Share

Chapter 2

She is wearing a off shoulder red long fitted dress. Kaya hulmado ang kanyang magandang hubog na katawan.

Nadia sing with all her heart. Sa kompetisyong ito hindi niya hinangad na siya ang magwagi. Magaling siya, may ibubuga siya pagdating sa pagkanta. Ngunit alam niya sa sarili na may mas magaling pa sa kanya ngayong gabi.

Kahit sanay na siyang kumanta sa harap ng maraming tao, hindi niya napigilan na siya ay kabahan nang nasa intablado na siya. Narinig niya kasi kanina na isa sa mga Montefalco ang hurado ngayong gabi.

Sa kwento at sabi-sabi niya lang nakilala ang magkapatid na iyon. At ni minsan ay hindi niya pa ito nakita. Para sa kanya, suntok sa buwan ang makita ang tatlong magkakapatid. Pero ngayong gabi, isa sa mga ito ay kanya nang nakita, nakaharap, at isa rin sa mga taong narito na inalalayan niya ng kanyang awitin.

Nagpalakpakan ang mga tao matapos siyang kumanta. Pati ang mga hurado ay bumilib sa galing niya. Nangangantog ang tuhod na bumaba siya ng intablado. Wala siyang kakilala rito kaya tumabi nalang siya kapwa niya mang aawit habang hinihintay ang resulta. Siya kasi ang huling contestant.

Nilapitan ni Enrico ang kanyang kuya matapos kumanta ni Nadia. Parang aso naman na bumuntot sa kanya ang dalawang pamangkin at lumapit sa ama nito.

"Sabi ko bantayan mo. Hindi ko sinabing dalhin mo sila sa akin, " pikon na wika ni Javier kay Enrico.

Enrico tap his brother's back. "Wag ka na magalit. Nga pala, sabihin mo sa MC na kapag nanalo yung last contestant, ako ang mag aabot ng price niya para rito. "

"Oh, come on man, " disgusto na usal ni Javier. Ngunit binitbit na ni Enrico ang kanyang dalawang anak papalayo sa kanya. Napailing nalang si Javier at sininyasan ang MC na lumapit sa kanya.

'Baka magwawala iyon kapag hindi pinagbigyan.' Sa isip ni Javier habang tinatanaw ang kanyang nakababata na kapatid. Karga nito sa magkabilang bisig ang dalawang pamangkin na inaantok na.

"Dahil hindi nakahabol si Mr. Enrico to be part of our judge's tonight. Don't worry dahil isa siya sa mag aabot ng price sa contestant na manalo ngayong gabi. "

Napako ang paningin ni Nadia sa MC nang magsalita ito. Kung ganoon, narito rin si Enrico? Makita niya na rin sa wakas ang popular na babaerong binata.

Hindi pa man iyon nangyari ngunit nanginginig na ang kalamnan ni Nadia na masapak ang binata. Ewan ba niya kung bakit kumukulo ang dugo niya sa lalaki na iyon.

"Absent ngayon si Mr. Ethan. Dahil maselan ang pagbubuntis ng kanyang fiance kaya hindi sila nakadalo. Anyway, handa na ba kayo para malaman kung sino ang kampiyon sa gabing ito? "

Naghiyawan ang mga tao. Kanya-kanya silang sigaw sa kanilang nagustuhan na manalo. Napangiti si Nadia nang marinig niya ang kanyang numero na sinisigaw ng mga tao. Kampante siya na manalo siya, ngunit hindi niya hinahangad na mauwi niya ang first price. Kontento na siya sa second at third. Kung hindi papalarin, kahit consolation price lang matanggap niya ay ayos na iyon sa kanya.

Ngunit kinabahan siya nang hindi pa tinatawag ang kanyang pangalan. Kapag hindi siya ang nanalo bilang third place ay baka second place siya. Ngunit iba ang nanalo ng second place. She was about to live dahil alam na niya na hindi siya pasok sa gabing ito para manalo ngunit saglit na tumigil ang kanyang paghinga nang...

"And our champion for singing contest tonight is goes to contestant number 8. Our last contestant from Malasila, Nadia Carnaje! "

Naghiyawan ang mga tao nang umakyat siya sa intablado para tanggapin ang kanyang napanalunan. Hindi parin siya makapaniwala na siya ang nagwagi.

"Mr. Enrico Montefalco will give the bouquet and cash prize. And Mrs. Janice Montefalco will give the trophy," wika ng MC na ikinatigil ni Nadia.

"Porque sexy at maganda nagbulontaryo kang iabot ito. Kaya pala nangdududa ang tingin sayo ng kuya mo, " wika ni Janice nang sabay silang dalawa na umakyat. Natawa nalang si Enrico sa sinabi ng bayaw.

Pinilit ni Nadia ang sarili na ngumiti nang tanggapin niya ang bouquet na inabot ni Enrico. Ngunit napakislot si Nadia nang maramdaman ang init ng palad ni Enrico na marahang humaplos sa kanyang kamay nang iabot nito sa kanya ang sobre na pinaglagyan ng cash price.

