Share

Chapter 25

Author: Diena
last update Last Updated: 2023-12-09 12:44:02

Wala siyang lakas para bumangon. Lumapit sa kanya si Ethan at inalalayan siyang tumayo. Muntik pa siyang mabuwal ng bitawan siya ng lalaki ng makatayo siya. Hindi siya makatingin dito. Lalo na kay Don Emmanuel.

Ang takot niya ay hindi parin nawawala. Akala niya kanina siya ang binaril nang Don. Akala niya katapusan na niya, kasabay sa pagtapos ng kanyang matinding sikreto na ginawa sa buong pamilya.

Gusto niyang magsalita, magpaliwanag kung bakit niya iyon ginawa ngunit parang tinahe ang kanyang bibig na hindi niya ito mabuka.

"Umaalis ka na muna," wika ni Ethan sa mababang tono. "Sa ngayon, hindi pa namin kaya na pakinggan at intindihin ang paliwanag mo. "

Mabagal na tumango si Nadia bilang tugon. Naka alalay na hinatid siya ni Ethan sa labas ng opisina ni Don Emmanuel.

"Alam namin na may malalim kang dahilan kung bakit mo ito ginawa. Kakausapin ka namin bukas, " wika ni Ethan bago sinara ang pinto.

Sinikap niyang humakbang paalis. Ngunit dahil sa kahian ng kanyang buong katawan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 26

    Isang linggo na ang nakalipas nang umalis siya sa mansyon ng mga Montefalco. Sa isang linggo na iyon malaki ang ipinagbago ng kanyang katawan. Hindi siya makatulog ng maayos sa gabi dahil naging praning siya. Na baka puntahan siya ni Enrico sa kanyang bahay at patayin. Kaunting kaluskos lang naging alerto na siya. Nakasarado ang kanyang buong bahay. Wala ring nakakaalam na kapitbahay niya na nariyan na siya. Mabuti nalang at may mga stocks siya sa kanyang tindahan, iyon ang naging konsumo niya sa isang linggo. Sabado. Nasa bayan siya, hinihintay ang pagdating ni Nenita. Hindi siya umaasa na pupunta rito ang dalaga pero nagbabakasali siya. Nakapurong ang kanyang ulo at mukha. Kinakabahan siya na ilantad ang kanyang mukha dahil baka nasa paligid lang si Enrico. Uuwi na sana siya nang makita niya si Nenita na may maraming bitbit na pinamili. Nagmadali siyang lapitan ito. Palinga-linga pa siya paligid bago kinalabit ang dalaga. "Nenita."Gulat na nilingon siya ng babae. "Nadia? Baki

    Last Updated : 2023-12-10
  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 27

    Tulala si Enrico na nakatingin sa bukas na cabinet sa loob ng kwarto ni Nadia. Hindi siya natulog. Dilat ang kanyang mata na hinintay ang umaga para muling tingnan si Nadia sa kanyang silid. Nawala ang pangamba sa kanyang puso nang hindi na naka lock ang pinto. Ngunit nang makita niya ang bukas na cabinet at wala na roon ang ibang gamit ng babae, nanghina siya at napatanong nalang ng, 'bakit? '. Alam niya na kasalanan niya kung bakit umalis si Nadia dahil pinalayas niya ito, pinagsalitaan ng hindi maganda at binantaan pa ang buhay niya. Pero kung nagpaalam sa kanya ang dalaga, siguro magbabago ang desisyon niya na wag nalang umalis si Nadia. Nadala siya sa kanyang galit. Hindi niya na control ang sarili at iyon ang pinagsisisihan niya. Sa lahat ng maari niyang saktan, isang babae pa. At ang babae na iyon ay espesyal sa kanya. Huminga siya ng malalim at pinahid ang luha na lumandas sa kanyang mata. Kung pwede niya lang ibalik ang oras, hinding-hindi niya sasaktan si Nadia. Hinding-

    Last Updated : 2023-12-11
  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 28

    "A-ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?! " Sigaw niya sabay tayo makaraan ang ilang minuto na pagkatulala sa gulat. "Saan ang bahay niya?""Sa amin rin- Sir, sandali! " habol na sigaw ni Nenita nang malalaki ang hakbang na umalis si Enrico. "Wala na siya doon, " dugtong niya nang tuluyang makalabas ng bahay ang lalaki. Nagmadali siyang umalis at hindi na pinatapos ang salita ni Nenita. Para siyang nakalipad sa ulap sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi na siya makapaghintay na makita si Nadia. Ngayon, may dahilan na siya para pabalikin si Nadia sa buhay niya. Nakapunta na siya sa bahay nila Nenita, kaya lang may kalakihan ang Barangay Malasila at hindi niya pala naitanong kay Nenita kung saan banda ang bahay ni Nadia. Kaya bawat may tao siyang nakakasalubong sa daan nagtatanong siya kung saan ang bahay ni Nadia. "Pasensiya na ho, sir, wala kaming kilala na Nadia. "Ilang tao na ang napagtanungan niya ngunit pareho lang ang mga sagot nito. Dumidilim na rin ngunit hindi parin siya

