Nagmadali siyang pumasok sa kanyang kwatro para maligo habang tulog pa ang alaga niya. Nanggigigil siya kay Enrico ngunit kailangan niyang pigilan ang sarili na hindi makasabi dito ng masamang salita. Baka bukas ay wala na siyang trabaho kung pairalin niya ang galit at inis dito. Matapos mag ayos ng sarili binalikan niya ang sanggol. Gising na ito ngunit tahimik lang. Nasa banyo parin si Enrico. Kinuha niya ang sanggol upang papaarawan ito saglit. Hindi niya kasi alam kung paliguan ba ito muna, o sino ang magpapaligo. Hindi niya pa kasi nasabi kay Enrico na hindi siya marunong magpaligo ng sanggol. "Good morning ho, Don Emmanuel. " nakangiti na pagbati ni Nadia ng makasalubong niya ang matanda sa hagdan. Pa akyat ito. Siguro ay pupunta sana ito sa kwarto ni Enrico para silipin ang apo. "Magandang umaga, hija. Magandang umaga rin sa aking apo, " magiliw na wika niya na may matamis na ngiti sa labi. Hinaplos niya ng marahan ang ulo ng sanggol. "Tanggalin mo ang lahat ng suot niya bag
Si Nadia ang may hawak sa sanggol habang tinuturuan siya ni Liel kung ano ang kanyang gagawin sa tamang pagpaligo sa bata. Hindi naman nahirapan si Nadia at nakuha niya kaagad ang mga tinuro dito. Behave ang pamangkin niya. Gustong-gusto niya na pinapaliguan siya. Doon lang siya umiyak nang iahon na siya sa tubig. "Itong bata talaga na ito baliktad ang iyak, " magiliw na saad ni Liel. "Saka ka na magtagal sa tubig kapag malaki ka na. Naku, baka magka pulmonya ka ako pa sisihin ng tatay mo. "Hindi na siya tinuruan ni Liel sa pagbihis dito dahil alam na niya iyon. Pagkatapos bihisan ay pinadede na niya ito at nakatulog ang kanyang pamangkin. "May pangalan na ba iyang anak mo?" Tanong ni Liel habang pumapapak ng apple na sinasawsaw niya sa bagoong. Napangiwi si Nadia at parang nasusuka na nakatingin kay Liel na sarap na sarap sa kinakain."Oo nga. May pangalan na ba iyan? Mag isang linggo na iyan dito, " segunda ni Ethan. "Wala pa--""Anak ng tupa! " palatak ni Liel. Mahinang tinapik
Napaayos ng pag upo si Don Emmanuel sa sinabi ng anak. Lalo siyang nagtaka at naguluhan dahil hindi naman kusang lumalapit sa kanya si Enrico kapag ito ay may kailangan. Madalas ang mga kuya niya ang nagsusumbong sa kanilang Ama na siya ay may problema at kailangan nito ng kausap at doon lang mangingialam si Don Emmanuel. Kilala niya ang anak. Hangga't kaya nitong hanapan ng paraan at sulosyonan ang problema hindi ito lalapit kahit pa sa kanyang pamilya. Kaya ganito nalang ang nararamdaman ni Don Emmanuel ngayon habang kaharap ang anak at humihingi ng tulong sa kanya. "Maupo ka muna, " aniya kay Enrico. Umupo si Enrico sa bakanteng upuan na nasa harapan niya. "Ano ba iyang problema mo? Bakit kailangan mo ang opinyon ko? ""Dahil sa bilis ng pangyayari na dumating ang anak ko ng biglaan sa bahay, hindi ko naisip na hindi ko pa pala siya nabigyan ng pangalan, " napahaplos siya sa kanyang batok na para bang kay bigat ng problema niya. "Ni hindi ko naiparehistro ang birth certificate ni