Enrico smile at her lovely. "Congratulations."

Nabaling ang kanyang atensyon kay Janice nang iabot rin sa kanya ang trophy na hawak at binati rin ito. Humalik pa sa kanyang pisngi si Janice na ikinagulat naman ni Nadia.

Hanggang sa makababa siya hindi parin nawala ang gulat sa kanyang mukha. Ngunit nang maalala ang ginawa ni Enrico, ang pasimple nitong paghipo sa palad niya;para sa kanya hipo na iyon dahil hindi ganoon ang isang normal na tao kapag may isang bagay ito na inabot sayo.

Nanggagalaiti ang buo niyang katawan sa ginawa ni Enrico. Gusto niya itong sampalin kanina. Ngunit bilang respeto sa maraming tao pinigilan niya ang sarili. Baka siya pa ang maging masama sa paningin ng lahat kung ginawa niya iyon.

Nang makita ni Enrico si Nadia na nagmamadali na umalis. Tinapik niya sa balikat ang Kuya Javier niya bilang paalam rito. Sa kabila siya dumaan. Kailangan mauna siyang makarating sa kalsada bago si Nadia.

Sa pagmamadali ni Nadia na maka alis, muntik nang mahulog ang kanyang bitbit. Hindi niya kasi inaasahan na siya ang mananalo ngayon lalo na at marami sa kanila ang magagaling. Pero sa huli, siya ang nagwagi. Hindi lang cash price ang nakuha niya may trophy na rin.

Gusto na niyang makaalis dahil tumataas ang presyon ng dugo niya sa isiping naririto sa paligid ang presensiya ng taong kinaiinisan niya.

Tama nga si Nenita. Na isang babaero ang kanyang amo. Porque malaki ang kanyang hinaharap dadaanin na niya ito sa landi at simpleng paghipo.

Nakahawak ang isang kamay ni Nadia sa laylayan ng kanyang dress. Nilalamig na rin siya pero wala paring tricycle. May dumadaan naman pero may sakay at ayaw siyang hintuan.

"Do you need a ride? " mapang akit na wika ni Enrico. Malagkit na tingin ang iginawad nito sa kabuuan ni Nadia nang bumaling sa kanya ng tingin ang dalaga.

Nakasandal si Enrico sa isang mamahaling sasakyan. Hindi parin nabura ang malagkit niyang tingin kay Nadia. He has full of confidence na um-oo si Nadia sa alok niya.

Imbis na sagutin, tinalikuran siya ni Nadia at pinara ang trycicle na paparating. Mabilis siyang sumakay doon. Nakita niya pang sinundan siya ng tingin ni Enrico. Naka awang ang labi nito sa hindi inaasahan na nangyari sa kanya sa pagtanggi ni Nadia. Ito ang unang beses na may babaeng tumangi sa kanya. Isang babae na hindi siya pinansin at balewala ang kanyang makamandag na karisma.

Pasinghap na ngumisi si Nadia. 'Sa tingin niya kagaya ako ng ibang babae na magkandarapa sa kanya? Ulol! Hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya. To a womanizer like him. Never!' Aniya sa sarili.

"Hindi ba umubra ang pamatay look mo? Initsapwera ka, e. Nakita ko," hindi niya sinagot si Nenita dahil naroon parin sa tricycle na papalayo ang kanyang tingin. "Baka bestie ko yarn. "

Nilingon niya ang dalaga. Doon lang nag sink sa kanya ang ginawa ni Nadia ngayon-ngayon lang. "Kaibigan mo? "

"Hindi. Hindi ko nga kilala yun, e. " pamilosopo ni Nenita. "Hindi ka makaka-iskor doon. Ang isang katulad mo ay hindi niya type. Minus points rin ang pagiging babaero mo kaya iba nalang tirahin mo. "

Dinuro niya ang dalaga. Binigyan naman siya ni Nenita ng nanghahamon na tingin. "Ang pangit ng salita mo, " wika niya.

Nenita gasped. "Mas pangit ang mukha mo. "

"Hindi iyan ang sinabi mo sa akin kanina. "

"Nagbabago ang isip at pananaw ng isang tao kada segundo--"

Nangunot ang noo ni Enrico nang bigla nalang tumigil sa pagsalita si Nenita at walang ano-ano'y tinalikuran siya nito.

"Problema no'n? " aniya na napakamot ng ulo. Sinundan niya ang dalaga kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan.

Wala na sa mood si Nenita. Nang makapasok siya kaagad namang binuhay ni Nenita ang sasakyan at minaubra iyon paalis.

She is driving silently. Ngunit mas mabilis ngayon ang paraan ng pagmamaneho niya kumpara kanina. Ino-overtake-an niya rin ang lahat ng sasakyan sa unahan nila. Na para bang nagmamadali, may iniiwasan, o may hinahabol na tao.

Nagbuhol ang kilay ni Enrico nang makita sa review mirror ang sasakyan na nasa kanilang likuran. Sasakyan iyon ng kanyang pinsan. Iyong pinsan niyang palagi niyang kasama sa racing field kapag trip niyang kumarera.

