Ganoon siya kabilis na inlove kay Enrico. Isang buwan mahigit palang niyang nakilala at nakasama ang binta ngunit nahulog na kaagad ang puso niya dito. Sa dami ng lalaki bakit si Enrico pa? Bakit doon pa siya nagkagusto sa taong sinusumpa niya? Ito ba ang karma sa kasalanang ginawa niya sa binata? Isang linggo na ang nakalipas mula nang mapagtanto niya sa sarili na may gusto siya kay Enrico. Isang linggo niya rin hindi nakakausap ng maayos ang lalaki. Minsan lang sila mapang abot dalawa. Tipid rin ang bawat salita na binibitawan niya kapag kinakausap siya ni Enrico. "Wala ka ng magagawa, nagmahal ka ng babaero, e, " aniya sa sarili. Kanina pa siya nakatulala sa kawalan. Naka upo lang siya sa harap ng crib ni Baby Gio habang mahimbing na natutulog ang bata doon. Ang pagbabago ni Nadia ay napansin ni Enrico. Nais niya itong kausapin ng masinsinan ngunit wala pa siyang sapat na oras at lakas para harapin ang dalaga. Nagkaroon rin ng problema sa palayan niya at ito ang kinakaharap ni
Palaisipan kay Enrico ang narinig niya kay Nadia kanina. Malinaw niyang narinig ang katagang iyon. At iniisip niya ngayon na baka kilala nga ni Nadia ang Ina ng kanyang anak.Nalilito siya kung alin ang paniwalaan, kung iyon bang narinig niyang unang sinabi ni Nadia o iyong sagot nito na baka nagkamali nga lang siya ng pandinig. Imposible naman kasi na kilala ni Nadia ang Ina ng kanyang anak. Napasandal si Enrico sa likod ng upuan at napahilot ng sintido. Pero paano nga kung totoo na may ugnayan si Nadia at ng Ina ng kanyang anak? Tumayo siya at nagtimpla ng kape. Hindi siya maka fucos sa ginagawa dahil iyon ang laman ng kanyang isip. Kailangan nang matapos itong ginagawa niya dahil ilang araw na itong nakatingga sa kanya. Mga bagong design ng damit iyon na pinapasuri sa kanya bago iakyat sa board at mapagdesisyunan kung pasok ba ito sa top trend na i-release sa publiko. At nahihirapan siya dahil kaunti lang ang kaalaman niya sa bagay na ito. "Alam ko may kailangan ka kaya ka napa
Tatlong araw ng hindi naka uwi si Enrico sa kanilang mansyon. Nasa Cebu siya dahil nagkaroon ng kaunting problema ang branch ng DZM doon. Nang gabing tumawag si Ervin sa kanya, kinabukasan dumiretso na siya ng Cebu na hindi nakapagpaalam sa kanyang anak. Tumawag lang siya sa kanyang Ama tungkol sa pagpunta niya ng Cebu. At kaya rin natagalan ang pagbalik niya dahil may lupa siyang tinitingnan na gusto niyang bilhin doon. At ngayon papauwi na siya. May ngiti sa kanyang labi na nakatingin siya sa dalawang supot na bitbit, mga pasalubong niya ito sa kanyang anak at kay Nadia. Kung dati, si Nenita ang binibilhan niya ng mga pasalubong, ngayon si Nadia at ang kanyang anak na. Hindi niya rin alam kung bakit. Basta niya lang binili ang mga iyon para kay Nadia. Napailing na pinikit niya ang mga mata at hindi mapalis ang ngiti sa kanyang mga labi. He know na magugustuhan ni Nadia ang pasalubong niya. Ang excitement at saya na kanyang naramdaman ay nabura nang makatanggap ng mensahe galing
Tuwing sabado pinapasyal ni Enrico si Baby Gio at kasama si Nadia. Family day kasi iyon ng mga Kuya niya nang magkaroon na ito ng pamilya at ngayon isa na siya sa kasama dito. Katulad ngayon, nasa park sila na pagmamay-ari ng mag-asawang Liel at Ethan. At para silang mag-asawa tingnan kasama si Baby Gio. "May something talaga sa kanilang dalawa, e.""Feeling ko rin. Matagal ko na iyan napapansin, hindi ko lang sinabi. Pero ngayon, parang iba na e. "Nagbubulungan na nag-uusap sina Liel at Janice habang nakatingin kina Enrico at Nadia. Magkaharap silang dalawa na naka upo sa nakalatag na mat at pinagitnaan nila si Baby Gio na naroon sa strawler. Nagbabalat si Enrico ng orange at si Nadia ang taga kain. "Anong binubulong bulong ninyong dalawa d'yan? " untag ni Ethan sa dalawa. Hinila ni Liel ang laylayan ng kanyang damit kaya napa upo siya sa tabi ng asawa. "Hinaan mo yung boses mo. Kaya nga kami bumubulong, e. "Napa 'Oh' nalang si Ethan at patango-tango ang ulo na sinundan ng tin
