parin matigil sa pag iyak ang bata. Stress na si Enrico. Wala siyang alam dito kaya hindi niya rin alam kung ano ang gagawin. Kung paano patahimikin ang bata, kung paano ito patulugin. Dahil hindi naman niya ito naranasan sa mga pamangkin. Umuwi na ang mga kuya niya kaya wala siyang mapagtanungan. Tulog na rin panigurado ang
Ubos na ang pasensya ni Enrico sa walang sawa na pagbasa sa mga resume na nag apply bilang yaya ng anak niya. Maaga palang marami ng nakapila sa labas ng mansyon para mag apply. Kaya naisipan niyang kunin nalang ang mga resume ng mga ito at tatawagan nalang kung sino ang capable bilang tagapag-alaga ng kanyang anak. Kanina pa niya ito sinimulan pero wala parin siyang napili. Iyong iba nag apply lang para masilayan siya. May minor de edad pa. Senior citizen, at mas malala may modelo at artista. "Ugh! Sana hindi nalang yaya ang kinuha mo kung ganito naman ang mag aapply, " himutok ni Nenita na siyang tagasunod magbasa sa mga resume. "Anong alam ng modelo at artista na ito sa pagbantay ng bata? Baka kamo ikaw ang i babysit ng mga iyon. ""Can you just keep quite, " inis na singhal ni Enrico. "Hmp, " pabagsak na inilapag ni Nenita ang folder na hawak sa mesa at hinarap siya. "Iyong kaibigan ko gusto ring mag apply. Baka iyon magustuhan mo na mag alaga sa anak mong iyakin. Wag kang mag
Paungol na dinakma ni Enrico ang kanyang ari ng makapasok siya sa loob ng kanyang sasakyan. "Ugh, fuck! " mahinang d***g niya. Napasandal siya at mariing napapikit sa sakit na naramdaman sa kanyang puson. "Bakit hindi sinabi ni Nenita na ang kaibigan na tinutukoy niya ay iyong babaeng hindi tinanggap ang alok ko," gigil na himutok niya. Mabilis na minaubra niya ang sasakyan papunta sa Thumbayan nang maibsan ang init ng katawan. Ngunit ng makarating doon, bigla nalang ay ayaw niyang may babaeng lalapit sa kanya. Bigla ay naging lupaypay ang tore niya na kanina ay tayong-tayo. "Pass, " aniya ng sasalinan siya ng kaibigan ng alak. Tumaas ang dalawang kilay ni Ervin at ibinalik sa ayos ang alak saka tumabi sa kanya. "Bago iyon, a. Papunta na ba tayo sa bagong buhay? " may halong pang aasar na wika ni Ervin. Napailing si Enrico. Umalis siya sa mansyon dahil gusto niyang makapagrelax. Pero ilang segundo palang siyang naka upo gusto na niyang umuwi. He didn't know the real reason. Kung d
The joy that Nadia felt was indescribable nang malamang siya ang napili ni Enrico bilang maging yaya ng anak nito--este ng kanyang pamangkin na pina angkin niya kay Enrico. Ngunit sa puntong ito kailangan ng itatak ni Nadia sa kanyang isipan na ang batang ito ay hindi niya pamangkin sa loob nitong mansyon kundi isang alaga niya at yaya naman siya nito. Mangiyak-ngiyak siya sa tuwa kanina habang mahigpit na niyakap ang pamangkin ng umalis si Enrico. Na miss niya itong hawakan, kargahin, alagaan, lahat-lahat namiss niya sa pamangkin kahit pa mahirap ang naging karanasan nito ng maisilang siya. "Nenita," tawag pansin niya sa katulong na nakadikuwarto na nakahiga sa malaking sopa. "Uuwi muna ako sa bahay saglit. Kukuha ako ng mga damit ko."Tumayo ang dalaga at itinago sa bulsa ang cellphone na kanina ay hawak niya. "Tara, samahan kita. Pahatid tayo sa driver ng makabalik ka kaagad. "Hindi na siya tumanggi dahil pahirapan ang pagsakay dito sa loob ng village lalo na kapag gabi. Safe na
