Share

Chapter 27

Tulala si Enrico na nakatingin sa bukas na cabinet sa loob ng kwarto ni Nadia. Hindi siya natulog. Dilat ang kanyang mata na hinintay ang umaga para muling tingnan si Nadia sa kanyang silid. Nawala ang pangamba sa kanyang puso nang hindi na naka lock ang pinto. Ngunit nang makita niya ang bukas na cabinet at wala na roon ang ibang gamit ng babae, nanghina siya at napatanong nalang ng, 'bakit? '.

Alam niya na kasalanan niya kung bakit umalis si Nadia dahil pinalayas niya ito, pinagsalitaan ng hindi maganda at binantaan pa ang buhay niya. Pero kung nagpaalam sa kanya ang dalaga, siguro magbabago ang desisyon niya na wag nalang umalis si Nadia.

Nadala siya sa kanyang galit. Hindi niya na control ang sarili at iyon ang pinagsisisihan niya. Sa lahat ng maari niyang saktan, isang babae pa. At ang babae na iyon ay espesyal sa kanya.

Huminga siya ng malalim at pinahid ang luha na lumandas sa kanyang mata. Kung pwede niya lang ibalik ang oras, hinding-hindi niya sasaktan si Nadia. Hinding-
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status