'What is he doing? ' tanong ni Enrico sa kanyang isipan.

Magsasalita na sana siya nang bigla siyang masubsob sa bintana ng sasakyan nang bigla iyong iniliko ni Nenita sa kanto papasok sa kanilang mansyon. Hindi pa siya naka upo ulit ng maayos ng inikot pabalik ni Nenita ang sasakyan sabay preno dito sanhi nang kanyang pagkangudngod sa harapan. Kung hindi siya naka seatbelt ay baka nalampaso na ang mukha niya sa salamin sa harap ng sasakyan.

Galit na lumabas si Nenita at tinungo ang sasakyan na nasa kanilang harapan. Hindi naman lumabas kung sino ang sakay doon. Dinuduro niya ito at pinagsisipa ang gulong. Hindi pa nahimasmasan sa pagkabigla si Enrico kaya kahit ang gumalaw ay hindi niya nagawa.

Nang makita na pabalik na si Nenita. Hindi na niya hinayaan na ang dalaga ang muling magmaneho. Baka hindi pa sila maka abot sa mansyon sa klase ng pagmamaneho ni Nenita. Baka sa hospital ang bagsak nila.

Hindi siya makakapayag doon. Kailangan niya pang makuha ang babaeng minsan ng tumanggi sa kanya. Dahil para sa kanya, walang gusto niya ang hindi niya nakukuha. And within this week ay dapat matikman na niya ang babaeng siyang dahilan bakit sumasakit ang puson niya ngayon.

"Badass, " bulalas niya nang makabalik si Nenita sa loob ng sasakyan.

Hindi naman ito nagtanong kung bakit si Enrico na ang nasa driver seat at hindi siya. Seryoso ang kanyang mukha at matalim ang tingin sa labas ng sasakyan.

"Paano kung ipa pulis tayo no'n? " kaswal na tanong ni Enrico at pinaandar paalis ang sasakyan pauwi ng mansyon.

"Marami ka namang pera magawan mo ng paraan iyon, " walang buhay na sagot niya.

Napaismid na tumahimik si Enrico. Parang may mali sa pangyayari na ito. Ngunit sa ganitong hitsura ni Nenita alam niyang hindi niya ito makausap ng maayos ngayon.

"Hindi na kita maihatid sa loob. May pupuntahan pa ako, " aniya nang makarating sila sa mansyon. Walang salita na lumabas si Nenita dahil alam niya kung saan pupunta ang kanyang binatang amo.

Enrico goes to the place where he always go when he need a fuck.

"Hey, miss beautiful. Wanna fuck? " saad kaagad ni Enrico nang makita ang babaeng natipuhan niya.

Nakakaakit na ngiti ang tugon ng babae at pumasok sa loob ng sasakyan ni Enrico. Akma siyang hahalikan ng babae ng iniwas niya ang mukha niya rito sabay iling. Hinubad niya ang damit na suot pati ang pantalon. Kinuha niya ang nakatagong condom sa compartment at sinuot iyon.

"Ride on me, " he said at sumandal sa upuan.

Para namang asong uhaw ang babae na pumatong at sinimulang iindayog ang katawan.

"Don't lay your hands on my body. Just move... "

Napaungol na humawak ang babae upuan upang doon kumuha ng lakas. Enrico close his eyes. Ang mukha ni Nadia kaagad ang kanyang nakita. Ang malaki nitong dibdib at ang magandang hubog na katawan.

"Ahh... Faster... " Enrico grunting habang pinapantasya si Nadia sa kanyang isipan.

"Stop, " galit na usal niya bigla. "Stop it and get out.

" W-what?" Tigagala na usal ng babae at umalis sa ibabaw ni Enrico.

"I said get out. Bingi ka ba? "

"B-but were not done yet? "

Kumuha si Enrico ng pera sa kanyang wallet at inabot sa babae. "Now, get out. "

Walang nagawa ang babae kundi ang magbihis at bumaba dahil galit na ngayon si Enrico.

Hindi rin alam ni Enrico kung bakit bigla nalang siya nawalan ng gana at nagalit ng walang dahilan. Iniisip niya lang naman si Nadia tapos nagkaganoon na siya.

He fixed himself. Balak niyang pumunta sa Thumbayan at uminom nang sa ganon mahimasmasan siya at makapag relax but he ended up to their mansion. Doon niya lang narealize na ang daan na tinatahak niya ay pauwi sa kanilang mansyon nang makita niya ang mataas na gate ng kanilang bahay.

Dumiretso siya sa kanyang kwarto. At sa kauna-unahang pagkakataon, nalito at nagtaka si Enrico sa kanyang sarili. Dahil ang Enrico na siya, hindi mapakali kapag hindi nakaraos, kapag hindi nakontento, at kapag hindi naka inom ng alak.

Pero ngayon ay bigla nalang parang nawalan siya ng gana.

Napahilamos siya ng mukha sa ilalim ng shower. "What is happening to me? " frustrated niyang tanong sa sarili.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Erlita Geronimo
Ang ganda2 Ng story ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status