Nagmadali siyang pumasok sa kanyang kwatro para maligo habang tulog pa ang alaga niya. Nanggigigil siya kay Enrico ngunit kailangan niyang pigilan ang sarili na hindi makasabi dito ng masamang salita. Baka bukas ay wala na siyang trabaho kung pairalin niya ang galit at inis dito. Matapos mag ayos ng sarili binalikan niya ang sanggol. Gising na ito ngunit tahimik lang. Nasa banyo parin si Enrico. Kinuha niya ang sanggol upang papaarawan ito saglit. Hindi niya kasi alam kung paliguan ba ito muna, o sino ang magpapaligo. Hindi niya pa kasi nasabi kay Enrico na hindi siya marunong magpaligo ng sanggol. "Good morning ho, Don Emmanuel. " nakangiti na pagbati ni Nadia ng makasalubong niya ang matanda sa hagdan. Pa akyat ito. Siguro ay pupunta sana ito sa kwarto ni Enrico para silipin ang apo. "Magandang umaga, hija. Magandang umaga rin sa aking apo, " magiliw na wika niya na may matamis na ngiti sa labi. Hinaplos niya ng marahan ang ulo ng sanggol. "Tanggalin mo ang lahat ng suot niya bag
Si Nadia ang may hawak sa sanggol habang tinuturuan siya ni Liel kung ano ang kanyang gagawin sa tamang pagpaligo sa bata. Hindi naman nahirapan si Nadia at nakuha niya kaagad ang mga tinuro dito. Behave ang pamangkin niya. Gustong-gusto niya na pinapaliguan siya. Doon lang siya umiyak nang iahon na siya sa tubig. "Itong bata talaga na ito baliktad ang iyak, " magiliw na saad ni Liel. "Saka ka na magtagal sa tubig kapag malaki ka na. Naku, baka magka pulmonya ka ako pa sisihin ng tatay mo. "Hindi na siya tinuruan ni Liel sa pagbihis dito dahil alam na niya iyon. Pagkatapos bihisan ay pinadede na niya ito at nakatulog ang kanyang pamangkin. "May pangalan na ba iyang anak mo?" Tanong ni Liel habang pumapapak ng apple na sinasawsaw niya sa bagoong. Napangiwi si Nadia at parang nasusuka na nakatingin kay Liel na sarap na sarap sa kinakain."Oo nga. May pangalan na ba iyan? Mag isang linggo na iyan dito, " segunda ni Ethan. "Wala pa--""Anak ng tupa! " palatak ni Liel. Mahinang tinapik
Wala pa man si Nadia pero naging emosyonal na si Enrico at hindi mapakali habang nakatayo ito sa harap ng altar. Ikakasal na sila ng babaeng mahal niya. Sa babaeng ipinagpasalamat niya na dumating sa kanyang buhay. Hindi lang siya ang masaya at emosyonal ngayong araw, kundi pati ng mga tanong narito sa loob ng simbahan. Mga tao na naging saksi sa kanilang masakit na pagmamahalan. "Kahit kailan talaga ang iyakin mo, " pagbibiro ni Javier kay Enrico nang makita nito na nagpupunas ng luha sa pisngi ngunit pati siya ay emosyonal rin na nakatanaw sa nakasaradong pinto ng simbahan. "Kung narito lang si mommy, malamang humagulgol na iyan sa bisig ni mommy, " segunda ni Ethan na nagpupunas rin ng kanyang luha. They were both emotional. Saksi kase sila kung paano magmahal ang kanilang bunsong kapatid. Kung paano ito nasaktan at nabigo. Nasaksihan rin nila kung paano niya suyuin si Nadia. Ang ipakita sa babae na karapat-dapat siya. Hindi siya sumuko kahit alam nilang magkapatid na pagod na
"Nabalitaan ko kay Nenita ang nangyari sa barangay namin. Ang sabi niya pa ikaw raw iyong bumili ng lupa ni congressman, " umalis siya mula sa pagyakap sa lalaki at hinarap ito ng maayos. "Nangangamba lalo ang ka baryo ko baka tuluyan na talaga silang mapaalis doon. "Ginawang unan ni Enrico ang magkabilang braso. Walang damit ang lalake kaya kitang-kita ang magandang hulma ng kanyang katawan. "Wag mo akong akitin sa maganda mong katawan. Hindi parin ako bibigay. "Natawa si Enrico sa reaksyon ni Nadia. Nakasimangot ang babae ngunit nasa mata nito ang natutukso sa kaharap na n*******d. "Binili ko iyon pero hindi ako ang may-ari... Binili ko iyon para sayo. Pagmamay-ari mo iyon. "Nanlaki ang mata ni Nadia. Kumikibot ang kanyang bibig ngunit wala siyang mahagilap na salita. "Isa ang bahay mo sa masali sa demolisyon. Alam ko kung gaano ka importante sayo ang bahay niyo. So I bought it. ""P-pero sabi mo ako na ang may-ari niyon... B-bakit? ""Kolatiral... Baka maisipan mong ayaw magpa