    Last Updated : 2023-12-13
  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 29

    Napagkasunduan nilang sa Malita nalang sila magkitakita na magpinsan. Natuon rin na ang pinsan nilang si Luis ay doon nakatira kaya doon muna sila pansamantala na tumuloy habang pinaplano nila ang paghahanap kay Nadia. "Thanks god, wala ang spoiled brat, " nakahinga ng maluwag na usal ni Javier nang makarating sila sa bahay ni Luis. "Hindi namin pinaalam. Baka sumugod ang lahat ang liit pa naman ng bahay ni Luis, " si King. "Hiyang- hiya naman ako sa kaharian mo, " napa ismid na sagot ni Luis at ngumisi naman si King. "Maraming salamat at nagpunta kayo, " wika ni Enrico. "Mas maigi nang kaunti lang tayo para hindi magkagulo, " kumunot ang kanyang noo nang makitang lumabas ng kwarto si Valerie na humihikab pa. "Bakit nandito yan?"Pabagsak n umupo sa sofa si Valerie at sumandal kay Ethan. "Bakit, bawal? "Umiling si Enrico bilang sagot nang hindi na humaba pa ang usapan. Inilatag niya sa center table ang papel at ballpen na ipinagtaka naman ng lahat. "Ito ang plano, " umpisa niya

    Last Updated : 2023-12-19
  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 30

    Ikatlong araw. Ikatlong araw na nila sa paghahanap kay Nadia ngunit kahit anino man lang ng dalaga hindi nila ito nakita. Sinubukan niya ring tawagan ang numero ni Nadia na galing kay Nenita pero mukhang hindi na ginagamit ni Nadia iyon. Gusto na niyang sumuko. Isang lugar nalang ang hindi pa nila napuntahan. At kapag wala pa roon si Nadia, hindi niya alam kung saan muli hahanapin ang babae. "Hindi kaya nalaman ni Nadia na hinahanap mo siya- aray! Nakadalawa ka na sa akin, " naghahamon na usal niya kay Ervin nang batukan ito ng lalaki. Pinanlakihan siya ng mata ni Ervin at ininguso si Enrico na nakayuko ang ulo at nakasandal sa sasakyan. Malalim ang iniisip. Malungkot, nasasaktan ang nakabalot na awra sa kanyang mukha. Iyon rin ang iniisip ni Enrico. Na baka natunugan ni Nadia na hinahanap siya nito. Kasi kahit ang number niya hindi ma contact na iyon naman ang ginagamit niya noong nagkausap sila ni Nenita. Nagbitiw siya ng salita kay Nadia. Pinagbantaan pa. Kaya siguro lumayo

    Last Updated : 2023-12-21
  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 31

    "Let go your fucking dirty hands at her! Mariing usal ni Enrico. Kumuyom ang kanyang kamao nang humarang sa kanya ang dalawang tao na taga bantay ng lalaking sinita niya. Malaki ang mga katawan nito ngunit kampante si Enrico sa kakahayan niya na kaya niya ang mga ito sa oras na sugurin siya ng dalawang lalaki. Ngunit hindi pa siya nagsalita kusang tumabi ang dalawang lalaki upang makadaan siya. Nakahinga ng maluwag si Nadia at nagpasalamat ng dinggin ng panginoon ang kanyang dasal na sana ay may tao na darating upang tulungan siya. Ngunit ganoon nalang ang gulat niya nang sa kanyang pagmulat nakita niya ang galit na mukha ni Enrico na papalapit sa kanya. Ang saya niya na sa loob ng limang buwan nakita na niya ulit si Enrico. Gusto niyang maiyak sa tuwa at pasasalamat dahil niligtas siya ni Enrico sa ganitong pagkakataon. Ngunit kaagad rin napalitan ng takot at pangamba. Ngayong nakita na siya ni Enrico wala na siyang kawala. Paano kung papatayin siya? Paano kung maghihigante si

    Last Updated : 2023-12-22
  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 32