Kanina pa gising si Enrico but his eyes were half open. Nakatitig siya kay Nadia. He was fantasizing her beautiful and innocent face. Ngunit may nangistorbo sa kanya. Si Nenita. Si Nadia ang unang umiwas ng tingin. Para siyang mapapaso sa klase ng titig ni Enrico sa kanya. Naiilang rin siya kasi iba ang kanyang naiisip. Na baka pinagnanasaan na siya ni Enrico sa kanyang isipan. Napansin ni Enrico na naiilang ang dalaga kaya umakto ito ng normal nang sa ganun mawala ang pagkailang sa kanya ni Nadia. Hindi niya tinapunan ng tingin ang dalaga nang tumayo siya at nagtungo sa kusina upang kumain nang humilab ang kanyang sikmura. Sakto at nakaluto na si Nenita kaya nauna na siyang kumain. Inaantok rin kasi siya at pagod sa buong maghapon sa munisipyo. Napanguso na sinundan ng tingin ni Nadia si Enrico na paakyat sa hagdan. Galing ito sa kusina. Ni hindi man lang siya nito kinausap o nilapitan ang anak bago pumanhik sa itaas. 'Baka pagod lang. 'Sa isip niya at muling itinuon ang atensyon
Lumipas ang mga araw unti-unti ng natanggap ni Nadia na ang kanyang pamangkin ay kabilang na sa pamilyang Montefalco. Sa pamamahay na ito wala siyang ugnayan sa bata kundi isang yaya at hindi bilang tita nito. Magka ugnay lang sila sa dugo ngunit hindi sa karapatan. Naging madalang nalang ang pagbisita ng mga kuya niya at bayaw kaya ang buong pag aalaga sa bata ay si Nadia. Madalas rin siyang umaalis para pagtuunan ang mga negosyong hawak niya at isa na ang DZM. Pressure iyon para kay Enrico dahil natatakot siyang magkamali, natatakot siyang mabigo ang mga taong umaasa sa kanya lalo na sa kanyang Ama na mataas ang expectation nito sa kanya. Isang linggo na siyang pagod at stess. Dumagdag pa sa kanyang iniisip ang pagkahumaling kay Nadia. Para maiwasan ang pagkabuhay ng katawang lupa ni Enrico, iniiwasan niya si Nadia. Madalang niya lang ito kinakausap. At uuwi siya sa gabi na tulog na ang dalaga. Pero naging mahirap sa kanya ang ganoong senaryo. Aminin niya man o hindi, nasasabik p
Unang gabi na sa kanyang silid matutulog ang kanyang pamangkin. Ito rin ang unang gabi na hindi siya makatulog ng maayos dahil sa pag o-overthink. Ang dami niyang what if. Naglagay pa siya ng bell sa likod ng pintuan para ma alarma siya kung mayroon mang papasok sa kanyang kwarto. Ngunit sa unang gabi, walang Enrico na sumilip doon. Naging kampante siya lalo na nang ibalita sa kanya ni Nenita na tuwing madaling araw na nakakauwi si Enrico at lasing pa ito. Kaya sa ikalawang gabi hindi siya nabahala na siya ay makatulog ng mahimbing. Ngunit naroon parin ang pag iingat kung sakali. Buong linggo na hindi nakita ni Enrico si Nadia. Pati ang kanyang anak na walang kamuwang-muwang ay nadamay dahil sa kagagawan niyang pag iwas dito. Paano ba naman kasi, hindi niya ito sinisilip sa silid ni Nadia simula ng lumipat ito doon sa pagtulog. Wala rin siya buong araw sa mansyon. He overworked his self all day. At didiretso sa Thumbayan sa gabi para ilunod ang sarili sa alak nang sa ganun sa kanyan
Hindi nakatulog si Enrico nang makabalik siya sa kanyang silid. Hindi parin mawala sa kanyang isipan at hindi parin siya makapaniwala sa kanyang ginawa kay Nadia. He kissed and touched Nadia. Hindi lang simpleng halik at hawak, but he touched her and kissed her in a romantic way. Hindi siya ganoon pagdating sa usapang pagtatalik. Ngunit tanging kay Nadia niya lang iyon ginawa at hindi niya alam kung bakit. Nagkusa ang kanyang mga kamay. Nagkaisa ang kanyang isip at gusto na halikan ang dalaga. At ang ikinagulat niya pa na siya ang naka una sa dalaga. Ini-expect niya kasi na gaya ng ibang babaeng nagalaw niya may karanasan na rin si Nadia. Pero hindi. At hinayaan pa siya ng dalaga na ipaubaya ang sarili nito sa kanya ng walang pagdadalawang-isip. Umakto ng normal si Nadia na para bang walang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Enrico. Baka may makahalata, ano pa ang masabi sa kanya ng mga kasambahay dito lalo na si Nenita na walang sawa na nagpapayo sa kanya. Tapos na siyang mali