Nanginginig, walang lakas ang buong katawan ni Nadia nang marinig ang pangalan na iyon. Ngunit pinipilit niyang kinukumbinsi ang sarili na ang pangalan na binanggit ni Norma at ang taong iniisip niya ay magka iba. Walang nakakaalam sa kanyang ginawa bukod sa kanyang sarili. Iilang tao lang din ang nakaalam sa kanilang baryo ang tungkol sa kanyang Ate Selvia. Kaya imposible na natunton siya ni Peter dito sa mga Montefalco. At kung totoo man na ang tao na iyon at si Peter ay iisa, ano ang pakay niya? "Papasukin mo siya, Norma."Natinag si Nadia at napatingin kay Don Emmanuel na kakapasok palang. Galing siya sa likod doon sa garden na sila lang ang may karapatan na pumasok doon. "Nadia, dalhin mo muna sa itaas ang apo ko. Doon muna kayo sa silid, " aniya. "Norma, ihatid mo sa office ko ang lakaki. Enrico, tawagan mo ang mga kuya mo. Sumunod ka rin sa akin. "Nagmadali na bumalik sa labas si Norma. Si Nadia hindi alam ang gagawin dahil nangingibabaw ang kaba na nararamdaman niya. Ramd
"Ang aga mo naman uminom. Masakit pa ang sikat ng araw, o. " wika ni Ervin nang iabot niya kay Enrico ang alak na ipina utos niya. Alas-tres palang ng hapon pero bote na ng alak ang kanyang hawak. Nasa rooftop siya ng building, nakatanaw sa malawak na lupain na may bakas ng sunog. Mahinang napabuntong hininga si Ervin. "Kahit pilitin kita na magsalita kung ano ang problema mo hindi mo parin iyon gagawin. Kaya iwan na muna kita rito. Kapag kailangan mo ng kausap o kasama, nasa ibaba lang ako." Tinapik niya ito sa balikat bago umalis. Gusto niya munang mapag-isa ngayon. Iyong tahimik. Walang ibang iniisip habang nilalanghap ang sariwa at malamig na hangin. Ngunit ang gusto niya ay hindi umayon nang bumalik si Ervin at ibalita dito na umamin na ang mga taong nagsunog ng palayan niya. "Kilala mo naman iyong Pascual, di'ba? Iyong nakabili ng lupa diyan sa harap. Iyong taong nakatikim lang ng kaunting yaman tingin niya isa na siyang hari na maghari-harian sa barangay niya. Iyon ang na
Hindi napigilan ni Enrico ang galit na naramdaman kay Nadia. Tatlong araw siyang umiwas sa dalaga. Tatlong araw niyang kinumbinsi ang sarili na walang kinalaman si Nadia sa mga pinagsasabi ni Peter. Pero ngayon, ang lahat ay nabigyan ng katotohanan. Hindi niya anak si Baby Gio. Subrang sakit para sa kanya dahil tinanggap at minahal niya ang bata. Masakit dahil ang buong akala niya anak niya ito pero... "Niloko mo'ko! How dare you to ruined me?! " muling sigaw niya kay Nadia. Kahit nanginginig sa takot si Nadia hindi siya umiwas ng tingin. Sinalo niya ang nagbabaga na mga mata ni Enrico sa galit na anumang oras kaya niyang saktan si Nadia dahil sa ginawa nito sa kanya. "Mag... Magpapaliwanag ako-"Mabilis na hinawakan ni Ethan at Javier ang magkabilang braso ni Enrico nang sa isang iglap dinaklot niya sa braso si Nadia. "Enrico, stop it! " magkasabay na sambit ng kanyang kuya. Pati si Don Emmanuel ay napatayo rin sa kanyang upuan sa pagiging marahas ng anak sa isang babae.
Wala siyang lakas para bumangon. Lumapit sa kanya si Ethan at inalalayan siyang tumayo. Muntik pa siyang mabuwal ng bitawan siya ng lalaki ng makatayo siya. Hindi siya makatingin dito. Lalo na kay Don Emmanuel. Ang takot niya ay hindi parin nawawala. Akala niya kanina siya ang binaril nang Don. Akala niya katapusan na niya, kasabay sa pagtapos ng kanyang matinding sikreto na ginawa sa buong pamilya. Gusto niyang magsalita, magpaliwanag kung bakit niya iyon ginawa ngunit parang tinahe ang kanyang bibig na hindi niya ito mabuka. "Umaalis ka na muna," wika ni Ethan sa mababang tono. "Sa ngayon, hindi pa namin kaya na pakinggan at intindihin ang paliwanag mo. "Mabagal na tumango si Nadia bilang tugon. Naka alalay na hinatid siya ni Ethan sa labas ng opisina ni Don Emmanuel. "Alam namin na may malalim kang dahilan kung bakit mo ito ginawa. Kakausapin ka namin bukas, " wika ni Ethan bago sinara ang pinto. Sinikap niyang humakbang paalis. Ngunit dahil sa kahian ng kanyang buong katawan