    Nasa magkabilang bulsa ang kamay ni Enrico habang nakatanaw kay Nadia na papalayo. Aminin niya nadismaya siya sa pagtanggi ni Nadia na hindi ito sasama sa kanya. Naintindihan niya naman kung bakit at nirerespeto niya ang desisyon ng babae. Hindi niya lang mapigilan ang manghinayang sa panahon at oras na hindi niya kasama si Nadia habang ipinagbubuntis nito ang kanilang anak. Sa ngayon, makontento na muna siya sa pagtanaw sa dalaga. Handa naman siyang maghintay sa takdang panahon na tanggapin ulit siya ni Nadia. Handa siyang maghintay na bumalik ang pakikitungo ni Nadia sa kanya. At gagawin niya ang lahat ng paraan para mabura sa isipan ni Nadia ang mga masakit na salit na ibinato niya noon dito. "Hindi mo ba siya susundan?"Gulat na napalingon si Enrico nang may nagsalita sa kanyang likuran. Ang kuya Javier niya, nakadungaw ang ulo sa driver set. Sa backseat naman nagsiksikan si Luis at Zj sa bintana para makiisyoso din."Sayang naman ang pagkakataon kung hanggang tanaw ka lang, " du

    Last Updated : 2023-12-29
  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 33

    "Ano ang nangyari sa lakad ninyo? " salubong na tanong ni Don Emmanuel kay Enrico nang umuwi ito saglit sa kanilang mansyon. Maliit na ngumiti si Enrico sa ama. "We found her... Pero ayaw niya sa akin. Ayaw niyang sumama sa akin. ""Then, chase her back. Ipakita mo sa kanya na mabuti ang intensyon mo. Huwag kang sumuko lalo na kapag alam mong may pag-asa ka pa sa kanya, " pampalakas-loob ng kanyang ama. "I'm rooting for your happiness, son. "Bago bumalik sa bahay ni Nadia nagdala siya ng kaunting damit. Balak niyang maghanap ng maupahan na bahay malapit doon. Ngunit bago iyon, nagluto muna siya ng agahan para kay Nadia. Dumaan rin siya sa farm ng kanyang kuya Javier at namitas ng mga prutas doon para iabot kay Nadia. Buong oras nasa loob ng kanyang sasakyan si Enrico. Hindi nito inaalis kahit sandali ang paningin sa nakasaradong bahay ni Nadia. Baka malingat siya at hindi niya mabantayan ang paglabas ng babae. Hindi niya alam kung anong oras pumapasok si Nadia sa bar na inaawitan

    Last Updated : 2024-01-01

Latest chapter

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Epilogue

    Wala pa man si Nadia pero naging emosyonal na si Enrico at hindi mapakali habang nakatayo ito sa harap ng altar. Ikakasal na sila ng babaeng mahal niya. Sa babaeng ipinagpasalamat niya na dumating sa kanyang buhay. Hindi lang siya ang masaya at emosyonal ngayong araw, kundi pati ng mga tanong narito sa loob ng simbahan. Mga tao na naging saksi sa kanilang masakit na pagmamahalan. "Kahit kailan talaga ang iyakin mo, " pagbibiro ni Javier kay Enrico nang makita nito na nagpupunas ng luha sa pisngi ngunit pati siya ay emosyonal rin na nakatanaw sa nakasaradong pinto ng simbahan. "Kung narito lang si mommy, malamang humagulgol na iyan sa bisig ni mommy, " segunda ni Ethan na nagpupunas rin ng kanyang luha. They were both emotional. Saksi kase sila kung paano magmahal ang kanilang bunsong kapatid. Kung paano ito nasaktan at nabigo. Nasaksihan rin nila kung paano niya suyuin si Nadia. Ang ipakita sa babae na karapat-dapat siya. Hindi siya sumuko kahit alam nilang magkapatid na pagod na

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 45

    "Nabalitaan ko kay Nenita ang nangyari sa barangay namin. Ang sabi niya pa ikaw raw iyong bumili ng lupa ni congressman, " umalis siya mula sa pagyakap sa lalaki at hinarap ito ng maayos. "Nangangamba lalo ang ka baryo ko baka tuluyan na talaga silang mapaalis doon. "Ginawang unan ni Enrico ang magkabilang braso. Walang damit ang lalake kaya kitang-kita ang magandang hulma ng kanyang katawan. "Wag mo akong akitin sa maganda mong katawan. Hindi parin ako bibigay. "Natawa si Enrico sa reaksyon ni Nadia. Nakasimangot ang babae ngunit nasa mata nito ang natutukso sa kaharap na n*******d. "Binili ko iyon pero hindi ako ang may-ari... Binili ko iyon para sayo. Pagmamay-ari mo iyon. "Nanlaki ang mata ni Nadia. Kumikibot ang kanyang bibig ngunit wala siyang mahagilap na salita. "Isa ang bahay mo sa masali sa demolisyon. Alam ko kung gaano ka importante sayo ang bahay niyo. So I bought it. ""P-pero sabi mo ako na ang may-ari niyon... B-bakit? ""Kolatiral... Baka maisipan mong ayaw magpa