Gabi na nang magising si Nadia. Hindi na gaanong masakit ang ibaba niya ngunit mainit parin siya. Akma siyang bababa sa kama nang makitang may pagkain na nakapatong sa ibabaw ng mesa at may sulat na nakalakip doon. "Ako na ang bahala sa anak ko ngayong gabi. Make sure na bukas wala ka ng lagnat baka mahawa sayo ang bata. "Kiligin na sana siya ngunit parang pinaparating ng sulat na kailangan niyang gumaling dahil may bata na maapektuhan sa sakit niya, hindi dahil may malasakit siya. Inubos niya lahat ng pagkain at uminom ng gamot bago natulog ulit. Wala rin siyang gana na bumangon matapos mabasa ang sulat na galing kay Enrico. Kinabukasan maayos na ang kanyang pakiramdam. Wala ng masakit sa kanya. Nakatulong ang ginawang hot compress ni Enrico sa ibaba niya. Nang kapain niya iyon hindi na rin iyon namamaga. Kahapon kasi parang nilamog siya. Humugot muna siya ng isang malalim na paghinga bago kumatok ng tatlong beses saka pinihit ang pinto sa kwarto ni Enrico. Kaagad na nagtagpo
Wala pa man si Nadia pero naging emosyonal na si Enrico at hindi mapakali habang nakatayo ito sa harap ng altar. Ikakasal na sila ng babaeng mahal niya. Sa babaeng ipinagpasalamat niya na dumating sa kanyang buhay. Hindi lang siya ang masaya at emosyonal ngayong araw, kundi pati ng mga tanong narito sa loob ng simbahan. Mga tao na naging saksi sa kanilang masakit na pagmamahalan. "Kahit kailan talaga ang iyakin mo, " pagbibiro ni Javier kay Enrico nang makita nito na nagpupunas ng luha sa pisngi ngunit pati siya ay emosyonal rin na nakatanaw sa nakasaradong pinto ng simbahan. "Kung narito lang si mommy, malamang humagulgol na iyan sa bisig ni mommy, " segunda ni Ethan na nagpupunas rin ng kanyang luha. They were both emotional. Saksi kase sila kung paano magmahal ang kanilang bunsong kapatid. Kung paano ito nasaktan at nabigo. Nasaksihan rin nila kung paano niya suyuin si Nadia. Ang ipakita sa babae na karapat-dapat siya. Hindi siya sumuko kahit alam nilang magkapatid na pagod na
"Nabalitaan ko kay Nenita ang nangyari sa barangay namin. Ang sabi niya pa ikaw raw iyong bumili ng lupa ni congressman, " umalis siya mula sa pagyakap sa lalaki at hinarap ito ng maayos. "Nangangamba lalo ang ka baryo ko baka tuluyan na talaga silang mapaalis doon. "Ginawang unan ni Enrico ang magkabilang braso. Walang damit ang lalake kaya kitang-kita ang magandang hulma ng kanyang katawan. "Wag mo akong akitin sa maganda mong katawan. Hindi parin ako bibigay. "Natawa si Enrico sa reaksyon ni Nadia. Nakasimangot ang babae ngunit nasa mata nito ang natutukso sa kaharap na n*******d. "Binili ko iyon pero hindi ako ang may-ari... Binili ko iyon para sayo. Pagmamay-ari mo iyon. "Nanlaki ang mata ni Nadia. Kumikibot ang kanyang bibig ngunit wala siyang mahagilap na salita. "Isa ang bahay mo sa masali sa demolisyon. Alam ko kung gaano ka importante sayo ang bahay niyo. So I bought it. ""P-pero sabi mo ako na ang may-ari niyon... B-bakit? ""Kolatiral... Baka maisipan mong ayaw magpa
