Nasa magkabilang bulsa ang kamay ni Enrico habang nakatanaw kay Nadia na papalayo. Aminin niya nadismaya siya sa pagtanggi ni Nadia na hindi ito sasama sa kanya. Naintindihan niya naman kung bakit at nirerespeto niya ang desisyon ng babae. Hindi niya lang mapigilan ang manghinayang sa panahon at oras na hindi niya kasama si Nadia habang ipinagbubuntis nito ang kanilang anak. Sa ngayon, makontento na muna siya sa pagtanaw sa dalaga. Handa naman siyang maghintay sa takdang panahon na tanggapin ulit siya ni Nadia. Handa siyang maghintay na bumalik ang pakikitungo ni Nadia sa kanya. At gagawin niya ang lahat ng paraan para mabura sa isipan ni Nadia ang mga masakit na salit na ibinato niya noon dito. "Hindi mo ba siya susundan?"Gulat na napalingon si Enrico nang may nagsalita sa kanyang likuran. Ang kuya Javier niya, nakadungaw ang ulo sa driver set. Sa backseat naman nagsiksikan si Luis at Zj sa bintana para makiisyoso din."Sayang naman ang pagkakataon kung hanggang tanaw ka lang, " du
"Ano ang nangyari sa lakad ninyo? " salubong na tanong ni Don Emmanuel kay Enrico nang umuwi ito saglit sa kanilang mansyon. Maliit na ngumiti si Enrico sa ama. "We found her... Pero ayaw niya sa akin. Ayaw niyang sumama sa akin. ""Then, chase her back. Ipakita mo sa kanya na mabuti ang intensyon mo. Huwag kang sumuko lalo na kapag alam mong may pag-asa ka pa sa kanya, " pampalakas-loob ng kanyang ama. "I'm rooting for your happiness, son. "Bago bumalik sa bahay ni Nadia nagdala siya ng kaunting damit. Balak niyang maghanap ng maupahan na bahay malapit doon. Ngunit bago iyon, nagluto muna siya ng agahan para kay Nadia. Dumaan rin siya sa farm ng kanyang kuya Javier at namitas ng mga prutas doon para iabot kay Nadia. Buong oras nasa loob ng kanyang sasakyan si Enrico. Hindi nito inaalis kahit sandali ang paningin sa nakasaradong bahay ni Nadia. Baka malingat siya at hindi niya mabantayan ang paglabas ng babae. Hindi niya alam kung anong oras pumapasok si Nadia sa bar na inaawitan
Tigagal na napatingin si Enrico sa kanya. Na pipi siya sa binitawang salita ni Nadia. Hindi niya akalain na iyon pala ang nararamdam nang babae sa ginagawa niyang palihim na pagsunod dito araw-araw. Akala niya maayos ang pagtatago na ginagawa niya, pero sablay parin pala dahil nalaman rin ni Nadia ang kalokohang ginagawa niya. Ngunit hindi iyon ang rason para tumigil siyang bantayan ang babae. Gayong alam na ni Nadia na sinusundan niya ito iyon ang nagtulak kay Enrico na hindi na niya kailangan magtago na subaybayan ang mag-ina niya.Nitong mga nakaraang araw, bukod sa naiinis si Nadia sa sarili, nahihirapan na rin siyang kumilos dahilan mabigat na ang kanyang tiyan. Madali nalang siyang mapagod, sumasakit na ang balakang niya kapag nagtagal siya sa pagtayo. Hindi na niya magawa ng kusa ang mga bagay na gusto niyang gawin, lahat sapilitan na.Ang tungkol sa palihim na pagsunod ni Enrico sa kanya ay kinaiinisan niya rin. Hindi para sa lalaki kundi para sa kanyang sarili. Kase imbis n
"Thank you for letting me to experience this, Nad. "Tango lang ang sagot ni Nadia at na unang naglakad. Nang makita ang masayang kislap ng mga mata ni Enrico may mainit na humaplos sa puso ni Nadia. Iyong saya na kakaiba. Saya sa mga mata ni Enrico na ngayon lang nakita ni Nadia. "Akin na ang bag mo, ako na magdadala, " saad ni Enrico nang maabutan niya si Nadia. "Hindi na. Hindi 'to mabigat. "Kusa iyon kinuha ni Enrico sa kanyang balikat. "Yung sa kanya nga mas maliit pa sa bag mo ang dala pero kasama niya yung nagbitbit, " aniya tukoy sa babaeng buntis na nasa kanilang harapan. Masama ang tingin na binalingan siya ni Nadia. "Tumahimik ka, " pagbabanta nito. "Sige, subukan ko. Hindi ako sanay na tahimik lang kahit saglit. "'Mali talaga na nag-suggest akong sumama siya, "himutok ni Nadia sa isipan. Nakukulitan siya sa ingay ni Enrico. Hindi naman ito ganoon dati ka daldal noong magkasama sila sa mansyon nila. Ngayon panay ang putak ng kanyang bibig at ang ingay pa. "From day
Dalawang araw na ang lumipas binabagabag parin ang inisapn ni Nadia sa huling pag-uusap nila ni Enrico. Nang araw din iyon nagpaalam sa kanya si Enrico na hindi siya makakadalaw ng ilang araw dahil pupunta ito ng Cebu. Nag iwan lang ito ng maraming groceries at nag abot ng pera kay Nadia for her personal needs. Sa mga raw na hindi niya nakikita si Enrico naging malungkot siya. Wala siyang lakas na bumangon o gumalaw. Gusto niya lang mahiga buong maghapon-magdamag. Ngunit hindi iyon pwede. Kailangan niya rin asikasuhin ang sarili niya. "Ineng, iyon bang lalaki na palaging pumupunta sa bahay mo ay boypren mo?" tanong ni Aling Rosa nang gumawi si Nadia sa kanyang tindahan. "Bilib rin ako sa batang iyon, mantakin mo ba naman bente-kuwatro oras iyan nagbabantay sayo. Muntik pa nga ako tumawag ng tanod dahil baka isa siyang masamang tao. Pero nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nakatanaw sa bahay mo, naku, awang-awa ako sa kanya. Talaga nga'y ikaw ay tunay niyang minamahal.