Magtatlong buwan na since she gave birth. Pero pakiramdam ni Nadia kahapon lang iyon nangyari. Lumilikot na rin ang kanilang anak at marunong nang dumaldal kaya naaaliw ang lolo nito sa kanya. Para raw kase siyang nag-aalaga sa isang Enrico na maliit dahil kamukha ni Jayjay si Enrico noong baby pa ito. Kaya si Nadia ay naroon lang sa kwarto, nakahiga at boryong-boryo sa buhay. Hindi kase siya makababa kapag wala si Enrico na nakaalalay sa kanya. Natatakot rin siya na baka bumuka ang tahi niya sa paakyat-baba sa hagdan. Naghilom na iyon pero may nararamdaman parin siya na kaunting sakit lalo na kapag biglaan ang mga galaw niya. "Hi. Kamusta ka habang wala ako? " Malambing na wika ni Enrico nang nilapitan si Nadia na nakahiga sa sofa pagkauwi niya sa mansyon. Mag-isa lang ang babae sa kanilang kwarto at makikita sa kanyang mukha na may bumabagabag sa isip nito. Umupo si Enrico sa tabi ni Nadia saka hinalikan sa noo ang babae. "Hindi ka ba nahirapan sa pag-alaga sa anak natin? "Napan
"Ayos ka lang? " Nanindig ang balahibo ni Nadia nang dumampi ang mainit na hininga ni Enrico sa kanyang tainga at leeg ng pabulong siyang tanungin nito. Nakasiksik sa kanya si Enrico sa pang isahan na couch kung saan naka upo si Nadia. Hindi makatingin kay Enrico na tumango si Nadia. "Ayos lang ako. Nanghihina nga lang ako kaya ayaw kong gumagalaw, " sagot niya. Nang makarating sila kanina saglit lang siyang nakisalamuha sa mga bisita dahil bigla siyang nahilo. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kakapanganak niya pa lang o sa kaba na nararamdaman. Pinahinga siya muna ni Enrico at sinabihan ang mga kamag-anak na huwag munang guluhin si Nadia. Nang dahil sa sinabi ni Enrico, naging pulutan siya ng tukso. Ngunit imbis na magalit o mainis ay natutuwa pa siya at proud pa. "Sa kwarto ko na lang ikaw magpahinga. Maingay rito, magulo. "Nag-aasaran kase ang mga kamag-anak niya. Pinag-aagawan ang kanilang anak, nagtutulakan, nagtatalo kung sino ang susunod na hahawak. "Hep! Wala ng hah
Nasa mansyon sila habang nagl-labor si Nadia. Tumawag rin si Enrico sa pinsan niya para humingi ng advice sa kalagayan ni Nadia. "Kapag may kakaibang vaginal discharge nang lumabas sa kanya dalhin niyo na siya rito sa hospital. Sa ngayon, maglakad-lakad muna siya o mas mas maigi sa kama kayong dalawa mag-exercise."Naroon si Janice at Liel umaalalay kay Nadia kung ano ang gagawin. Naka hawak naman si Enrico sa kanya upang doon kumuha ng lakas ang babae sa tuwing hihilab ang tiyan niya. Hinahaplos ni Enrico ang balakang ng babae at paulit-ulit na hinahalikan ang ulo ni Nadia and saying kung gaano niya ito ka mahal. "Nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain? " masuyong tanong ni Enrico. Kahit hindi maintindihan ni Nadia kung alin masakit sa katawan niya, nagawa niya pang irapan si Enrico. "Sa tingin mo makakain ako sa lagay kong 'to? ""I'm sorry... Kung pwede lang ipasa sa akin ang sakit at hirap na naramdaman mo para hindi ka na mahirapan ginawa ko na. ""Ayos lang ako. Ayusin mo lang i