Magtatlong buwan na since she gave birth. Pero pakiramdam ni Nadia kahapon lang iyon nangyari. Lumilikot na rin ang kanilang anak at marunong nang dumaldal kaya naaaliw ang lolo nito sa kanya. Para raw kase siyang nag-aalaga sa isang Enrico na maliit dahil kamukha ni Jayjay si Enrico noong baby pa ito. Kaya si Nadia ay naroon lang sa kwarto, nakahiga at boryong-boryo sa buhay. Hindi kase siya makababa kapag wala si Enrico na nakaalalay sa kanya. Natatakot rin siya na baka bumuka ang tahi niya sa paakyat-baba sa hagdan. Naghilom na iyon pero may nararamdaman parin siya na kaunting sakit lalo na kapag biglaan ang mga galaw niya. "Hi. Kamusta ka habang wala ako? " Malambing na wika ni Enrico nang nilapitan si Nadia na nakahiga sa sofa pagkauwi niya sa mansyon. Mag-isa lang ang babae sa kanilang kwarto at makikita sa kanyang mukha na may bumabagabag sa isip nito. Umupo si Enrico sa tabi ni Nadia saka hinalikan sa noo ang babae. "Hindi ka ba nahirapan sa pag-alaga sa anak natin? "Napan
"Ayos ka lang? " Nanindig ang balahibo ni Nadia nang dumampi ang mainit na hininga ni Enrico sa kanyang tainga at leeg ng pabulong siyang tanungin nito. Nakasiksik sa kanya si Enrico sa pang isahan na couch kung saan naka upo si Nadia. Hindi makatingin kay Enrico na tumango si Nadia. "Ayos lang ako. Nanghihina nga lang ako kaya ayaw kong gumagalaw, " sagot niya. Nang makarating sila kanina saglit lang siyang nakisalamuha sa mga bisita dahil bigla siyang nahilo. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kakapanganak niya pa lang o sa kaba na nararamdaman. Pinahinga siya muna ni Enrico at sinabihan ang mga kamag-anak na huwag munang guluhin si Nadia. Nang dahil sa sinabi ni Enrico, naging pulutan siya ng tukso. Ngunit imbis na magalit o mainis ay natutuwa pa siya at proud pa. "Sa kwarto ko na lang ikaw magpahinga. Maingay rito, magulo. "Nag-aasaran kase ang mga kamag-anak niya. Pinag-aagawan ang kanilang anak, nagtutulakan, nagtatalo kung sino ang susunod na hahawak. "Hep! Wala ng hah
Nasa mansyon sila habang nagl-labor si Nadia. Tumawag rin si Enrico sa pinsan niya para humingi ng advice sa kalagayan ni Nadia. "Kapag may kakaibang vaginal discharge nang lumabas sa kanya dalhin niyo na siya rito sa hospital. Sa ngayon, maglakad-lakad muna siya o mas mas maigi sa kama kayong dalawa mag-exercise."Naroon si Janice at Liel umaalalay kay Nadia kung ano ang gagawin. Naka hawak naman si Enrico sa kanya upang doon kumuha ng lakas ang babae sa tuwing hihilab ang tiyan niya. Hinahaplos ni Enrico ang balakang ng babae at paulit-ulit na hinahalikan ang ulo ni Nadia and saying kung gaano niya ito ka mahal. "Nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain? " masuyong tanong ni Enrico. Kahit hindi maintindihan ni Nadia kung alin masakit sa katawan niya, nagawa niya pang irapan si Enrico. "Sa tingin mo makakain ako sa lagay kong 'to? ""I'm sorry... Kung pwede lang ipasa sa akin ang sakit at hirap na naramdaman mo para hindi ka na mahirapan ginawa ko na. ""Ayos lang ako. Ayusin mo lang i
"Sorry kung iyan ang naiisip ko. Hindi ko kasi maiwasan. Ayaw mo kase, e, " namumula ang mukha sa hiya na paninisi ni Nadia. Enrico gently kiss her forehead. Kailangan ni Enrico ipaliwanag ng maayos kay Nadia nang sa ganon hindi niya iyon masamain. Ayaw niyang mangyari na nang dahil lang sa bagay na ito ay ma stress ang babae. "Hindi sa ganon, Nad. Gusto ko rin pero nagpipigil lang ako. "Ang namamaos at malalim na boses ni Enrico ay naghatid ng init at kiliti sa katawang lupa ni Nadia. Sa pagtigil niya kanina alam niyang nahihirapan na ngayon ang lalaki. Ewan ba niya at sabik siyang makaniig ang lalake. Na palaging nag-iinit ang katawan niya wanting more kapag nakadikit o nakayakap sa kanya si Enrico. Hindi niya mawari kung dahil ba iyon sa pananabik sa lalake o dahil sa kanyang pagbubuntis. Hindi niya naman kase ito naramdaman noong hindi niya pa nakasama si Enrico. "Pagbigyan mo na ako, please... " namumungay ang mata na pakiusap ni Nadia. Mariing napalunok si Enrico. He's sti
