Paungol na dinakma ni Enrico ang kanyang ari ng makapasok siya sa loob ng kanyang sasakyan. "Ugh, fuck! " mahinang d***g niya. Napasandal siya at mariing napapikit sa sakit na naramdaman sa kanyang puson. "Bakit hindi sinabi ni Nenita na ang kaibigan na tinutukoy niya ay iyong babaeng hindi tinanggap ang alok ko," gigil na himutok niya. Mabilis na minaubra niya ang sasakyan papunta sa Thumbayan nang maibsan ang init ng katawan. Ngunit ng makarating doon, bigla nalang ay ayaw niyang may babaeng lalapit sa kanya. Bigla ay naging lupaypay ang tore niya na kanina ay tayong-tayo. "Pass, " aniya ng sasalinan siya ng kaibigan ng alak. Tumaas ang dalawang kilay ni Ervin at ibinalik sa ayos ang alak saka tumabi sa kanya. "Bago iyon, a. Papunta na ba tayo sa bagong buhay? " may halong pang aasar na wika ni Ervin. Napailing si Enrico. Umalis siya sa mansyon dahil gusto niyang makapagrelax. Pero ilang segundo palang siyang naka upo gusto na niyang umuwi. He didn't know the real reason. Kung d
The joy that Nadia felt was indescribable nang malamang siya ang napili ni Enrico bilang maging yaya ng anak nito--este ng kanyang pamangkin na pina angkin niya kay Enrico. Ngunit sa puntong ito kailangan ng itatak ni Nadia sa kanyang isipan na ang batang ito ay hindi niya pamangkin sa loob nitong mansyon kundi isang alaga niya at yaya naman siya nito. Mangiyak-ngiyak siya sa tuwa kanina habang mahigpit na niyakap ang pamangkin ng umalis si Enrico. Na miss niya itong hawakan, kargahin, alagaan, lahat-lahat namiss niya sa pamangkin kahit pa mahirap ang naging karanasan nito ng maisilang siya. "Nenita," tawag pansin niya sa katulong na nakadikuwarto na nakahiga sa malaking sopa. "Uuwi muna ako sa bahay saglit. Kukuha ako ng mga damit ko."Tumayo ang dalaga at itinago sa bulsa ang cellphone na kanina ay hawak niya. "Tara, samahan kita. Pahatid tayo sa driver ng makabalik ka kaagad. "Hindi na siya tumanggi dahil pahirapan ang pagsakay dito sa loob ng village lalo na kapag gabi. Safe na
Nagmadali siyang pumasok sa kanyang kwatro para maligo habang tulog pa ang alaga niya. Nanggigigil siya kay Enrico ngunit kailangan niyang pigilan ang sarili na hindi makasabi dito ng masamang salita. Baka bukas ay wala na siyang trabaho kung pairalin niya ang galit at inis dito. Matapos mag ayos ng sarili binalikan niya ang sanggol. Gising na ito ngunit tahimik lang. Nasa banyo parin si Enrico. Kinuha niya ang sanggol upang papaarawan ito saglit. Hindi niya kasi alam kung paliguan ba ito muna, o sino ang magpapaligo. Hindi niya pa kasi nasabi kay Enrico na hindi siya marunong magpaligo ng sanggol. "Good morning ho, Don Emmanuel. " nakangiti na pagbati ni Nadia ng makasalubong niya ang matanda sa hagdan. Pa akyat ito. Siguro ay pupunta sana ito sa kwarto ni Enrico para silipin ang apo. "Magandang umaga, hija. Magandang umaga rin sa aking apo, " magiliw na wika niya na may matamis na ngiti sa labi. Hinaplos niya ng marahan ang ulo ng sanggol. "Tanggalin mo ang lahat ng suot niya bag
Si Nadia ang may hawak sa sanggol habang tinuturuan siya ni Liel kung ano ang kanyang gagawin sa tamang pagpaligo sa bata. Hindi naman nahirapan si Nadia at nakuha niya kaagad ang mga tinuro dito. Behave ang pamangkin niya. Gustong-gusto niya na pinapaliguan siya. Doon lang siya umiyak nang iahon na siya sa tubig. "Itong bata talaga na ito baliktad ang iyak, " magiliw na saad ni Liel. "Saka ka na magtagal sa tubig kapag malaki ka na. Naku, baka magka pulmonya ka ako pa sisihin ng tatay mo. "Hindi na siya tinuruan ni Liel sa pagbihis dito dahil alam na niya iyon. Pagkatapos bihisan ay pinadede na niya ito at nakatulog ang kanyang pamangkin. "May pangalan na ba iyang anak mo?" Tanong ni Liel habang pumapapak ng apple na sinasawsaw niya sa bagoong. Napangiwi si Nadia at parang nasusuka na nakatingin kay Liel na sarap na sarap sa kinakain."Oo nga. May pangalan na ba iyan? Mag isang linggo na iyan dito, " segunda ni Ethan. "Wala pa--""Anak ng tupa! " palatak ni Liel. Mahinang tinapik