"Sir, ipaalala ko lang ho na bukas ng alas-nuwebe ang ground breaking ceremony at sa ala-una may meeting kayo from the investors at may dinner meeting with the legal team regardless doon sa bagong design ng brand na gusto niyo. Nag annouced kasi si Don Emmanuel nang long weekend break kaya bukas at dinner ang ginawang scedule ng legal team dahil urgent daw iyon sabi niyo." Mariing napapikit si Enrico nang mabasa ang text message sa kanya ng secretary niya. Sa dami ng ganap na dinaluhan niya nitong buong linggo nawala sa isip niya ang ibang bagay. Ni hindi nga siya nakabili ng pasalubong niya kay Nadia at sa baby nila sa busy ng kanyang schedule sa Cebu. Mabuti nalang at naka seat sa phone reminder niya ang kaarawan ni Nadia. Matapos niyang dalawin ang puntod nang kanyang ina dumeritso kaagad siya sa bahay ni Nadia kahit siya ay pagod at inaantok. Sulit naman ang pagpunta niya dahil nakasama siya sa hapunan si Nadia. Ngunit masakit ang kanyang kalooban at galit siya sa sarili na umuw
"Sino ba ang nagsabi na ipagkait ko siya sayo?" salubong ang kilay na tanong ni Nadia. "Hindi ko gagawin sa anak natin iyong ginawa ko kay Baby Gio." Inaamin niya na naging selfish siya kay Enrico nitong mga nakaraang buwan nang matagpuan siya nito. Ngunit nang makita niya ang sinseridad ni Enrico at ang kagustuhan nito na magka-ayos silang dalawa, napagtanto ni Nadia na kailangan nilang mag-usap dalawa nang masinsinan. Wala ring patutunguhan kung magmatigas pa si Nadia dahil kahit siya mismo alam niya sa sarili na gusto niyang makapiling muli si Enrico. Hindi lang dahil sa kanilang maging anak kundi dahil ito ang sinisigaw ng kanyang puso. "Hindi ko siya ilalayo sayo, " nag ulap ang mga mata ni Enrico nang marahang haplusin ni Nadia ang kanyang pisngi. "Sorry dahil iyon ang iniisip mo. "Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Enrico kahit nangangatal ito dahil sa pagpigil ng kanyang emosyon na huwag umiyak. "Thank you... I am happy to heard that, Nad. Pero kahit ilayo mo siya sa
"May isang anak na naman ang magselos sa kanyang ama. " Patay malisya na pagparinig ni Janice kay Enrico dahil hindi maipinta ang mukha nang binata ng salubungin ni Don Emmanuel ng yakap si Nadia samantalang siya ay hindi pinansin ng ama. Nag ulap ang mga mata ni Nadia nang mainit siyang salubongin ng buong pamilya. Kompleto silang lahat. Pati mga magulang ni Liel ay narito ang mga ito upang makilala siya. Ang tiyahin ni Janice at si Manang Sonya. Maliban sa mga angkan ng Montefalco walang ni isa na narito at ipinagpasalamat iyon ni Nadia dahil wala pa siyang lakas ng loob para harapin ang mga ito. Hindi naman kase malabo na wala silang alam tungkol sa pinagdaaan ng pamilya dahil sa ginawa niyang panloloko dito. Nag mistulang fiesta ang ibabaw ng mesa sa dami ng handa. Iba-ibang putahe iyon ngunit wala man lang sa mga iyon ang nagustuhan ni Nadia. Ang paging matakaw niya sa pagkain ay biglang nawala dahil sa samo't saring emosyon na kanyang nararamdam kasama ang mga taong may mala