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 44

    Magtatlong buwan na since she gave birth. Pero pakiramdam ni Nadia kahapon lang iyon nangyari. Lumilikot na rin ang kanilang anak at marunong nang dumaldal kaya naaaliw ang lolo nito sa kanya. Para raw kase siyang nag-aalaga sa isang Enrico na maliit dahil kamukha ni Jayjay si Enrico noong baby pa ito. Kaya si Nadia ay naroon lang sa kwarto, nakahiga at boryong-boryo sa buhay. Hindi kase siya makababa kapag wala si Enrico na nakaalalay sa kanya. Natatakot rin siya na baka bumuka ang tahi niya sa paakyat-baba sa hagdan. Naghilom na iyon pero may nararamdaman parin siya na kaunting sakit lalo na kapag biglaan ang mga galaw niya. "Hi. Kamusta ka habang wala ako? " Malambing na wika ni Enrico nang nilapitan si Nadia na nakahiga sa sofa pagkauwi niya sa mansyon. Mag-isa lang ang babae sa kanilang kwarto at makikita sa kanyang mukha na may bumabagabag sa isip nito. Umupo si Enrico sa tabi ni Nadia saka hinalikan sa noo ang babae. "Hindi ka ba nahirapan sa pag-alaga sa anak natin? "Napan

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 43

    "Ayos ka lang? " Nanindig ang balahibo ni Nadia nang dumampi ang mainit na hininga ni Enrico sa kanyang tainga at leeg ng pabulong siyang tanungin nito. Nakasiksik sa kanya si Enrico sa pang isahan na couch kung saan naka upo si Nadia. Hindi makatingin kay Enrico na tumango si Nadia. "Ayos lang ako. Nanghihina nga lang ako kaya ayaw kong gumagalaw, " sagot niya. Nang makarating sila kanina saglit lang siyang nakisalamuha sa mga bisita dahil bigla siyang nahilo. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kakapanganak niya pa lang o sa kaba na nararamdaman. Pinahinga siya muna ni Enrico at sinabihan ang mga kamag-anak na huwag munang guluhin si Nadia. Nang dahil sa sinabi ni Enrico, naging pulutan siya ng tukso. Ngunit imbis na magalit o mainis ay natutuwa pa siya at proud pa. "Sa kwarto ko na lang ikaw magpahinga. Maingay rito, magulo. "Nag-aasaran kase ang mga kamag-anak niya. Pinag-aagawan ang kanilang anak, nagtutulakan, nagtatalo kung sino ang susunod na hahawak. "Hep! Wala ng hah

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 42

    Nasa mansyon sila habang nagl-labor si Nadia. Tumawag rin si Enrico sa pinsan niya para humingi ng advice sa kalagayan ni Nadia. "Kapag may kakaibang vaginal discharge nang lumabas sa kanya dalhin niyo na siya rito sa hospital. Sa ngayon, maglakad-lakad muna siya o mas mas maigi sa kama kayong dalawa mag-exercise."Naroon si Janice at Liel umaalalay kay Nadia kung ano ang gagawin. Naka hawak naman si Enrico sa kanya upang doon kumuha ng lakas ang babae sa tuwing hihilab ang tiyan niya. Hinahaplos ni Enrico ang balakang ng babae at paulit-ulit na hinahalikan ang ulo ni Nadia and saying kung gaano niya ito ka mahal. "Nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain? " masuyong tanong ni Enrico. Kahit hindi maintindihan ni Nadia kung alin masakit sa katawan niya, nagawa niya pang irapan si Enrico. "Sa tingin mo makakain ako sa lagay kong 'to? ""I'm sorry... Kung pwede lang ipasa sa akin ang sakit at hirap na naramdaman mo para hindi ka na mahirapan ginawa ko na. ""Ayos lang ako. Ayusin mo lang i