Napaayos ng pag upo si Don Emmanuel sa sinabi ng anak. Lalo siyang nagtaka at naguluhan dahil hindi naman kusang lumalapit sa kanya si Enrico kapag ito ay may kailangan. Madalas ang mga kuya niya ang nagsusumbong sa kanilang Ama na siya ay may problema at kailangan nito ng kausap at doon lang mangingialam si Don Emmanuel. Kilala niya ang anak. Hangga't kaya nitong hanapan ng paraan at sulosyonan ang problema hindi ito lalapit kahit pa sa kanyang pamilya. Kaya ganito nalang ang nararamdaman ni Don Emmanuel ngayon habang kaharap ang anak at humihingi ng tulong sa kanya. "Maupo ka muna, " aniya kay Enrico. Umupo si Enrico sa bakanteng upuan na nasa harapan niya. "Ano ba iyang problema mo? Bakit kailangan mo ang opinyon ko? ""Dahil sa bilis ng pangyayari na dumating ang anak ko ng biglaan sa bahay, hindi ko naisip na hindi ko pa pala siya nabigyan ng pangalan, " napahaplos siya sa kanyang batok na para bang kay bigat ng problema niya. "Ni hindi ko naiparehistro ang birth certificate ni
Kanina pa gising si Enrico but his eyes were half open. Nakatitig siya kay Nadia. He was fantasizing her beautiful and innocent face. Ngunit may nangistorbo sa kanya. Si Nenita. Si Nadia ang unang umiwas ng tingin. Para siyang mapapaso sa klase ng titig ni Enrico sa kanya. Naiilang rin siya kasi iba ang kanyang naiisip. Na baka pinagnanasaan na siya ni Enrico sa kanyang isipan. Napansin ni Enrico na naiilang ang dalaga kaya umakto ito ng normal nang sa ganun mawala ang pagkailang sa kanya ni Nadia. Hindi niya tinapunan ng tingin ang dalaga nang tumayo siya at nagtungo sa kusina upang kumain nang humilab ang kanyang sikmura. Sakto at nakaluto na si Nenita kaya nauna na siyang kumain. Inaantok rin kasi siya at pagod sa buong maghapon sa munisipyo. Napanguso na sinundan ng tingin ni Nadia si Enrico na paakyat sa hagdan. Galing ito sa kusina. Ni hindi man lang siya nito kinausap o nilapitan ang anak bago pumanhik sa itaas. 'Baka pagod lang. 'Sa isip niya at muling itinuon ang atensyon
Lumipas ang mga araw unti-unti ng natanggap ni Nadia na ang kanyang pamangkin ay kabilang na sa pamilyang Montefalco. Sa pamamahay na ito wala siyang ugnayan sa bata kundi isang yaya at hindi bilang tita nito. Magka ugnay lang sila sa dugo ngunit hindi sa karapatan. Naging madalang nalang ang pagbisita ng mga kuya niya at bayaw kaya ang buong pag aalaga sa bata ay si Nadia. Madalas rin siyang umaalis para pagtuunan ang mga negosyong hawak niya at isa na ang DZM. Pressure iyon para kay Enrico dahil natatakot siyang magkamali, natatakot siyang mabigo ang mga taong umaasa sa kanya lalo na sa kanyang Ama na mataas ang expectation nito sa kanya. Isang linggo na siyang pagod at stess. Dumagdag pa sa kanyang iniisip ang pagkahumaling kay Nadia. Para maiwasan ang pagkabuhay ng katawang lupa ni Enrico, iniiwasan niya si Nadia. Madalang niya lang ito kinakausap. At uuwi siya sa gabi na tulog na ang dalaga. Pero naging mahirap sa kanya ang ganoong senaryo. Aminin niya man o hindi, nasasabik p
Unang gabi na sa kanyang silid matutulog ang kanyang pamangkin. Ito rin ang unang gabi na hindi siya makatulog ng maayos dahil sa pag o-overthink. Ang dami niyang what if. Naglagay pa siya ng bell sa likod ng pintuan para ma alarma siya kung mayroon mang papasok sa kanyang kwarto. Ngunit sa unang gabi, walang Enrico na sumilip doon. Naging kampante siya lalo na nang ibalita sa kanya ni Nenita na tuwing madaling araw na nakakauwi si Enrico at lasing pa ito. Kaya sa ikalawang gabi hindi siya nabahala na siya ay makatulog ng mahimbing. Ngunit naroon parin ang pag iingat kung sakali. Buong linggo na hindi nakita ni Enrico si Nadia. Pati ang kanyang anak na walang kamuwang-muwang ay nadamay dahil sa kagagawan niyang pag iwas dito. Paano ba naman kasi, hindi niya ito sinisilip sa silid ni Nadia simula ng lumipat ito doon sa pagtulog. Wala rin siya buong araw sa mansyon. He overworked his self all day. At didiretso sa Thumbayan sa gabi para ilunod ang sarili sa alak nang sa ganun sa kanyan