Tuwing sabado pinapasyal ni Enrico si Baby Gio at kasama si Nadia. Family day kasi iyon ng mga Kuya niya nang magkaroon na ito ng pamilya at ngayon isa na siya sa kasama dito. Katulad ngayon, nasa park sila na pagmamay-ari ng mag-asawang Liel at Ethan. At para silang mag-asawa tingnan kasama si Baby Gio. "May something talaga sa kanilang dalawa, e.""Feeling ko rin. Matagal ko na iyan napapansin, hindi ko lang sinabi. Pero ngayon, parang iba na e. "Nagbubulungan na nag-uusap sina Liel at Janice habang nakatingin kina Enrico at Nadia. Magkaharap silang dalawa na naka upo sa nakalatag na mat at pinagitnaan nila si Baby Gio na naroon sa strawler. Nagbabalat si Enrico ng orange at si Nadia ang taga kain. "Anong binubulong bulong ninyong dalawa d'yan? " untag ni Ethan sa dalawa. Hinila ni Liel ang laylayan ng kanyang damit kaya napa upo siya sa tabi ng asawa. "Hinaan mo yung boses mo. Kaya nga kami bumubulong, e. "Napa 'Oh' nalang si Ethan at patango-tango ang ulo na sinundan ng tin
Nanginginig, walang lakas ang buong katawan ni Nadia nang marinig ang pangalan na iyon. Ngunit pinipilit niyang kinukumbinsi ang sarili na ang pangalan na binanggit ni Norma at ang taong iniisip niya ay magka iba. Walang nakakaalam sa kanyang ginawa bukod sa kanyang sarili. Iilang tao lang din ang nakaalam sa kanilang baryo ang tungkol sa kanyang Ate Selvia. Kaya imposible na natunton siya ni Peter dito sa mga Montefalco. At kung totoo man na ang tao na iyon at si Peter ay iisa, ano ang pakay niya? "Papasukin mo siya, Norma."Natinag si Nadia at napatingin kay Don Emmanuel na kakapasok palang. Galing siya sa likod doon sa garden na sila lang ang may karapatan na pumasok doon. "Nadia, dalhin mo muna sa itaas ang apo ko. Doon muna kayo sa silid, " aniya. "Norma, ihatid mo sa office ko ang lakaki. Enrico, tawagan mo ang mga kuya mo. Sumunod ka rin sa akin. "Nagmadali na bumalik sa labas si Norma. Si Nadia hindi alam ang gagawin dahil nangingibabaw ang kaba na nararamdaman niya. Ramd
"Ang aga mo naman uminom. Masakit pa ang sikat ng araw, o. " wika ni Ervin nang iabot niya kay Enrico ang alak na ipina utos niya. Alas-tres palang ng hapon pero bote na ng alak ang kanyang hawak. Nasa rooftop siya ng building, nakatanaw sa malawak na lupain na may bakas ng sunog. Mahinang napabuntong hininga si Ervin. "Kahit pilitin kita na magsalita kung ano ang problema mo hindi mo parin iyon gagawin. Kaya iwan na muna kita rito. Kapag kailangan mo ng kausap o kasama, nasa ibaba lang ako." Tinapik niya ito sa balikat bago umalis. Gusto niya munang mapag-isa ngayon. Iyong tahimik. Walang ibang iniisip habang nilalanghap ang sariwa at malamig na hangin. Ngunit ang gusto niya ay hindi umayon nang bumalik si Ervin at ibalita dito na umamin na ang mga taong nagsunog ng palayan niya. "Kilala mo naman iyong Pascual, di'ba? Iyong nakabili ng lupa diyan sa harap. Iyong taong nakatikim lang ng kaunting yaman tingin niya isa na siyang hari na maghari-harian sa barangay niya. Iyon ang na
Hindi napigilan ni Enrico ang galit na naramdaman kay Nadia. Tatlong araw siyang umiwas sa dalaga. Tatlong araw niyang kinumbinsi ang sarili na walang kinalaman si Nadia sa mga pinagsasabi ni Peter. Pero ngayon, ang lahat ay nabigyan ng katotohanan. Hindi niya anak si Baby Gio. Subrang sakit para sa kanya dahil tinanggap at minahal niya ang bata. Masakit dahil ang buong akala niya anak niya ito pero... "Niloko mo'ko! How dare you to ruined me?! " muling sigaw niya kay Nadia. Kahit nanginginig sa takot si Nadia hindi siya umiwas ng tingin. Sinalo niya ang nagbabaga na mga mata ni Enrico sa galit na anumang oras kaya niyang saktan si Nadia dahil sa ginawa nito sa kanya. "Mag... Magpapaliwanag ako-"Mabilis na hinawakan ni Ethan at Javier ang magkabilang braso ni Enrico nang sa isang iglap dinaklot niya sa braso si Nadia. "Enrico, stop it! " magkasabay na sambit ng kanyang kuya. Pati si Don Emmanuel ay napatayo rin sa kanyang upuan sa pagiging marahas ng anak sa isang babae.