"Sorry kung iyan ang naiisip ko. Hindi ko kasi maiwasan. Ayaw mo kase, e, " namumula ang mukha sa hiya na paninisi ni Nadia. Enrico gently kiss her forehead. Kailangan ni Enrico ipaliwanag ng maayos kay Nadia nang sa ganon hindi niya iyon masamain. Ayaw niyang mangyari na nang dahil lang sa bagay na ito ay ma stress ang babae. "Hindi sa ganon, Nad. Gusto ko rin pero nagpipigil lang ako. "Ang namamaos at malalim na boses ni Enrico ay naghatid ng init at kiliti sa katawang lupa ni Nadia. Sa pagtigil niya kanina alam niyang nahihirapan na ngayon ang lalaki. Ewan ba niya at sabik siyang makaniig ang lalake. Na palaging nag-iinit ang katawan niya wanting more kapag nakadikit o nakayakap sa kanya si Enrico. Hindi niya mawari kung dahil ba iyon sa pananabik sa lalake o dahil sa kanyang pagbubuntis. Hindi niya naman kase ito naramdaman noong hindi niya pa nakasama si Enrico. "Pagbigyan mo na ako, please... " namumungay ang mata na pakiusap ni Nadia. Mariing napalunok si Enrico. He's sti
"Balak ipa-demolished ang ibang parte ng mga kabahayan sa Malasela. At isa ang bahay ni Nadia ang maapektuhan. May iba palang nagmamay-ari ng lupa na iyon na kinatitirikan ng bahay ni Nadia. May mga dokumento siya na nagpapatunay na nasa kanya iyon. Sa susunod na linggo na iyon gagawin o baka ay mas maagas pa. Nagkagulo na ang mga tao roon."Wala naman sanang pakialam si Enrico dahil wala siya sa posisyon para magprotesta sa agarang demolisyon na mangyari. Ang kaso lang damay ang bahay ni Nadia. Ayaw niyang bigyan ng isipin ang babae. Kahit matagal na itong hindi umuuwi sa bahay niya alam ni Enrico na mahalaga kay Nadia iyon. Kaya hindi niya hahayaan na ang isang bagay na naiwan kay Nadia ay mawala pa. Iyon nalang ang alaala na naiwan ng kanyang pamilya sa kanya. Magkasama sila ni Ervin na tinungo ang barangay nila Nadia. Malayo palang nagkagulo na ang mga tao sa labas ng kanilang bahay habang isa isang inilalabas ang kanilang kagamitan. Masakit iyon para kay Enrico. Ang makita ang
"May isang anak na naman ang magselos sa kanyang ama. " Patay malisya na pagparinig ni Janice kay Enrico dahil hindi maipinta ang mukha nang binata ng salubungin ni Don Emmanuel ng yakap si Nadia samantalang siya ay hindi pinansin ng ama. Nag ulap ang mga mata ni Nadia nang mainit siyang salubongin ng buong pamilya. Kompleto silang lahat. Pati mga magulang ni Liel ay narito ang mga ito upang makilala siya. Ang tiyahin ni Janice at si Manang Sonya. Maliban sa mga angkan ng Montefalco walang ni isa na narito at ipinagpasalamat iyon ni Nadia dahil wala pa siyang lakas ng loob para harapin ang mga ito. Hindi naman kase malabo na wala silang alam tungkol sa pinagdaaan ng pamilya dahil sa ginawa niyang panloloko dito. Nag mistulang fiesta ang ibabaw ng mesa sa dami ng handa. Iba-ibang putahe iyon ngunit wala man lang sa mga iyon ang nagustuhan ni Nadia. Ang paging matakaw niya sa pagkain ay biglang nawala dahil sa samo't saring emosyon na kanyang nararamdam kasama ang mga taong may mala
"Sino ba ang nagsabi na ipagkait ko siya sayo?" salubong ang kilay na tanong ni Nadia. "Hindi ko gagawin sa anak natin iyong ginawa ko kay Baby Gio." Inaamin niya na naging selfish siya kay Enrico nitong mga nakaraang buwan nang matagpuan siya nito. Ngunit nang makita niya ang sinseridad ni Enrico at ang kagustuhan nito na magka-ayos silang dalawa, napagtanto ni Nadia na kailangan nilang mag-usap dalawa nang masinsinan. Wala ring patutunguhan kung magmatigas pa si Nadia dahil kahit siya mismo alam niya sa sarili na gusto niyang makapiling muli si Enrico. Hindi lang dahil sa kanilang maging anak kundi dahil ito ang sinisigaw ng kanyang puso. "Hindi ko siya ilalayo sayo, " nag ulap ang mga mata ni Enrico nang marahang haplusin ni Nadia ang kanyang pisngi. "Sorry dahil iyon ang iniisip mo. "Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Enrico kahit nangangatal ito dahil sa pagpigil ng kanyang emosyon na huwag umiyak. "Thank you... I am happy to heard that, Nad. Pero kahit ilayo mo siya sa