"Balak ipa-demolished ang ibang parte ng mga kabahayan sa Malasela. At isa ang bahay ni Nadia ang maapektuhan. May iba palang nagmamay-ari ng lupa na iyon na kinatitirikan ng bahay ni Nadia. May mga dokumento siya na nagpapatunay na nasa kanya iyon. Sa susunod na linggo na iyon gagawin o baka ay mas maagas pa. Nagkagulo na ang mga tao roon."Wala naman sanang pakialam si Enrico dahil wala siya sa posisyon para magprotesta sa agarang demolisyon na mangyari. Ang kaso lang damay ang bahay ni Nadia. Ayaw niyang bigyan ng isipin ang babae. Kahit matagal na itong hindi umuuwi sa bahay niya alam ni Enrico na mahalaga kay Nadia iyon. Kaya hindi niya hahayaan na ang isang bagay na naiwan kay Nadia ay mawala pa. Iyon nalang ang alaala na naiwan ng kanyang pamilya sa kanya. Magkasama sila ni Ervin na tinungo ang barangay nila Nadia. Malayo palang nagkagulo na ang mga tao sa labas ng kanilang bahay habang isa isang inilalabas ang kanilang kagamitan. Masakit iyon para kay Enrico. Ang makita ang
"May isang anak na naman ang magselos sa kanyang ama. " Patay malisya na pagparinig ni Janice kay Enrico dahil hindi maipinta ang mukha nang binata ng salubungin ni Don Emmanuel ng yakap si Nadia samantalang siya ay hindi pinansin ng ama. Nag ulap ang mga mata ni Nadia nang mainit siyang salubongin ng buong pamilya. Kompleto silang lahat. Pati mga magulang ni Liel ay narito ang mga ito upang makilala siya. Ang tiyahin ni Janice at si Manang Sonya. Maliban sa mga angkan ng Montefalco walang ni isa na narito at ipinagpasalamat iyon ni Nadia dahil wala pa siyang lakas ng loob para harapin ang mga ito. Hindi naman kase malabo na wala silang alam tungkol sa pinagdaaan ng pamilya dahil sa ginawa niyang panloloko dito. Nag mistulang fiesta ang ibabaw ng mesa sa dami ng handa. Iba-ibang putahe iyon ngunit wala man lang sa mga iyon ang nagustuhan ni Nadia. Ang paging matakaw niya sa pagkain ay biglang nawala dahil sa samo't saring emosyon na kanyang nararamdam kasama ang mga taong may mala
"Sino ba ang nagsabi na ipagkait ko siya sayo?" salubong ang kilay na tanong ni Nadia. "Hindi ko gagawin sa anak natin iyong ginawa ko kay Baby Gio." Inaamin niya na naging selfish siya kay Enrico nitong mga nakaraang buwan nang matagpuan siya nito. Ngunit nang makita niya ang sinseridad ni Enrico at ang kagustuhan nito na magka-ayos silang dalawa, napagtanto ni Nadia na kailangan nilang mag-usap dalawa nang masinsinan. Wala ring patutunguhan kung magmatigas pa si Nadia dahil kahit siya mismo alam niya sa sarili na gusto niyang makapiling muli si Enrico. Hindi lang dahil sa kanilang maging anak kundi dahil ito ang sinisigaw ng kanyang puso. "Hindi ko siya ilalayo sayo, " nag ulap ang mga mata ni Enrico nang marahang haplusin ni Nadia ang kanyang pisngi. "Sorry dahil iyon ang iniisip mo. "Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Enrico kahit nangangatal ito dahil sa pagpigil ng kanyang emosyon na huwag umiyak. "Thank you... I am happy to heard that, Nad. Pero kahit ilayo mo siya sa