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 41

    "Sorry kung iyan ang naiisip ko. Hindi ko kasi maiwasan. Ayaw mo kase, e, " namumula ang mukha sa hiya na paninisi ni Nadia. Enrico gently kiss her forehead. Kailangan ni Enrico ipaliwanag ng maayos kay Nadia nang sa ganon hindi niya iyon masamain. Ayaw niyang mangyari na nang dahil lang sa bagay na ito ay ma stress ang babae. "Hindi sa ganon, Nad. Gusto ko rin pero nagpipigil lang ako. "Ang namamaos at malalim na boses ni Enrico ay naghatid ng init at kiliti sa katawang lupa ni Nadia. Sa pagtigil niya kanina alam niyang nahihirapan na ngayon ang lalaki. Ewan ba niya at sabik siyang makaniig ang lalake. Na palaging nag-iinit ang katawan niya wanting more kapag nakadikit o nakayakap sa kanya si Enrico. Hindi niya mawari kung dahil ba iyon sa pananabik sa lalake o dahil sa kanyang pagbubuntis. Hindi niya naman kase ito naramdaman noong hindi niya pa nakasama si Enrico. "Pagbigyan mo na ako, please... " namumungay ang mata na pakiusap ni Nadia. Mariing napalunok si Enrico. He's sti

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 40

    "Balak ipa-demolished ang ibang parte ng mga kabahayan sa Malasela. At isa ang bahay ni Nadia ang maapektuhan. May iba palang nagmamay-ari ng lupa na iyon na kinatitirikan ng bahay ni Nadia. May mga dokumento siya na nagpapatunay na nasa kanya iyon. Sa susunod na linggo na iyon gagawin o baka ay mas maagas pa. Nagkagulo na ang mga tao roon."Wala naman sanang pakialam si Enrico dahil wala siya sa posisyon para magprotesta sa agarang demolisyon na mangyari. Ang kaso lang damay ang bahay ni Nadia. Ayaw niyang bigyan ng isipin ang babae. Kahit matagal na itong hindi umuuwi sa bahay niya alam ni Enrico na mahalaga kay Nadia iyon. Kaya hindi niya hahayaan na ang isang bagay na naiwan kay Nadia ay mawala pa. Iyon nalang ang alaala na naiwan ng kanyang pamilya sa kanya. Magkasama sila ni Ervin na tinungo ang barangay nila Nadia. Malayo palang nagkagulo na ang mga tao sa labas ng kanilang bahay habang isa isang inilalabas ang kanilang kagamitan. Masakit iyon para kay Enrico. Ang makita ang

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 39

    "May isang anak na naman ang magselos sa kanyang ama. " Patay malisya na pagparinig ni Janice kay Enrico dahil hindi maipinta ang mukha nang binata ng salubungin ni Don Emmanuel ng yakap si Nadia samantalang siya ay hindi pinansin ng ama. Nag ulap ang mga mata ni Nadia nang mainit siyang salubongin ng buong pamilya. Kompleto silang lahat. Pati mga magulang ni Liel ay narito ang mga ito upang makilala siya. Ang tiyahin ni Janice at si Manang Sonya. Maliban sa mga angkan ng Montefalco walang ni isa na narito at ipinagpasalamat iyon ni Nadia dahil wala pa siyang lakas ng loob para harapin ang mga ito. Hindi naman kase malabo na wala silang alam tungkol sa pinagdaaan ng pamilya dahil sa ginawa niyang panloloko dito. Nag mistulang fiesta ang ibabaw ng mesa sa dami ng handa. Iba-ibang putahe iyon ngunit wala man lang sa mga iyon ang nagustuhan ni Nadia. Ang paging matakaw niya sa pagkain ay biglang nawala dahil sa samo't saring emosyon na kanyang nararamdam kasama ang mga taong may mala

  • Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma    Chapter 38

    "Sino ba ang nagsabi na ipagkait ko siya sayo?" salubong ang kilay na tanong ni Nadia. "Hindi ko gagawin sa anak natin iyong ginawa ko kay Baby Gio." Inaamin niya na naging selfish siya kay Enrico nitong mga nakaraang buwan nang matagpuan siya nito. Ngunit nang makita niya ang sinseridad ni Enrico at ang kagustuhan nito na magka-ayos silang dalawa, napagtanto ni Nadia na kailangan nilang mag-usap dalawa nang masinsinan. Wala ring patutunguhan kung magmatigas pa si Nadia dahil kahit siya mismo alam niya sa sarili na gusto niyang makapiling muli si Enrico. Hindi lang dahil sa kanilang maging anak kundi dahil ito ang sinisigaw ng kanyang puso. "Hindi ko siya ilalayo sayo, " nag ulap ang mga mata ni Enrico nang marahang haplusin ni Nadia ang kanyang pisngi. "Sorry dahil iyon ang iniisip mo. "Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Enrico kahit nangangatal ito dahil sa pagpigil ng kanyang emosyon na huwag umiyak. "Thank you... I am happy to heard that, Nad. Pero kahit ilayo mo siya sa

DMCA.com Protection Status