Wala siyang lakas para bumangon. Lumapit sa kanya si Ethan at inalalayan siyang tumayo. Muntik pa siyang mabuwal ng bitawan siya ng lalaki ng makatayo siya. Hindi siya makatingin dito. Lalo na kay Don Emmanuel. Ang takot niya ay hindi parin nawawala. Akala niya kanina siya ang binaril nang Don. Akala niya katapusan na niya, kasabay sa pagtapos ng kanyang matinding sikreto na ginawa sa buong pamilya. Gusto niyang magsalita, magpaliwanag kung bakit niya iyon ginawa ngunit parang tinahe ang kanyang bibig na hindi niya ito mabuka. "Umaalis ka na muna," wika ni Ethan sa mababang tono. "Sa ngayon, hindi pa namin kaya na pakinggan at intindihin ang paliwanag mo. "Mabagal na tumango si Nadia bilang tugon. Naka alalay na hinatid siya ni Ethan sa labas ng opisina ni Don Emmanuel. "Alam namin na may malalim kang dahilan kung bakit mo ito ginawa. Kakausapin ka namin bukas, " wika ni Ethan bago sinara ang pinto. Sinikap niyang humakbang paalis. Ngunit dahil sa kahian ng kanyang buong katawan
Isang linggo na ang nakalipas nang umalis siya sa mansyon ng mga Montefalco. Sa isang linggo na iyon malaki ang ipinagbago ng kanyang katawan. Hindi siya makatulog ng maayos sa gabi dahil naging praning siya. Na baka puntahan siya ni Enrico sa kanyang bahay at patayin. Kaunting kaluskos lang naging alerto na siya. Nakasarado ang kanyang buong bahay. Wala ring nakakaalam na kapitbahay niya na nariyan na siya. Mabuti nalang at may mga stocks siya sa kanyang tindahan, iyon ang naging konsumo niya sa isang linggo. Sabado. Nasa bayan siya, hinihintay ang pagdating ni Nenita. Hindi siya umaasa na pupunta rito ang dalaga pero nagbabakasali siya. Nakapurong ang kanyang ulo at mukha. Kinakabahan siya na ilantad ang kanyang mukha dahil baka nasa paligid lang si Enrico. Uuwi na sana siya nang makita niya si Nenita na may maraming bitbit na pinamili. Nagmadali siyang lapitan ito. Palinga-linga pa siya paligid bago kinalabit ang dalaga. "Nenita."Gulat na nilingon siya ng babae. "Nadia? Baki
Tulala si Enrico na nakatingin sa bukas na cabinet sa loob ng kwarto ni Nadia. Hindi siya natulog. Dilat ang kanyang mata na hinintay ang umaga para muling tingnan si Nadia sa kanyang silid. Nawala ang pangamba sa kanyang puso nang hindi na naka lock ang pinto. Ngunit nang makita niya ang bukas na cabinet at wala na roon ang ibang gamit ng babae, nanghina siya at napatanong nalang ng, 'bakit? '. Alam niya na kasalanan niya kung bakit umalis si Nadia dahil pinalayas niya ito, pinagsalitaan ng hindi maganda at binantaan pa ang buhay niya. Pero kung nagpaalam sa kanya ang dalaga, siguro magbabago ang desisyon niya na wag nalang umalis si Nadia. Nadala siya sa kanyang galit. Hindi niya na control ang sarili at iyon ang pinagsisisihan niya. Sa lahat ng maari niyang saktan, isang babae pa. At ang babae na iyon ay espesyal sa kanya. Huminga siya ng malalim at pinahid ang luha na lumandas sa kanyang mata. Kung pwede niya lang ibalik ang oras, hinding-hindi niya sasaktan si Nadia. Hinding-
"A-ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?! " Sigaw niya sabay tayo makaraan ang ilang minuto na pagkatulala sa gulat. "Saan ang bahay niya?""Sa amin rin- Sir, sandali! " habol na sigaw ni Nenita nang malalaki ang hakbang na umalis si Enrico. "Wala na siya doon, " dugtong niya nang tuluyang makalabas ng bahay ang lalaki. Nagmadali siyang umalis at hindi na pinatapos ang salita ni Nenita. Para siyang nakalipad sa ulap sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi na siya makapaghintay na makita si Nadia. Ngayon, may dahilan na siya para pabalikin si Nadia sa buhay niya. Nakapunta na siya sa bahay nila Nenita, kaya lang may kalakihan ang Barangay Malasila at hindi niya pala naitanong kay Nenita kung saan banda ang bahay ni Nadia. Kaya bawat may tao siyang nakakasalubong sa daan nagtatanong siya kung saan ang bahay ni Nadia. "Pasensiya na ho, sir, wala kaming kilala na Nadia. "Ilang tao na ang napagtanungan niya ngunit pareho lang ang mga sagot nito. Dumidilim na rin ngunit hindi parin siya